"A-Aray! Ang sakit! Tulong! Pinupulikat ako! Tulong!" Malakas na sigaw ng babae.
Ayaw sanang lapitan ng binata ang babae dahil unang-una ay naka bra at panty lang ito. Pangalawa ay baka matakot ito sa kanya kapag nakita nito ang kaniyang mukha. Pero ang nasa isip lamang niya nang mga panahon na 'yon ay kailangan niyang tulungan ang babae.
Kaya agad itong lumusong sa tubig at iniligtas ang babaeng humihingi ng tulong.
Doon ay agad nitong tinulungan at inahon ang babae mula sa tubig. At pina upo ito sa damuhan.
"Relax ka lang," saad pa ng binata at dahan-dahan na inaalalayan ang paa ni Fiona na ibinababa ng tuwid.
"Aray!" inda pa ng dalaga na halos mangiyak-ngiyak sa sakit. Pero huli nang maalala nitong naka panty at bra lamang siya ng suot. Nakita rin niyang naka maskara ang mukha ng lalake na mata lamang ang nakikita.
Kaya agad niyang itinulak ang lalake na ikina kunot ng noo nito sabay tingin ng masama sa dalaga.
"Ikaw na ngang tinutulungan, ikaw pang may ganang mag ganyan at walang utang na loob!" galit na saad ng binata.
"So-Sorry, nabigla ako."
Agad naman na pinulot ng lalake ang saplot ng babae na malapit sa kaniya at patalikod na lumapit dito. Upang ibigay sa babae.
"Itong damit mo. Kapag okay ka na at kaya mo ng maglakad. Umalis ka na rito," taboy pa ni Lorenzo.
"Bakit mo ako pinaalis? Pag-aari mo ba 'to?" matapang pa na tanong ng dalaga at mabilis na nagbihis ng damit.
"Oo, at ayokong may ibang taong naliligo sa batis ko. Umalis ka na rito kung ayaw mong mapahamak at makakita ng halimaw." Banta at pananakot pa ng binata, naglakad na ito paalis at iniwan ang dalaga.
"Suplado na nga ang yabang pa."
Maya maya pa ay okay na ang naging pakiramdam ni Fiona at naglakad na ito papuntang mansyon upang balikan ang basket.
"Tao po, kukunin ko lang 'yong basket," wika ng dalaga mula sa gate ng mansyon.
Pero walang sumasagot ngunit naririnig iyon ng binata mula sa loob.
"Ang tigas talaga ng ulo nang babae na 'to."
"Hello! May tao ba rito?" muling saad ng dalaga.
"Kukunin ko lang 'yong basket."
'Kapag hindi ko dala 'yong basket. Pat*y na naman ako kay inay," saad nito sa kanyang isipan.
"Papasok na ako. Kung ayaw mong ibigay iyong basket dito, paki lagay na lang sa pintuan," wika pa ni Fiona at lakas loob itong pumasok sa loob ng gate.
Agad naman inilgay ni Lorenzo ang basket sa tabi ng pintuan.
Nang malapit ng makapasok si Fiona sa pintuan dahil naka bukas 'yon ay nasilayan nito ang loob na madilim at parang walang nakatira.
"Mansyon ba 'to? Bakit ang dilim?" tanong pa nito sa kanyang sarili.
"Nakita mo na siguro ang pakay mo. Maari ka ng umalis. Oh, baka naman gusto mong kaladkarin pa kita palabas," wika pa ni Lorenzo na nag-e-eko ang boses sa loob ng mansyon.
Nakaramdam tuloy ang dalaga ng pagkapahiya at agad itong lumabas.
"Hala! Hindi ko namalayang magdidilim na. Lagot na naman ako nito kay inay," nag-aalalang saad ni Fiona kaya agad itong nagmamadaling umalis.
Hindi pa siya nakakalayo nang biglang pumatak ang ulan.
"Ano ba 'yan? Ang malas naman ng araw na 'to! Wala pa naman akong masisilungan," saad pa ng dalaga habang naglalakad ito.
Hindi tuloy mapakali si Lorenzo dahil sa kakaisip nito sa dalaga, na baka maligaw ito dahil madilim na sa daan at ang isa pa ay umuulan na.
Kaya napagpasyahan niyang sundan na lamang ito at siguraduhing ligtas ang dalagang makakauwi.
"Inabutan na ako ng dilim, makakauwi pa kaya ako sa amin? Paano kung makita ko nga iyong halimaw na sinasabi ni Marie?" natatakot na tanong nito sa kanyang sarili. Habang naglalakad siya at basang-basa na ang katawan nito.
Hanggang sa makaramdam siya ng pagod at panghihina. Nilalamig na rin ito dahil sa basang-basa siya ng ulan.
Pinilit pa ring maglakad ni Fiona kahit hindi na maganda ang pakiramdam niya hindi naglaon ay nakaramdam ito ng pagkahilo at natumba siya.
Dahil kabisado ni Lorenzo ang lugar ay hindi naglaon ay natagpuan nito si Fiona na walang malay.
"Sabi ko na nga, eh," saad ng binata at masuyo nitong binuhat ang dalaga na walang malay.
Dinala nito si Fiona sa mansyon at dahil walang tao roon at wala rin ang kanyang katiwala. Pati na rin ang taga pag-alaga niyang may edad na babae ay walang choice kung hindi siya ang mag-aalaga sa babae.
Inihiga nito ang babaeng walang malay sa isang kuwarto na katabi ng kanyang kuwarto.
Dahil dalawa lamang sila ay siya mismo ang nagtanggal ng damit ng babae. Mabilis lamang ang ginawa niya, habang hinuhubaran niya 'to ay nanginginig ang kanyang mga kamay ngunit sa mukha lamang siya ng babae nakatingin. Kahit pa nakakaramdam siya ng kakaibang init. Mabilis lang niyang pinalitan ng damit ang babae at ang damit ng kanyang ina ang ibinihis nito. Kumuha rin siya ng basang dimpo na may maligamgam na tubig at ipinunas 'yon sa noo, braso at binti ng dalaga.
Nararamdaman din niya ang init ng katawan ng dalaga pati na rin ang panginginig nito. Kaya kumuha ito ng makapal na kumot.
"Inay, patawad po," sambit pa ng dalaga habang naka pikit ang mata nito na nanginginig ang katawan.
Dahil alam niyang nilalamig ang dalaga ay niyakap niya ito at kinumutan niya kasama ang kanyang katawan.
Hanggang sa naramdaman na lang nito ang pagyakap din ng dalaga sa kanya.
Doon ay masuyo niyang pinagmasdan ang maamong mukha ng dalaga. Hinawi rin nito ang buhok ng dalaga.
Hanggang sa nakaramdam siya ng antok at hindi namamalayang nakatulog na rin.
Nagising si Lorenzo dahil sa pangangalay ng kamay nito na ginawang unan ng dalaga.
Kung kaya dahan-dahan niyang tinanggal ang ulo ng babae sa kaniyang braso.
Ngunit hindi pa man siya nakaka tayo at bigla siya nitong niyakap at isiniksik ang katawan nito sa kanyang dibdib.
Nakaramdam tuloy ang binata ng kakaibang pintig ng kanyang puso at ilang, hindi tuloy siya makagalaw ng maayos.
Pansamantala niyang pinabayaan iyon. Pero mayamaya pa ay muli niyang tinanggal ang pagkakayakap sa kanya ng dalaga. Hanggang sa nakawala siya rito at agad na tumayo. At lumipat sa kanyang silid.
Samantalang nagising si Fiona sa sikat ng araw na tumama sa kanyang mukha.
Sa pag dilat ng kanyang mata ay halos lumawa iyon ng mapansing wala siya sa kanilang bahay.
"Nasaan ako?" Biglang bangon na wika nito.
"Miss, andito ka mansyon. Huwag kang mag-alala," saad ng isang babaeng may edad na.
"Pa-Paano ako napunta rito?" tanong pa nito na nagtataka.
"Ito na ang damit mo, salamat sa dinala mong ulam ni senyorito kagabi. Makakauwi ka na," wika ng may edad na babaeng nakangiti.
"Damit? Si-sinong nagbihis sa akin?" tanong pa ng dalaga na walang matandaan.
"Huwag ka ng matanong. Ang importante ligtas ka," wika pa nito.
"Hala! Umaga na! Pat*y ako nito kay Inay," wika pa ng dalaga at nagmadali itong umalis at lumabas ng mansyon bitbit ang basket.
"Good morning, senyorito. Kumusta po ang tulog niyo? Umalis na po ang babae," bati nito kay Lorenzo.
"Pakisabi kay Manong Edgar. Sumunod siya sa library room. May pag-uusapan kami." Utos nito.
"Masusunod po, senyorito."
"Pinatawag niyo raw po ako?" tanong ni Edgar ang isa sa mga katiwala ng mansyon.
"Gusto kong kilalanin mo 'yong babae. Delia ang pangalan ng kanyang ina. Alamin mo ang lahat ng tungkol sa kanya." Utos nito.
"Masusunod po, Senyorito." Sagot naman ni Edgar.
Itutuloy---