UNANG YUGTO

2133 Words
UNANG YUGTO   EIGHT YEARS AGO . . .   “Are you ready to go out, my Princess?” tanong ng Daddy ni Chelsey.   Tiningnan niya ang sarili niyang repleksiyon sa salamin, halatang kabado siya pero hindi rin maitatago ang tuwa sa mukha niya. It was her eighteenth birthday at bilang tagapagmana ng malaking kompanya ay tiyak na maraming tao ang dadalo. Mga negosyante at ilang kilalang tao sa industriyang kinabibilangan ng pamilya niya.   Huminga siya ng malalim at nakangiting bumaling sa kanyang Daddy.   “Yes, Dad,” sabi niya at inabot niya ang nakalahad nitong kamay.   Mahigpit iyong hinawakan ng kanyang ama at pagkatapos ay ikinulong siyas sa mainit na yakap. “You’re grown up now, I’m afraid that you’re going to leave us soon.”   Natatawa siyang yumakap sa ama, ngayong desi-otso na siya ay hahayaan na siya ng mga itong magdesiyon para sa sarili niya. Dahil sa pagiging nag-iisang anak ng mag-asawang Vilchez ay hindi siya nakaranas nang paghihirap, lahat ng gusto niya ay nakukuha niya at hindi rin nagkulang ang mga magulang niya para sa pagmamahal. Gayunpaman ay hindi siya lumaking brat at spoiled, dahil sa kanyang Pinay na Nanny ay natutunan niya ang kultura ng mga Pilipino. Pinay rin ang ina niya ngunit dahil sa pagiging abala nito sa pagtulong sa kanyang Daddy sa negosyo nila ay lumaki siya sa kanyang Nanny.   Idinaos ang ang selebrasyon ng kanyang eighteenth birthday sa maluwang nilang bakuran. Ang olympic sized nilang swimming pool ay nilagyan ng glass floor at siyang ginawang dancing floor para sa labing walong mahahalagang lalaki sa buhay niya.   Paglabas nila ng kanyang Daddy ay halos masilaw siya sa maraming nagkikislapang camera na bumungad sa kanila. Kung siya lang ang papipiliin ay mas gusto niyong simple lang ang selebrasyon nila ngunit alam niyang imposibleng mangyari iyon.   “Happy birtday, my lovely Princess!” sabi ng kanyang ina na lumapit sa kanila at niyakap siya ng mahipit saka hinalikan sa pisngi.   “Thank you, Mommy!” sabi niya at gumanti ng yakap dito.   Humarap silang tatlo sa mga tao at sabay-sabay na naglakad papunta sa mga naghihintay nilang bisita. Maya-maya lang ay nag-umpisa na ang programa sa kanyang debut, may mga performer na inupahan ang kanyang mga magulang at may live band pa para sa kanyang eighteen roses.   Nang mag-umpisang mag-anunsiyo ang Emcee sa mga kasali sa eighteen roses ay nagkaroon ng iba’t-ibang ilaw ang ilalim ng pool, nagmukha iyong mga makukulay na jellies na malayang lumalangoy sa ilalim niya.   Lahat ng mga nakasayaw niya ay mga classmates niyang lalaki, malambing siyang tao kaya halos lahat ng mga kaklase niya ay malapit sa kanya. Wala pa siyang nobyo dahil wala pa iyon sa isip niya, hindi siya katulad ng ibang babae na kahit sa murang edad ay nagagawa nang makipag-relasyon. Para sa kanya, mahalaga pa rin ang panliligaw at panunuyo ng isang lalaki, iyon ang laging sinasabi sa kanya ng kanyang Nanny Belen.   Pagtapat ng ika-labing pitong magbibigay ng rosas sa kanya ay hindi niya inaasahan ang gagawin sa kanya ni Jared. Iniabot nito sa kanya ang isang pulang rosas at walang habas na hinalikan siya sa labi, napatda siya at hindi agad nakakilos.   “Happy birthday, love. Now that you’re eighteen, I guess it’s time for us to be in a relationship,” nakangising saad nito at hinapit ng mahigpit ang katawan niya palapit dito.   Inilapat nito ang labi nito sa kanyang punong-tenga at parang hinahalikan siya, hindi siya gumagalaw habang ang lalaki ay tila damang-dama ang malamyos na musikang pumupuno sa buong kapaligiran.   Bumitiw ito sa pagkakayakap sa kanya at nakangiting tumingin sa mga mata niya. Lalong kumunot ang noo niya nang may kunin itong micropone sa likod ng suot nitong trouser.   “Chelsey Vilchez, I courted you and patiently waited for this day to come. I’m always at your side and show you how much I love you. Now that you’re eighteen and matured enough to handle a relationship, will you accept me to be your boyfriend and in the future be your husband?”   Para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi nito at nasindak siya nang dahan-dahan itong lumuhod sa harapan niya at inilabas ang isang maliit na kulay pulang kahon. Napatingin siya sa mga magulang niya at nakita niya ang pagtango ng kanyang Daddy na lalong nagpagulo sa isip niya.   Ilang sandali siyang nanatiling nakatingin lang sa nakaluhod na lalaki at hindi maintindihan kung akit bigla na lang itong nagpo-propose sa kanya gayung ilang araw na niya itong binasted dahil sa pagiging seloso nito at pagpi-feeling boyfriend niya.   “No,” mahina niyang sagot at dahan-dahang humakbang paatras.   “What?” nawala ang magandang ngiti sa labi ng lalaki at nagsalubong ang mga kilay na nakatingin sa kanya.   Sunod-sunod ang ginawa niyang pag-iling. “No! What the hell are you doing? I already said back off and told you to stop pestering me, Jared!”   Nagsimulang magbulungan ang mga taong nakapaligid sa kanya ngunit balewala iyon sa kanya dahil mas nakatutok ang atensyon niya sa lalaki. Hindi siya makapaniwalang sa kabila nang ginawa niyang pagba-busted dito ay magpipilit pa rin ito sa gusto nitong mangyari.   “Chelsey,” tawag sa kanya ng kanyang ama ngunit hindi niya ito pinansin at tatakbo na sana papasok sa bahay nila nang hawakan siya ng mahigpit sa braso ni Jared.   “After everything we’ve been doing, you just throw it away like it never happened between us?” malakas na sabi nito.   “What are you talking about?” kunot-noong tanong niya at pumiksi para hilain ang braso niyang hawak nito.   “Oh, come on, babe. Stop pretending that you don’t know anything,” nakangisi nitong turan.   Kinilabutan siya sa kakabaing kislap ng mga mata nito at magsasalita pa sana siya nang unahan siya nito.   “Why are you so afraid of telling them your secret?” tanong nito. Dahil may hawak itong microphone ay dinig ng lahat ang sinasabi nito at wala siyang kaide-ideya sa mga pinagsasasabi nito.   “Let me go, Jared. You’re getting on my nerves again!” angil niya rito.   Tumawa ito ng malakas at marahas siyang iniharap sa mga bisitang naroon.   “This so-called princess is a b***h who’s f*cking every guy that she likes for almost a year!” Nagimbal siya sa sinabi ni Jared.   “What the hell are you talking about? Stop making stories, jerk!” singhal niya rito.   “I found out her secret and I still insist on courting her and be my girlfriend but she rejected me and her reason was that she can’t f*ck men anything she would like.”   “How dare you!” sigaw niya at malakas na itinulak ang lalaki. Nang hindi pa rin siya nito bitiwan ay malakas niyang tinuhod ang harapan nito, malakas itong napamura ngunit hindi niya iyon pinansin at binigyan niya pa ito ng isang mag-asawang sampal.   “Chelsey!” malakas na sigaw ng kanyang ama.   “You’ll never gonna get away with this, you piece of s**t!” galit na sabi niya kay Jared. Luhaan na ang mga mata niya at gusto na laman niyang maglaho nang mga oras na iyon.   Nakita niya ang mala-demonyong pagngisi nito sa kanya bago ito daluhan ng kanyang ama na galit na galit at nanlilisik ang mga matang nakatingin sa kanya.   “Let’s get inside, I want to talk to you both,” madilim ang anyo na sabi ng kanyang ama.   “Talk? Dad don’t tell me you believe everything he said?” Umiiyak na tanong niya sa kanyang Daddy na itinuro pa ang namimilipit pa rin sa sakit na si Jared.   “I said, we’ll talk inside,” mariin nitong pag-uulit sa sinabi nito at nauna nang pumasok sa loob. Sumunod naman ang kanyang ina na inalalayan siya habang ang pamilya naman ni Jared ay masama ang tingin sa kanya at tahimik na sumunod papasok sa loob.   Iniwan nila ang selebrasyon para sa ika-labing walong taon niyang kaarawan. Ang dapat sana ay masaya at hindi makakalimutang gabing iyon ay nauwi sa bangungot na kung puwede lang ay burahin sa kanyang alaala, kailanman.   Sa loob ng living room ay magkaharap na nakaupo ang pamilya niya at ang pamilya ni Jared, pinipigilan niyang huwag umiyak pero ayaw makisama ng mga luha niya at patuloy lang sa pagpatak. Alam niyang kalat na ang make-up niya at namumugto na rin ang mga mata niya sa dahil sa walang ampat niyang pag-iyak.   “Chelsey, Hija,” panimula ng ina ni Jared na isa ring Filipino. “Ako na ang humihingi ng pasensya sa ginawang kalokohan ng anak ko. Alam kong hindi na niya dapat pang isiwalat iyon sa lahat dahil normal na ang mga ganoon sa panahon ngayon pero sana binigyan mo ng konsedirasyon ang—”   “What?” putol niya pa sa sinasabi nito. “Sa tingin niyo po ganoon ako karuming babae?”   Narinig niya ang pagbuntong-hininga ng kanyang  ina kaya napatingin siya rito, nadagdagan ang sakit na nararamdaman niya dahil halatang mas kinakampihan pa nito ang ina ni Jared kaysa kanya.   “Let’s talk about this problem,” sabi naman ng kanyang Daddy. “Jared, I want you to tell everyone that everything you said back there wasn’t true. If you do that I’ll let my daughter accept you as—”   “No!” malakas na sabi niya at tumayo. “You can’t do this to me, Dad! I have my own life and no one can tell me what to do!”   “This is for your own good, Chelsey. Do you know how would it affect you—us!” mariin nitong sabi.   “Why the hell are you not listening to me! That son of b*tch is lying!” galit na singhal niya at itinuro si Jared.   “Chelsey! Stop being a brat! Hindi ka namin pinalaki ng ganyan!” galit na wika ng kanyang ina. “You’re disrespecting Jared’s mother!”   Ibinuka niya ang kanyang labi at hindi makapaniwalang siya pa ang nagmumukhang masama sa paningin ng mga ito. Kinagat niya ang ibaba niyang labi saka huminga ng malalim.   “You know what? If you don’t want to listen to me, I don’t care, I’m eighteen now and I can do whatever I want!" pa”kasabi niyang iyon ay pinunit niya ang suot niyang bestida at itinapon ang white gold na tiara na regalo sa kanya ng kanyang Daddy.   “What the hell are you doing?” tanong ng kanyang Daddy.   “Ripping everything you bought for me! Starting today, you’ll never have a control over my life! Good thing we have an agreement about this,” taas ang noong sabi niya at walang pasabing iniwan ang mga itong tulala sa sala.   Wala na siyang pakialam sa party na nasa labas lang ng mansiyon nila. Nagkulong siya sa kanyang kuwarto, pagkatapos niyang hubarin ang kanyang designer ball gown ay pinunit niya iyon at inilagay sa toilet bowl.   Nakapagdesisyun na siya at sasama siya sa kanyang Nanny Belen na uuwi na ng Pilipinas bukas. Tinapos na nit ang paninilbihan sa pamilya niya dahil mas gusto na nitong manatili sa Pilipinas, hindi siya mapipigilan ng mga magulang niya dahil may pinirmahan silang kasunduan. Isa pa disi-otso na siya kaya may karapatan na siyang bumukod sa mga magulang niya.   Kinabukasan ay hinintay niyang makaalis muna si Nanny Belen bago siya lumabas ng kanyang kuwarto. Simple lang ang suot niyang damit at isang backpack lang ang dala niya, binibitbit niya ang tiara na binigay sa kanya ng kanyang Daddy. Isasanla niya iyon at ang perang makukuha niya roon ay siyang gagamitin niya para makasama sa Nanny niya papuntang Pilipinas.   “Where are you going?” tanong ng kanyang Daddy nang makita siyang paalis.   “To get a new life without you,” malamig niyang turan dito.   “Chelsey, I did what I have to—”   “Cut it out, Dad. I don't want to hear anything about what happened last night. I’m leaving and no one can stop me,” matigas niyang turan at humakbang palabas ng pinto.   “If you go out in that door, I’ll make sure you don’t get any of money,” babala nito sa kanya.   Tumigil siya sa paglalakad at humigpit ang hawak niya sa kanyang backpack.   “Take it, I don’t need it. I can live without your help.”   Kaya kong mabuhay mag-isa at patunayan sa inyo na hindi ko kailangan ng kayamanan niyo para maging masaya at kuntento.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD