Flashback
Ka-schoolmate nila Clio si Zir noong nag-aaral pa sila sa kolehiyo. Kilalang-kilala nila si Zir dahil ito ay sikat. Hindi lang sa angking kagwapuhan nito ay magaling din ito sa pag-basketball.
Noong nag-aaral pa lang si Clio ay walang siyang ibang ginawa kundi ang mag-aral lang ng mag-aral. Kilala niya si Zir ngunit hindi niya pa ito nakakausap. Sino nga ba siya? Hindi naman siya kasing sikat ni Zir. At ang mga naririnig niya noon tungkol kay Zir ay isa itong babaero.
Hanggang sa may isang bagay na magpapalapit sa kanilang dalawa. Hinihintay ni Clio ang next subject niya at naisipan niyang tumambay sa garden ng school nila. Dahil sa walang ingay sa garden nila at tanging siya lang ang nandoon ay nakapagbasa siya ng maayos. Ngunit, sa hindi inaasahan ay dumating ang kanyang mga kaklase niya na mahilig mam-bully. Mga kaklase niyang kinatatakutan ng iba pang estudyante sa kanila. Kung sinuman ang makita ng mga kaklase niyang bully ay pagtitripan ng ma ito.
Hanggang sa dumating si Zir at kahit sino ay ipagtatanggol niya. Kaya naman naging magkaibigan silang dalawa at unti-unti niyang nalalaman ang tunay na ugali nito. Kaya magmula noon ay inilihim nalang ni Clio ang kanyang nararamdaman dito.
End of flashback
Napa-ngiti si Clio nang maalala niya iyon.
'KRIIING'
'KRIIING'
Nagulat si Clio nang tumunog ang cellphone niya. Inilagay niya ang suklay niya sa table. Nag-aayos siya ngayon dahil araw ng byahe nila. Sinagot niya ang tawag.
"Hello?"
(Hello!!! Hello ka diyan!! Anong oras na?! Malapit na kami sa bahay mo.)
Napatingin si Clio sa orasan. Nagulat siya nang 6:58 am na.
"Hala! Hindi ko napansin. Saglit lang ito," natatarantang sabi niya sa kabilang linya habang inilalagay ang ibang damit sa bag.
Nagmamadaling inilagay ni Clio ang rubber shoes sa kanyang paa at nag-retouch ng kaunti. Lumabas siya ng kwarto at dali-daling dumaan ng sala.
"Mag-iingat ka, Clio," wika ng ina.
"Opo. Nag-iwan po ako ng pera. Tingnan mo nalang po sa sala," sabi niya sa ina niya habang papalabas ng bahay.
Nang makalabas na si Clio ay nakita niya ang sasakyan na paparating sa kanyang bahay at bumusina pa ito. Huminto naman ito sa kanya at nagbukas ang sasakyan. At bumungad sa kanya si Nera. Sumulyap naman si Nera sa likod niya na hindi niya alam na nakasunod ang ina niya sa kanya.
"Alis na po kami tita," paalam ni Nera sa ina ni Clio.
Tumango lang ang ina ni Clio.
"Ano? Ready ka na ba? Parang ka-kaayos mo lang ha. Hulaan ko. Late ka nagising 'no," tumatawang sabi ni Nera sa kanya.
"Oo na. Late na ko nakatulog. Eh masarap matulog," nakabusangot niyang sabi.
Sumakay na sila ng sasakyan. Sa tabi ni Zir na-upo si Clio. Dahil napansin niyang iyon lang ang may bakanteng upuan. Pagka-upo niya sa tabi ni Zir ay inayos niya muna ang upo niya. Nang makaandar na ang sasakyan ay tahimik lang silang dalawa.
Ang awkward naman...
"Ano... Congrats pala sa inyo ni Selene at engage na kayo," basag niya sa katahimikan na namamagitan sa kanilang dalawa ni Zir.
"Salamat,” sabi ni Zir sa kanya na walang emosyon.
Bigla naisip ni Clio na hindi nga pala kasama si Selene. Kaya naman naisipan niyang tanungin ito.
"Ano... Bakit hindi mo pala kasama si Selene?"
"Hindi daw siya makakasama kasi marami pa daw siyang gagawin," walang ganang sagot pa ni Zir sa kanya.
"Ah ganoon ba? Sayang naman,” nasabi niya nalang.
Hindi na nagtanong pa si Clio dito dahil tingin niya ay pagod ito. Alam niya namang nakatuon ito sa trabaho. At biglang pumasok sa isip niya na baka dahil hindi kasama si Selene kaya ito ganito.
Natulog nalang si Clio sa byahe.
***
NAGISING si Clio na parang may mabigat sa ulo niya. Bahagya niyang iginalaw ang kanyang ulo para makita kung sino ang nakapatong sa ulo niya. Bigla siyang nagulat na ulo pala ni Zir ang nakapatong sa ulo niya. Habang siya naman ay nakasandal sa balikat nito. Bigla na naman siyang napa-ngiti.
Siguro... Kung kami sana. Siguro ganito din kami...
Ngunit bigla ding napalitan ng lungkot ang mukha ni Clio.
Pero hindi mangyayari iyong kahit kalian dahil may Selene ka na...
Bigla naman nagising sa katotohanan si Clio. Napa-iling-iling siya sabay tapik ng mahina sa kanyang pisngi.
Ano ba itong naiisip ko? Naka-move-on na ko. Kung anu-ano na naman naiisip ko...
Dahil sa nahihirapan na si Clio sa pwesto nila ay ma-ingat niyang iniayos si Zir. Ilalagay niya sana ang ulo nito sa kanyang hita nang magising ito. Nagkatinginan silang dalawa ngunit agad siyang umiwas ng tingin dito.
Wooh! Bakit ang bilis ng t***k ng puso ko...
"Sorry. Hindi ko namalayan na nakasandal pala ang ulo ko sa ulo mo," paumanhin ni Zir sa kanya.
"O-Okay l-lang. A-Ako nga dapat ang mag-sorry kasi hindi ko namalayan na napasandal na pala ako sa balikat mo. N-Napasarap ata tulog ko. Hehe," nauutal niyang sabi.
Bakit ba ko kinakabahan? Nagkatitigan lang kami. Wala lang iyon... Wala lang iyon...
"Hey guys!!!... Ashton! Okay lang ba kayo diyan sa likod?" tanong ni Light sa kanila.
Napatingin naman sila sa katabi ni manong driver sa harap. Siya si Light Ray Smith. Isang mabuting kaibigan ni Zir. Ang buong pangalan ni Zir ay Zir Ashton Parker. Gusto lang ni Light na asarin si Zir dahil alam nito na napapangitan ito sa second name nito.
"Tsk. How many times do I have to tell you. Don't call me on my second name? So disgusting," inis na sabi ni Zir.
"Why?... I would be happy if my parents gave me a beautiful name," sabi ni Light habang naka-ngisi.
"Oh shut up, Light Ray Smith!!!" naiiritang sabi ni Zir.
Tumawa lang si Light at nag-ok sign nalang.
Tiningnan ni Clio si Zir na nakatingin sa labas ng bintana. Maski siya ay Zir din ang tawag dito.
"Ano... Zir. Bakit ayaw mong tinatawag kang Ashton?" tanong niya kay Zir.
"Ayoko lang," sagot ni Zir sa kanya na nakatingin pa rin sa labas.
Sabi ko nga di na ko magtatanong. Mukhang badtrip siya...
***
MAKALIPAS ang ilang oras ay nakarating na rin sila sa hacienda nila Zir. Nang makababa na sila sa sasakyan ay namangha si Clio sa ganda at laki ng bahay. Isang kasambahay ang lumapit sa kanila. Isang matandang babae na mukhang matagal na itong naninilbihan sa hacienda.
"Senyorito, Ashton. Kamusta po kayo? Ang laki mo na. Dati ay totoy ka pa lang. Ngayon ay ang laki mo na. Binatang-binata ka na. Parang kalian lang---" Napatigil ang matanda sa pagsasalita nang mapansin nito si Clio. "Teka, may asawa ka na pala? Iyan na ba ang asawa mo? Aba't ang ganda mo naman, iha."
Natawa naman silang lahat ngunit si Clio ay nagulat sa sinabi ng matanda. Namula ang kanyang pisngi sa sinabi nito at yumuko na lamang.
"H-Hindi---" Natigil si Clio magsalita nang magsalita si Zir.
"Hindi po, Nay Lita. Mga kaibigan ko po sila. Wala pa po akong asawa, nay. Girlfriend po meron... Kaso nasa Maynila po at busy po sa trabaho."
"Ah ganoon ba? Akala ko talaga ay siya na. Kay gandang dilag kasi," pag-aakala ng matanda.
Ngumiti naman si Clio at kusang nagpakilala sa matanda.
"Ako po pala si Clio Martinez. Kaibigan po ni Zir," pagpapakilala niya sa matanda.
"Kay gandang ngalan." Sabay yakap ng matanda sa kanya. Agad niya naman ikinagulat ang pagyakap nito pero niyakap din niya pabalik ang matanda. Pagkakalas nila ng yakap nila, "Oh sya! Halina kayo para makapagpahinga kayo at maghahanda lang ako ng makakain niyo."
Pumasok na sila sa kani-kanilang kwarto. Magkasama sa iisang kwarto sina Clio at Nera at ang mga lalaki naman ay sa kabilang kwarto.
Inayos lang nila Clio ang kanilang bag sa isang sulok nang may kumatok.
'TOK' 'TOK' 'TOK'
"Pasok po."
Si Nay Lita ang pumasok at sinabi nito sa kanila na nakahanda na ang kanilang hapunan. Sumunod naman sila dito at nang makalabas sila ng kwarto ay dumiretso sila ng kusina. Nakita nila ang mga nakahandang pagkain.
Sobrang daming pagkain naman...
Napansin rin ni Clio na naunang nakaupo na sila Zir. Ngunit ang mas lalong napansin niya ang dalawang bakanteng upuan sa pagitan nina Zir at Light.
"Nera! Dito ka na sa tabi ko," tawag ni Light kay Nera--- na agad naman naupo sa tabi ni Light si Nera.
Biglang nagising si Clio sa kanyang kinatatayuan at laking gulat niya nalang na naunahan siya ni Nera maupo sa tabi ni Light.
Ano pa bang magagawa ko?
Naupo si Clio sa tabi ni Zir at tila iwas na iwas siya dito.
"Nay Lita, sumabay na po kayong kumain sa amin," yaya ni Zir sa matanda.
Napatingin si Clio sa matanda at hinihintay din ang kasagutan.
Sana pumayag ito. Ayoko talagang katabi si Zir...
"Nay, dito nalang po kayo sa tabi ko. Sabayan niyo na po kaming kumain, please," pagmamakaawa niya sa matanda.
At pumayag naman ang matanda at naupo sa pagitan nila Zir at Clio.
Yes! Salamat naman at komportable na ko...
Ngunit hindi nakaligtas sa paningin ni Clio si Nera. Pinandilatan siya nito ng mata wari'y sinasabing 'Ano ginagawa mo?' Pinandilatan niya lang din ito pabalik.
"Iha, anong gusto mong kainin?" tanong sa kanya ng matanda.
"Iyong bicol express po."
Inabot naman ni Nay Lita sa kanya at nagsandok naman siya sa ulam.
"Ano pa, iha?" sunod na tanong ni Nay Lita sa kanya.
Natawa silang lahat at tila bubusugin ng matanda si Clio.
"Ako na po, nay," pag-aako ni Clio at siya na ang kusang nagsandok ng ulam para sa kanya.
"Sige, nak. Matanong pala kita Clio. May boyfriend ka na ba?" tanong ng matanda sa kanya.
Napatigil si Clio sa pagsandok ng ulam.
"Wala po, Nay Lita. Pero pag bumalik po ako dito ulit. May ma-ipapakilala na po ako sa inyo," sagot naman niya kay Nay Lita.
"Opo, Nay Lita. Hintay lang po tayo. Nasa getting-to-know pa lang po sila. Hihi," biro ni Nera.
"Eh tayo? Kailan kaya?" singit ni Light.
"Ewan ko sa iyo," masungit na sagot ni Nera dito.
Nagtawanan naman silang lahat. Ngunit napatingin si Clio kay Zir na patuloy lang sa pagkain ito.