IKA-27 YUGTO “Is this all?” tanong ni Luigi sa kanya habang tinitingnan ang dalawang maletang nasa ibaba ng kama. “Yup,” sagot niya. “Na-check ko na lahat iyan at feeling ko wala na naman akong nakalimutan pa. Ikaw nakapaghanda ka na ba?” tanong naman niya kay Luigi. Itinuro nito ang isang malaking maleta. “I’m done, anong oras daw tayo aalis?” Tumingin siya sa relo na nasa bisig niya. “Mayamaya pa naman, tatawagan ako ni Janice kung natipon na ang lahat saka tayo aalis,” sagot niya. “Dalhin ko na mga ’to sa sasakyan,” sabi niya habang hawak ang mga maleta niya. “Tulungan na kita, pero . . .” “What?” nakataas ang kilay na tanong nito sa kanya. “Sigurado ka ba sa gagawin mo? I mean, puwede ka namang sumama na hindi mo gagawin ito,” aniya. Simula nang sabi

