KABANATA 4

2465 Words
KABANATA 4 MADILIM ang buong paligid ng bahay na walang kuryente at tanging liwanag lang na nagmumula sa munting gasera ang pinanggagalingan ng liwanag ngunit napigilan noon ang pagiging abala at mainit ng dalawa sa isa’t isa. “Marceline, sigurado ka ba sa gusto mong mangyari?” “Ikaw lang naman ang hindi sigurado sa ‘ting dalawa noon pa. At ayos lang, alam mo namang palaging ayos lang sa ‘kin kahit katiting lang mula sa ‘yo ang nakukuha ko,” may dobleng kahulugan na natatawang saad ni Marceline rito. Sa narinig ay nakaramdam ng konsensya si Jappa ngunit hindi no’n napigilan ang katawan na unti-unting napupuno ng pagnanasa at pagkasabik mula sa babaeng kusa nang lumalapit sa kaniya. Ipinagpatuloy nito ang pagtulak sa dalaga sa pader at paghalik sa leeg nito habang ang malalapad na palad ay kusang dumadausdos sa ilalim ng tshirt na suot ni Marceline. Walang magawa ang isa kundi ang magpatianod sa init na dala ng haplos ng binata sa kaniya, umaawang ang kaniyang bibig habang tumitingala para bigyan ng mas malaking access ang binata sa kaniyang katawan. “Tinatanong kita hangga’t kaya ko pang magpigil...” “Ang dami mo pang sinasabi, hindi naman na tayo mga bata pa,” halinghing ang kumawala sa bibig ni Marceline nang maramdaman na lang na initsa ng binata ang kaniyang suot na b*a sa kung saan at iangat ang dulo ng tela ng kaniyang shirt. “Jappa!” Sinakop ng mainit na bibig nito ang kaniyang dibdib, tila isang sanggol na gutom sa ginagawa. Bolta-boltaheng kuryente ang dumaloy sa kaniyang katawan, unang beses maranasan ang lahat ng sensasyon na kumukuryente ngayon sa kaniya. Naisabunot niya lang ang mga kamay sa buhok ng binata at mas idiniin ang sarili rito. “Sabihin mo lang... kung gusto mo nang itigil ko, pakiramdam ko ay hindi ‘to tama...” ani Jappa sa pagitan ng pagmasahe ng malalaki nitong palad sa kaniyang dibdib at paghalik pababa sa kaniyang puson. Ibinaba niya ang lahat ng natitirang saplot kay Marceline at kahit madilim ang paligid ay tuluyang sinakop ng init ang kanilang katawan. Lalo na nang maramdaman na lamang ni Marceline ang paghawak nito sa maselang parte ng kaniyang katawan, ang mainit na hininga nito sa pagitan ng kaniyang mga hita. “J-Jappa...” tila ang lahat ng lakas ng loob ay nawala. Naitakip niya ang kaniyang palad sa kaniyang bibig nang maramdaman na lamang ang mainit nitong dila na naglaro sa kaniyang p********e. Napakapit si Marceline sa katabing bintana ng bahay at panay ang pagsinghap. Hindi niya makita kung ano ang nangyayari, walang kuryente sa paligid, ngunit ramdam na ramdam niya ang milagrong ginagawa nito sa kaniyang katawan. Lumakas ang kaniyang pagsinghap nang maramdaman pa ang mahahaba nitong mga daliri na pilit pumapasok sa kaniyang loob, maagap na hinuli niya ang kamay ni Jappa at sinubukang pigilan, bago sa kaniya ang lahat at hindi siya sanay! Pero hinawakan lang din ni Jappa ang kaniyang kamay at inialis habang nakaawang ang bibig na pinagmamasdan ang kaniyang reaksyon, mapupungay ang mga mata at puno ng nagliliyab na pagnanasa. “Jappa!” Maingay ang sa labas ng tabing-kalsada na bahay ngunit walang kamalay-malay sa kung ano ang nangyayari sa loob ng madilim na bahay na kinaroroonan nila, wala ring pakialam sa paligid na ipinagpatuloy ni Jappa ang ginagawa. Mas bumilis ang mga daliri nito sa paglabas-masok sa kaniyang ari kaya naman namimilipit ang mga hita na umawang ang bibig ni Marceline. Ilang segundo pa at naramdaman niya na lang na tila may namumuo sa kaniyang loob at gustong kumawala, nanlalambot ang mga tuhod at bumibilis ang t***k ng puso gaya ng pagbilis ng pagmamaniobra ng binata sa kaniyang kaselanan, napakapit siya sa matitipunong braso nito upang hindi matumba. “M-Maiihi ako, Jappa, sandali—“ impit na halinghing ang binitiwan niya nang tuluyang sumabog ang kung ano man sa mga daliri ng binata. Yumakap siya rito habang nagmamadaling hinuhubad naman ni Jappa ang suot na sinturon at mga saplot na suot. “Magkapatid tayo sa paningin ng lahat, ano na lang ang iisipin nila.” “Hindi kita kapatid, Jappa.” “Pero ayoko ring isipin na ibibigay mo ang katawan mo sa kung sinong lalaki lang diyan.” “Gusto mo ba ‘ko? Pinaglalaruan mo ang damdamin ko...” “Hindi ko rin alam.” Napayuko si Jappa, pinadadaan ang mga daliri sa kaniyang buhok at frustrated na nag-isip. Hindi nga naman niya maunawaan ang sarili ngunit may mga pagkakataon na attracted siya sa dalaga. “Hindi ko alam ang sagot...” Nagulat siya nang maramdaman ang mainit na kamay ng dalaga sa kaniyang ari, kaya ang pagdadalawang-isip na namuo kanina lang ay tuluyang nawala, napalitan ng mas mainit na pagnanasa. “Marceline.” Umawang ang kaniyang bibig at tuluyang napigtas ang pasensya at pagtitimpi, nabuhay ang alaga at tuluyang nagising. Iginiya niya ang kamay nito sa mas mariing paghawak doon, tuluyang nagpapatianod sa init ng katawan. “Tangina.” Inabot niya muli ang labi ng dalaga upang marahas na halikan at sa pagkakataong ‘to ay mas idinikit ang munting katawan ng dalaga sa kaniya, ramdam na ramdam ni Marceline ang sinasadyang pagdikit ng p*********i nito sa pagitan ng kaniyang hita, sa kaniyang b****a, na lalong nagpainit ng kaniyang dibdib. Bahagya siyang nabigla nang iangat ni Jappa ang kaliwang hita niya sa malaki nitong braso upang mas bigyan ng malaking access ang kaniyang p*********i. Hindi na siya nakaatras nang itutok nito ang kahandaan sa kaniyang b****a. “Jappa—“ “Sshh. Pipilitin kong dahan-dahan lang.” Napalunok siya nang maramdaman ang hindi na nagpapaawat at nanggigigil na pagpasok ng kalakihan nito sa kaniya. At tuluyang sabay na napaungol nang makapasok ang kaniyang kalakihan sa loob, impit na iyak ang kumawala sa bibig ng dalaga nang may mapunit doon at makaramdam ng matinding kirot. Ngunit sa gabing iyon, wala nang nakapigil pa sa kanilang dalawa. Masyadong lunod sa pagkagusto si Marceline para sa binata at wala ng ibang naiisip na pagbibigyan ng sarili kundi ang lalaking matagal nang iniibig. Habang ang binata naman na hindi sigurado sa natutulog na nararamdaman ay tuluyang nagpalamon sa pagnanasa na angkinin ang katawan ng kababatang si Marceline. Sinabayan ng init ng kanilang mga katawan ang apoy sa munting gasera at paulit-ulit na inangkin ang isa’t isa sa iba’t ibang paraan. “OH! TIGNAN mo ‘tong dalawa, Angeline, mukhang may hindi ka pa nalalaman.” Namula ang mga pisngi ni Marceline nang ihayag ng kaibigan niyang si Teresa ang estado ng relasyon nila ni Jappa sa iba pang kaibigan. “Totoo ba?!” Hindi makapaniwalang singhap ni Angeline nang mabalitaan ang lahat tungkol sa kanila ni Jappa. Nasa farm sila ngayon at nagmemeryenda sa ilalim ng mataas na puno, hapon na at malapit na kumagat ang dilim, pauwi na rin sila sa kaniya-kaniyang bahay ngunit naisipan lang na magpahinga sandali. “Hindi ko rin inaasahan, e. Akala ko ba si Ange—“ nakita ni Marceline na siniko ni Jappa si Isagani sa isang tabi. “Sabi ko nga, mananahimik na lang ako.” “Naisip kong malapit na ‘ko umalis kaya huwag nang sayangin ang panahon.” Kibit-balikat ni Marceline at matapang na ngumisi sa mga kaibigan kaya lalong umawang ang bibig ng mga ito. “Hindi ka na aalis, ‘yon ang sinabi mo.” Segunda ni Jappa sa kaniya habang nakaupo ito sa mahabang kahoy na upuan sa kaniyang harapan, itinitigil ang paginom sa softdrink na hawak. Kumurba ang maliit na ngisi sa kaniyang labi. “Nagbago na ang isip ko pero pwede pa rin namang magbago ulit. Tignan natin...” Ilang segundo lang siyang seryosong tinitigan ni Jappa saka nagiwas na rin ng tingin, nahalata ni Marceline ang iritasyon sa tingin nito kahit na wala naman nang sinabi pa. “Pero hindi ako makapaniwala, sabagay wala namang masama!” Natutuwang komento ni Angeline. Pasimpleng pinagmasdan lamang siya ni Marceline, totoong kaibigan ang turing niya rito at halos isa rin sa kasabay nang lumaki, kaya naman kahit ito ang nagugustuhan ng lalaking iniibig niya ay wala siyang sama ng loob na nararamdaman. Lungkot, mayroon. Sa buong araw ng pagtatrabaho nila ay hindi niya halos maalis ang atensyon sa kung nasaan si Jappa, sakto naman na magkalapit lang sila ng distansya at pwesto, kaya kitang-kita niya kung paano nito hindi lubayan si Angeline, masayang kinakausap at inaalagaan sa ilalim ng tirik na araw. Hindi niya mapigilan ang kirot sa dibdib, palagi siyang umaasa at sa huli ay nauuntog at nakikita na lang na may mas gustong iba ang binatang natitipuhan habang malayang inaangkin ang kaniyang katawan sa kung kailan nito magustuhan. “TOTOO ba ang sinabi mo kanina?” Nag-angat ng tingin si Marceline nang may sumabay sa kaniya sa paghuhugas ng mga kamay at paa sa loob ng munting banyo ng farm. “Lumabas ka muna, gagamitin ko lang ang banyo.” Pagdadahilan niya. Hindi siya nito pinakinggan at isinara lang ang mga gripong nakabukas. Malinis ang banyo ng farm, medyo may kalakihan kaya rito sila dumidiretso bago umuwi, nasa likod nga lang na bahagi kaya malayo ngunit wala masyadong nagagawi na mga manggagawa. “Aalis ka pa rin kahit na malinaw naman ang sinabi mo no’ng nakaraang linggo?” “Anong sinabi ko? Wala akong maalala.” Natatawang aniya saka tumalikod. Hinabol ng binata ang kaniyang braso at ibinalik siya sa kinatatayuan kanina lang. Namimilog ang mga mata sa gulat na nag-angat ng tingin sa kaniya si Marceline. “No’ng gabi na may unang nangyari sa ‘ting dalawa. Hindi mo na maalala?” “Huwag mong lakasan ang boses mo, baka may makarinig sa ‘yo.” Sarado naman ang pinto at naka-lock nang sipatin iyon ni Marceline pero hindi pinapansin ng binata ang sinabi niya at malamig pa rin ang tingin. “Sinabi mong hindi ka na aalis kung sasabihin ko.” “Hindi ba pwedeng nag-iba ang ihip ng hangin? Sayang naman ang pera sa Maynila, isa pa, salamat sa experience, naisip kong mas kayang kaya ko na ngayon na ibenta na lang ang katawan ko para kumita dahil sa ‘yo—“ Humigpit ang hawak ni Jappa sa kaniyang braso at mariin siyang hinila palapit dito. Nagtatagis ang panga at napupuno ng galit ang mga mata. “Hindi mo kailangang gawin ‘yan, Marceline—“ “Pwede ba? Huwag ka ngang umakto na parang nag-aalala ka sa ‘kin, alam ko namang si Angeline lang ang gusto mo talaga. Naiintindihan ko naman!” Kunwa’y natatawa na sambit niya rito. Ngunit sa pagtitig ni Jappa sa kaniya ay lumabas din ang totoo, naiinis na naglihis siya ng tingin. “Nasasaktan ako habang nakikita kita kaya aalis ako.” “Hindi pa ba sapat ang mga ginagawa natin?” “Jappa? Hindi naman s*x ang habol ko rito! Hindi mo pala naiintindihan.” “Marceline—“ “At hindi ikaw ang magdidikta kung ano ang dapat kong gawin. Pinaglalaruan mo lang ang nararamdaman ko, kung s*x ay payag naman ako, pero nakakapikon din!” “Hindi ako payag na ipagamit mo lang ang katawan mo sa kung sino lang diyan, bakit ba hindi ka mag-isip nang maayos! Tumulad ka kay Angeline na hindi ganiyan ang—“ “Angeline! Puro na lang si Angeline!” Umirap siya sa binata nang maramdamang hindi nito naunawaan ang nararamdaman niya, binawi niya ang kaniyang braso at nagmartsa palabas ng banyo. Pakiramdam niya ay sagad na ang paglalaro nito sa kaniyang damdamin, mabuti pang huwag niya nang pansinin pa at umalis na sa makalawa. Nakakailang hakbang na siya nang maramdaman niya ang paghabol nito, lalo na nang hilahin siya nang pwersahan pabalik sa lugar at isara ang pinto. Pipiglas at aalisan niya sana ang lugar ngunit iniharang na nito ang malapad na katawan sa kaniya at idiniin siya sa pader upang halikan sa labi. Noong una ay hindi niya nagustuhan iyon, balak pumiglas, ngunit tuluyan ding nalunod sa mga senswal nitong haplos sa kaniyang katawan. Naging marahas ang mga halik at hawak, at wala siyang nagawa kundi magpatianod. Naiintindihan niya na. Ayaw nitong mapunta siya sa iba para siya lang mismo ang makahawak sa kaniya, kahit na hindi naman sigurado sa sariling nararamdaman, o kung mayroon nga ba talaga para sa kaniya. Umaawang ang bibig na iniyakap niya ang kaniyang sarili palapit kay Jappa nang halikan nito ang maseselan na parte ng kaniyang katawan. Iniaangat ang suot niyang palda at pinatalikod mula rito. “Ipapasok ko na.” Mahina at halos paos na boses nito malapit sa kaniyang tenga nang maramdaman niya ang biglaang pag-ulos ng binata sa kaniyang ari. “Jappa! Jappa!” Halinghing niya sa bawat paglabas-masok nito na bumibilis sa kaniyang loob, ramdam na ramdam niya ang kalakihan nito na sumasakop sa kaniyang p********e at iyon ang dahilan kung bakit hindi niya mapigil ang sarili sa pag-ungol. Bumayo ito sa kaniyang likuran habang iniyayakap ang malapad na braso sa kaniyang munting katawan, ang isang kamay ay itinakip sa kaniyang bibig na hindi mapigil sa paghalinghing. “Marceline, tangina! Ito ba ang gusto mo? Sabihin mo.” Hindi mapigilang matawa sa pagitan ng pag-ungol na sinubukang lingunin ni Marceline ang binata. “Ang init sa loob mo, ang... ang sikip.” Nahihirapan nitong sambit habang umuulos nang mas mariin at mas mabilis sa kaniyang likuran. Inialis niya ang kamay ng binata kaya naman idiniin na lamang ng binata sa pader ang kaniyang kamay para kumuha ng suporta at hindi sila mawalan ng balanse. Halos marinig sa buong banyo ang pagtama ng mga katawan nila sa isa’t isa, nakita niyang tumitingala ang umaawang ang bibig ng binata sa kaniyang likuran saka kakagatin ang kaniyang balikat sa gigil nito sa paglabas-masok sa kaniyang ari. “Sulitin mo na, hindi na... magbabago ang isip ko.” Nagtama ang kanilang tingin pagkasambit niya roon kaya kumurba sa isang ngisi ang kaniyang labi. Nakita niya ang pagdilim ng mga mata ni Jappa at ibinuhos sa mas mabibilis na pag-ulos ang labag sa kalooban na narinig. “Susundan kita ro’n... kung ‘di na kita mapipigilan, ako na lang ang ‘di aalis sa tabi mo.” Natawa nang bahagya si Marceline. “Gusto mo lang sigurong huwag matapos ang mga ginagawa natin na ‘to.” “Gusto kong sa ‘kin ka lang.” Nawala ang ngisi sa mga labi ni Marceline nang marinig ‘yon, ‘di man sigurado kung katumbas ‘yon ng romantikong pagkagusto gaya na lang ng nararamdaman niya para rito pero sapat na para mas lalong pag-initin ang kanyang mga pisngi. Pwersahang pinaharap siya nito at hinalikan sa labi habang paulit-ulit na inangkin sa munting banyo na ‘yon. Sa puntong iyon, alam ni Marceline na magiging mas mahirap kalimutan si Jappa, kahit na makaalis na siya sa tabi nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD