“AYAW mong sumama kina Camille?” tanong ni Izaiah sa kapatid na si Jethro. Paakyat na sana sila sa opisina nang maisipan niyang dumaan na lang muna sa coffee shop. Ngumiti lamang at umiling ang kapatid. “Hindi na, baka makaistorbo pa ako.” “Bahala ka na nga d’yan.” Ano bang makakaistorbo pinagsasabi nito sa kanya? Tila alam na alam nitong si Camille ang pupuntahan niya. Teka, bakit nga ba niya naisip ‘yon? Bakit nga ba laging Camille ang naging bukambibig niya tuwing kaharap niya ang kapatid? “Kuya, don’t worry ako lang naman ang nakakahalata. Teka, magiging uncle na ba ako? Ikaw ha, hindi mo pa sinasabi kina Mom at Dad na may nabuntis ka. Sabagay matanda ka na,” humagikhik ito. Pabirong binatukan niya ito, “ Anong nabuntis? Hindi akin ‘yon?” Lalo yatang napasama ang pagpapaliwanag niy

