"Lagot ka sa inay mo, Fiona. Kahapon at kagabi ka pa hinahanap nun," saad ni Rochelle ang isa sa mga kanilang kapit bahay.
'Patay talaga ako nito," nag-aalalang saad ng dalaga sa kanyang isipan. Kaya lalong nagmadali si Fiona sa paglalakad.
Patakbong nagtungo 'to sa bahay nila at kita sa itsura nito na pagod na pagod at pinagpapawisan.
"I-Inay," wika nito nang mabungarad ang kanyang ina na nasa labas at naghihintay.
'Patay, mukhang nakainom pa yata si Inay," wika pa nito sa kanyang isipan na nag-aalala at nakakaramdam ng takot.
"Sa'n ka galing?! Hindi ba't kabilin-bilinan ko sa iyo na huwaģ na huwag kang magpapaabot ng dilim doon!" Galit na galit na tanong ng kanyang ina at hinila siya nito sa kanyang buhok. Kinaladkad rin nito ang dalaga patungo sa loob ng bahay nila.
"Sorry po, Inay. Naligo po kasi ako sa batis at pinulikat ang mga paa ko. Tapos no'ng pauwi na po ako, nakaramdam ako ng pagkahilo at wala na akong naalala. Paggising ko na lang nasa loob na ako ng mansion ng mga Salvacion. Nay, patawad po hindi na mauulit," pagsasabi nito ng totoo habang nagmamakaawa.
"Ikaw talagang babae ka, lakwatsadera ka! Ang tigas pa ng ulo mo. Hindi ka marunong sumunod sa pinag-uutos ko! Galit muli na wika ng ina nito at doon ay pinalo nito si Fiona sa hita.
"Tama na po, Inay. Hindi ko na po uulitin at magtatanda na po ako," pagmamakaawa nito habang tumutulo ang mga luha niya.
"Talagang magtatanda ka na. Kasi kapag hindi ka pa nagtanda. At uulitin mo pa, talagang bibitayin kita at hindi lang ito ang mapapala mo sa akin!" sigaw pa ng ina nito.
"Tama na 'yan, Delia! Ano ka ba? Mag lalabing walong taon na ang anak mo. Dalaga na 'yan. Tapos pinapalo mo pa rin, ano'ng sasabihin ng mga kapit bahay natin? Nakakahiya ka!" awat din ni Nida ang nakakatandang kapatid nito at tiyahin ni Fiona.
Agad din nitong kinuha ang dalaga at inilayo sa ina nito.
"Mabuti pa pumunta ka na roon sa school ng kapatid mo at hatiran mo ng pagkain si Ana," utos naman ni Nida kay Fiona.
"Opo," agad saad naman ng dalaga na takot na takot sa kanyang ina habang tumutulo ang luha nito at nagtungo sa kusina upang kunin ang baon ng kanyang nakababatang kapatid, patakbo rin itong umalis ng kanilang bahay.
"Kaya, lumalaking suwail 'yang bata na 'yan. Dahil palagi mo na lang pinapaboran! Samantalang wala ka namang karapatan sa kanya. At lalong hindi mo naman ka ano-ano. Kita mo kung ano'ng ginawa niya. Inutusan ko na bago magdilim dapat makauwi na siya. Pero ano'ng ginawa niya naligo pa siya sa batis!" galit na saad nito.
"Delia, dahan-dahan ka naman sa bata.Pati 'yang bunganga mo, baka may makarinig. Oo, tama ka, alam nating pareho na hindi ko ka ano-ano 'yang bata. At wala akong karapatan sa kanya. Dahil hindi mo siya anak. Anak lang siya ng namayapa mong asawa sa una nitong asawa. Pero, Delia. Napamahal na ako sa batang 'yan. Parang anak ko na rin ang turing ko sa kanya. Hindi porque wala na si Romeo. Oh, ang asawa mo. Basta-basta mo na lang pagbubuhatan ng kamay ang bata. Alalahanin mo ang pinangako mo sa asawa mo bago siya mamatay. May isip na si Fiona, baka mamaya maglayas 'yon. Oh, mag rebelde," paalala naman nito sa kanyang nakababatang kapatid.
"Huwag mo akong questionin sa pagiging Ina ko. Oh, pagdidisiplina ko kay Fiona. Dahil ginagawa ko kung ano sa tingin ko ang tama. Saka wala na Romeo kaya hindi 'yon gagawin ni Fiona mag layas. Dahil wala siyang pupuntahan na iba," saad pa ni Delia.
"Tama? Tama ba 'yang pagpapaluin mo ang bata ng dos por dos na pamalo? Ayon na nga, eh. Wala na si Romeo kaya sa iyo lang kumakapit si Fiona. Ikaw lang ang mayroon siya. Kaya sana naman maawa ka sa bata. Kahit katiting na pagmamahal. Bigyan mo rin siya, pakitaan. Hindi porque wala na si Romeo. Mag-iiba na rin ang turing mo sa kanya. Ano 'yon? Kapag nawala na iyong ama magbabago ka na rin kay Fiona?" pakiusap pa nito.
"Oo, dahil noon pa man, hindi ko na tanggap si Fiona. Si Romeo lang ang mahal ko, ang kailangan ko. Hindi ang anak niya sa ibang babae. Saka noon kinailangan kong pakisamahan at tanggapin si Fiona, para mahalin din ako ni Romeo. Pero ngayon na wala siya. Hindi ko na rin kailangan pang magbait-baitan pa pesteng batang 'yon," pagpapaka totoong saad ni Delia.
"Kunģ gano'n, ka plastikan lang pala ang pinakita mo sa bata. Ngayon alam ko na. Kaya magmula sa araw na 'to. Asahan mo na hindi tayo magkakasundo pagdating kay Fiona," madiin na wika nito at lumabas na rin ito ng bahay.
"Oy, Fiona. Naririnig ko 'yong pagsisigaw ng inay mo kanina sa bahay ninyo, ah? Pinalo ka na naman ba ng Nanay mo? Iyong Ina mo talaga," saad na lamang ni aling Josephine.
"Opo, pero hindi naman po masakit. Saka dinisiplina lang po niya ako. Kasalanan ko naman po 'yon. Saka nakainom po 'yon si Inay kaya gano'n siya," wika na lamang nito.
"Pero, mali pa rin 'yon. Dalaga ka na, siya nga pala. Nagpunta ka pala kahapon sa mansyon ng mga Salvacion. Balita ko ka uuwi mo lang. Doon ka ba natulog?" tanong pa nito.
"Sanay na po ako kay Inay. Gaya po ng sabi ko, aminado po ako na may kasalanan po ako. Kaya pinalo po ako at nakainom po si Inay. Opo, nakatulog po ako sa mansyon ng mga Salvacion," sagot naman nito.
"Wala ka bang naramdaman na kakaiba roon? Saka may halimaw daw doon," usisa agad ng ginang.
"Hindi po 'yon totoo. Wala naman pong kakaiba roon. Saka lalong wala pong halimaw sa mansyon ng mga Salvacion," paniniguro pa ni Fiona.
"Sige po, mauna na po ako. Tanghali na po, baka gutom na po ang kapatid ko," wika na lamang ni Fiona at iniwan na ang ginang sa paglalakad. Mabilis din itong naglakad palayo.
Pagdating nito sa school ay agad itong pumasok sa loob ng gate. Doon ay naghintay siya hanggang sa makita niya nagsilabasan na ang mga kaklase ng kanyang kapatid.