NAGMAMADALING dinala ni Grace ang pompon ng mga pulang rosas sa opisina ni Camille. Agad na napatingin si Camille sa dala-dala ni Grace nang pumasok ito sa pintuan. “Ma’am, flowers for you,” anang si Grace na nakangiti. “Para sa’kin? K-kanino naman galing?” hindi niya alam kung bakit nakaramdam siya nang excitement na malaman kung kanino galing ang mga rosas. Agad niyang kinuha iyon. “Hmm..gusto mo hulaan ko muna, Ma’am?” anang si Grace. “Baka naman sinilip mo na?” tanong niya. “Hindi po, ah, basta kapag nahulaan ko papayag ka na makipag-date?” Napangiti siya, “Sus! ‘wag na, baka mamaya kung sino ‘to tapos ipapa-date mo sa’kin. Titingnan ko na lang.” Agad niyang kinuha ang nilalaman ng maliit na sobre at binasa ang mensahe. “Hi! Camille! Can I invite you for a dinner tonight?” -

