Prologue
Sabi nila, while you are young, just play and enjoy everything.
Funny how i always get irritated everytime they say these things to me.
Pero ngayon, naiintindihan ko na.
Lumandas sa aking pisngi ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Halos buong araw na akong umiiyak. Nakakapagod, pero hindi ko mapigilan.
Gusto ko na lang maging bata ulit, kung saan kasama ko pa 'yung Lola ko.
Huminga ako nang malalim at muling kong hinaplos ang lapida nito.
"Hi, Lola. Kamusta na? 2 weeks na 'yung nakalipas simula nung iwan mo kami. Miss na miss na kita, sana ako din miss mo. Nakita ko nga pala 'yung sulat mo. Sabi mo, 'Sana masanay kayo na wala ako'. Lola, paano 'yon?"
Nagpakawala ako nang malakas na buntong hininga, kasabay nang muling pagtulo ng aking mga luha.
"2 weeks pa nga lang na wala ka, hindi ko na kinakaya, eh. Pero okay na din, atleast hindi kana mahihirapan pa. Mahal na mahal kita, Lola."
Napatingin ako sa puting kalapati na dumapo sa lapida ni Lola.
Napangiti ako. Kahit na hindi kita kasama, ginagawa mo pa rin ang lahat mabigyan lang ako ng kasama, yung hindi ako nag-iisa.
Kapag nag-aaway kami ni Mama, siya 'yung kumakausap at nagpapangaral sa akin.
Hahawakan ko na sana ang kalapati nang bigla itong lumipad.
Napabuntong hininga ako, pati ba naman ikaw, aalis?
Handa na sana akong tumayo upang sundan ito nang may mga kamay ang biglang yumapos sa aking bewang.
"Sorry na-late kami, sobrang traffic. I love you." Ani ni Athena, isa sa mga kaibigan ko na nakayakap sa akin. Apat 'yung mga kaibigan ko. Si Athena, Savannah, Avery, at Hadley.
Inalis ko ang mga kamay nila sa akin at tinignan sila. Para silang mga sabog. Mga magulo ang buhok, gusot ang damit, at umiiyak.
"Anong nangyari sa inyo?" Malumanay kong tanong sa kanila.
Walang nagtangkang sumagot sa kanila at patuloy lang na umiiyak. Tatanungin ko na sana ulit sila nang magsalita si Savannah. "Nalaman kasi namin na ibabagsak ka daw ni Mr. Martinez since ang dami daw ng mga kulang mo sa kaniya." Sabi niya habang nagpipigil na umiyak.
"Hindi na kami nagdalawang-isip na pumasok, nagmadali kaming hanapin ka. Kaso... late pa rin kaming nakapunta." Ani ni Avery bago ako muling yakapin. Humagulgol siya sa balikat ko. Sa aming lahat siya ang pinakamabait at emosyonal.
Hindi ako makapagsalita. Mas lalo lang akong naiiyak, sobrang swerte ko kasi may mga kaibigan akong gaya nila. "Hey, we know that you're in so much pain. Please lang.. don't hold back your tears." Sabi ni Hadley na ngayon ay tumigil na sa pag-iyak.
Nang sabihin niya 'yon ay hindi ko na napigilan at humagulgol na sa harap nila. Lahat sila ay umiiyak din, maliban kay Hadley na tahimik lang na nagmamasid sa amin.
We didn't talk to each other. We just kept crying for an hour, hanggang sa naisipan naming umuwi.
"Thank you for the ride, guys." Malumanay kong sabi. Ngumiti lang sila sa akin.
Akala ko ay aalis na sila pero nag-iwan muna sila ng salita sa akin.
"Hey, kita tayo bukas sa school. Marami tayong pag-uusapan." Ani ni Hadley.
Tumango lang ako sa kanila at pumasok na sa aming gate.
Nang makapasok na ako sa aming bahay ay bumungad sa akin ang sigawan.
"Ate, sabi ko naman sa 'yo wala pa akong pera! Hindi pa kita matutulungan sa pagbabayad ng kuryente at tubig. Kaya nga nakiusap ako na ikaw muna mag-abono 'di ba? Babayaran naman kit sa sweldo ko, 'wag mo 'kong gipitin!" Sigaw ni Tita Elina kay Mama.
I sighed. 'Lagi na lang silang ganiyan, kung hindi magpaparinig sa isa't isa ay magsisigawan. Sobrang nakakarindi pero wala naman akong magagawa para pigilan sila. May isang beses nga, nung pinatigil ko sila ay nasampal lang ako. Siguro kung wala 'yung mga kaibigan ko, baka nabaliw na ako.
Papasok na sana ako sa kwarto ko nang marinig ko ang sinabi ni Mama. "Grabe naman, Elina! Ginigipit?! Pinagbigyan na nga kita nung sinabi mong kaunti lang ang maia-ambag mo para sa libing ni Mama, 'di ba?! Ako ang halos gumastos sa lahat. Isipin mo kung sino ang mas nagigipit sa atin!" Sabi ni Mama at balak na sanang ibato kay Tita ang unan na nadampot sa sofa.
Hindi ko na pinigilan ang sarili at sinigawan sila. "Tita at Mama, ano ba?! Hindi ba kayo nahihiya kay Lola? Talaga, magsusumabatan kayo?! Tapos parang labag pa sa loob niyo na gastusan 'yung sa libing ni Lola? Para sa pera? Shems! Grow up! Pwede pa namang kumita ng pera! 'Wag niyo namang bastusin 'yung libing ni Lola! Ako 'yung nahihiya sa inyo, naaawa din kay Lola dahil nagkaroon siya ng mga anak na gaya niyo! Tangina!" Pagkatapos kong sabihin 'yon ay pumunta na ako sa kwarto at padabog na isinara ang pinto. Umiiyak ako habang sumandal dito.
"Anong sabi mo?! Buksan mo nga 'tong pinto mo, mag-usap tayo! Napakabastos ng ugali mo!" Sigaw ni Mama habang kinakatok ang aking pinto.
"Ano ba 'yang ugali ng anak mo, Ate Shiela?! Hindi mo ba tinuturuan nang maayos 'yan?!"
"Anong sinabi mo?! Tinuruan ko nang maayos 'yan, sadyang sutil lang 'yang batang 'yan! 'Wag mo 'kong subukan, Elina!"
Umalis ako sa pagkakasandal sa pintuan at pumunta sa aking kama para magtakip ng unan sa aking tenga.
Nakakapagod sila. Sabi ng iba, pamilya daw 'yung pahinga natin pero bakit sa 'kin hindi ganon?
I smiled bitterly. Mga kaibigan ko nalang talaga nagpaparanas sa akin ng kasiyahan.
I hope everything will be alright.