“MARCELINE.”
Kapapaalam lang ng araw sa kalangitan at eksaktong alas sais na ng gabi nang masilip ni Marceline ang orasan na nakasabit sa pader. Inihatid niya lang ang ibinilin ng nanay niyang ulam para sa tinuturing nilang ampon nila na si Jappa.
Nakatira na ito ngayon sa maliit na bahay kung saan siya iniwan ng kaniyang mga magulang bago lumuwas ng Maynila pero pinagmamalasakitan pa rin ng nanay ni Marceline at itinuturing na pamilya.
Medyo natagalan lang siya sa loob dahil iniayos niya pa ang mga bote ng alak na nagkalat sa mesa, napaisip tuloy siyang dapat pala ay hindi niya na inabala ang sarili, hindi sana siya naabutan nito ngayon.
Kunwaring walang narinig at dire-diretso lang sa paglalakad tungo sa pintuan palabas si Marceline. Ang dasal niya nga kanina pa ay sana hindi na muna maabutan dito si Jappa pero mukhang hindi tumalab.
Naiilang pa rin siya sa tuwing nakikita ito at itinatago lang ang katotohanan na ‘yon.
“Marceline.” Naabutan nito ang kaniyang braso bago pa man din siya makatapak sa labas ng pintuan ng bahay. Madilim na at tanging liwanag lang sa maliit na gasera sa mesa ang mayroon.
Pagharap niya rito ay halos pasadahan niya ang katawan nitong walang saplot na pang-itaas, ang tshirt ay nakasabit sa balikat nito at litaw na litaw ang matipunong dibdib at katawan. Basa ang buhok at humahalimuyak pa ang shampoo at sabon na ginamit, mukhang katatapos lang maligo.
“Nag-iwan lang ako ng laing na ulam diyan sa mesa mo, niluto ‘yan ni Mama kanina, baka lang daw magutuman ka rito. Mahilig ka pa naman magpalipas ng gutom...” mahina niyang sambit saka iniwasang tumingin sa mga mata nito. “Aalis na ‘ko, magkikita pa kami nila Teresa at Angeline.”
Hindi pa rin siya nito binitiwan sa braso.
“Aalis ka na ba talaga rito sa bayan?”
Nag-angat siya ng tingin dahil sa binanggit nito. Mataman itong nakatitig sa kaniyang mga mata ngunit bakas ang pagiging mapungay ng mga mata, tila nasa ilalim pa ng epekto ng mga alak na mukhang kanina lang ininom.
“Narinig mo naman ang sinabi ko, paulit-ulit?” Pabirong aniya na lang. “Bitawan mo na ‘ko, ano ba.”
“Anong trabaho mo ro’n? Hindi ako naniniwala sa mga sinabi mo kanina.”
“Hindi naman talaga ‘yon totoo. Sinabi ko lang para hindi mag-panic ang nanay ko.” Pagsasabi niya ng totoo, alam niyang hindi naman madaldal si Jappa, marami-rami na rin siyang sikreto sa sarili na binanggit dito pero hindi naman umabot kila Isagani, Angeline, o Teresa.
“Alam ko ang pakay ng mga kalalakihang dumalo sa Hermosa Night.”
“Oh, alam mo pala, e. Hayaan mo, hindi naman na ‘ko lugi sa lalaking nakilala ko ro’n. Iyon nga lang medyo mas may hitsura ka pa rin sa kaniya.” Dagdag niya pa saka nagpeke ng pagtawa, huwag lang maging nakakailang ang atmosphere sa pagitan nila.
“Anong trabaho ang tinanggap mo?”
“Huwag mo nang tanungin!” Binawi niya ang braso niya na binitiwan naman ng isa. “Pero bukod sa pera, gusto ko lang din talagang umalis dito at lumayo. Para naman makakilala ako ng iba at makalimutan ko nang umamin-amin ako sa ‘yo.” Tumawa si Marceline pero nanatiling seryoso ang kaniyang kausap.
Pero natatawa na lang siya sa tuwing naiisip niya ang mga panahong inakala niyang gusto rin siya bilang babae ni Jappa. Higit na mas maalaga at protective ito sa kaniya kumpara kay Angeline na inamin nitong nagugustuhan niya, ngayon tuloy ay hindi siya sigurado kung pinaglaruan lang nito ang nararamdaman niya.
Mula pa noong 18 ay magkasama na sila hanggang ngayong 25 years old na siya at 26 ang isa.
“’Di mo naman kailangang umalis para lang sa bagay na ‘yon.”
Umiling si Marceline at nagpilit ng pagtawa. “Tingin ko makakatulong din si Tristan, ‘yong lalaking nag-offer sa ‘kin. Single siya, nagustuhan niya ako.”
“Kaya pumayag ka na ibenta ang katawan mo sa kaniya?”
Nabigla si Marceline sa straightforward nitong paghuli sa ayaw niya sanang banggitin.
“Wala namang masama. Single rin naman ako.” Depensa niya na lang at magpapaalam na sana.
Pinigilan lang siya nito sa kaniyang palapulsuhan at mahigpit na hindi binitiwan doon.
“Ayoko.”
“Jappa.”
“Hindi ako pumapayag.”
“Ano bang sinasabi mo. Tama na nga ang pagiging ‘kuya’ sa ‘kin, ni hindi nga ‘yon ang tingin ko sa ‘yo, e. Baka mas lumala lang din ‘to kung makikita kong mas gusto mo si Angeline kaysa sa ‘kin.” Pabiro niyang bwelta itinatago sa ngisi ang mga sinasabing halos totoo niya na naman ding nararamdaman. “Isa pa, hindi na ‘ko bata, kung hindi mo alam ay malalim na ang nararamdaman ko para sa ‘yo noon pa. Kung pwede lang ay ibigay ko ang sarili ko sa ‘yo, piliin mo lang ako.”
Humalakhak si Marceline kahit na hilaw at pilit nang makitang walang reaksyon si Jappa sa pag-amin niya. Seryoso at may kung anong emosyon sa mga mata na hindi niya mabasa, dulot lang din siguro ng madilim na paligid.
Pero sinusulit niya na lang din naman ang pag-amin kaysa habangbuhay siyang malungkot dahil hindi niya pa nasabi ang lahat dito. Aalis na rin naman siya sa susunod na mga buwan at matagal na ulit silang magkikita ulit.
“Sige na, aalis na ‘ko.”
“Ayoko. Ayokong matuloy ka ro’n.”
Nagtaka si Marceline at nagbaba ng tingin sa kamay nitong hawak-hawak pa rin ng binata ngunit mas humigpit.
Nabigla siya nang isara nito ang distansya sa pagitan nilang dalawa at hilahin sa isang mainit na halik.
Gulat. Nanatili siyang nakatitig dito ng ilang segundo at nabalik lang sa realidad nang maramdaman niyang mas pinalalim nito ang halik sa kaniya! Amoy na amoy niya pa rin ang alak mula sa bibig ng binata at ang init ng h***d na katawan na ngayon ay halos maramdaman niya na dumidikit sa kaniyang balat.
Tila nalasing si Marceline sa kauna-unahang sensasyon na ipinapasa sa kaniya ng lalaki at pinag-ahunan ng mabilis na t***k ng puso lalo na nang ihawak ni Jappa ang palad nito sa likod ng kaniyang ulo at mas lalong idiin ang kaniyang labi rito.
Pilit na humiwalay si Marceline at tila nagising naman sa ginawa si Jappa. Nahihiyang mariin na nagpikit ito ng mga mata saka nagyuko ng ulo.
“Bakit?”
“Pasensya na, hindi ko sinasadya—“
“Bakit kako? Tinatanong kita kung bakit ayaw mo ‘kong tumuloy ro’n. Sabihin mo sa ‘kin ang dahilan mo.”
Sigurado si Marceline, isang salita lang mula kay Jappa na ayaw nitong mawala siya sa kaniyang tabi o sa kaniyang paningin, mananatili siya rito sa bayan. Tanga na kung tanga pero nasa edad siya na kaya naman niyang magtripleng kayod at magtrabaho para kumita ng pera.
Pero gusto niya talagang subukang ipilit ang sarili sa kung sino ang nagugustuhan.
“Kapag sinabi mong may binibigyan mo ng chance ang nararamdaman ko, makikinig ako sa ‘yo.”
“Marceline, hindi mo alam ang sinasabi mo,”
“Hindi ba talaga pwede? Mas gusto mo ba talaga si Angeline kaysa sa ‘kin? Bakit mo kasi ako pinaasa nang husto, wala lang din naman palang ibig sabihin ang lahat ng ‘yon!” Halos sabihin niya ang hinanakit ngunit sa tono ng pagbibiro.
Nanatiling nakayuko si Jappa at hindi siya matignan.
“Sa totoo lang hindi ko rin maintindihan.”
Pinanliitan ito ng mga mata ni Marceline.
“Hindi ko rin maunawaan kaya nga sinasabi kong... kung pwede... dito ka lang muna.”
Umawang ang bibig ni Marceline sa narinig. Kahit malabo at kahit walang kasiguraduhan, pinag-ahunan siya ng pag-asa para sa nararamdaman niya.
Tumalikod si Jappa dulot ng hiya. “Umalis ka na, masyado ka nang ginagabi rito.”
Ang dapat na paghakbang palayo ni Jappa mula sa dalaga ay hindi natuloy nang yakapin siya nito mula sa likuran. Mahigpit. Masaya sa narinig.
“Subukan nating dalawa. Pwede ba ‘yon? Gagawin ko ang lahat para sumaya ka sa ‘kin, hindi naman na tayo mga bata pa...” nakangiting saad ni Marceline.
Humarap si Jappa sa kaniya para sana pigilan ito sa sinasabi at uliting pauwiin na ngunit sa pagkakataon na ‘to ay si Marceline naman ang nagsara ng maliit na distansya sa pagitan nilang dalawa. Tumingkayad ang dalaga at inabot ang malambot na labi ng binata sa kaniyang harapan.
Kinagat niya ang ibabang labi nito at ginaya ang senswal na paghalik ng binata sa kaniya kanina kahit na hindi sigurado sa ginagawa, unang beses sa paghalik at hindi sigurado kung ano ang mangyayari sa susunod pang mga segundo.
“Marceline.”
Hinabol ni Marceline muli ang labi nito at mas pinalalim ang halik, inihawak niya ang mga palad sa h***d na dibdib nito at kaagad na naramdaman ni Jappa ang bolta-boltaheng init at kuryente na gustong iparating ng dalaga.
Hindi rin naman siya inosente. Sabay silang lumaki at halos sanggang-dikit mula pa noong mga disi-otso anyos pa lamang sila, hindi siya purong anghel para hindi makaramdam ng kahit isang beses na atraksyon sa nagdadalagang si Marceline noon pa man.
Hindi lang isang beses, dalawa, tatlo, apat o higit pa. Pinipigilan niya lang ang sarili dahil may utang na loob siya sa ina nito, gusto ng nanay ni Marceline na lumaki silang protektahan niya ang dalaga bilang kapatid na babae nito.
Wala ng sosobra pa roon.
Mahigpit na napakapit si Jappa sa munting beywang ni Marceline, pinipigilan ang dalaga, pinipigilan din ang sarili. Ngunit dulot ng alak na dumadaloy sa kaniyang sistema, mukhang bibigay rin siya.
Lalo na’t naririnig niya mula rito mismo ang mga katagang minsan nang dumaan sa kaniyang imahinasyon.
“Walang makakaalam... tayo lang ang nandito.” Bulong niya sa tenga nito at tuluyang bumigay sa parehong init ng katawan na nararamdaman nila para sa isa’t isa. Umawang ang bibig ni Marceline nang kahit madilim ang paligid ay maramdaman niya naman ang nag-uumpisang paggala ng malalapad na kamay ng binata sa kaniyang katawan.
Hindi niya ‘to pagsisisihan sa huli. Sigurado siya roon.