KABANATA 6

1459 Words
KABANATA 6 HE HAD IT ALL yet he still feels he had nothing. Lahat ng kailangan at gusto sa buhay ni Jackson Guevarra ay nakukuha niya naman pero pakiramdam niya talaga ay hindi niya pa rin nasusulit ang buhay. Lalo na’t isa-isang nagbabalita ang mga kaibigan niya sa kaniya tungkol sa buhay ng mga ito, ang iba ay malapit nang ikasal, engaged, buntis na ang asawa, magkakaroon na ng pangatlong anak, at kung anu-ano pa. At heto siya, nagmumuni-muni tungkol sa buhay. Jackson. 28 years old, a successful businessman and a billionaire, he could take down every company he wants, sell them off piece by piece and make another fortune. Ganoon niya lang paikutin ang pera sa mundo niya at mahusay na mahusay rito kaya naman sa edad niya ngayon ay nag-eenjoy na lang siya. Single, active ang s*x life, maraming pera at ari-arian. Almost perfect. Pero kulang talaga. Jackson sat in his private jet and looked around at the luxuries his money had bought him, and he knew it was all worthless. Kaya niyang makuha ang kahit sinong babae na gustuhin niya, well, gusto rin naman siyang habulin ng mga ito. But he wanted none of them—not permanently in his life. “Bwisit talagang babae ‘yon. Inuubos niya ang pasensya ko.” He groaned, ibinababa ang hawak na binoculars matapos makita ang sinusundan na babae sa isang isla lulan din ng isang private jet. Buntis ngunit walang ingat na nagsasayaw sa gitna ng mga kaibigan habang panay ang pagtungga ng isang bote ng tequila, nakikipaghalikan sa isang lalaki na sigurado si Jackson na bagong ka-hook up ngayong buwan ng babae. “Bro, sinasabi ko sa ‘yo chill ka lang! Baka mapatay mo pa ‘yan. Mag-isip ka mabuti, magiging tatay ka na! May bata nang involved, pare!” Nagdiretso ang kurba ng mga labi ni Jackson nang marinig ang sinabi ng isa niyang kaibigang si Edward at mariin pang napapikit ng mga mata nang marinig ang idinagdag ng pangalawang kaibigang si Shaun. “Ang kaso nga lang ay doon ka sumabit sa pinakamasakit sa ulo na ka-hook up mo!” Humalakhak si Shaun at tumabi sa kaniya, naglalagay ng mga beer in can sa maliit na mesa sa kanilang tabi. “Ang lala, pare, sana nag-ingat ka, alam mo namang may sira ang tuktok no’ng babaeng ‘yon. Kahit pa anak siya ng chairman ng leading restaurant chain sa Manila hindi ko gugustuhing ipagpalit ang peace of mind ko ro’n!” “Sana nga ikaw na lang ang napagdiskitahan.” Napahalakhak si Edward. “E, hindi naman ikaw ang hinahabol. Itong si Jack pa rin, biruin mo sa tatlong taon niyang pangungulit, sa wakas naka-three points din. Ikaw naman kasi, p’re, ayaw mo ring layuan, ginawa mo pa ngang girlfriend no’ng nakaraang buwan—“ “Pinagbigyan ko lang. Baka sakaling matigilan na.” Inis na inabot ni Jackson ang beer in can at binuksan para lagukin. “Alam ko namang ganoon siya kakulit kahit na maraming gustong ibang lalaki dahil sa utos ng tatay niya. Hindi nila ‘ko mauuto.” “Sa bagay, ikaw ang pinakamalaking kalaban nila sa corporate world, imbis na gawing kalaban bakit hindi na lang mag-merge ang kumpanya ninyo, ganoon siguro ang plano ng chairman na ‘yon. Kaya ginagamit ang anak. Lumang tactic na pero iyon ang best.” Natatawang saad ng kaibigan saka sumandal sa upuan. “Pinapainit lang nila lalo ang dugo ko. Makikita nilang nagkamali sila ng pinipeste sa buhay ngayon, I just have to get my child first.” Iritableng tinanggal nito ang suot na shades. “Pero may kumakalat na chismis. First love mo raw ‘yong babae? Beatrice Mallari, ang magiging nanay ng una mong panganay.” Humahalakhak na sambit ni Shaun. Hinilot ni Jackson ang pagitan ng mga mata niya, sumasakit talaga ang ulo niya palagi kapag napag-uusapan ang babaeng ‘yon, mas lalo ngayon na may idinagdag itong problema sa buhay niya. Buntis lang naman ang pinakamakulit na babaeng pilit isinisiksik ang sarili sa mundo niya at pilit siyang gustong magpakasal na rito. Beatrice Mallari, society’s darling and wildest b***h, life of the party and Miss do-anything-for-daddy woman. “Bluff. Not true.” He lied. Of course, it was true. Mahal na mahal niya ang babae noon pa, first love, greatest love, lahat na ng pwedeng itawag doon ay tama, naging sunud sunuran siya rito ng ilang taon noong kabataan niya pa lang pero daig niya pa ang nabagok at natauhan nang makitang hindi naman talaga siya nito totoong gusto o mahal. Paulit-ulit niyang nahuli na may iba’t ibang lalaking kasiping sa kama at sa mga exclusive bar sa tuwing abala siya sa sariling kumpanya. Ngayon ay hinahabol siya pero tapos na siya sa pagiging uto-uto. “May pakialam lang ako ro’n sa bata, dugo’t laman ko pa rin naman ‘yon. Pero kung gago ako, ‘di na ‘ko magpapakahirap na sundan siya rito, at baka matagal ko na siyang pinatahimik sa pagiging makulit niya.” Nagtawanan na lang at nagtuksuhan ang mga kaibigan nito sa kaniya. Nag-usap sila ni Beatrice Mallari at nagkasundo ng setup tungkol sa bata, pero hinding hindi siya magpapakasal, no matter what happens. Ngayon ay sinusundan niya ito nang malaman na kaliwa’t kanan ang party at alcohol na pinagkakaabalahan ni Beatrice, kasama ang bago nitong ka-hook up, kahit na buntis na ng pitong buwan. NAG-RING ang cellphone ni Jackson at lumabas ang caller’s ID ng kaniyang mga kaibigan na naiwan sa bayan ngunit sa inis at iritasyon ay itinapon niya na sa backseat iyon. Mahigpit ang kapit sa manibela na nakapokus lang ang tingin niya sa sinusundang sasakyan ni Beatrice Mallari. Bwisit na bwisit na siya dahil ginagawa siyang asong ulol ng babae sa kasusunod at kababantay rito sa nakalipas na mga buwan pero wala siyang magawa. He had to live with the consequences now. May pakialam siya sa bata. Papunta na silang Maynila ngayon at hindi naging maganda at maayos ang pag-uusap nila kanina ng ex-girlfriend, nilinaw niya lang naman dito na hindi siya makikipagkasal kahit na anong mangyari ngunit dapat ay maipanganak pa rin ang bata nang maayos, umalis itong lasing habang ang pinagmanehong bagong ka-hook up na lalaki ay lango rin sa alak. “Damn you, b***h!” Jackson slammed his palm on the steering wheel and put on a burst of speed as he caught another glimpse of Beatrice Mallari’s car sliding sideways around a turn. Jackson’s heart almost went to this throat! “This b***h’s car is in the wrong lane through the entire turn. Obviously drunk and didn’t know what they we’re doing, damn you’re pregnant with my child!” Mas binilisan niya ang pagpapatakbo ng kotse para maabutan ito. “I’d kill you after this. I promise.” Nakarating na sila ng highway. With each passing mile, he shortened the distance between his Ferrari and Beatrice Mallari’s car, closing the gap, but then her car keeps on swerving into the other lane, weaving all over the highway. Mabilis ang mga sumunod na pangyayari, sa isang kisap mata lang ay nagulat na lang siya nang mabilisan na lumiko ang kotse nito at sumalpok sa kung saan. Ang sunod ay may babae na sa gitna ng daan, malapit niya nang masagasaan! Hindi niya alam kung sa’n galing ang babae pero ayaw niyang makapatay, not now na nasa peak ang success niya sa buhay. Agad na ginawa niya ang lahat para pumreno pero tumumba na ang babae sa kalsada. Nilingon niya sa kaliwa ang inabot ng sasakyan ni Beatrice Mallari at nakitang umaapoy na ang hood nito ngayon, wasak na wasak ang kalahati, basag na ang mga bintana at umuusok ang makina. “Putangina!” Inalis niya ang seatbelt at nagmamadaling pupuntahan sana ang kotseng sumalpok nang maalala ang babae sa harap ng kotse niya. Sandaling natulala si Jackson nang makita ang hitsura ng babaeng wala ng malay ngayon, mahaba ang itim na itim nitong buhok at maganda ang hugis ng katawan bilang babae, mukhang kaawa-awa ang kabuuang hitsura at kalagayan kaya naman marahas na napabuntonghininga si Jackson. Halos hubo’t h***d ang babae sa ilalim ng malaki nitong suot na jacket at underwear, wala siyang ideya kung anong nangyari rito, kaya naman wala na sa sariling binuhat niya ito patungo sa loob ng kaniyang sasakyan. He didn’t do anything with her. Sigurado siya na nahimatay lang ito, hindi nadikitan ng kotse niya kahit isang segundo lang. Jackson will deal with her later. Sisiguraduhing hindi makakasira sa reputasyon niya sa media ang babaeng ito. Heck, gagawin niya ang lahat ‘wag lang ito makasira sa magandang imahe niya sa buhay ngayon. Ngayon ang anak naman niya... he loudly cursed when he turned and saw Beatrice Mallari’s car suddenly exploded.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD