NANG makarating na sila sa coffee shop ay agad namang inanyayahan ni Camille si Izaiah na mag-breakfast muna. Hindi naman ito tinanggihan ng lalaki. Umupo sila sa isang bakanteng mesa.
“Anong gusto mo?” tanong ni Camille.
“Actually nag-almusal na ako. Hmm…Isang Coffee Americano na lang.”
“Wala ka nang idadagdag?”
“Baka malugi ka na niyan kung panay ang libre mo sa’kin,” napangiti ito.
“Hindi naman, ‘tsaka pinag-drive mo rin naman ako, ah.”
Lumapit ang waiter sa kanila nang senyasan ito ni Camille at in-order ang gusto ng lalaki. Nagpadagdag pa siya ng ham and cheese bread na paboritong order-in ng lalaki at mga dalawang slice ng paborito niyang chocolate raspberry cake.
“Hindi naman malaking pabor ang ginawa ko nagkataon lang kanina na napadaan ako, mabuti na lang pala at iisang daan lang ang dinadaanan natin.”
Mabuti na lang talaga at napadaan ang lalaki sa lugar. Para tuloy sinasadya palagi ng pagkakataon na magkatagpo sila ng lalaki sa tuwing kailangan niya ng tulong. Tumango at ngumiti lang si Camille.
“Ngapala, ilang buwan na pala ‘yang tiyan mo? Medyo halata na kasi.” May kung anong concern ang nakikita niya sa mga mata ng lalaki. Mukha na ba talaga siyang kawawa? Ayaw niya ng kinakaawaan siya.
“Mag-aanim na buwan na.”
“Bakit panay pa rin ang pasok mo, baka mamaya delikado sayo ang bumiyahe araw-araw. Misis ko kasi dati, ganyang stage hindi ko na pinayagan na pumasok sa trabaho, pinag-resigned ko pa.” Nahimigan ni Camille ang lungkot sa tinig nito.
“Kaya ko pa naman. Sabi nga ni Dok hindi rin maganda ang walang exercise baka mas lalong mahirapan daw akong manganak.” Napatango na lang ang lalaki. Mayamaya ay dumating na ang kanilang order. Napatingin ang lalaki sa cake na in-order ni Camille.
“Too much sweet is bad for your health, lalo na ngayong buntis ka,” pansin nito habang hinihigop ang kape.
“Baby, andaming bawal sayo ni Ninong,” natatawang sabi niya habang hinimas ang tiyan. Natakam agad siya sa cake at iyon na ang kinakain niya. Samantalang si Izaiah ay nakatingin lamang sa kanya.
“Bakit? May dumi ba ako sa mukha?” tanong niya.
Umiling lang ang lalaki ngunit seryoso pa rin ang mukha nito.
“Sasabihin ko nga kay Arabella na pagbawalan ka sa mga unhealthy foods,” ani Izaiah.
“By the way, kumusta naman kayo ni Doc?” tanong ni Camille. Noong nagkita-kita sila sa clinic ay nahalata niya agad na tila nagningning ang mga mata ng doktora nang makita ang lalaki. Base sa kuwento si Izaiah ay matagal nang magkakilala ang dalawa at noon ulit nagkita sa loob ng ilang taon.
“Ayon, busy siya busy din ako. Hindi na nga ulit kami nagkita. Actually mommy ko talaga ang may pakana ng lahat.” Nilapag nito ang hawak na tasa.
“Bakit?”
Napabuntong-hininga ang lalaki.
“She wants me to marry Arabella. Pero hindi ko nararamdaman na gusto ko siyang pakasalan,” sabay napatingin ito sa kanya.
“Bakit? Maganda naman siya, ah. Natitiyak kong mabait naman si Doc,” tugon niya. Umiling lang ang lalaki, at nabakas niya ang lungkot sa mga mata nito.
“Yeah, maganda siya…pero hindi naman palaging ganoon ang basehan ng isang tao para magmahal.”
Tama nga ang lalaki, dahil kahit siya ay ganoon din. Nagkataon lang siguro na guwapo si Ivan kaya bonus points sa kanya iyon. Pero sa tingin niya mamahalin pa rin niya ito kahit hindi. Sumubo siya ng kapirasong cake at tumingin sa lalaki.
“Naiisip mo pa rin ba ang asawa mo? Minsan kailangan talaga natin mag-move on kahit na nasasaktan tayo.” Parang sinasabihan na rin niya ang kanyang sarili. Natigilan siya. Nakapag-move on na nga ba siya?
“Gano’n din ba ang ginagawa mo sa ngayon?” balik na tanong sa kanya ni Izaiah. Bigla naman ay parang nahimasmasan siya sa tanong ng lalaki.
“H-ha? Oo naman gano’n nga ginagawa ko.” tila nataranta siya sa pagsagot.
Umarko ang isang sulok ng mga labi ng lalaki, “Talaga? So sakaling magpakita sayo ang lalaking iyon, anong magiging reaksiyon mo? Hindi na ba kita makikitang umiiyak?”
Napalunok siya. Ano nga ba ang gagawin niya kapag nagkita ulit sila ni Ivan lalo na kapag kasama nito si Cassandra?
“Hindi na siguro. Hindi ko na lang siguro sila papansinin, nakakapagod na rin kasi umiyak,” tugon niya.
“Hmmm…May tanong ako.” nilapag nito ang tinidor sa plato at matamang nakatingin sa kanya.
“Ano ‘yon?” napatingin siya sa mga mata ng lalaki.
“Ano bang nangyari ba’t nagkahiwalay kayo? Hindi niya ba sinabi sayo na may asawa or may girlfriend siya?”
Tila natigilan si Camille sa tanong ng lalaki. Handa na kaya siyang magkwento sa isang kagaya ni Izaiah. Saglit na katahimikan ang namagitan sa kanila.
“Okay lang, ’wag mong sagutin kung hindi mo kayang sagutin. Pasensya na.”
Wala namang masama sa tanong ng lalaki, isa pa kaibigan na rin niya ito hindi naman siguro masama kung magsasabi siya ng totoo. Nagbuntonghininga siya bago nagsalita.
“Hindi ako papatol sa kanya kung alam kung may asawa siya or girfriend. Pinakilala pa niya saakin ‘yong bestfriend niya. Hindi ko alam kung no’ng mga panahon na ‘yon ay sila na. Pinadalhan pa nga ako ng birthday invitation ni Cassandra, ako naman itong si tanga pumunta naman. Wala akong kaalam-alam na ang birthday party na sinabi niya ay engagement pala nila ng boyfriend ko. Naalala mo ‘yong time na nasiraan ako ng sasakyan at dumating ka?”
“Yeah! I remember that.”
“Doon ako pumunta no’n,” tugon niya.
Napagtagpi-tagpi na ni Izaiah ang mga pangyayari kaya pala noong mga panahong iyon ay nakita niya si Camille na umiiyak at patakbong lumabas mula sa lobby ng hotel. Hindi pa siya umaalis dahil may kausap pa siya noon sa cellphone.
“So…you mean do’n mismo sa party na ‘yon nalaman mo ang lahat?” Nakatitig lang ito kay Camille ramdam niya ang awa sa babae.
Tumango lang si Camille at halos hindi na makuhang magsalita pa. Napakurap-kurap ito at bakas ang pangingilid ng mga luha nito.
“Ang mas masakit dahil hindi ko naipaglaban ang anak ko. Pumunta sana ako roon sa simbahan kung saan ginanap ang kanilang kasal, para tutulan iyon. Pero nawalan ako ng lakas ng loob. Nakita ko kung paano sila nagpalitan ng wedding vows….awang-awa ako sa sarili ko at sa anak ko noong mga panahong iyon. Akala ko pati baby ko mawawala na rin. Iyon ‘yong time na muntik mo na akong masagasaan…” suminghot ito at tila pinipigil ang paglandas ng mga luha. Parang nakonsensya tuloy siya sa pagtatanong sa babae sana hindi na lang niya inungkat ang mga pangyayari.
“Don’t worry parating na ‘yong taong magmamahal sayo…sa inyo ng magiging anak mo…”
Napangiti nang mapakla si Camille, “Ikaw talaga…Bakit napaka-positive mo? Sa tingin mo ba may magmamahal pa sa’kin?”
“Of course! Bakit naman napaka-nega mo agad?”
Kumunot ang noo ni Camille, “Anong napaka-nega?”
“Nega as in negative,” ngumiti siya. Napangiti na lang din ang babae.
“Paano mo nagagawang laging nakangiti sa kabila ng lahat?” tanong nito sa kanya.
“Alam mo, Camille, akala mo lang ‘yon, dati kagaya mo rin ako, ni hindi ngumingiti dahil sa mga pinagdadaanan ko. Pero ngayon tingnan mo nakangigiti na ako. Bakit? kasi may kailangan na pala akong pangitiin.”
“Sino?”
“E, di ikaw.”
“Asus! Makahugot ka naman diyan,” napangiti na ito.
“Kita mo nga at ngumiti ka na. ‘Tska sino ba’ng nagsabi at nagtuldok na wala nang magmamahal sayo? You can never know what is ahead of us. Magkakaanak kana, hindi mo pa alam kung anong hatid na saya ang mararamdaman mo kapag nakita mo na ng personal ‘yan, kapag nahawakan mo na. I’m sure makakalimutan mo na ang Ivan na ‘yon. Just stay strong…”
Hindi niya alam kung bakit pagdating sa iba ay ang galing-galing niya magpayo. Pero dati kagaya din siya ni Camille parang walang kulay ang paligid niya. Pero ngayon unti-unti na niyang natatanggap ang mga nangyari.
“Okay sige na nga, ngingiti na po.”
“Oh, wait!’ dinukot niya ang kanyang cellphone sa bulsa at nakita niyang si Jethro ang tumatawag.
“Kuya, may naghahanap sayo kanina pa sa phone mukhang may problema, ako pinagagalitan, eh. ‘Asan ka na ba?”
“Nandito pa ako sa coffee shop. Papunta na ako diyan.” Agad na binaba na niya ang tawag.
“Mukhang kailangan ko nang pumanhik sa taas, humihingi na ng saklolo ang kapatid ko.”
“Okay, sige. Thank you sa pag-drive, ha,” nakangiting sabi ni Camille. Mukhang nakalimutan na nga ng lalaki na may pasok pa pala siya.
“It’s nothing. I have to go, thank you din sa coffee…bawas-bawas din sa matatamis, ha.”
“O sige na, Ninong,” tugon ni Camille.
NAPABALIKWAS ang dalawa sa pagkakaupo sa swivel chair habang nakakandong ang babae kay Jethro. Matalim niyang tiningnan ang kapatid.
“What the…Ito ba ‘yong action na ginagawa mo sa mga problema natin sa kompanya? Huh! Jethro?” Napayuko ang babae at agad na tumayo.
“J-Jethro, lalabas na ako,” pabulong na nagpaalam ang babae na halos hindi makatingin sa kanya.
“And who’s this girl?” baling niya rito.
“Kuya, girlfriend ko. Anne, this is Kuya Izaiah.”
“Hi! Nice to meet you, Sir?” nahihiyang umangat ng tingin sa kanya ang babae.
“Kuya, from now on dito na siya magtatrabaho sa kompanya.”
“I see… So will you please excuse us, Anne, kakausapin ko lang ‘tong kapatid ko.”
Agad na lumabas ng silid ang babae. Nang maisara niya ang pinto ay naupo siya sa swivel chair.
“So, you hired someone without asking me? Hindi mo ba alam na nagbabawas nga ako ng tao para makabawas sa gastusin ng kompanya? Ano na lang ang sasabihin ng mga empleyado natin na wala akong isang salita?” napahawak siya sa kanyang necktie at niluwagan ito.
“Kuya, hindi naman iba ‘yong pinasok ko, she’s my girlfriend and I have the right too, kahit sa’yo pinagkatiwala ni Dad ang kompanya. I still have the right here being one of the De La Torre siblings.”
“I know! That’s not my point. Mahirap bang sabihin muna sa akin bago ka mag desisyon?” napailing na lang siya.
“So, saan mo naman balak ilagay ang babaeng ‘yon?”
“Her name is Anne.”
“Okay, saan mo balak ilagay si Anne?”
“Magaling siya sa design.”
“Sige na, tutal ikaw naman ang nag-hire sa kanya ikaw na ang mag-orient,” aniya habang tinitingnan ang mga dokumento na nakatambak sa kanyang mesa.
“Kuya, anong ituturo ko engineer ako hindi ako architect.” napakamot ito sa ulo.
“Kung kanina ba ginawa mo na ang mga dapat ipagawa sa kanya, hindi ‘yong kung anu-anong pinaggagawa niyo dito pa sa opisina ko.”
Natawa na lang si Jethro sa pagiging strikto ng kapatid.
“If I know, ikaw din naman, Kuya. Hmm…Let me guess… Kaya ka natagalan dahil galing ka sa coffee shop. Sino bang pinupuntahan mo do’n? ‘Yong babaeng maganda ano? Si Camille ba? ‘Yong kaninang pinag-drive mo?” tudyo nito.
“Ano naman sayo ngayon?” matalim na tingin ang ipinukol niya sa kapatid na ikinahalakhak nito.
“See! Parehas lang tayo, Kuya, kanina pa nga may naghahanap sayo, kung ‘di pa kita tinawagan ‘di ka pa aakyat.”
“It’s none of your business, hindi ko babae si Camille. Wait, bakit mo siya kilala?”
“Ako pa!” sagot ni Jethro.
“Yah! Ikaw pa ba? Nakalimutan ko nga palang walang nakaliligtas na maganda sa’yo nang hindi mo nalalaman ang pangalan.” Napailing siya at tinambakan ng maraming gagawin ang kapatid bago pa siya tuluyang mainis at maubos ang pasensya.
Lumapit si Anne kay Jethro na noon ay nasa sariling mesa na nito.
“Nasaan na si Kuya? I mean si Izaiah?”
“Opps! Don’t dare to call him kuya or just Izaiah unless he told you to do so, pag napatalsik ka dito hindi kita kayang saluhin. Kahit kapatid ko siya, he still the boss,” pabulong na sabi ni Jethro sa babae.
“Ang sungit naman, eh, ‘di ba girlfriend mo na ako, siguro naman p’wede ko na siyang tawaging kuya,” anang si Anne habang inaayos ang mga gamit nito sa mesa.
“Huwag muna ngayon ‘tska na pag malamig na ulo ng kapatid ko, napakabugnutin kasi ng isang ‘yon.”
“I see—“
“Sinong bugnutin?”
Biglang napalingon ang dalawa sa taong nasa likuran nila.
“K-kuya?! Ahh, I mean ito…Si Anne bugnutin.” Napangiwi ito sa matalim na tingin ng kapatid.
“I’ll talk to you, Anne, in my office,” ma-awtoridad na sabi nito.
“Y-yes po, Kuya..I-I mean, S-sir,” nauutal na sabi nito. Pinandilatan pa ito ni Jethro at sinenyasan na sumunod na lang sa opisina.