**** Nang makapasok sila sa loob nang tinutuluyan nilang hotel suite ay wala pa ring imik si Luigi, bakas pa rin sa mukha nito ang matinding galit. Kahit naman sino ay gano’n ang mararamdaman, tangina, muntik na siyang maisahan ng hinayupak na Jared na iyon. Kung hindi lang sa mabilis niyang reflexes ay baka natuloy na nito ang pinaplanong paghalik sa kanya. “Hey,” untag niya kay Luigi nang pareho na silang nakaupo sa mahabang sofa. Malalim itong nagbuntong-hininga. “Hindi mo na sana ako pinigilan pang bugbugin ang hayop na iyon,” inis na wika nito. Hinawakan niya ang mga kamao nitong tila ba handa nang manuntok anumang oras. “Hindi na muulit iyon,” sabi niya at sa loob-loob ay ipinangako na rin niya sa sariling hinding-hindi na mauulit pa iyon. “I don’t understand why

