KABANATA 7

2001 Words
KABANATA 7 THE AMBULANCE was there, Jackson draped a wet blanket over Beatrice Mallari, worrying for his unborn child, paramedics pushing everyone aside to work on Beatrice Mallari and her ‘guy friend’, and then Marceline Caridad, who was still unconscious when checked by the police. Wala siyang maramdamdamang pag-aalala para rito, ang nasa isip na lang ni Jackson ay ang katiyakan niya na hindi magtatagumpay ang mga Mallari sa mga binabalak nito dahil sa pagiging pabaya ni Beatrice. Blanko ang ekspresyon ni Jackson habang pinanonood na pagkaguluhan ng mga tao sa ambulansya si Beatrice Mallari, may umabante pang babae sa eksena na nagpakilalang doktor, saka niya na lang namalayan na kinukuha ng mga ito ang sanggol na napaaga ang paglabas. Until he heard the triumphant cheer. The child was alive. “I AM officer Gerard Santos,” A highway patrolman approached Jackson, naputol ang pagtitig ng huli sa sanggol na ngayon ay payapang naka-isolate sa loob ng incubator sa isang silid na may mahabang transparent window lamang sa harapan. “Can you tell me what happened, Sir?” “Jackson Guevarra.” Pakilala niya at maingat na binanggit ang kaunting impormasyon lang sa kung bakit nauwi sa disgrasya ang nangyari. “Bottomline, it was Beatrice Mallari, being careless and self-absorbed, doing the least to protect the health of my child.” Ang mga kamay ni Jackson ay namulsa nang matapos sa kaniyang ex-girlfriend ang interview. Hindi niya na sinilip pa sa emergency room ang kalagayan ni Beatrice Mallari at wala na siyang balak pang kumustahin ang lagay nito, pero malakas ang kutob niyang wala na nga ito sa tinamong aksidente at pagsabog ng sasakyan. “Sir, huling katanungan bago ko kayo iwan, ‘yong babae sa kotse ninyo...” “A friend. Hindi siya kasali sa nangyari. As you can see... nawalan lang siya ng malay sa takot. Mabilis kasi ang patakbo ko ng sasakyan, I was chasing down Beatrice Mallari’s car.” Mabilis na depensa niya, walang bahid ng kaduda-dudang tono. “May ilang galos kasi ito sa katawan, pasa, kalmot, halos wala ring saplot. Ipaiimbestigahan ko kung nakararanas ng physical a***e ‘yong babae, medyo critical din at hindi pwedeng ipagpawalang bahala.” Natigilan sa narinig si Jackson at bahagyang natulala, iyon yata ang hindi niya kaagad napansin sa babae. Nilingon niya ang kwarto nito sa palapag, malapit lang sa kung nasaan ang kaniyang anak na nakalagay pa rin sa incubator pero hindi niya pa nasisilip kung may malay na ito. “Nakaalitan niya si Beatrice Mallari, lasing na ‘yung isa e, wala na sa sarili. Doon galing ‘yung mga pasa at kalmot. Hinubaran niya rin, pinasakay ko na sa kotse ko para makapagbihis sana, then it all happened, naghahabulan na kami sa highway. Beatrice was really out of her mind.” Nagpasalamat ang officer sa pakikipag-cooperate niya at nagpaalam habang si Jackson naman ay naglakad patungo sa pinto kung saan naka-confine ang misteryosong babae. Nang makapasok siya sa loob at maisara niya ang pinto, pagkaharap niya rito ay halos sabay pa silang magkagulatan sa isa’t isa. Gising na si Marceline at naguguluhan na tinitignan ang swero sa kaniyang kamay, ang paligid ng silid, at siya na kapapasok lang ng kwarto. “You’re awake.” Tumikhim si Jackson at lumapit sa tabi ng kama nito. Bahagya pa siyang natulala nang matitigan muli ang babae sa malapitan, gaya noong unang pagkakataon na nakita niya ito, hindi niya muli mapigilan ang matigilan. Lalo na nang mag-angat ito ng diretsong tingin sa kaniya. Mesmerized. Ang mahaba at itim na itim na buhok nito ay nakalaglag sa kaniyang mga balikat, ang mga mata ay halatang natatakot ngunit nananatiling halos mangislap sa kaniyang paningin, gusto niyang titigan ng ilan pang mga segundo ang misteryosong babae, lalo na ang kabuuan ng maamo nitong mukha. “I am Jackson Guevarra, I brought you here in the hospital with me when you passed out. How are you, do you feel better now?” Nang makita si Jackson sa malapitan ay kaagad na nakaramdam ng takot si Marceline, pakiramdam niya hindi siya ligtas sa kahit sinong lalaki sa paligid na lalapit, buong buo pa sa alaala niya ang mga nangyari bago siya mawalan ng malay. Hindi nilulubayan ng takot ang kaniyang dibdib at nai-imagine pa rin ang tawanan ng mga nakakadiring matandang lalaki sa kaniyang paligid. “Hey, are you alright, Miss?” Sinubukan ni Jackson na tapikin ang kamay ni Marceline ngunit nakita niyang nanginginig na binawi ng huli ang kamay nito palayo sa kaniya. “Layuan mo ‘ko. Layuan niyo ‘ko, tama na!” Nag-umpisa itong umiyak sa harapan ni Jackson, tinatabunan ng nahawakang tela ng puting kumot ang kaniyang mukha at mga mata. Nagtatakang pinagmasdan siya ng binata. “Pumayag ako sa gusto ni Tristan pero wala sa usapan na... na bababuyin pa ako nang husto ng mga matatandang ‘yon. Maawa na kayo, tigilan niyo na ‘ko.” Nameywang si Jackson sa narinig at nahilot ang gilid ng kaniyang labi. Hindi niya naintindihan ang mga pinagsasabi nito pero nagkaroon ng pitik ng pakialam sa kaniyang dibdib, hindi niya maunawaan kung bakit nandito pa rin siya at biglang gusto malaman kung bakit nagkakaganito ang babae kahit na ngayon niya pa lang ito nakita. “Look, Miss, wala akong ideya sa mga sinasabi mo at wala akong gagawing masama sa ‘yo.” Hindi pa rin siya nito binibigyan ng pansin kaya naman tumikhim siya at nag-isip pa ng sasabihin. Lumaki si Jackson na siya ang pinipilit, sinusuyo at pinapakisamahan ng lahat, kaya naman hindi niya malaman kung paano ang gagawin ngayon. “Miss, kung may balak akong masama sa ‘yo, e ‘di sana hindi kita dinala rito sa ospital. Iyon lang ang gusto kong isipin mo. Dinala ko ang anak ko rito kasabay mo, wala akong balak na kung ano pa man sa ‘yo.” Aniya. “Gusto ko lang malaman... kung...” Umatras ng pagkakaupo sa kama si Marceline, nakatago pa rin ang mukha sa tela ng kumot at humihikbi sa takot. “Hindi na kita kukulitin. Para lang alam mo, narito ako kung kailangan mo ng kahit na anong tulong.” Dahan dahang nag angat ng tingin si Marceline sa narinig. Tila natatauhan pero hindi pa rin malaman ang dapat na gawin, pagkatapos ng mga nangyari sa hotel at ang muntik pang pambababoy sa katawan niya, ang gusto niya na lang ngayon ay yumakap sa kaniyang nanay at bumalik sa probinsya. “Anong pangalan mo?” Dahan dahang pagtatanong ni Jackson sa kaniya. Kahit nanlalabo ang mga mata dulot ng mga luha ay naaninag ni Marceline ang hitsura ng lalaki. Mukhang may kaya sa buhay, mukhang may kalahating lahi ng dayuhan... pero hindi pa rin mawala ang takot sa kaniyang dibdib. “Nagugutom ka na ba? Gusto mong ipagbili kita ng mga—“ Bumaba ito sa kama pagkatanggal ng swero sa kaniyang kamay at itinutulak si Jackson para makaraan at makatakbo palayo ng silid. “Miss, wait! Saan ka pupunta—“ Naiiling na sinundan ni Jackson ang babaeng tumatakbo habang suot pa ang puting hospital gown. “Miss!” Pagkalabas ng kwarto ay naabutan niya pa itong lumiko sa corner ng hallway kaya mariing napapikit siya dulot ng frustration at pagdilat ay mabilis na sinundan na ito. Hindi niya maunawaan kung bakit niya ito hinahabol ngayon, hindi naman siya iyong tipo na may pakialam sa lahat ng uri ng babae sa paligid niya. Siya pa nga itong madalas habulin, gaya na lang ni Beatrice Mallari maging ng ama nito. Hindi niya maintindihan pero pakiramdam niya ay may kakaiba sa babae na ngayon lang nakilala. Gusto niyang malaman kung pwede. O makilala kung may pagkakataon. “Sir, hindi ba si Marceline na iyon?!” Dinig niyang sigaw ng kung sino pagkaliko sa corner. Nasundan pa iyon ng sumunod na malakas na pagtawag sa kung sino saka mabibilis at maiingay na yabag ng mga nagtatakbuhang mga lalaki. Pagliko sa isa pang corner ng hallway ng ospital ay halos makabungguan niya si Marceline, muntik pa silang matumba pareho sa sahig kung ‘di lang niya nahawakan ang mga balikat nito. Doon niya nakitang namumutla ngayon ang babae at mas takot na takot kumpara kanina. “P-Please, please, h’wag niyo ‘kong babuyin, ayoko... ayoko na, binabawi ko na ang ipinunta ko rito sa Maynila, ayoko na po, gusto ko lang naman kumita ng pera,” natatakot at pahikbi na pakiusap nito saka nakapag angat ng naguguluhang tingin si Jackson sa likuran ni Marceline, sa mga ‘di kilalang lalaking tumatakbo patungo sa kanilang direksyon. “Pauwiin niyo na ‘ko sa ‘min...” “Marceline. Nandito ka lang pala. Kumusta ang lagay mo?” Bungad ng matandang naka dilaw na polo pagkalapit nito sa kanila, bukas ang unang dalawang butones at ang mga sumunod ay mali-maling nakasuot sa mga butas, na para bang isinuot sa pagmamadali, nasa likuran nito ang lagpas sa pito na tauhan. Hindi humaharap si Marceline ngunit napansin na ni Jackson ang panginginig ng katawan ng dalaga sa kaniyang hawak, nananatili ang mga mata nito sa kaniyang titig ngunit nagmamakaawa na kahit walang sinasabi. “Kung saan saan kita hinanap, nabalitaan ko ang nangyari! Halika na at iuuwi na kita sa bahay, si Tristan... hinahanap ka na rin.” Pawis na pawis ang nakangising matanda, hinihingal sa kanina pang paghahanap sa dalaga ngunit ngayon ay daig pa ang nabunutan ng tinik sa lalamunan. Sa loob loob nito ay gusto niyang makuha si Marceline pabalik at huwag maging aberya ang babae kung sakali mang magsumbong ito sa pulisya. “Brother, salamat sa pagmamagandang loob, narinig ko sa mga pulis ang statement mo. Ako, kakilala ko si Marceline, iuuwi ko na.” Dagdag niya pa na ang kausap naman ay si Jackson. Hindi nakaimik kaagad si Jackson, batid niyang may hindi tamang nangyayari ngayon, at ang pinakamalinaw sa kaniya ay ang naramdamang awa para sa nanginginig na babae sa kaniyang hawak. “Marceline.” Saad niya at tumango tango nang maunawaan base sa narinig kung ano ang pangalan ng dalaga. “Marceline, gusto mo bang sumama sa kanila?” Naglihis ng nanginginig na tingin ang dalaga palayo sa kaniyang titig, hindi umiimik pero halos mawalan ng kulay ang buong mukha sa takot. Ngayon lang naunawaan ni Jackson na ang buong akala marahil ni Marceline ay isa siya sa mga bagong dating kaya naman pati siya ay halos hindi nito maayos na kausapin. “Hindi nila ‘ko kakilala o kasama.” Mahinang dugtong niya malapit sa tenga ni Marceline. “A-Ayoko. Hindi ko rin sila kilala...” Mahinang tugon nito sa halos paos at nanginginig na boses. Sa puntong iyon ay nagkaroon na ng kaunting ideya si Jackson sa kung ano ang posibleng nangyayari. Kaya naman nang mag-angat siya ng tingin sa matandang lalaki sa kaniyang harapan at sa mga nakaabang na maaangas na tauhan nito sa likuran ay pinanatili niya ang pormal at seryosong titig dito. “Marceline! Ano ka ba naman magkasama lang tayo kaninang nagdi-dinner! Halika na!” Hinawakan ng matanda si Marceline sa braso nito ngunit nanatiling bato sa kinatatayuan si Marceline. Mariin siyang pumikit sa takot at hindi na namamalayang humihigpit ang kapit sa mga braso ni Jackson. Nagbaba ng tingin doon si Jackson at nakitang halos bumaon na ang mga kuko ng dalaga sa kaniyang balat dulot ng takot. “Bago pa kayo dumating nagkausap na kami ni Marceline. Sa ‘kin siya uuwi at sasama, hindi ko alam ang relasyon ninyo sa isa’t isa pero malinaw ang sinabi niya.” Diretsong sambit ni Jackson sa matanda. Inangat niya ang kaniyang kamay upang mahigpit na hawakan ang kamay ng matanda at ilayo sa pagkakahawak kay Marceline. “Sa ‘kin siya sasama.” Mula sa pagkakahawak sa mga balikat ng dalaga ay iniikot niya ang kaniyang braso sa munti nitong katawan at tuluyang niyakap upang hindi na pilitin pa ng matanda. Upang protektahan at pakalmahin din ang kanina pang nanginginig at natatakot na babae sa kaniyang harapan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD