IKA 8 YUGTO “You what?!” Halos mabingi si Chelsey sa sigaw ni Janice na nasa tabi niya nang sabihin niya ang tungkol sa kabaliwang pinasok niya. “Puwede ka naman kasing hindi sumigaw, ’di ba?” sarkastikong turan niya rito. “I’m sorry, talagang nabigla lang ako sa sinabi mo,” hinging-paumanhin ni Janice sa kanya at kinalma ang sarili. “Paano mong napapayag ang Kuya ko na pakasalan ka?” Nagkibit siya ng balikat at ipinilig ang ulo. “I told you, siya ang nagpumilit na ikasal kaming dalawa,” sagot niya. “Totoo nga bang kasal kayo? Baka naman pinaglalaruan ka lang din ni Luigi, kagaya nang ginawa mong kalokohan kagabi,” sabi naman ni Briella na karga ang anak nitong si Aubrei. “Yeah, I agree with Briella. I know my brother too well, hinding-hindi iyon papayag na maisahan

