Kabanata 3

1788 Words
"PAANO ba iyan... Mauna na kami ni Nera. Diba Nera?" pagpapasyang sabi ni Clio na umuwi sabay siko niya kay Nera. Alam niyang maiintindihan siya ni Nera. "Ayy oo nga. Hehe. Hindi ko namalayan iyong oras. Napasarap ang kwentuhan natin. Hehe," gatong pa ni Nera. "Sayang naman. Sa susunod nalang ulit kung may time," wika ni Zir sa kanila. Kung may next time pa... "Sige. Mauna na kami. May pasok pa kasi kami bukas. Have a nice date sa inyong dalawa. Bye," pagpapaalam niya sa mga ito. At umalis na sila ni Nera. At dahil wala silang sasakyan na dala ay nag-commute nalang sila. Pagkasakay na pagkasakay nila ng taxi ay napasandal nalang si Clio sa upuan at nakatingin sa labas. Naalala niya noong una niyang kita pa lang kay Zir ay nagustuhan niya na ito. Kaya naman sa bawat galaw, punta at sa pagsasama nila noon nila Nera ay lagi niyang pinagmamasdan ito wari'y ayaw niya ng mawala sa paningin niya si Zir. Naalala ni Clio na ilang beses siyang nagtatangka na sabihin ang nararamdaman niya kay Zir ngunit tila umuurong ang kanyang dila sa bawat na nakikita niya ito. Tanging pagmamahal lang ni Zir ang hinihintay niya. Hindi bilang isang kaibigan kundi mas higit pa dito. Nang makarating na ang taxi sa bahay niya ay agad lumabas si Clio dito. Pagpasok niya sa bahay ay diretso na siyang pumanhik sa kanyang kwarto. Hindi niya na naabutan ang ina sa sala at tingin niya ay tulog na ito. Nagpalit na siya ng pantulog at walang-ganang ibinagsak ang katawan sa kama. Nakatingin na naman siya sa kisame wari'y malalim ang iniisip. Start to zero ulit ako... *** MAKALIPAS ang ilang buwan ay unti-unti nang sumisigla si Clio. Matapos niyang masawi sa pag-ibig ay nakatuon lang siya sa pagta-trabaho. "Sis. Magpahinga ka naman. Puro ka trabaho," sabi ni Nera sa kanya habang nilalagay nito sa kanyang side table ang kape. Nasa coffee shop sila ngayon at dahil niyaya siya ni Nera na magkape ay dinala niya pa rin ang trabaho dito. Naka-focus lang siya sa pagtitipa na tila may hinahabol na deadline. "Ha? Ano sabi mo?" tanong niya kay Nera habang patuloy pa rin sa pagtitipa. "Sabi ko, pagpahingahin mo naman iyang kamay mo at mata mo," ulit ni Nera. Tumigil naman si Clio sa pagtitipa at kinuha ang kape na inilgay ni Nera sa tabi ng laptop niya. "Kailangan ko kasing habulin ito. Isa pa, hindi lang ito ang hinahabol ko," sabi niya kay Nera sabay lapag niya ng baso ng kape. "Lately, medyo busy ka. Wala ka na ngang time na maggala tayo." pagtatampo ni Nera sa kanya. "Sorry naman. Pag natapos ko itong lahat. Maggagala tayo. Saan mo ba gusto mag-travel?" tanong niya naman. "Sa Japan sana sa Kyoto... Gusto ko kumain ng takoyaki at ramen." "Gusto mo pala nun eh ang dami-dami dito," biro niya kay Nera. "Loka ka! Magka-iba luto dito saka doon." Natawa naman si Clio dito. Dahil simple lang hinahanap ni Nera ay mas gugustuhin pa nitong maghanap ng pagkain sa ibang bansa--- na mayroon naman sa Pilipinas. "Syanga pala... Nakita mo ba iyong post ni Selene?" pag-iiba ni Nera ng topic. Napatigil si Clio sa pagtitipa nang marinig niya ang pangalan ni Selene. "Bakit? Ano meron?" takang tanong niya. "Engage na sila." Mas lalong gumuho ang mundo ni Clio nang marinig niya iyon. Nalungkot si Clio ngunit ayaw niyang ipakita kay Nera na hindi siya apektado sa sinabi nito. "Ah ganoon ba? Congrats sa kanilang dalawa," sabi niya sabay ngiti na pilit. "Road to wedding na ito," masiglang sabi ni Nera. Hindi sumagot si Clio bagkus ay ininom niya lang ang kape niya. Matagal na siyang walang alam sa dalawa magmula nang ipakilala sa kanya si Selene. Hindi na siya nagbubukas ng kanyang social media account. Ginawa niya iyon upang maka-move-on. Nagawa niya naman iyon at handa na siyang makipag-date sa iba. "Tahimik ka na-naman. Huwag mong sabihin hindi ka pa rin nakaka-move-on?" Napa-ngiwi si Clio sa sinabi ni Nera. "Porket tahimik hindi na naka-move-on? Naka-move-on na ko matagal na. At ready na ako makipag-date," sabi niya kay Nera habang inilalapag ang baso na may laman na kape sa lamesa. "Tama ka... Madaming lalaki sa mundo kaya naman handa na kong buksan ang puso ko sa ibang tao." "Yan!! Buti naman. I'm happy for you, sis. At dahil diyan, may friend ako na friend niya na single din. I-rereto kita sa kanya." Na-curious naman si Clio at na-itanong niya kung nakita niya na ito dahil madaming pinapakilala si Nera sa kanya na friend nito. "Hindi pa eh. Pero sabi ni frenny, single pa rin iyong friend niya." Tumango-tango nalang si Clio at pumayag nalang. "I-text nalang kita kung pumayag na iyong friend niya at pag pumayag. Set na ang date niyo." "O.k?" tanging nasabi niya nalang. *** ILANG araw pa ang lumipas ay busy pa rin si Clio sa kanyang ginagawa. Hinihintay niya lang ang text ni Nera para sa date niya ngunit tingin niya ay hindi pumayag ang kaibigan ng kaibigan ni Nera. 'KRIIING' 'KRIIING' "Hello. Nera. Bakit ka napatawag?" (Hehe. Naalala mo ba iyong sinabi ko sa iyo?) "Alin doon?" (Iyong sa friend ni frenny... Pumayag kasi daw 'yun.) "Ah ganoon ba? Edi kailan ang kita namin?" (Ngayon, sis. Mamaya after work mo.) Bigla naman nagulat si Clio sa sinabi ni Nera. "ANO!!! Bakit ngayon? Jusko po, hindi pa naman ako handa." (Okay lang 'yan. Maganda ka naman kahit hindi ka na mag-retouch... Basta mamaya nandiyan na siya after work mo. Don't worry, alam niya mukha mo.) At binabaan na siya ni Nera. Hindi man lang ako pagsalitain. Hayst... Napatingin si Clio sa kanyang orasan at uwian niya na pala. Niligpit niya lahat ng nasa lamesa niya at kinuha niya ang kanyang shoulder bag. Pagkalabas na pagkalabas niya ng building ay nakita niya ang isang magandang sasakyan na nakaparada sa harap ng building at ang taong nakasandal sa sasakyan. Nagtaka siya nang kumaway ito. Tumingin naman siya sa likod niya at baka sakaling may kinakawayan itong iba. Ngunit, nang mapatingin siya dito ulit ay itinuro niya ang sarili at sabay sabi na walang tunog na 'ako?'. Tumango naman ang lalaki sa kanya. Lumapit naman siya dito. Unti-unti niyang naaninagan ito. Parang nakita ko na ito kung saan? Familiar talaga siya... "Hi. We met again," wika nito sa kanya. Malaking tanong ang makikita mo sa mukha ni Clio. Again? Saan ba kami nagkita? "Remember me? I'm Helios. Helios Nel Hunter," sabi ng lalaki sabay lahad ng kanang kamay nito upang makipag-shakehands. Bigla naman naalala ni Clio ito. Napakaliit nga naman ng mundo... "I remember you. I didn't expect that we have a 'close' close friends." "Yeah. Actually, I agreed to this date when my friend gave me your picture. And I remember you." "Hehe. Really? So what do you want in our date? A serious date? Or just hanging around." "Well, I want a serious date but tomorrow is my flight and get back to work again in my country," sagot ni Helios sa kanya. "... Where do you want to eat?" "Ahm... Anywhere you like--- I'm not picky." Sumakay na sila ng sasakyan at naghanap na ng kakainan. Sa kanilang byahe ay tahimik lang si Clio. Pasulyap-sulyap ang tingin niya kay Helios. Hindi niya ipagkaka-ila na gwapo ito. "What's wrong?" tanong ni Helios sa kanya habang nagmamaneho. "Nothing. I was just thinking... Why me?" nasabi niya nalang. Nakita ni Clio na nangunot ang noo ni Helios. "Not you? What do you mean?" takang tanong ni Helios. "I mean... There's a lot of girls out there but you chose me?" "Why not?... Besides, we knew each other. You are pretty--- Any guy will ask you on a date." Maganda? Hindi nga ako napansin ni Zir. Teka? Bakit napasok sa isip ko si Zir na naman? "Well... I'm not pretty--- not sexy either." "If not, then you are pretty and sexy inside. You have a beautiful heart," kontra naman ni Helios. Bigla namang namula ang pisngi ni Clio. "Thank you. I hope that this date will have an improvement," pasasalamat niya kay Helios. *** NATAPOS na ang kanilang dinner date ni Helios at inihatid na siya nito sa kanyang bahay. Bumaba na ng sasakyan si Clio. Yumuko siya ng kaunti upang tumapat sa sasakyan ni Helios. "Thank you for the dinner. I really love the food and I enjoy it," masayang wika niya kay Helios. "No problem. I hope next time, when I go back here. Let's have a date in a fancy restaurant." Tango lang ang ibinigay ni Clio na sagot sabay ngiti niya kay Helios. "Okay... I have to go now. Take care. Bye," dugtong pa ni Helios. "You too. Have a safe drive," wika niya kay Helios. Tumango si Helios sa kanya bilang sagot nito at pinaandar na nito ang sasakyan. Nang makalayo na sa kanyang lugar si Helios ay siyang pasok naman ni Clio sa bahay. Diretso na siyang pumanhik sa kanyang kwarto at nagpalit na ng pantulog. Tiningnan niya ang orasan at nakita niyang 11 pm na. Umupo siya sa kanyang kama at kinuha niya sa side table ng niya suklay. Tinanggal niya sa pagkakatali ang kanyang buhok at sinuklay ito. Napa-isip siya sa nangyari kanina. Hindi naman masamang makipag-date kay Helios. Kikilalanin ko pa siya ng husto... Nang matapos na magsuklay si Clio ay humiga na siya sa kama at pinatay ang lampshade sa tabi ng kama niya. Ipipikit niya na sana ang kanyang mga mata nang biglang mag-vibrate ang cellphone niya. Dahil sa sinag lang ng ilaw ng poste ang kanyang ilaw ay hindi na siya nag-aksaya pang bumangon ng kama at kinapa-kapa nalang ang side table. Nasaan na ba iyon? Nang makapa ni Clio ang kanyang cellphone ay agad niya naman itong binuksan. Si Nera pala... "Hello? Bakit ka napatawag? Gabing-gabi na." (Na-istorbo ba kita?...) "Hindi naman. Patulog na kasi ako... Ano ba sasabihin mo?" (Ah... Hindi naman napaka-importante.) "Kung hindi naman pala importante. Ipagpabukas mo nalang iyang sasabihin mo." (Hindi pwede. Bukas na nga iyon eh.) Napakunot ang noo ni Clio sa narinig niya. "Sabi mo kasi hindi importante tapos bukas na pala iyon." (Ganito kasi iyon... Niyaya kasi tayo ni Zir na magbakasyon sa probinsya nila.) Biglang napa-isip si Clio. "Bakit tayo? Busy ako. Hindi ako pwede." (Kaso pumayag na ko eh. Sayang din iyon. Hindi naman tayo others.) Napabuntong-hininga nalang si Clio dahil wala naman siyang magagawa kapag pumayag kaagad si Nera. At kahit ayaw niyang sumama ay pipilitin pa rin siya ni Nera. "Hayst. Sinu-sino mga kasama?" (Iyong mga barkada ni Zir.) "Ah okay." (So bukas 7 am ha.) "Sige." Pagkababa ng tawag ay bigla na naman napa-isip si Clio. Iniiwasan ko na nga. Bakit pinaglalapit pa rin kami...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD