IKA-28 YUGTO Nagising siya nang maramdamang hindi na umaandar ang sasakyan, nakatulog na pala siya habang nasa biyahe sila. Kusot-kusot ang mga matang bumangon siya at lumabas ng maliit na kuwarto. Unang hinanap ng mga mata niya si Luigi pero hindi niya ito nakita kaya bumaba na siya ng sasakyan. Nasa isang mini-store sila at nakita niya ang ilang crew na kumakain sa labas. “Chelsey, kain tayo,” yaya sa kanya ni Louie, ang baklang taga-ayos ng props. Nakangiti siyang umiling kahit na nagugutom na siya. Hinahanap niya si Luigi sa paligid ngunit wala ito. “Nakita niyo ba ang kasama ko?” tanong niya sa mga ito. “Nasa loob at bumibili ng pagkain din,” sagot naman ng isa pang bakla. “Day may ahas na gustong pumulupot sa jowa mo. Kahit anong taboy ayaw lumayo at gustong t

