KABANATA 5

2409 Words
KABANATA 5 “TERESA, bakit ka naman sasama? Akala ko ba dito ka lang?” Gulat na asik ni Marceline sa kaibigan nang makitang naka-empake rin ito ng mga gamit at mukhang sasabay rin sa kaniya sa pagsakay ng bus patungo sa Maynila. “E, huwag ka nang kumontra riyan! Nainggit ako ro’n kay Angeline, tignan mo naman ang buhay niya ngayon, ang gaganda ng mga sandals niya, mga damit. Nakapangasawa kasi ng mayaman! Ikaw naman may kikitain kang libo-libo sa Maynila, yayaman ka na rin. Paano naman ako?” Pinagmasdan ni Marceline ang kaibigan na unatin ang hawak na biniling ticket sa bus at silipin pa sa ilalim ng mataas na sikat ng araw. “Akala ko naman binibiro mo lang sila Angeline na sasama ka sa Maynila. Totoo pala. May tutuluyan ka na ba ro’n? Alam mo namang hindi kita pwede isabit.” Alam niya sa sarili na hindi pwedeng malaman ng kahit sinong kakilala kung saan siya pupunta o titira dahil paniguradong malalaman din kung anong uri ang magiging trabaho niya. Hindi pwede. Si Jappa nga lang ang nakakaalam ng katotohanan... napabuntonghininga siya nang maisip ang lalaki. Ilang beses at ilang ulit pang may nangyari sa kanila ng binata bago tuluyang maunawaan niya na wala na ngang pag-asa ang nararamdaman niya para rito. Mismong ang lalaki ay hindi sigurado kung ano ba talaga siya para rito, minsan nararamdaman niyang may gusto ito sa kaniya ngunit pinipigil lang, minsan naman ay halos ipamukha na si Angeline, ang kaibigan nila, ang napupusuan nito at wala nang iba pa. “Oo na! Pero nakahanap naman na ako sa peysbuk ng matutuluyan saka mapapasukan na trabaho.” “Anong trabaho?” Pinanliitan niya ito ng mga mata. “Hindi naman ba pagpo-p********e ‘yan?” Suminghap si Teresa sa narinig at tinulak siya sa braso. “Siraulo ka! Tingin mo ba matatanggap ako ro’n, laki kaya ng mga hita at bilbil ko! Basta!” Depensa nito habang binubuhat ang maleta na dala nang makitang parating na ang bus. “Saka hindi ko naman masisikmura magbenta ng katawan, ‘no! ‘Di ba nga nag-promise tayo sa isa’t isa, kahit gaano kahirap ang buhay walang papayag na magparumi ng dignidad para lang sa pera!” Nag-iwas ng tingin si Marceline sa narinig at hindi na nagawa pang sumagot. Nasaktan siya, tagos sa puso ang narinig pero alam niya sa sariling ginusto niya naman ‘to kaya tatapusin niya nang walang nakakaalam. Kung ano man ang mangyari sa kaniya sa Maynila, kapalit ng dignidad at puri niya, dapat sa huli ay makamit niya ang minimithing resulta. Ang yumaman at maiahon sa hirap ang pamilya. Saka niya babalikan si Jappa. Ang lalaking may iniibig pang ibang babae sa ngayon at hindi kayang maging malinaw kung ano ang pwesto niya sa puso nito. NANG KUMAGAT na ang dilim sa kalangitan ay saktong nakarating na rin naman sila sa Maynila mismo. Nagmulat na lang ng mga mata si Marceline at nagising nang alug-alugin siya ni Teresa. “Gising, gising! Nasa Maynila na tayo!” Nagpipigil ng pagkasabik na sambit nito sa kaniya saka nagmamadaling binuhat ang mga bagahe at hinila ang kaibigan pababa ng bus. Pinagmasdan nila pareho ang kapaligiran at tumambad ang maingay na lugar. Maraming kapwa galing probinsya na pasahero ang naglalakad sa paligid at naghahanap na ng masasakyan paalis ng lugar pero nanatili silang nakatayo sa gilid ng mataas na poste. “Ito pala ang Maynila... ang ingay pero nakaka-proud makatapak dito, sa wakas!” Ani Teresa saka umubo-ubo maya maya nang madaanan ng taxi na may maruming usok galing tambutso. “At marumi huh?” Traffic na sa daan, magulo na sa paningin ang pila pilang mga sasakyan habang ‘di naman matigil sa pagsigaw ang mga kundoktor ng mga jeep sa isang banda ng terminal, sa kabilang paligid naman ay ang mga vendor ng chicharon at mga sigarilyo ang nagkalat. Pinagmasdan ni Marceline ang nakitang kumpol ng mga bata sa ilalim ng mataas na footbridge, madudungis at punit-punit ang damit, halatang walang permanenteng tirahan dahil nakahiga lang sa halos nangingitim nang karton. “Mas marami yata ang naghihirap dito sa Maynila kaysa sa probinsya.” Wala sa sariling nasambit niya kaya napatingin sa kaniya si Teresa. “Sa probinsya, kahit papaano may napagkukuhanan pa tayo ng pagkain, mga pananim na gulay. Dito, parang...” “Ano ka ba! Mas maraming trabaho rito, dito na tayo yayaman! Tara na!” Matapos masiguro ang mga lokasyon na pupuntahan at kung ano ang mga sasakyan patungo roon ay nagyakapan na silang magkaibigan, nagbigayan ng phone number para makontak ang isa’t isa at nagplanong magkikita kung day off. “Mag-iingat ka... tayo pala.” Pabulong na sambit ni Marceline habang pinagmamasdan na lumayo ang sinakyan ng kaibigan na jeep. Doon na siya nagpasya na tumayo sa tabi ng isang karinderya at itabi sandali ang mga bitbit na bagahe ng damit. Nilabas niya ang cellphone at kaagad na tinext ang numero na ibinigay ni Tristan Lewis noong gabi na nagkakilala sila. Ilang minuto pa lang ang lumilipas nang mag-ring ang cellphone niya. “Tristan... narito na ‘ko sa Maynila, sa’n ba tayo magkikita?” “Really!? f**k, saktong sakto! That’s good news! I mean, sorry for that word, masaya ako na malaman na nasa Manila ka na!” Kung anu-ano pa ang sinabi nito habang ibinibigay ang direksyon patungo sa sinasabi niyang hotel. Masayang masaya habang lalo namang nari-realize ni Marceline ang trabahong papasukin. Pero kahit ano pang pagdadalawang isip ang mangyari, wala na rin naman siyang lusot, nandito na siya ngayon at umaasa ang nanay niya na may pera itong matatanggap mula sa kaniya buwan-buwan. “Ang sinabi mo roon ako tutuloy sa bahay mo kapag nagpunta ako rito sa Maynila? Wala kasi akong alam na tutuluyan habang nagtatrabaho sa ‘yo...” malumanay na sambit ni Marceline sa tawag habang sumasakay ng taxi, gaya ng instruction ng lalaki sa kaniya, at ito na raw ang magbabayad pagkarating. “Oo nga! Naayos ko na ‘yan, huwag kang mag-alala, ako ang bahala sa ‘yo! Sagot kita!” Pagpapagaan nito ng loob niya. “Ang sa ‘kin lang ngayon muna, pumunta ka sa hotel na sinabi ko sa ‘yo saka mo makikita ang susundo sa ‘yo, siya rin ang paliligayahin at susundin mo ngayong gabi. Mr. Romualdez.” “Huh? Teka, sino naman ‘yon, akala ko ba ay ikaw ang—“ Hindi na niya natapos ang pag-alma nang marinig na ang end tone ng tawag, nangungunot ang noo na pinagmasdan niya ang screen ng phone at paulit-ulit pa na tinawagan at tinext ang numero ng binata pero ‘cannot be reached’ na ang natatanggap niyang response. Biglang kinutuban ng hindi maganda si Marceline. Una, kaya niya lang naman tinanggap ang offer, kahit na hindi pasok sa prinsipyo niya sa buhay noong una pa lang, ay dahil sigurado siyang mukhang disente at maayos ang Tristan na ‘yon. Mabulaklak din ito magsalita at kahit papaano ay fixed ang setup na usapan nila... pero ano itong may nabanggit na bagong lalaki? Mr. Romualdez? Nasapo niya ang kaniyang noo at kabadong naglihis na lamang ng tingin sa bintana ng taxi. Maganda ang tanawin sa labas lalo na ngayong gabi na ngunit ‘di niya mapigilang matakot... kung ano ang susunod na mangyayari sa buhay niya pagkatapos ng gabing ito. “MARCELINE Caridad?” Nahihiyang tumayo kaagad si Marceline mula sa kinauupuang magarang sofa sa lobby ng hotel at pinanood ang lalaking tumawag sa kaniyang pangalan na lumapit sa kaniya, kasunod ang mga lalaki sa likuran nito na tila utusan nito. “Pakibayaran kaagad ang mga naghihintay na taxi sa labas. Tatlo ‘yon, base kay Lewis ay Nicole, Grace, at Marceline ang pangalan ng mga babae. Ikaw na ang bahalang maghanap ng taxi nila na babayaran ko.” Dinig niyang ani nito. “Yes, Sir.” Pinagmasdan ni Marceline ang lalaki. Matanda, puti na ang buhok, malaki ang tiyan, ngunit puno ng malalaki at makakapal na gintong alahas ang leeg, pulseras at mga daliri. Mayaman. Hindi maalis ang ngisi sa mga labi at ang malagkit na tingin sa katawan niya at katawan ng dalawa pang babae na kasama niyang naghihintay sa lobby. “Nicole and Grace, yes, naaalala ko kayo. Ito ang bago ni Tristan, hi, beautiful. Akyat na tayo sa taas?” Nakapamulsang sambit nito at nakangisi sa kaniya saka isinenyas ang mga gamit niya sa iba pa nitong mga tauhan. Kumabog ang puso ni Marceline. Hindi talaga maganda ang kutob niya at kanina pa nanlalamig ang mga palad, hindi niya maintindihan kung bakit. Sumunod siya sa mga ito sa loob ng elevator hanggang sa palapag kung nasaan ang kwarto, ang dalawang kasama niyang babae ay parehong nakasuot ng maiiksi at nagtatawanan habang panaka-naka ang paghaplos sa braso ng matanda, binobola-bola rin ito sa malalaswang biro. Hindi niya maatim kaya naman habang naglalakad sa hallway ay tumikhim na siya. “D-Dadating ba si Tristan Lewis ngayong gabi?” Nilingon siya ng mga kasama. “Siya kasi ang... ang kausap ko sa bayan noong nakaraan.” “Tristan? Hindi. He’s busy with his little, dirty business, iha. Isa pa, wala naman siyang agenda pa para magpunta rito.” Sagot ng matanda at pumasok na sa silid nang pagbuksan ng mga utusan nito. Walang agenda? Pero malinaw ang usapan nila... paanong wala? Noong unang mga minuto ay hinayaan at inaya silang kumain ni Mr. Romualdez sa malaking mesa, ang buong silid ay tila VIP suite sa ganda ng paligid, halos kumintab ang tiled floor at ang mga furniture. Pero hindi pa rin mawala ang pagiging uneasy sa sistema ni Marceline. Hanggang sa may pumasok na iba pang matatanda sa silid. Tila kaibigan ni Mr. Romualdez base sa batian nila. Nagulat na lang siya nang kausapin siya ng mga ito at ayain sa malaking kwarto. “Wait lang ho, k-kailangan ko lang makausap si Tristan. Saglit lang—“ “Babalik ka rin? Bilisan mo, iha! Ginto ang oras namin dito.” Nagtawanan ang mga ito. “Bilis bilisan mo kung ayaw mong malintikan si Tristan sa amin. Minsan lang ako kumagat sa alok ng isang ‘yon at mabigat na kilo ng ginto na ang naibigay namin.” Muli ay naghalakhakan ang mga ito. Tumalikod siya sandali at nilabas mula sa bulsa ang cellphone, nagtitipa ng mensahe, ngunit natigilan din maya maya nang marinig ang maiingay na tawanan at halinghingan ng mga kasamang babae. Paglingon niya, nakita niyang nakahubad na ang halos lahat, ang bilang ng matatandang lalaki ay nasa pito kasama si Mr. Romualdez na nagtatanggal na ngayon ng sinturon. Halos malaglag ang panga ni Marceline nang makitang nag-umpisang pagpasa-pasahan ng mga matatanda ang dadalawang babae na wala ng saplot ngayon. Halos masuka siya sa hitsura ng mga matatandang idinidiin ang mga ari sa katawan ng mga babae, wala namang pagrereklamo mula sa dalawa at parang alam na alam na ang mangyayari... pero hindi siya! “Ano ba! Tatayo ka lang ba riyan?! Hindi ako nagbayad ng singkwenta mil para lang paghintayin mo ha!” Nauubusan ng pasensya na lumapit ang mga matatanda sa kinatatayuan niya sa may pintuan ng silid at hinatak siya sa braso, kaagad namang pumiglas at umiling-iling si Marceline. “H-Hindi, ayoko, wala ‘to sa napag-usapan namin ni Tristan! Ang usapan, siya lang! Hindi ikaw, hindi kayo! Please po, aalis na ako!” Pinilit niya lang sikmurain ang ideya na ibebenta niya ang dignidad niya sa isang mayamang lalaki, binata at hindi nalalayo ang edad sa kaniya, pero hindi sa ganito ang edad na parang triple ang layo sa edad ng nanay niya! At saka... bakit ganito sila karami! Magagaya rin ba siya sa dalawang babae na halos... barubal na ipasok ang kulubot nilang p*********i sa b****a ng ari at butas ng pang-upo ng mga ito? Hindi pinaglagpas pati ang bibig na parang mga aso habang pinagnanasahan din ang katawan at balat ng mga ito! “No, you’re not leaving us tonight, miss. Halika rito at patunayan mo ang singkwenta mil!” Napatili sa takot at halos maiyak si Marceline nang pilitin siya ng tatlong matanda habang nagtatawanan ang iba sa kama, hinuhubad nang pilit ang suot niya at ang iba naman ay hinahawakan na ang maseselan na parte ng kaniyang katawan. “Please po! Ayoko talaga, parang awa nyo na!” “’Wag ka nang umarte bago pa maubos ang pasensya ko sa ‘yo!” Nanginginig ang kamay at halos umiyak na pinilit siyang hawakan ang ari nito. Halos masuka si Marceline sa hitsura at amoy ng matatanda roon habang may humihimas na ng kaniyang binti sa likuran at humuhubad ng kaniyang panty. Umiling-iling siya at hindi na alam ang gagawin habang umiiyak at pinipilit pa rin na hilahin sa kama. Dito niya na napagtanto na malayo sa katotohanan ang napuntahan niyang trabaho. Hindi niya kayang babuyin nang ganito kalala ang kaniyang sarili! Inipon ni Marceline ang lakas ng loob na natitira sa kaniya at naisipang tuhurin ang ari ng matanda sa kaniyang kaliwa, natahimik at napaluhod iyon saka niya sinunod ang isa pa sa kaniyang likuran. “Puta!” Hinila ng isa ang kaniyang buhok noong dapat ay makakatakbo na siya at pilit siyang isinubsob sa bedside table, naglaglagan ang mga nakalagay roon na lamp at vase, kaya pinulot niya ang vase at humarap dito para basagin sa ulo ng matanda. Nagkagulo na ang mga nasa kama at tumakbo para pigilan siya sa pag-aamok pero nauna na siyang makalabas ng silid. Naguguluhan pa ang mga tauhan sa labas nang makita siyang tumatakbo palabas ng hallway kaya mas binilisan niya ang pagsakay ng elevator. Hindi na siya nahabol. Umiiyak at halos triple ang pagkabog ng kaniyang dibdib habang yakap yakap ang sarili. Nagtatakang pinagmasdan siya ng mga staff ng hotel sa lobby nang madaan siya roon pero hindi niya na rin nagawa pang humingi ng tulong. Ang ginawa na lang ni Marceline ay umiiyak na tumakbo nang tumakbo palayo roon, malayo sa mga taong ‘yon, walang dalang kahit anong gamit, sarili lang na yakap yakap nang mahigpit, nanginginig at paulit-ulit na nagdadasal na makatakas siya. Gabing gabi na at hindi niya alam kung nasaan siya. Hindi niya rin alam kung saan pupunta. Wala sa sariling tumawid siya sa daan nang may malakas na bumusina sa kaniya, mabilis na parating ang dalawang magkasunod na sasakyan patungo sa kaniya. Naaninag niya pa ang lalaking driver bago tuluyang naunang mawalan ng malay sa pinaghalu-halong mga emosyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD