Kabanata 22

1604 Words

"Z-Zir?" Ito nalang ang nasabi ni Clio. Bakit ito nandito? Paano niya nalaman? "Maiwan muna namin kayong dalawa," wika ng kanyang tita at isinama si Helios palabas. Iniwan muna ni Helios ang plastik na may laman na prutas at sumunod sa tita ni Clio. Ngayon naman ay silang dalawa nalang ang naiwan kasama ang kanilang anak. Nakatingin lang siya dito. Kita niya ang ngiti nito sa mukha. "Bakit ka nandito?" malamig na tanong ni Clio kay Zir "Para makita ko kayong mag-ina ko," simpleng sagot ni Zir sa kanya habang nakatingin sa kanya. Hindi nakatingin si Clio dito baka isang tingin niya lang dito ay baka ma-iyak siya. "Paano mo nalaman na nandito ako?" sunod niyang tanong. "Kay Helios." Kay Helios? Si Helios? "Kay Helios? P-Paano mo nakilala si Helios?" This time, tumingin na siya kay

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD