Nang makita na ni Fiona ang nakababatang kapatid nito ay agad niya 'tong nilapitan.
"Ate! Mabuti at nakabalik ka na. Pinag-alala mo kami. Ano bang nangyari sa 'yo?" agad naman na tanong ng kanyang nakababatang kapatid. At masaya 'to nang makita si Fiona.
"Naligaw ka ba?" dugtong pa na tanong nito.
Napatingin si Fiona sa mukha ng kanyang nakababatang kapatid. At masaya 'tong makita niya muli ang kanyang kapatid.
"Hindi may nangyari lang na hindi inaasahan. Ang mabuti pa ay kumain ka na." Sagot na lamang nito.
Naglakad sila sa pathway hanggang sa makakita sila ng lamesa na bakanti. At doon ay umupo silang dalawa. Saka niya pinakain ang nakababatang kapatid nito.
"Ate, kumain ka na ba?" tanong pa ni Ana sa kanyang nakatatandang kapatid.
"Huwag mo na akong intindihin pa. Ang mahalaga ikaw, ubusin mo 'tong dala kong pagkain. Para hindi magalit si Inay." Sagot naman ni Fiona.
Ngunit ang totoo ay kagabi pa siya walang kain at nakakaramdam na rin siya ng gutom.
"Ang mabuti pa ay iwan na muna kita rito. Iihi lang ako," paalam na lamang ni Fiona kahit ang totoo ay hindi niya mapagilang mapalunok habang kumakain ang kapatid nito at gumawa na lamang siya ng dahilan.
Dumiretso ng canteen si Fiona at doon ay pinagmamasdan niya ang kanyang kapatid sa hindi kalayuan.
'Mabuti pa si Ana. Mahal na mahal siya Inay. At kahit minsan hindi pa 'to nalilipasan ng gutom. Higit sa lahat ramdam ko na paborito siya kaysa sa akin." Saad na lamang ni Fiona sa kanyang isipan na nakakaramdam ng lungkot. At pilit na binaliwala sa isipan bagkus ay nag-isip na lamang siya kung paano makakatulong sa kanyang ina.
Nang makita ni Fiona na itinago na ng kanyang kapatid ang baunan nito sa dala niyang lunch bag ay saka lamang siya bumalik sa lamesa.
"Ate, ang tagal mo namang umihi. Saan ka ba umihi?"
"Ah, doon sa may canteen. Marami kasing tao roon at bumibili, kaya hindi ako makalabas agad. Tapos nakipag siksikan pa ako." Pagsisinungaling na sagot ni Fiona.
"Tapos ka na ba?" dugtong pa na tanong nito.
"Oo, ate. Kaya lang hindi ko naubos, eh. Kasi busog pa ako. Kaya puwede bang ikaw na lang ang kumain. Baka kasi kapag makita 'yan ni Inay magalit 'yon kasi may naiwan." Pakiusap pa ni Ana.
"Bakit naman hindi mo inubos? Baka mamaya gutumin ka sa klase niyo."
"Sige, ate. Balik na ako sa room ko." Paalam pa nito at agad na naglakad patungo sa kanyang classroom.
Agad naman na tiningnan ni Fiona ang naiwang pagkain ng kanyang kapatid sa baunan at mabilis niya 'yong kinain.
Bago naman tuluyang pumasok si Ana sa kanyang silid ay sinilip pa nito ang kanyang ate. Doon ay nakita niyang sumusubo 'to ng pagkain na parang gutom na gutom. Kaya nakaramdam ng awa si Ana para sa kanyang ate habang napapangiti ito sa kanyang isipan.
Pagkatapos namang kumain ni Fiona ay agad nitong ibinalik ang baunan sa lunch bag.
'Ano kayang gagawin ko rito? At paano ako makakahanap ng pera? Para naman matuwa si Inay sa akin. At hindi siya laging nagagalit. Ang mabuti pa ay maglakad-lakad muna ako at pumunta ng bayan. Baka sakaling makahanap ako ng trabaho. Babalik na lang ako rito kapag uwian na at labasan na," saad pa nito sa kanyang isipan at naglakad na 'to palabas ng school.
Naglakad si Fiona at nagtungo 'to sa bayan upang makahanap ng trabaho.
Sa kanyang paglalakad ay nakakita siya ng maliit na sari-sari store. At hindi 'yon kalayuan sa school ng kanyang kapatid. Nakita rin niya ang karatula na wanted sales lady.
Kung kaya agad siyang natungo roon at nagtanong.
"Tao po!" Wika pa niya sa tapat ng sari-sari store.
"Ano 'yon?" balik naman na tanong ng isang babae na naroon.
"Magandang hapon po. Nakita ko po 'yong nakapaskil dito sa labas na hiring po kayo. Gusto ko pong mag-apply sana." Nakangiting sagot ni Fiona.
"Naku, Neng. May nakuha na kami kanina lang at mag start na siya bukas. Pasinsya ka na naunahan ka. Tanggalin ko na nga pala 'to." Saad naman agad ng babaeng nasa hinuha ni Fiona ay may nasa sekwentang taong gulang na 'to.
"Gano'n po ba? Sige po, salamat po." Saad na lamang ni Fiona at muli 'tong naglakad palayo.
Medyo malayo at halos isang oras na naglakad si Fiona bago makarating ng bayan. Tagaktak ang pawis nito dahil sa tanghaling tapat 'tong naglalakad. Wala rin 'tong dalang panangga sa sikat ng araw at nakakaramdam na rin siya ng pagkauhaw. Ngunit binaliwala na lamang niya.
Nang nasa bayan na siya ay panandalian 'tong huminto sa paglalakad at nagpahinga.
'Nakakapagod maglakad at nauuhaw na rin ako. Iyon nga lang ay wala naman akong pera. Ni pamasahe nga wala, pambili pa kaya ng maiinom na tubig." Saad nito sa kanyang isipan.
Hanggang sa makakita siya ng batang namamalimos at wala 'tong suot na tsinelas.
"Ate, palimos po. Pambili ko lang po ng pagkain." Saad nito sa kanya habang nakalahad pa ang palad nito.
"Pasinsya ka na, kagaya mo wala rin akong pera. At kaya nandito ako ay para makahanap ng mapapasukang trabaho." Agad naman na saad ni Fiona.
"Ate, sige na po. Parang awa niyo na po. Kahit limang piso lang po." Pamimilit at pagmamakaawa nito sa kanya.
"Wala talaga akong pera. At kung mayroon man bibigyan kita agad. Kaso wala talaga ni pamasahe nga, wala eh. Nandito ako para maghanap ng trabaho," muling saad naman nito sa bata.
"Naghahanap ka ng trabaho, Ate? May alam po ako." Saad ng bata sa kanya.
"Talaga? Saan naman 'yon?" Agad naman na tanong ni Fiona.
"Sumama ka sa akin, ate. At ihahatid po kita." Saad naman ng bata.
Hindi na nagdalawang isip si Fiona na sumama sa bata, dahil sa kagustuhan nitong makahanap ng trabaho. Upang makatulong sa kanyang ina at hindi na 'to magalit pa sa kanya.
Muli silang naglakad at kung saan-saang iskinita sila pumasok. Na pinagtakahan ni Fiona dahil medyo malayo na ang kanilang nilakad.
"Sandali lang," saad naman ni Fiona na napahinto sa paglalakad.
Kung kaya napahinto rin sa paglalakad ang bata.
"Malayo pa ba tayo? At sigurado ka bang alam mo kung saan tayo pupunta? Kanina pa kasi tayo lakad nang lakad at kung saan-saang iskinita na tayo pumapasok. Hindi kaya naliligaw na tayo." Tanong pa nito na ninigurado sa bata.
"Malapit na po tayo, ate. At huwag ka pong mag-alala dahil hindi po tayo naliligaw. Laking kalye po ako kaya kabisado ko na po ang pasikot-sikot dito. Tayo na po para magkaroon ka na ng trabaho."
Humugot ng malalim na hininga si Fiona at tumingin 'to sa paligid.
'Kailangan kong makahanap ng trabaho para kay Inay, para hindi na siya magalit sa akin at higit sa lahat para makaipon ako, para makapag-aral." Saad nito sa kanyang isipan.
"Tayo na at babalikan ko pa ang kapatid ko sa school." Nagmamadaling saad nito at muli silang naglakad.
Itutuloy----