IKA-20 YUGTO Tumunog ang cellphone ni Jared, nang makita niya ang pamilyar na pangalan sa screen ng kanyang cellphone ay napangiti siya. “Yes, hello?” “Good evening, Mr. Alejandro. I’ve got a good news for you,” bungad sa kanya ng nasa kabilang linya. Lumawak ang kanyang ngiti at kulang na lang ay mapunit ang kanyang labi sa sobrang pagngiti. “I know you won’t let me down,” nakangiti niyang turan. “And the models?” “They both agreed, as per your request kumuha na lang ako ng random male model at hindi rin ako nahirapang kumbinsihin si Miss Millanes. Nang banggitin ko ang tungkol sa SunGlow Fashion ay kaagad siyang pumayag, personal niya palang kilala ang CEO na si Miss Janice Ortega,” pagkukuwento nito. Tumango siya at sa loob-loob ay humalakhak ng malakas, kun

