Habang naglalakad si Fiona kasama ang bata ay panay ang lingon nito sa paligid ng kanilang nadaraanan.
Mayamaya pa ay huminto ang bata sa paglalakad. At hudyat na pala 'yon na nakarating na sila. Tumambad sa harapan ni Fiona ang isang uri ng bahay na gawa sa concrete. At may second floor 'yon.
Hindi rin niya nakikita kung ano ang nasa loob. Ngunit malaki ang bahay, maganda at masasabi niyang mayaman ang nakatira roon dahil sa mga mamahaling sasakyan na nakapila at nakaparada.
"Sigurado ka bang may mapapasukan akong trabaho diyan?" tanong pa ni Fiona sa bata.
"Oo, ate. At huwag kang mag-alala. Dahil makakapasok ka agad ng trabaho at malaki ang kita. Dyan ka lang po at papasok ako sa loob." Paalam pa nito at mabilis na naglakad palayo.
"Mukhang mayaman ang nakatira dyan sa bahay, ah. Laki ng bahay, eh. Tapos up and down pa. Sabagay marunong naman akong maglaba at magluto. Baka kasambahay ang pasukin ko," saad nito sa kanyang sarili.
Samantalang kapapasok lang ng bata sa loob.
"Ops! Ops! Bawal ka rito sa loob. Labas!" Saway naman ng isang lalaki na matangkad at matikas ang pangangatawan, mukhang alaga sa gym ang katawan nito.
"Uy, bata. Hindi ba't ikaw 'yong nagpasok doon sa bagong babae na maganda." Tanong naman ng isang babaeng nakapansin sa bata hinaharangan. Habang tinuro pa nito ang babaeng nagsasayaw sa intablado.
"Ma'am, pinapalabas ko po ayaw lumabas." Agad naman na wika ng lalaking nagpapalabas sa bata.
"Hayaan niyo siyang makapasok at kakausapin ko muna siya." Saad naman agad ng babae sa lalaking sumusita sa bata.
"Sige po, Ma'am." Wika naman agad ng lalaki at iniwan na sila.
"Ano'ng sadya mo rito at naparito ka?" tanong nito sa bata.
"May dala po ako ulit na babae. Pero pera po muna." Agad na sagot ng batang lalaki at nakalahad ang palad nito.
"Maganda ba siya? Kasama mo ba?" sunod-sunod na tanong nito sa bata.
"Hindi lang maganda." Pagyayabang pa ng bata.
"Talaga? Oh, ito. Singkwenta dalhin mo na ngayon din ang babae." Saad naman ng kausap nito.
"Dagdagan niyo naman po. Eh, hind pa po 'yan makabili ng isang kilong bigas. Ang mahal po kaya ng bilihin ngayon." Reklamong saad ng bata.
"Oh, sige. Gawin ko ng isang daang piso. Para makabili ka na ng isang kilo."
"Grabe, naman po kayo! Ang kuripot niyo naman po. Samantalang malaki naman po ang pakinabangan niyo sa mga babaeng dinadala ko po rito." Pagmamalaki pa ng bata.
"Hoy, bata! Sumusobra ka na, ha? Baka nakakalimutan mong ikaw ang may kailangan." Pangingialam naman ng isang lalaki na nakabantay at naririnig ang kanilang usapan.
"Alam ko po na ako ang may kailangan sa inyo. Pero sana naman po maisip niyo rin na kailangan ko ng pera at ang haba pa po ng nilakad ko para lang makarating dito. Wala pa nga po akong sapin sa paa. Ngayon kung hindi niyo po ako bibigyan ng limang daang piso. Aalis na lang po ako." Matapang at pagmamalaki na saad ng bata.
"Okay sige. Ibibigay ko ang gusto mo. Pero siguraduhin mong hindi ako mapapahiya sa mga client ko, ha?" saad din ng manager.
"Sinisigurado ko pong hindi kayo mapapahiya at kikita po kayo ng malaki sa kanya," agad din na saad ng bata.
Dahil tiwala naman ang manager sa bata dahil nagdadala ito ng mga babae roon ay agad na nagbigay 'to ng limang daang piso.
"Salamat po. Daldalhin ko na po siya agad rito, para makilala niyo siya." Wika pa ng bata ng nakangiti at naglakad na 'to palabas.
"Ate, tayo na po sa loob." Saad pa nito kay Fiona.
"Tanggap na ba ako?" Inosenteng tanong ng dalaga.
"Opo, kaya tayo na po sa loob." Sagot ng batang lalaki.
Sabay silang naglakad pa pasok sa loob.
"Ma'am, siya po ang tinutukoy. Ang naghahanap po ng trabaho." Pakilala pa nito kay Fiona.
Agad na napatingin ang manager sa mukha ng dalaga. Habang si Fiona naman ay pinagmamasdan ang kapaligiran.
"Ate, si Ma'am na po ang bahala sa 'yo. Maiwan na rin kita. Kasi kailangan ko pang maghanap buhay," paalam naman ng bata.
"Sandali lang, hintayin mo na ako. Baka sakaling puwede akong bumali ng pera. Para may maibigay ako sa 'yo at pambili mo na ng pagkain." Wika naman ni Fiona.
Napatingin ang bata sa dalaga dahil sa sinabi nito. At nakaramdam siya ng konsensya dahil sa kanyang ginawa.
Ngunit huli na dahil nabayaran na siya.
"Ah, ate. Kailangan ko ng umalis talaga. Isa pa ay matatagal ka pa kasi. Mag-uusap pa po kayo ni Ma'am. Kaya aalis na ako. Ingat ka ate." Saad ng bata at agad na itong tumakbo palayo.
"Huwag kang mag-alala. Hindi kami kumakain ng tao rito. Ako nga pala si Badeth ang manager dito. Ikaw ano ang pangalan mo?" Pakilala at balik na tanong nito.
"Ako po si Fiona. Ma'am, ano pong ginagawa ng babae sa intablado? Bakit po naka suot lang siya ng panty at bra?" Inosenteng tanong pa nito.
"Sumayaw siya. Bakit? Gusto mo rin bang sumayaw? Mas malaki ang sahod kapag sumayaw ka intablado." Makahulugang wika nito.
"Naku! Hindi po. Wala po akong alam sa pagsasayaw. Magluluto, maglalabada at maglilinis na lang po ako."
"Hindi kami hiring ng katulong dito. Pero puwede ka sa trabahong waitress. At pasok ka na agad."
"Talaga po?" hindi naman makapaniwalang saad ni Fiona na walang kaalam-alam sa papasukin niyang trabaho.
"Oo at puwede ka ng mag start ngayong gabi."
"Naku! Hindi pa po ako puweding mag start ngayon gabi. Kasi po babalikan ko pa po 'yong kapatid ko sa school. Baka bukas na lang po ako mag-start. Sige po alis na po ako at baka abutan pa po ako ng dilim sa daan."
Lalakad na sana palabas ang dalaga nang bigla siyang harangan ng dalawang lalaking nagbabantay sa pintuan.
"Hindi ka puweding umalis. Dahil hindi pa tayo tapos mag-usap." Aniya naman ng manager.
Muling napatingin si Fiona sa babaeng nagsalita. Habang nakakaramdam 'to ng kaba sa kanyang dibdib.
Samantalang habang naglalakad ang bata ay naiisip nito si Fiona.
"Ano ba 'yan? Bakit ba nakokonsensya ako? Samantalang nakailang babae na ako ng dala roon. Bakit ba kasi sinabi pa niya 'yon? Ayan tuloy parang gusto ko siyang balikan."
Itutuloy----