IKA-56 NA YUGTO Napapantastikuhan siyang tumingin kay Janice nang hindi tanggalin nito ang piring sa mga mata nito. Sumenyas ito na huwag mag-ingay kaya hinayaan naman nila. Sa totoo lang ay ayaw niyang sumali sa mga ganoong laro kaya lang hindi naman siya papayag na kasali si Chelsey pero siya hindi. “Game na?” tanong ni Briella sa mga babae. Napakunot-noo siya nang makitang may hawak na kumpol na bondpaper si Janice at pentelpen, may isinulat ito doon at ipinabasa kay Briella, natawa ang babae at nagkatinginan naman silang mga lalaki at pare-parehong na-curious kung ano ang nakasulat doon. “Okay boys—” hindi naituloy ni Briella ang sasabihin dahil mabilis na nagsalita si Braun. “Remove your f*cking shirts,” sabi nito. Tinakpan ni Janice ang bibig para hindi m

