IKA-2 YUGTO

1619 Words
IKA-2 YUGTO   Kasabay nang pagsara ng pinto ng elevator ay ang pagpikit ng mga mata ni Chelsey at nagpatianod sa mapagparusang halik ni Luigi.   Pinid lang ang mga labi niya at hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon niya, iyon ang kauna-unahang pagkakataon na nahalikan siya ng isang lalaki at hindi siya makapaniwala na ang damuhong na Hitler pa ang makakauna sa kanya.   Ilang sandali pa ay humiwalay na ito sa kanya at parehas silang naghahabol ng hininga habang nakatingin sa isa’t isa. Hawak pa rin nito ang kanyang dalawang kamay sa itaas ng ulo niya at nakatunghay ito sa kanya. Pakiramdam niya ay para siyang maamong pusa na handang durugin ng malaking leon sa harapan niya.   Nagulat siya nang tumunog ang elevator, agad siyang hinila ni Luigi palabas doon at napalunok siya nang sunod-sunod dahil talagang tinototo ng damuhong na Hitler na ito ang banta nito sa kanya.   ‘Paktay kang bata ka Chelsey, napasubo ka ngayon sa kalokohan mo!’ sita sa kanya ng kanyang konsensya.   Baka naman puwede naming pag-usapan ang lahat?  Para saan ba at pareho kaming Personal Assistant ng mga amo namin?   “Aray naman!” singhal niya rito nang bigla itong huminto at tumama ang ulo niya sa matigas nitong balikat.   “Stay focus, dummy,” masungit na singhal nito sa kanya at isinuwayp ang card key nito saka binuksan ang pinto.   Lihim niya itong sininghalan at sinamaan ng tingin, sa huling pagkakataon ay hinila ulit siya nito papasok sa loob ng hotel room.   “Kailan talaga manghila ka?” asik niya rito.   Parang wala itong narinig at hinla ulit siya at itinulak sa upuang naroon. Tumunog ang cellphone nito at agad naman nito iyong sinagot.   “Hello?” anito na nasa kanya pa rin ang tingin. Humalukipkip siya at nakaingos na inilibot ang tingin sa buong paligid.   Condo niya ito?   “Look, President Braun I have some important matters to attend to, baka naman puwedeng pagbigyan mo ako ngayon,” seryosong sabi nito kay President Braun na nasa kabilang linya. “I’m with Chelsey.”   Nanlaki ang mga mata niya at hindi naiwasang mapanganga dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay narinig niya itong banggitin ang pangalan niya. Kung anu-ano lang kasi ang tinatawag nito sa kanya.   Kailangan ko na bang magpa-misa? Isang himala ang pagtawag ng gagong Hitler na ito sa pangalan ko!   “Stop staring at me like that, dimwit,” singhal nito sa kanya.   Or not! Napasimangot siyang ibinaling ang tingin sa paligid.   “I’ll report to you tomorrow. Bye,” ibinalik nito ang cellphone sa bulsa nito at prenteng umupo sa harapan niya. “Start explaining yourself.”   Tinaasan niya ito ng kilay at nakipagtitigan dito ngunit mas malala ag sama ng tingin nito sa kanya kaya siya na ang sumuko at nagbuntong-hininga.   “I need to do it to escape some as**ole,” sagot niya.   “And?” anito na nakahalukipkip.   “And I did it, tapos!” sabi niya.   Sininghalan siya nito. “Hindi ka ba talaga marunong magpaliwanag? Kailangan ko bang isa-isahin itanong sa’yo kung bakit mo ginawa iyon?”   Nagkamot siya ng ulo at ngumiti. “Puwede naman, ano bang gusto mong malaman?” aniya.   Marahas na nagbuntong-hininga si Luigi at sinamaan siya ng tingin, lihim naman siyang nalunok dahil mukhang mas ginalit niya pa ang lalaki.   Kailangan ko bang hulaan ang gusto niyang itanong sa akin? Maganda ako at hindi manghuhula! Duh!   “Seriously? Do I really need to—”   “Okay! Okay!” putol niya sa sinasabi nito dahil nagiging katulad na ito ni President Braun na naglalabas ng itim na awra sa buong katawan.   Kailangan ko na bang mag-ingat? Lumalabas na ang maitim niyang enerhiyang namana sa ninuno nitong si Hitler!   “There’s someone in my past and trying to get me back,” sagot niya. Huminga siya ng malalim at nag-umpisang magkuwento. “He’s insisting to take me back and marry me, until now I don’t know why he’s so determined to have me at akala ko tuluyan na niya akong lulubayan pagkatapos akong itakwil ni Daddy,” nakayuko niyang pagkukuwento.   “Ex-boyfriend?” nakataas ang kilay na tanong nito.   Umiling siya. “Ex-suitor,” sagot niya. “I never liked him, I let him court me dahil ayokong maging bastos sa kanya but still don’t like him, naging obsessed siya at kung makaasta ay parang pag-aari na niya ako.”   Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan nilang dalawa, hindi na siya nagpatuloy sa pagkukuwento dahil bumabalik lang sa kanya ang gabing iyon.   “At sa tingin mo ay titigilan ka niya sa oras na malaman niyang may boyfriend ka na at nagdadalang-tao na?” tanong nito pagkalipas ng ilang sandaling katahimikan.   Hindi agad siya nakasagot, dahil posibleng hindi at posible rin namang oo.   “Sa totoo lang, hindi ko rin alam,” mapait siyang ngumiti at tumingin sa kawalan. “Pero kailangan kong sumugal, I don’t want him near me at gagawin ko ang lahat para lang maiwasan siya.”   “Anything, you say?” Natigilan siya nang makita ang nakakalokong ngisi ni Luigi.   Nanlaki ang mga mata niya nang makitang binabaklas nito ang necktie nito at tumayo.   “A-anong ginagawa mo?” nanlalaki ang mga mata niya at isiniksik ang sarili sa kinauupuan.   Dahan-dahan itong lumapit sa kanya, at sinunod namang tiningan ang pagkakabutunes ng suot nitong tuxedo. Napalunok siya at kulang na lang ay butasin ang sofa at pumailalim doon para lang makalayo sa damuhong na Hitler na ito.   “Giving you an option,” sagot nito at huminto sa mismong tapat niya. Nagtakip siya ng mukha at tumagilid.   Ano bang kabastusan ang iniisip ng demonyong ito? Hindi talaga ako mangingiming mambasag ng betlog sa oras na gumawa siya ng kalokohan! I swear!   “W-What option?” napapalunok niyang tanong dito. Hindi siya nag-attempt na tumingin dito dahil baka maging makasalanan lang ang mga mata niya.   Nahigit niya ang kanyang hininga nang tumunghay sa kanya ang binata at bumulong.   “I have an idea, but first I want you to come and se—”   Hindi na niya pinatapos pa ang sinasabi nito at itinulak ito palayo sa kanya. Narinig niyang napamura ito ng malutong, pagmulat niya ng mga mata niya ay nakita niyang nasa sahig ito at hawak ang tagiliran, siguro tumama iyon sa corner ng mesa nang itulak niyo.   “What the hell is your problem?!” asik nito sa kanya.   “Ako dapat ang nagtatanong niyan sa’yo! Anong sa tingin mo ang ginagawa mong damuhong ka?!” singhal niya at nakapameywang na dinuro ito. “Hindi porket nagkuwento ako ng nakaraan ko at nadamay ka sa probema ko ay puwede mo ng hilingin ang kahit na anong bagay! L-Lalo na iyong aayain mo akong sumasa sa’yo sa kuwarto at makipag-chukchakan sa’yo!” singhal niya rito.   “Chukcha—what the hell?!” mas lalong nagalit si Luigi nang maintindihan ang sinabi niya. Hind rin siya nagpatinag at inambaan pa ito ng suntok.   “Gago! Hindi mo ako madadaan sa panlalandi mo! Matibay ito at hindi marupok!” aniya.   Sininghalan siya ni Luigi at muling napamura ng malutong, pagkuwa’y tumayo at walang pasabing tinututakan ang kanyang ulo.   “Kahit kailan ang dumi ng utak mo, kung pinapatapos mo muna kaya akong magsalita?” anito.   Ipinilig niya ang kanyang ulo at hinintay itong magpatuloy sa pagsasalita.   “I said, I have an idea but first I want you to come and sit with me in the kitchen,” mariin nitong turan.   Shit? Este sit? Bakit iba ang tunog nang pagkakasabi niya kanina? Namali lang ba talaga ako ng dinig?   “Sit? Not S*x?” paglilinaw niya sa sinabi nito.   Marahas itong nagbuntong-hiniga at sunod-sunod na umiling. “You’re a pretty dumb,” mahina lang ang pagkakasabi nito ngunit hindi iyon nakaligtas sa matalas niyang pandinig.   Naglakad ito papunta sa kusina at sumunod naman siya. “Hindi mo ako masisisi na mag-isip ng masama, bihira na ang matinong lalaki ngayon,” nakahalukipkip na sabi niya rito.   Hindi ito nagsalita at kumuha ng tubig dalawang canned beer sa ref. Nagulat siya nag ibato sa kanya ang isang beer at muntik na iyong tumama sa kanya kung hindi niya agad nasalo.   “Hindi ka talaga marunong mag-aya sa maayos na paraan, ‘no?” sita niya rito.   Sininghalan lang siya nito ng tingin at kumuha ng dalawang chips, saka walang pasabing iniwanan siya nito at bumalik sa sala, para naman siyang aso na sumunod dito. Ngali-ngaling ibato niya rito ang hawak na canned beer.   Sit with me in the kitchen, my ass! Sinasabi ko na nga ba talaga, hindi ako nagkamali ng dinig kanina! Binago niya ang dahil alam niyang malilintikan siya sa akin! Buset na Hitler na ito!   Hindi na siya naghintay na paupuin siya nito at ipagbukas ng hawak niyang beer, siya na mismo ang gumawa niyon dahil tiyak na sa pagputi pa ng uwak mangyayari ang pag-alok nitong buksan ang beer para sa kanya.   Lumagok siya ng beer at hindi na nagsalita, kung anuman ang gustong mangyari ng damuhong na ito ay magiging alerto na lang siya. Hindi naman siya malalasing sa isang beer lang, kapag humirit pa ito ng isa pa, hindi na talaga siya mangingiming durugin ang bola-bola nito.   “Hey, dimwit. Marry me,” seryosong wika nito pagkatapos ng ilang saglit na katahimikan.   Sa sobrang gulat niya sa sinabi nito ay naibuga niya ang beer na nasa bibig niya sa mismong mukha ng katabi niyang binata.   “F*ck!” malutong na mura nito nang maghilamos ito ng beer na galing mismo sa bibig niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD