Kabanata 1
Manhid ba talaga siya?
Ano ba dapat kong gawin para maramdaman mo na nandito ako? Ginawa ko na lahat ng gusto mo para sa babaeng ideal girl mo.
Pwede bang ako nalang?
Pero mali pala ako kasi akala ko sa mga ginagawa ko magiging iba na ang pagtingin mo sa akin. Akala ko mas hihigit pa sa pagkakaibigan.
Hanggang kailan? Pag pagod na ko? Parang stalker na nga ang peg ko.
Mamahalin mo ba ko ng higit pa sa kaibigan?
--- Clio Martinez
***
Kainis talaga 'yung mga babaeng tumitingin sa kanya. Kung nakamamatay lang ang tingin. Naku!! Akin lang siya.
'TOK'
"Aray! Bakit mo naman tinampal mukha ko?" sabi ni Clio na himas-himas ang pisngi niya.
"Wow!!! Kulang nalang malusaw si Zir sa kakatitig mo," wika ni Nera habang kumakain.
"Ayun na eh... Nakakainis naman eh huhu. Ayokong mawala siya sa paningin ko," inis na sabi ni Clio kay Nera.
Siya si Clio Martinez. Isang negosyante. Matagal ng may lihim na pagtingin kay Zir. Isa ring negosyante at dating kaklase niya noong nag-aaral pa siya nung kolehiyo.
"Talaga lang ha? Eh kung ubusin mo na kaya 'yang kinakain mo. Akala mo naman mawawala talaga si Zir sa paningin mo. Ang lapit-lapit lang naman ng building nila sa atin," masungit na sabi ni Nera sa kanya na patuloy pa rin sa pagkain.
Ito naman si Nera Hye Faye. Dating kaklase at negosyante din si Nera. Puro nalang negosyo ang inaatupag nito.
"Grabe naman 'to. Ang sungit mo talaga. Pero naka-kainis kasi eh... Ang daming nakatingin sa kanya," sabi ni Clio sabay nguso.
"May mata kasi sila kaya siya pinagtitinginan," sarkastikong sabi ni Nera sa kanya habang tinatapos nito ang tirang pagkain sa plato.
"Sabagay. Hindi naman siya pagtitinginan kung hindi siya gwapo. Nasa kanya na lahat," malungkot na sabi niya kay Nera habang patuloy pa rin siyang nakatingin kay Zir na nasa malayo. Hindi niya pa rin ginagalaw ang kanyang pagkain.
Ang gwapo niya talaga...
'TOK'
"Aray ha! Kanina ka pa," inis na sabi ni Clio habang himas-himas ulit ang pisngi niya.
"Nakatunganga ka na naman. Tigil-tigilan mo na kasi si Zir. Hindi ka niyan papansinin. Hanggang kaibigan lang ang turing niya sa iyo," sabi pa ni Nera sa kanya habang nakasalumbaba pa ito.
Biglang lumungkot ang mukha ni Clio at pinagmasdan si Zir sa malayo.
Oo nga. Hanggang kaibigan nga lang ba?
"Kaya kung ako sa iyo... Itigil mo na yan kaka-stalk sa kanya," patuloy na sabi ni Nera at kumuha ng fries sa plato ni Clio.
Tumingin si Clio kay Nera at sinamaan ng tingin ito. "Hay naku, Nera! Kung nagpapaligaw ka kasi sana o kaya naman makipag-date ka nang magka-lovelife ka naman. Nang hindi ka naman maging bitter diyan. Uso maging sweet po," asar niya kay Nera.
Sarkastikong tumawa naman si Nera. "Wow! Nagsalita ang may lovelife. Ang daming nanliligaw sa iyo, hindi mo man lang pansinin. Ang daming lalaki sa mundo. Kay Zir lang umiikot mundo mo." Sabay irap nito kay Clio. "Kung ako sa iyo, kainin mo na 'yang pagkain mo at nang makabalik tayo sa trabaho natin."
Nasa fast food sila ngayon at nagulat si Clio nang makita niya si Zir. Ang alam niya kay Zir ay puro restaurant lang ang kinakainan nito kasama ang mga ibang kliyente. Ngunit napansin niya na wala itong kasama ngayon at nagtataka siya kung bakit dito ito napunta.
'Maganda ka sana kaso baliw ka naman sa iisang lalaki.'
Bulong ni Nera ngunit narinig ito ni Clio.
"Wow ha! Rinig ko ah. Okay na sana na maganda lang sabihin mo pero ako baliw? Di pa naman ako baliw," patol niya pa rin kay Nera.
"Oo na, ubusin mo na ‘yang pagkain mo," utos ni Nera sa kanya.
Kinuha na ni Clio ang kutsara na may laman na pagkain at akmang isusubo nang mapatingin siya ulit kay Zir na nasa malayo na mukhang may bitbit na tray at mukhang naghahanap ng bakanteng ma-uupuan. Ngunit bigla itong napatingin sa kanilang gawi at bigla siyang napa-diretso ng upo at mabilis na umiwas ng tingin kay Zir.
Napatingin naman si Nera sa kanya at nagtataka kung bakit siya tila hindi mapakali sa kanyang pagkaka-upo.
"Anyare sa iyo? Bakit parang di ka mapakali diyan?" takang tanong ni Nera sa kanya habang nakataas ang isang kilay nito.
Biglang nataranta si Clio at sabay ayos ng kanyang buhok.
"N-Nera! Nera! Papunta si Zir dito sa gawi natin. Okay ba ko?! Maayos ba mukha ko?! Ano?! Ano?!" natatarantang tanong niya kay Nera habang patuloy pa rin niyang inaayos ang kanyang buhok.
"Naku naman, Clio! Umayos ka nga. Para kang baliw diyan. Maganda ka. Baliw ka nga lang," nakabusangot na sabi ni Nera.
Sinamaan ni Clio ng tingin si Nera. "Okay na maganda nalang sabihin mo. Sabi ng di ako baliw. Hmp," paglilinaw ni Clio sabay nguso.
Habang papalapit si Zir sa direksyon nila ay siya naman ang kaba ng nararamdaman ni Clio. Nakatingin lang siya sa kanyang pagkain habang hawak ang kutsarang may laman na pagkain. Hindi siya makatingin kay Zir habang papalapit ito sa kanila.
"Malapit na ba siya?" tanong ni Clio kay Nera. Naka-steady lang siya at nakayuko na kinakabahan siya kanyang upuan.
Hindi lumilingon si Nera bagkus ay nagtanong lang ito sa kanya. "Nasaan ba?" takang tanong ni Nera sa kanya.
"Nasa likod mo," bulong ni Clio kay Nera.
Nakita naman ni Clio na akmang lilingon si Nera nang pigilan niya agad ito.
"Naku naman, Nera. Napaka-obvious mo naman," bulong niya kay Nera as if para na siyang na-frustrate dito.
"Sabi mo nasa likod ko kaya lumingon ako. Ano ba talaga, Clio? Ang kulit mo." Sabay ngiwi ni Nera sa kanya.
Magsasalita pa sana si Clio nang biglang may magsalita. At sa hindi nila inaasahan ay nasa gilid na nila si Zir.
"Hi. Buti nalang at nakita ko kayo dito. Dami na kasing tao at wala ng bakanteng ma-uupuan. Pwede bang dito nalang ako maki-upo sa inyo?" wika ni Zir sa kanila na may bitbit na tray sabay ngiti nito.
Hindi pa rin makatingin si Clio kay Zir. Kaya naman narinig niya si Nera nang magsalita ito.
"Oo naman. Pwedeng-pwede. Okay na okay kay Clio. Upo ka sa tabi ni Clio," asar ni Nera sa kanya.
Pinanliitan ng mata ni Clio si Nera. Wari'y sinasabi na niya dito, 'Yari ka sa akin mamaya' look.
"Salamat," sabi ni Zir sabay upo sa tabi ni Clio.
Bumuka ng bibig si Nera at sinabing 'Happy?' ng walang tunog sabay ngiti nito ng pagkalawak-lawak kay Clio.
"Buti nalang talaga at nakita ko kayo," sabi ni Zir habang nire-ready ang kakainin.
"Oo nga eh. Kung alam mo lang," sabay bulong pa ni Nera. "Masayang-masaya si Clio. Magdiriwang pa 'yan."
Dapat ay si Clio lang ang paparinggan ni Nera ngunit hindi nito alam na narinig din ni Zir ang sinabi nito; ngunit hindi malinaw.
"Kung alam ko lang na ano?" takang tanong ni Zir kay Nera.
Pinandilatan ng mata ni Clio si Nera, 'Sige, subukan mong mang-asar.' Look
Ngumisi si Nera sa kanya bilang asar nito sa kanya at ibinaling ang tingin nito kay Zir.
"Kung alam mo lang na maraming kumakain ngayong araw," dahilan ni Nera kay Zir.
Ngiti lang ang ibinigay na sagot ni Clio sa kanila. Tila hindi siya makapagsalita dahil katabi niya na si Zir.
Wooh! Nakaka-ilang. Pag ganito ba naman katabi mo parang hindi ka na makagalaw...
Bigla naman na nagulat si Clio ng kausapin siya ni Zir. Kanina pa siya nanlalamig lalo na at nasa tabi niya pa ito. At bigla siyang kinabahan naman ng kausapin siya ni Zir.
"Clio, di ka pa pala tapos kumain. Sabayan mo na ko," yaya pa sa kanya ni Zir habang nakatingin ito sa kanyang plato na hindi pa nabawasan.
"Hehe... Oo nga eh." Sabay subo niya ng kutsara niya na may lamang pagkain.
"Syanga pala. Kamusta na pala ang business niyo?" bungad na tanong ni Zir sa kanila.
Naunang nagsalita si Nera. Habang si Clio ay tila lumilipad ang isip niya at hindi pa rin makapaniwalang katabi niya si Zir at nakakausap nila ito ngayon. Nagkakausap naman sila noon pero ngayong nagkaroon na sila ng kani-kanilang hanap-buhay ay tila nag-iba ang ihip ng hangin.
"Clio?" tawag ni Zir sa kanya.
"Clio?" tawag ulit nito sa kanya.
Bigla naman nagising si Clio sa kanyang pagpapantasya. Napatingin siya kina Nera at Zir. Napatingin siya kay Nera na may pagtatanong sa mukha nito.
At napalingon naman siya kay Zir. This time ay nakita niya na ng malapitan ang mukha nito. "Ano... Ano nga ulit iyong tanong mo? Hehe," puno ng kaba ang tanong niya kay Zir.
"Sabi ko kung kamusta ang negosyo mo?" ulit ni Zir sa kanya sabay ngiti pa nito.
Kung nakakamatay lang ang ngiti. Baka nasa langit na ko ngayon. Ngiti pa lang sapat na sa akin...
"H-Ha... a... ano... okay naman," nauutal niyang sagot kay Zir.
Waaah!!! Bakit ako nauutal? Huhu...
"Sus. Hindi mo ba itatanong kung kamusta na ang lovelife ni Clio," asar at singit naman ni Nera sa kanila.
Pinanlakihan ni Clio ng mata si Nera. Tanda na yaring-yari ito mamaya sa kanya. 'Humanda ka sa akin talaga mamaya.'
"Bakit? Mayroon na ba?" pabirong tanong ni Zir sa kanila.
"Wala pa hehe," singit naman ni Clio. Siya na mismo ang sumagot dahil kung hindi pa siya magsasalita ay patuloy pa rin si Nera sa pang-aasar sa kanya.
"Bakit wala pa? Sa ganda mong 'yan? Maraming magkakagusto sa iyo," hindi makapaniwalang sabi ni Zir sa kanya.
Magsasalita na naman sana si Clio nang magsalita si Nera. Mukhang hindi ito titigil na asarin siya.
"Kung alam mo lang... Ewan ko ba diyan kay Clio. Madami naman nanliligaw sa kanya pero sa isang tao lang siya nakatuon ng pansin. Ni hindi naman siya mapansin nito," pagpaparinig ni Nera sabay ngisi kay Clio. "Ikaw pala Zir... Mayroon bang girlfriend ngayon?"
Napatingin si Clio kay Zir wari'y naghihintay ng sagot. Iyon ang hinihintay na sagot niya. Hindi lang pang-aasar ang ginawa sa kanya ni Nera ay may silbi din ito upang matanong ang status ni Zir.
Sana wala pa...
"Well... About that... Yeah... May girlfriend ako ngayon. Baka sa susunod ipakilala ko siya sa inyo. I know magugustuhan niyo siya," masayang sabi ni Zir sa kanila.
Tila gumuho ang mundo ni Clio ng marinig niya iyon. Ginawa na niya ang lahat upang mapansin siya ni Zir. Na sana mas higit pa sa pagkakaibigan ang tingin nito sa kanya.
Wala na finish na...
"Oh?! Talaga?! Wow! Swerte naman ni girl," natatawang sabi ni Nera at pasimpleng tumingin ito kay Clio.
Sige, magparinig ka pa. Naririnig ko naman. Sobrang manhid naman nitong si Nera. Nasasaktan na nga ako. Gusto ko na nga umalis dito...
Bigla napa-isip ng dahilan si Clio kung paano sila magpapaalam kay Zir. Dahil sa nalaman niya na may nobya ito ay sobrang nasaktan siya. Inubos niya nalang ang pagkain niyang hindi niya pa nagagalaw. Natatarantang tumayo siya at sabay hila patayo si Nera. Napatingin naman sa kanya si Zir.
"A-Ahm... Zir... Una na kami. Kanina pa kami dito at napasarap pa ang kwentuhan nating tatlo. Madami pa kong gagawin," dahilan niya dito kay Zir.
"Diba Nera??" may diin niyang sabi kay Nera para makuha ang ibig sabihin niya.
May pag-aalinlangan na tumingin sa kanya si Nera. "Ah... Oo nga pala. Hehe," sang-ayon naman ni Nera sa kanya.
"Alis na kami. Nice to see you," sabi niya sabay nagmamadaling umalis habang hila-hila niya si Nera.
'Okay. Ingat kayo. Nice to see you too.'
Habol na sabi ni Zir sa kanila na rinig naman niya kahit nasa malayo na sila.
Nang makalayo na sila kay Zir ay bigla naman nagsalita si Nera.
"Yan na Clio. Sabi ko naman sa iyo. Makipag-date ka na sa iba. Confirm na oh.. May girlfriend na 'yung tao," may pag-aalalang sabi ni Nera sa kanya.
Siguro nga... Wala naman talaga akong pag-asa sa kanya...
Tumingin si Clio kay Nera. Gusto niyang umiyak ngunit hindi niya magawa. Sobrang nasaktan siya.
Sana ako nalang. Sana sinabi ko nalang ang nararamdaman ko sa kanya noon pa man...
"Parehas lang naman tayong single ah. Makapagsalita ka diyan. Eh kung ikaw kaya din makipag-date nang hindi ka nagsusungit," ganti niyang sabi kay Nera.
Inirapan siya ni Nera. "Ewan. Tara na nga at nang makauwi," yaya ni Nera sa kanya.