IKA-55 YUGTO Hindi mapakali si Jared sa kinauupuan niya, halos mabaliw na siya sa kakaisip kung ano ang gagawin niya para lang makausap si Senyor Conrad. Simula nang sabihan siya ng Mommy niya na papunta roon ang mga magulang ni Chelsey ay wala na siyang balita pa sa mga ito. Hindi niya rin makontak ang cellphone ng Senyor na kauna-kaunahang pagkakataon kaya mas lalo siyang kinakabahan. Nilagaok niyang muli ang lamang alak mula sa baso niya at kinuha ang cellphone para tawagan ang kanyang Mommy. Wala siyang ibang choice kundi ang humingi ng tulong dito at utusang tawagan ang in ani Chelsey, alam niyang close ang dalawa at tiyak na sasabihin ni Mrs. Vilchez kung nasaan ang mga ito. Ilang ring muna ang natanggap niya bago niya narinig ang boses ng kanyang ina sa kabilang linya.

