Kabanata 2

1945 Words
NAGHIHINTAY sila ng masasakyan ni Nera ngayon. Napalingon si Clio kay Nera nang tumunog ang cellphone nito. "Sino 'yang nagtext sa iyo?" takang tanong niya kay Nera. "Si Zir... Sabi niya na bukas niya ipapakilala iyong girlfriend niya sa atin. Hindi mo ba tiningnan ang cellphone mo?" tanong ni Nera sa kanya. Inilabas ni Clio ang kanyang cellphone satchel bag. Sa kanyang malalim na pag-iisip dahil sa nangyari kanina ay hindi niya namalayan na tumunog ang cellphone niya. Sa kanyang pagbukas ng kanyang cellphone ay nakita niya na may message nga si Zir sa kanya. Muling lumungkot ang kanyang mukha sa nalaman niya kanina at ang mas masakit pa ay bukas ipapakilala nito ang nobya nito sa kanila. Bakit bukas pa? Wala na bang mas ikakasakit pa? "Clio, tara na. May taxi na," sambit ni Nera sa kanya sabay bukas ng pinto nito at naunang pumasok ng sasakyan. Bigla naman napatingin si Clio kay Nera nang ito ay pumasok at sumunod din siya dito. Nang sila ay nasa daan na ay panay lang ang daldal ni Nera kay Clio. Hindi man lang kinakausap ni Clio si Nera. Tila nawalan siya ng gana ngayong araw. "Clio... Magsalita ka naman. Kanina ka pa tahimik," sabi ni Nera sa kanya nang mapansin nitong tahimik siya. "Wala akong gana. Pagod ako ngayon," matamlay niyang sagot kay Nera habang nakatingin sa labas ng bintana. "Nako naman, Clio. Dahil ba kay Zir na naman? May nobya na nga iyong tao. Madami naman na lalaki sa mundo. Di ka ma-uubusuan," paliwanag ni Nera sa kanya. "Wala akong sa mood makipagbiruan. Gusto ko na magpahinga ngayon," matamlay pa rin na sagot ni Clio. Inilabas ni Clio ang kanyang cellphone at pumunta sa gallery. Isang litrato ang kanyang binuksan. Litrato ni Zir ito na stolen picture. Naalala niya noong nasa kolehiyo pa lang sila ay lagi na silang magkakasama nila Nera. *** PAGKA-UWI ni Clio sa bahay ay naabutan niya pang gising ang kanyang ina. "Bakit ang aga mo naman?" bungad na tanong ng ina niyang nanonood sa sala. Ngayong maaga ako ng uwi. Parang kataka-taka naman ako ngayon? Napatingin si Clio sa kanilang orasan. Alas-nueve pa lang pala at hindi na siya nagtaka kung bakit nagtanong sa kanya ang kanyang ina. Dahil usually ay umuuwi siya ng madaling araw. "Masama po pakiramdam ko. Sobrang nakakapagod lang po ngayong araw," sagot niya sa kanyang ina sabay punta sa kusina at kumuha siya ng baso at binuksan niya naman ang refrigerator at kumuha ng pitchel na may laman na tubig at naglagay siya ng tubig sa baso. Uminom muna si Clio sabay punta sa sala na bitbit ang baso na may laman na tubig. "Magpahinga ka na. Kumain ka na ba? Kung gusto mo kumain may nakatabi naman sa kusina," pag-aalala ng kanyang ina sa kanya. "Hindi na po. Matutulog na po ako," sagot niya nalang. Bumalik si Clio ng kusina at iniwan ang baso na wala ng laman at dumiretso na siya sa kanyang kwarto. Pagpasok niya sa kanyang kwarto ay agad naman siyang nagpalit ng pantulog at nahiga sa kanyang kama. Bakit sobrang pagod ako ngayon? Ang bigat ng nararamdaman ko. Mas nakakapagod pa lang magmahal... Nakatingin lang si Clio sa kisame. Hindi niya alam kung kaya niyang makita bukas ang nobya ni Zir. Nasaktan na nga ako kanina sa nalaman ko. What more pa kung ipakilala niya ang nobya niya sa amin. Sobrang masasaktan ako... *** - KINABUKASAN - 'KRIIING' 'KRIIING' 'KRIIING' 'KRIIING' Kinapa-kapa ni Clio ang kanyang kama. Hinahanap ang kanyang cellphone na kanina pa tumutunog. Nang maramdaman niya kung nasaan ito ay agad niyang kinuha at sinagot ang tawag. "Hello?" walang gana niyang sabi. (Wow! Kagigising lang ah. Alam mo ba kung anong araw ngayon?) "Hindi. Bakit?... May lakad ba tayo?" (Loka ka. Ngayon kaya ipapakilala ni Zir ang nobya niya.) "Ah... Akala ko naman napaka-importante. Pwede naman sa susunod niya nalang ipakilala," bitter niyang sagot dito. (Baliw lang, Clio? Ngayon nga lang available ang nobya niya. Hindi naman katulad natin iyon na may sariling oras. Isa pa, kaibigan natin si Zir. Baka magtampo sa atin iyong tao pag di tayo sumipot.) "Kaso may meeting ako ngayon," dahilan niya pa. (Huwag ka na magdahilan. Alam ko wala kang meeting ngayon. Baka magtampo sa atin si Zir. Isantabi mo muna iyang puso mong sawi.) Nalungkot si Clio sa sinabi ni Nera. Hindi man lang ako damayan sa puso kong sugatan... Hindi man lang niya ko intindihin... Hindi rin nagtagal ay sumang-ayon na rin si Clio. "Sige na nga. Anong oras na ba?" pagsang-ayon niya kay Nera. (10 am na po. Kaya nga ako tumawag kasi alam kong matagal ka pang mag-ayos.) Napatingin naman si Clio sa kanyang orasan at nagulat siya na nagising siya ng ganitong oras. "Okay... Okay... Mag-ayos lang ako," sabi niya dito sabay patay ng tawag. Nagmamadaling bumangon si Clio ng kanyang kama at pumasok sa cr para maligo. Dahil alam niya sa sarili niyang matagal siyang gumalaw. At isa pa, mahirap makasakay sa kanyang lugar. Natapos nang maligo si Clio at iniisip kung anong susuotin. Naisip niyang suotin nalang pang-taas ay ang belted dip hem striped top at ang pang-ibaba naman ay puting pantalon at sandals na open na puti na may taas na 2 inch. Nang matapos nang ayusin ni Clio ang kanyang sarili ay nagmamadali niyang kinuha ang kanyang glitter flap chain clutch bag at umalis ng bahay. *** LUMIPAS ang ilang minuto ay nakarating din si Clio sa wakas sa mall. Nakita niya si Nera na nakaupo malapit sa entrance ng mall. Alam niya naman na laging maaga ito. Kaya hindi na siya nagtataka dito. Tiningnan niya ang kanyang relo. 12:55 pm. Yes! Hindi ako late... Lumakad na si Clio hanggang sa makarating siya sa pwesto ni Nera. Napatingin si Nera sa kanya. Kita dito ang pagka-irita sa mukha nito. "Wow! Ang aga ah. Mukhang ikaw ang excited na makilala ang girlfriend ni Zir," asar niya kay Nera. Tinaasan siya ni Nera ng isang kilay. "Correction. Lagi naman akong maaga. Kalian ba ko na-late? Aber!" pagtatama ni Nera sa kanya. Ang sungit naman nito. Siguro may red tide ito ngayon... "Wala pa ba sila?" pag-iiba niya. "On the way na daw sila sabi ni Zir." "Ah," nasabi niya nalang dahil wala naman siyang masabi pa. Kagabi pa nag-iisip si Clio kung ano ba ang itsura ng girlfriend ni Zir. Kung ano bang type ni Zir sa isang babae. Napapa-iling nalang siya sa kung anong pumapasok sa kanyang isip. "Anong nangyayari sa iyo?" tanong sa kanya ni Nera. Napatingin si Clio kay Nera. "Hehe. Wala naman. Mag-cr lang ako," paalam niya kay Nera. At dumiretso na siya sa comfort room. Hindi na niya hinintay pang magsalita si Nera. *** NANG matapos mag-cr ni Clio ay lumabas na siya. Sa kanyang paglalakad ay binuksan niya ang kanyang clutch bag at kinuha ang kanyang cellphone upang i-text si Nera ngunit biglang may nakabangga sa kanya at nahulog ang kanyang cellphone sa sahig. "Sorry," sabi ng lalaki sa kanya sabay pulot nito ng cellphone niya at inabot ito sa kanya. Kinuha ni Clio naman ang cellphone niya sa kamay ng lalaki. "Okay lang," sagot niya sa lalaki. Biglang napa-isip si Clio sa taong nabangga niya. Ang gwapo naman nito. Gwapo din siya ngunit mas gwapo si Zir... Teka, hindi ito ang time para magpantasya... "It's my fault. By the way, what is your name?" paghingi ng paumanhin ng lalaki sa kanya. "I'm Clio Martinez. And you?" walang pag-aalinlangan niyang sagot sa lalaki. "I'm Helios Nel Hunter. I was on my vacation now but I'm not familiar with this place right now." Kakakilala lang nila pero parang may gustong ipahiwatig ito sa kanya. So anong gusto niya mangyari? I-tour ko siya? Ngumiti si Clio ng bahagya upang hindi mahalata ang kanyang pagka-inis sa lalaki. "Really? I'm sorry but I can't help you right now. I have appointment right now. You know, doing some business makes a person more busy." Bakit ba nagpapaliwanag ako sa kanya? Stranger siya. Stranger siya... "Awesome. I have business too. But in my country." Gusto ko na umalis. Hindi niya ata ako titigilan... "That is good. So by the way, I have to go. My friends are waiting for me. Thank you for picking up my phone," pagdadahilan niya sa lalaki upang siya ay makaalis na. "No problem. I hope we can see each other next time." Hindi mangyayari na magkikita pa tayo. Ang laki ng mundo... "Yeah. I hope so. So bye? Nice meeting you," sabi niya dito na may pekeng ngiti dito. Pagkasabi niya nito ay umalis na siya agad. "I forgot... Can I have your phone---" Nagmamadaling umalis si Clio at hindi na pinatapos pa ang lalaki na magsalita. Hindi ba niya ko na-intindihan? Tinext ni Clio si Nera kung nasaan na ito. Sinabi naman agad ni Nera sa kanya kung nasaan ito at sinabi nito na kasama na nito sina Zir. This is it. Makikilala ko na siya... Bakas sa mukha ni Clio ang kaba habang naglalakad siya sa pwesto nila Nera. Nakita niya na ang mga ito ngunit ang babaeng kasama ni Zir ay nakatalikod sa kanya kaya naman hindi niya alam kung ano ba ang itsura ng nobya ni Zir. Papalapit na si Clio. Konting hakbang pa niya at makikita niya na ang mukha ng nobya ni Zir. Hanggang sa makalapit na siya at makita niya na nga ng tuluyan ang nobya ni Zir. Maganda ang nobya ni Zir. Maamo ang mukha. Maputi at matangkad. Parang modela ito. Pero napaka-simple lang nito manamit. Nakasuot ito ng plaid print button front dress na below the knee na kulay kahel. "Hi," bati ni Clio sa mga ito at upo sa tabi ni Nera. "Bakit ngayon ka lang? Saan ka ba pumunta?" tanong agad sa kanya ni Nera. "May nabangga kasi ako kanina. Eh nagka-usap lang kami kaso napatagal. Hehe," sagot niya naman kay Nera. "Ah kaya pala." Sabay baling ng tingin ni Nera sa kaharap nila na sina Zir at ang nobya nito. "Si Zir at girlfriend nga pala niya." Bumaling ng tingin si Clio sa mga ito. Kahit hindi bukal sa loob niya ay naglakas-loob siyang harapin ang nobya ni Zir. "Hi. Hehe," bati niya ulit. "Clio, Si Selene pala. Selene Montana, girlfriend ko," pagpapakilala ni Zir sa kanya. "Selene. Si Clio pala, kaibigan ko noong college." Ngumiti lang si Clio dito at ngumiti din pabalik si Selene sa kanya. Pagkatapos ay biglang may dumaang anghel at biglang tumahimik silang lahat. "Ahm... Order lang ako ng makakain natin." Pagputol ni Zir sa kanilang katahimikan. "Ano sa inyo?" tanong ni Zir sa kanila. Sinabi naman nila kung anong gusto nila. Naiwan silang tatlo at katahimikan pa rin ang namamagitan sa kanilang tatlo. "So ilang taon ka na?... Ilan kayong magkakapatid?... Ano work mo?" sunod-sunod na tanong ni Nera na tila nag-iimbestiga. "25 na ko. dalawa lang kaming magkapatid. And I have an Art Gallery. I'm an artist," sagot naman ni Selene. Bigla naman nanlaki ang mata ni Nera sa sinabi ni Selene. "Wow! Gusto kong makita ang mga gawa mo," excited na sabi ni Nera. "Sensya ka na, Selene. Ang totoo... Inaalam niya kung may kapatid kang lalaki kasi single pa yan si Nera." Pagsingit niya sa mga ito. Sinamaan naman siya ng tingin ni Nera. Natawa naman si Selene. "Okay lang. You can visit my art gallery anytime you want." At nagtuloy-tuloy pa ang pag-uusap nila hanggang sa dumating si Zir na may dalang pagkain. Sa kanilang matagal na pag-uusap ay nakikita ni Clio na mabait si Selene at nakikita niyang mahal nila ang isa't isa. Sa tingin ko. Kailangan ko ng tanggapin na hanggang kaibigan niya lang talaga ako...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD