KABANATA 13 “MARCELINE, magkwento ka naman! Bakit palagi kayong magkasabay kumain noong gwapong kaibigan ni Sir Edward!” “Ano ka ba, maraming gwapong kaibigan si Sir Edward, apat nga silang gwapo ‘di ba?” “Ay, oo nga pala! Ganoon siguro kapag mayaman, required na gwapo ka pati ang mga kaibigan mo?!” “Kapag mahirap?” “Ito, simple lang. Pang-general ang friends, may gwapo, feeling gwapo, maganda, feeling magaganda.” Nagtawanan silang magkakaibigan. Nilingon sila ni Marceline na kanina lang ay abala sa pag-aayos ng mga nagamit na plato sa event hall. “Kaibigan ko si Sir Jackson. Mabait siya, siguro gusto niya lang may kasabay kumain kaya napipilitan na ayain ako.” Sinabi niya na lang sa mga ito. Tumikhim si Marceline lalo na nang maalala ang eksena kasama ang binata sa elevator noong u

