IKA-4 YUGTO

2027 Words
IKA-4 NA YUGTO   Masama pa rin ang loob ni Chelsey habang lulan siya ng sasakyan ni Luigi, hindi niya alam kung saan siya dadalhin nito ngunit kailangan pa ba niya talagang hulaan? She’s wearing a white dress and he’s in tux. He proposed to her and decided to get married in an instant. And to make the story short, he blackmailed her!   Isa pa sa ikinasasama niya ng loob ay parang wala lang dito ang nangyaring aksidente doon sa loob ng boutique na iyon. Wala man lang itong sinabing kahit na ano, ang masama pa ay itinulak siya nitong tila ba may nakahahawa siyang sakit at kuntodo-punas ng bibig nito na tila ba allergy sa kanya.   Pasalamat ka talaga at maraming tao kanina, dahil kung hindi pinalunok ko pa sa’yo ang laway ko, damuhong ka!   Nagsalubong ang kilay niya at napangiwi nang mapagtanto kung ano ang sinabi niya sa kanyang isip.   Gosh! What was I’m thinking? That’s gross! Ew!   Ilang sandali pa ay huminto ang sasakyan ni Luigi sa tapat ng isang malaking bahay. Napataas ang kilay niya at bumakas sa mukha niya ang malaking pagtatanong.   “We’re not on my house, don’t think anything impossible,” sabi sa kanya ni Luigi na tila nababasa kung ano ang nasa isipan niya.   Sininghalan niya ito ng tingin at nakairap na humalukipkip.   Bumusina ito ng tatlong beses bago bumukas ang malaking kulay pulang gate na bakal. Nahigit niya ang paghinga nang tuluyan na silang makapasok sa loob, pakiramdam niya ay may hindi mangyayaring maganda ng mga oras na iyon.   Ang bilis ko namang karmahin! Talagang hindi muna ako pinahinga ng tadhana! Letse!   “Get out,” sabi ni Luigi nang huminto ang sasakyan nito sa garahe. Pagkatapos nitong patayin ang makina ng sasakyan ay lumabas na ito at ni hindi man lang siya pinagbukas ng pinto at hinintay siyang bumaba mag-isa.   Marahas siyang napabuntong-hininga. Wala ba talagang kahit na anong ‘genteleman gesture’ ang damuhong ito at kahit pakunwari lang ay buksan nito ang pinto para sa akin? Kaasar, ah!   Padabog niyang binuksan ang pinto at malakas na isinara iyon saka naglakad palapit dito. Tinaasan siya nito ng kilay ngunit wala siyang narinig na kahit na anong salita mula rito bagkus ay tinalikuran siya nito at nagsimulang maglakad papasok sa magarang bahay. Kuyom ang mga kamaong sumunod siya rito, kung marunong lang siyang mangkulam ay kinulam na niya ang damuhong na ito.   Tubuan ka sana ng malaking pigsa sa puwet mong damuhong ka! Mauubusan yata ako ng dugo sa ka-abnormalan ng gagong ‘to!   Bumukas ang pinto ng bahay at hindi niya napigilan ang mapanganga dahil sa kagandang lalaki na nasa harap nila. Tsinito, matikas ang pangangatawan at kahit hindi pa niya ito kilala ay nag-uumapaw ang ka-istriktuhan nito sa katawan.   Tsk! Wala bang Santong kaibigan itong Hitler na ito?   “Luigi, ang buong akala ko ay nagbibiro ka lang at mali lang ako ng basa sa mensahe mo,” sabi nito at pinasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa.   Nakakunot ang noo niyang ipinilig ang ulo. Pakiramdam niya ay pinag-aaralan siya nito sa klase ng tingin nito sa kanya.   “Wala ka bang balak papasukin kami?” untag ni Luigi sa lalaking nasa harap nila.   “Oh, I’m sorry,” sabi nito at ngumiti sa kanya. “Miss, are you sure you want to marry this man beside you?” tanong nito sa kanya.   “Of course . . .” Not! Hindi niya naisantnig ang huli niyang sinabi dahil naramdaman niya ang matalim na titig ni Luigi mula sa gilid ng mga mata niya.   “Hindi ka napipilitan, o anupaman?” ulit na tanong nito sa kanya.   Tumaas ang kilay niya. Sasagutin niya sana ang tanong nito nang pumagitna si Luigi.   “Stop it, Leon. I’m not here for f*cking marriage counseling. I want the marriage certificate, jerkass,” anito.   Natawa ang tinawag nitong Leon habang siya naman ay nanlaki ang mga mata at hindi makapaniwala sa sinabi nito.   What the f*cking hell?! Marriage Certificate?!   “T-Teka, ikakasal ka ba?” tanong niya rito. Hindi agad nag-sink in sa isipan niya ang lahat, narinig niya ang malakas na pagtawa ng kaibigan nito saka lang siya bumalik sa kanyang katinuan. “Uh, that’s right. You asked me to marry you.” Tumatangong wika niya at nagkakamot pa ng ulo.   Matalim siyang tinitigan nito kaya hindi na siya muling nagsalita pa. Gusto niya pa sanang uratin ang binata kaya lang may kaharap silang ibang tao. Baka kung ano na namang ang gawin ng damuhong na ito sa kanya sa oras na ‘di niya ito tinigilan sa pang-aasar.   “Come in,” sabi ni Leon at niluwangan ang pinto para makapasok sila.   Nagpatiuna na siyang pumasok dahil sa takot na baka kaltukan na naman siya ni Luigi kapag naiwan silang dalawa. Pagpasok nila ay napahanga siya sa ganda ng kaayusan ng bahay.   “Ikaw lang ba nakatira dito?” wala sa sariling tanong niya sa binata habang nililibot ang buong paligid ng tingin.   “No, kasama ko ang mga magulang ko pero wala sila ngayon. They’re in Spain, nagbabakasyon,” sagot nito. “Do you want something to drink?”   Sasagot na sana siya nang unahan siya ni Luigi.   “Don’t bother, all we need is the contract. After we signed it, aalis na rin kami,” sagot nito.   Matalim ang tingin na ipinukol niya sa binata ngunit mas matalim na tingin ang isinukli nito sa kanya. Nagtagisan sila ng tingin at paramg ayaw nitong magpatalo sa kanya, kung hindi lang pumagitna si Leon sa kanilang dalawa ay tiyak na kinuha na niya ang eye balls nito.   “Alright, you two need to calm down. Hindi ko alam kung bakit gusto niyong makasal, eh halata namang gusto niyong sakalin ang isa’t-isa sa palitan niyo ng matalim na tingin.” Napapabuntong-hiningang turan nito.   “Our situation is quite complicated. I want to marry her as her punishment for ruining my life,” sagot ni Luigi. Hindi niya makita ang mukha nito dahil sa lapad ng likod ni Leon.   Marahas siyang napabuntong-hininga. “Magagawan ko naman kasi iyon ng paraa, sadyang wala ka lang puso at—” Hindi niya natuloy ang sasabihin niya dahil muli itong sumingit at nagsalita.   “Ikaw na nga itong tinutulungan, ako pa ang napapasama rito. Sa iyo na mismo nanggaling na hindi ka tatantanan ng psycho mong ex, so definitely you don’t have any choice but to agree on my terms.”   “Gago, you’re blackmailing me. Iyon ang totoong rason, huwag mo akong pinaglololoko!” singhal niya rito.   “Teka nga lang!” sabad ni Leon at humarap sa kanya.   “Miss, kung pakiramdam mo inaagrabyado ka ng kaibigan ko. Puwede kang umurong, ako ang bahala sa’yo. But if you still want to sign the marriage contract, it’s also up to you. Think of what you’re going to achieve by marrying this jerk,” sabi nito at nakangising bumaling kay Luigi.   Matagal bago siya hindi nakasagot. Kanina pa niya tinitimbang ang mga pangyayari, kung ikakasal siya sa damuhong na ito ay tiyak na mase-save siya sa baliw niyang ex at toyak na titigil na ito sa oras na malaman nitong kasal na siya. Pero kaya niya bang pakisamahan ang lalaking iyan?   Oh, God!   Isang malalim na buntong-hininga ang ginawa niya bago dahan-dahang tumango. Kailangan kong maging praktikal, mas gugustuhin ko pang tiisin ang ugali ng hinayupak na damuhong na ito kaysa sa baliw at gagong ex-suitor ko!   “Pipirma na ako ng—”   “As if naman may iba kang choice?” putol ni Luigi sa sinasabi niya. “Bring us the contract, huwag mo na kaming pakialaman pa. Tatay ba kita?” asik nito kay Leon.   Ang sarap talagang batukan ng damuhong na ito!   Sabay-sabay silang naupo sa sala, nasa magkabilang parte sila ng pang-isahang sofa habang si Leon ay nakaupo sa mahabang sofa na napapagitnaan nila. Napansin naman agad iyon ni Leon kaya tiningnan silang dalawa.   “Parang may mali,” sabi niya at tumayo. “Dapat magkatabi kayong nakaupo, saan ba kayo nakakita nang ikakasal na ang layo ng pagitan sa isa’t isa?” nakataas ang kilay na tanong nito.   Para namang mauubusan ng pasensya na si Luigi pero sa huli ay sinunod nito ang gusto ni Leon, napilitan na lang din siyang tumabi dito.   “Good,” sabi ni Leon at binuksan ang brief case na nasa mesa. “Where are your wedding rings?”   Napamulagat siya at napatingin kay Luigi. Oo nga! Nasaan ang singsing ko? Saan ka nakakitang ikakasal pero walang singsing.   May hiugot ito sa bulsa nito at gayon na lamang ang pagkagulat niya nang makitang dalawang magkapares na singsing iyon.   “P-Paano ka nakabili ng singsing? E, ‘di ba magkasama tayo—”   “Shut up. May kulang pa ba, Judge Vergara?” mariing tanong nito kay Leon.   Ngumisi si Leon at umiling. “Wala na, Mr. Fontanilla,” sagot nito at tuluyang inilabas ang papeles.   Biglang lumakas ang kabog sa dibdib niya nang makita ang dilaw na papel na inilapag ni Leo sa lamesa at ibinigay sa kanila ni Luigi, Kitang-kita niya ang malalaking letra na magpapatunay na kapag pinirmahan niya iyon ay tuluyan na siyang matatali sa napaka-ungentelman na taong nakilala niya sa buong mundo!   Walang kaabog-abog na kinuha ni Luigi ang signpen at pinirmahan ang mga dokumento saka ito bumaling sa kanya at iniabot ang signpen.   Napakagat siya ng labi at matagal na tiningnan ang signpen saka inilipat ang tingin sa kontrata.   This is it Chelsey! Magpaalamat ka na lang na hindi ka napunta sa isang matandang mayamang madaling mamatay! Ligtas ka pa rin kahit papaano sa sumpa!   Nanginginig ang mga kamay na kinuha niya ang sign pen mula sa kamay nito at pikit ang isang matang pumirma sa kontrata. Pagkatapos ay agad iyong kinuha ni Luigi at ibinigay kay Leon. “After a week, kukunin ko ang kopya ko sa’yo niyan kaya ayusin mo agad.”   Bumaling sa kanya si Luigi at kinuha ang palad niya. Nahigit niya ang kanyang paghinga nang makitang kinuha nito ang isang singsing mula sa kahon at tuluyang humarap sa kanya. Matagal siya nitong tinitigan at ramdam niya ang paglakas ng kabog ng dibdib niya.   Ito na ba iyon? Isusuot na ba niya ang singsing sa daliri ko? Oh , damn! Hindi na baleng masama ang ugali ng damuhong na ito at kanununuan pa nito si Hitler, wala akong pake! Basta gusto ko maramdaman na may magsuot sa akin ng singsing!   Ngingiti na sana siya nang makita ang kakaibang ngisi sa labi ng binata. Para siyang nabasag na salamin nang ibuka nito ang palad niya at ilagay doon ang singsing.   “Isuot mo na iyan, sa ganoong paraan ay malaman ng lahat na may nagmamay-ari na sa’yo at—”   Hindi nito natapos pa ang sasabhin dahil mabilis niya iyong isinuot sa daliri niya at ginamit iyon para kaltukan ito sa ulo.   Buweset ka! Tangina ka! Bakit ba ako umasa na magiging romantiko ang hayop na damuhong na ito! Nakakagigil, sarap ipalunok sa kanya ang diyamenateng nasa singsing ko!   “Para saan naman iyon?!” nakasimangot na turan nito habang haplos ang ulo niya.   “Para markahan kang may nagmamay-ari na rin sa’yo, letse ka!’ singhal niya rito.   Narinig niya ang malakas na pagtawa ni Leon at kibit ang balikat na nagsalita. “Ngayong tapos na kayong magpalitan ng wedding vows niyo at isinuot niyo na ang singsing. Congratulations, you are now married. Should I say, you may now kiss your Bride?” nakangising turan nito habang nanunudyong nakatingin kay Luigi.   “The hell, no!” sabay na sigaw nilang dalawa ni Luigi.   Mas lalong lumakas ang tawa ni Leon, hindi niya iyon pinansin at masama pa rin ang tingin kay Luigi na hindi rin maipinta ang mukha.   “Best wedding, ever! Whoa!” tawa ng tawang turan ni Leon at itinaas pa ang isang kamao sa ere.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD