HALOS mapuno ng mga bisita ang reception ng binyag. Karamihan ay malalapit na kaibigan at kamag-anak nina Camille. Napapalibutan halos ito ng royal blue and white na mga palamuti sa paligid. Siya naman ay nakasuot ng off white dress na abot hanggang tuhod, naglagay din siya ng kaunting make-up. Maraming nagsasabi sa kanya na ang pagiging simple niyang manamit ay ang nagpapaganda sa kanya. Samantala si Baby Cyd naman ay halos magkaterno sila ng kulay ng damit. Masayang pinagmasdan ni Camille si Cyd na karga-karga ng lolo. Halos mula noong paglabas pa lamang nila ng simbahan ay ang daddy na niya ang nagkarga dito. Napangiti siya dahil sa wakas ay nagkaayos na sila ng kanyang daddy. Nasa mesa ito kung saan naroon din si Izaiah at ang kasama nitong si Froilan. Kanina ay muntik na itong mahuli

