IKA-3 YUGTO

2089 Words
IKA-3 YUGTO   “Hey, dimwit. Marry me,” seryosong wika nito pagkatapos ng ilang saglit na katahimikan.   Sa sobrang gulat niya sa sinabi nito ay naibuga niya ang beer na nasa bibig niya sa mismong mukha ng katabi niyang binata.   “F*ck!” malutong na mura nito nang maghilamos ito ng beer na galing mismo sa bibig niya.   “What the f*ck did you say?!” gulat na tanong ni Chelsey na hindi pinansin ang nagbabagang tingin ni Luigi. Gusto niyang malaman kung namali lang ba siya ng dinig o talagang nasiraan na ng ulo ang damuhong Hitler na ito!   “Forget it! Damn, why do I say that f*ck!” madilim ang mukhang saad nito sa kanya habang kumukuha ng tissue at ipinangpunas sa mukhang nasabuyan ng beer.   “Hoy! Akala mo hindi ko narinig ang sinabi mo?” aniya at nanliliit ang mga matang dinuro ito sa mukha. “Ikaw, ha. May pagnanasa ka pala sa akin pero nililihim mo lang! Anong sinasabi mong ‘Marry me-Marry me’ ka diyan! Seryoso ka?!” pagtatalak niya rito.   Mas lalong nagsalubong ang kilay nito at parang gusto na siyang lamunin ng buo sa sama ng tingin nito sa kanya. Maya-maya ay narinig niya ang marahas nitong pagbuntong-hininga.   “May saltik ka ba sa utak?” tanong nito sa kanya.   Napanganga siya at hindi makapaniwala sa sinabi nito, itinuro niya ang kanyang saliri saka humagalpak ng tawa.   “At ako pa talaga ang may saltik ang utak? Look who’s talking here!” sabi niya sa pagitan nang pagtawa, hindi niya na rin mapigilan ang sariling mapaiyak sa kakatawa. “E, gago ka din palang damuhong ka!”   “Watch your words, woman!” banta nito sa kanya.   Tumigil siya sa pagtawa at tinaasan ito ng kilay.   “Pinagbabantaan mo ba ako?” singhal niya rito.   “Can you calm down? Nakakarindi na ang boses mo!” gigil na wika nito sa kanya.   Huminga siya ng malalim at pinilit na kumalma kahit sa totoo lang ay gusto na niyang ibato ang hawak niyang canned beer sa lalaki. Kaasar! Akala mo ang layo-layo ko sa kanya kung makasigaw!   Ilang sandali silang nagtagisan lang ng tingin hanggang sa ito ang unang nagbawi ng tingin at nagsalita.   “You intentionally inform everyone that you’re pregnant and I am the father, so you need to marry me and be my wife, stupid!” singhal nito sa kanya.   “Wow ha! Talagang kailangan kong pakasalan ka at maging asawa mo? Nagpapatawa ka ba?” Nakapameywang na turan niya rito.   Nakita niya ang mala-demonyong pagngisi nito, iyon ang kauna-unahang pagkakataon na nakita niya itong ngumisi kaya nagtindigan ang lahat ng balahibong meron siya sa katawan.   “W-Why are you smiling like that?” utal niyang tanong dito.   “If you don’t want to marry me, I’ll go back to the event and tell every one of them that you’re out of your mind and you’re just obsessed with me, that’s why you utter those words,” nakangising sagot nito sa kanya.   “What?!” halos mapatid ang litid niya sa sinabi nito.   Ako, obsessed sa damuhong na Hitler na ito?! In your f*cking dreams, gago!   “Nag-aadik ka ba? Ang lakas din ng tama mo, ano? Ang tindi mo mag-ilusyon!” singhal niya rito.   Nagkibit ito ng balikat. “Answer me with yes or no. Will you marry me?”   Literal na napanganga siya at kulang na lang ay sumayad ang panga niya sa sahig dahil sa kaarogantihang taglay ng kaharap na binata.   Mas masahol palang talaga ang ugali nito kaysa sa amo nitong si Big Boss! Napahigpit ang hawak niya sa canned beer na nangangalahati na ang laman at nagtatagis ang bagang na masamang tumingin dito.   Mukhang napasubo na talaga ako ng tuluyan at ang gago talagang ginawa t-in-ake for granted pa ang nangyari! Kaurat! Ang sarap niyang yupiin katulad ng latang hawak ko!   “You’re ridiculous!” angil niya rito.   “Yes . . . or . .  . no?” nakangising ulit nito sa tanong nito.   Mariin niyang ipininid ang mga labi niya dahil alam niyang ang mga susunod na sasabihin niya ay tiyak na hindi magugustuhan ng damuhong na Hitler na ito.   “I’m waiting for the answer, dimwit. What it’s gonna be? Will you marry me and you’ll be saved from your psycho ex? Or no, and I’ll tell everyone the truth?” anito.   “Damn you!” Nagngingitngit ang loob niyang singhal dito.   “I told you, answer me with yes or—”   “Tangina, yes!” putol niya sa sinasabi nito. “Yes, punyeta! Pakakasal na ako sa’yong damuhong ka! May choice ba ako, gayong bina-blackmail mo na akong hayop ka?” gigil na turan niya rito.   Nagsalubong ang mga kilay nito at matiim ang anyong nakatingin sa kanya.   “Then don’t marry me. Hindi kita pinipilit,” sabi nito at tumayo.   “Where are you going?” tanong niya nang magsimula itong maglakad papunta sa pinto.   “I’ll tell everyone how stupid you are. I’ve changed my mind, kung ganyan din lang ang ugali mo at hindi ka marunong tumanaw ng utang na loob, I won’t help you.”   F*ck you, Hitler! Puwede ko bang sipain ang balls ng gagong ito para makita kung sino ang kaharap niya?! Kanina pa ako nagtitimpi sa gagong ito, promise!   “Teka lang naman,” sabi niya at mabilis na nilapitan ito. Tumigil naman ito sa paglalakad at humarap sa kanya.   “What?” walang emosyong tanong nito sa kanya.   Huminga siya ng malalim at itinanim sa isipan niya na may punto ito at kailangan niyang gawin kung anuman ang gusto nito  dahil iyon lang ang paraan para makalayo siya sa baliw niyang ex-suitor.   “I . . . I’m sorry, masaya ka na?” aniya.   “Sorry for what?” nagmamaang-maangan nitong tanong sa kanya.   Kinagat niya ang ibabang labi at pinigilan ang sariling pagtaasan ito ng boses. Tiningnan niya ito sa mga mata at abot-tengang ngumiti.   “I’m sorry for being ungrateful,” mariin niyang sagot dito. “Yes, I’ll marry you. Kailan ba tayo ikakasal? Bukas, sa makalawa o—”   “Now,” putol nito sa sinasabi niya at hinawakan siya sa kamay at sabay silang umalis sa gusaling iyon.   Alas siyete pa lang ng gabi at gising pa ang siyudad, hindi niya alam kung saan siya nito dadalhin ngunit hindi na rin siya nagtanong dahil baka kung ano lang ang isagpot nito sa kanya. Kailangan niya lang itanim sa isipan niya na ginagawa niya lang ang lahat ng iyon dahil sa may utang na loob siya sa binata at ang kabayarang hinihingi nito ay ang ikasal silang dalawa.   Alam naman niyang hindi iyon totoo at peke lang ang lahat, palalabasin lang nilang kasal sila at kapag nagawa na nila iyon at hindi na siya muling guguluhin pa ni Jared. Nagtaka siya nang pumasok sila sa isang kilalang women boutique at itinapat siya nito sa mga formal dresses section.   “Anong gagawin ko dito?” kunot-noong tanong niya sa binata.   “Makipagtitigan ka sa mga manequen at baka sakaling pahiramin ka ng mga damit nilang suot,” pilosopo nitong sagot sa kanya.   “Gago! Bakit hindi mo kaya gawin/” mahina niyang angil dito.   Ngumisi lang ito sa sinabi niya at iniharap siya sa isang manequen na may suot na high-low skirt white silk dress.   “We’ll going to be married, gusto kong magmukha kang taong haharap sa kaibigan kong huwes,” anito at itinaas sa ere ang kamay para magtawag ng sales clerk, hindi naman nagtagal at may lumapit sa kanila at agad na nakapagkit ang malagkit nitong tingin sa damuhong niyang kasama,   “Yes, Sir, how may I help you?” nagpapa-cute nitong tanong sa lalaki.   “I want this dress, medium size,” sagot nito na hindi pinansin ang paglalandi ng babae.   “Para ho ba kanino, Sir?” nakangiting tanong ng babae na parang mas gusto pang makipaglandian kesa ang asikasuhin ang request ng costumer. “Para sa kanya, susuotin niya sa funeral niya. May tanong ka pa ba?” sabat niyang sagot sa babae.   Lumingon naman sa kanya ang babae at talagang umakyat ang dugo niya sa ulo sa pagkakatingin nito sa kanya mula ulo hanggang paa. Nanliit ang mga mata niya at balak niya itong patulan nang magsalita ulit ang kasama niya.   “It’s for her, take her with you and let her try it,” sagot naman ng binata. “Assist your customers with respect or else I’ll call your Manager,” dagdag pa nito.   Tila naman nahimasmasan ang sales clerk at agad na humingi ng paumanhin sa kanya saka siya nito sinamahan sa dressing room. Nakasunod sa kanila si Luigi na animo’y istriktong Boss na binabantayan ang bawat galaw ng mga empleyado nito.   Nagpaalam saglit ang sales staff para kumuha ng item na napilli ni Luigi. Habang naghihintay ay nagtingin-tingin naman ito sa mga stilettos na naroon, maya-maya ay may bitbit itong isang pares ng five inches white stilettos at ibinigay sa kanya.   “Try this,” utos nito sa kanya.   Kumunot ang noo niya at sinimangutan ito. “Mukha ba akong nagsusuot ng ganyang kataaas ang takong?!”   “Do I need to blackmailed you again to try this?” nakaangat ang isang sulok ng labi nito habang nagsasalita.   Sininghalan niya ito at walang nagawa kundi ang kunin iyon at padabog na umupo sa bench na naroon. Lihim siyang nagulat dahil eksakto lang sa kanya ang heels, sinulyapan niya ito at nakahalukipkip itong nakatingin lang sa kanya at hinihintay ang magiging reaksyon niya.   “So?” nakataas ang kilay na tanong nito.   “Kasya, pero ‘di ko kayang magsuot ng ganito—”   “Huwag kang mag-Inarte, hindi bagay sa’yo,” putol nito sa sinasabi niya. “You’ll wear it tonight.”   Eh, ibato ko kaya sa’yo ito para ipaalam na hindi ako nag-IIarte. Pasalamat ka talaga at napasubo ako dahil kung hindi ay ipapakain ko talaga sa’yo itong mga ito!   Bumalik naman ang Sales Staff at may dala na ng damit na napili ni Luigi. Kaagad siyang pumasok sa dressing room at hindi na nag-abalang hubarin ang suot niyang heels. Pagharap niya sa salaming nasa loob ng dressing room ay hindi pa rin siya makapaniwala na magiging susunod-sunuran siya sa gusto ng damuhong iyon! Huminga siya ng malalim at isinuot ang damit, saka muling humarap sa salamin.   Natigilan siya at hindi makapaniwala sa nakikita ng kanyang mga mata. Bakat ang magandang hubog ng kanyang katawan sa suot niyang damit. Wala man siyang mahahabang binti na katulad ni Briella at makinis din naman ang mga iyon at bilugan, bagay na kapansin-pansin at tiyak na maipagmamalaki din niya.   Hinaplos niya ang sarili niyang repleksyon, ngayon lang siya ulit nakapagsuot ng mga ganoong damit kaya medyo naasiwa siya at pakiramdam niya ay wala siyang kahit na anong suot na damit. Huminga siya ng malalim at nag-ipon ng lakas para lumabas at humarap kay Luigi.   Paglabas niya ay kaagad na nagtagpo ang kanilang mga mata ni Luigi, hinayaan niya itong pasadahan siya nito ng tingin, nagawa niya pang umikot sa harap nito at hawakan ang magkabilang gilid ng damit niya at nakataas ang kilay na nagsalita.   “Satisfied ka na?” tanong niya.   Nakita niya ang paghanga sa mga mata nito ngunit mabilis nitong itinago ang mukha nito sa kanya at bumaling sa Sales staff.   “I’ll take it,” sabi nito at iniabot dito ang ATM Card nito.   “Kita mo itong taong ito, wala ka man lang bang masasabi sa akin?” singhal niya rito at nilapitan ito.   Ngunit dahil sa pagmamadali niya ay namali siya ng apak at natapilok siya, nanlaki ang mga mata niya at hinintay na bumagsak siya at pumlakda sa sahig ngunit bago pa mangyari iyon ay may matitigas na mga braso ang humapit sa beywang niya at hinila siya palapit dito dahil sa lakas nang pagkakahila nito ay deretsong lumapat ang mga labi niya sa labi nito.   Halos lumuwa na ang mga mata niya sa gulat dahil sa pangalawang beses ay nahalikan siya ng damuhong na gagong Hitler na ito!   What the f*ck?! Bakit parang pakiramdam ko sinasadya niya ang lahat para mahalikan ako?!      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD