IKA-7 YUGTO Pagkagising ni Chelsey kinabukasan ay muntiok pa siyang magwala nang bungad sa kanya ang kakaibang ayos ng kuwarto ngunit nang mahimasmasan ay agad niyang naalala ang nangyaring kabaliwan kahapon. Ikinasal sila ni Luigi—mali, blinackmail siya ng damuhong na Hitler na iyon para pumayag siyang magpakasal dito! Iyon ang mas tamang term sa nangyari sa pagitan nilang dalawa. Kung may ibang paraan lang para mapigilan niya ang panggugulo ni Jared sa kanya ay hinding-hindi siya papayag sa ganitong sitwasyon. Marahas siyang nagbuntong-hininga at bumangon na, tiningnan niya ang maliit na digital colock na nasa ibabaw ng mesang nasa gilid ng kama. Pasado alas otso na ng umaga. Gising na kaya ang gagong iyon? Dumeretso siya sa banyo at ginawa anng kanyang morning ritual

