KABANATA 14 PAGBABA ni Jackson sa kusina ay natagpuan nito kaagad si Marceline na nagluluto. Umaga na ng Sabado at magandang maganda ang panahon sa labas pero hindi yata sa loob ng iisang bubong kung nasaan silang dalawa ngayon. “Good morning.” Walang kaemo-emosyon na bati ni Jackson dito saka dumiretso sa kitchen tops para kumuha ng tasa at gumawa ng kape. Pasimple niyang sinulyapan si Marceline nang ‘di gumagalaw ang ulo, napansin na hindi siya nito inimik. Tumikhim siya at inulit ang sinabi sa mas malakas na boses kaysa kanina. Baka hindi lang narinig ang bati niya. “Good morning.” Pero nagpapatuloy lang ang isa sa paghiwa ng patatas, nang matapos ay inihulog na ang mga ‘yon sa loob ng kaldero at nagpaka-busy sa paghalo-halo ng niluluto. Napaangat ng kilay si Jackson at padabog na

