IKA-32 YUGTO Pagkasara ng pinto ay kaagad siyang sinibasib ng halik ni Luigi, malugod naman siyang tumugon nang kasing pusok ng halik nito. Gamit ang isang kamay nito ay ini-lock nito ang pinto at walang kahirap-hirap na binuhat siya habang hindi napuputol ang mainit na halik na pinagsasaluhan nila. Pagdating sa kuwarto nila ay tinulungan niya itong hubarin ang suot nitong sando habang ito naman ay walang kahirap-hirap na hinubad ang kanyang maxi dress at ang suot niyang pang-itaas na saplot. Napasinghap siya nang maramdaman ang mainit nitong mga palad na humahaplos sa kanyang dibdib, kaagad na sumiklab ang kakaibang init ng katawan niya na tanging si Luigi lang anag kayang gumawa. Nakaupo siya sa kandungan nito kaya ramdam niya agad ang pagkabuhay ng parteng iyon ng katawan ni

