WARNING: ANG INYONG MABABASA AY MAY KASAMANG MASELANG CONTENT. READ AT YOUR OWN RISK. IKA-33 YUGTO “What the f**k is your problem?” seryosong tanong ni Janice kay Micah. Pinatawag niya ang babae sa tinutuluyan niyang suite para kausapin. Darating din doon mayamaya sina Miss Sania at si Jared dahil nagpatawag muna siya ng meeting bago nila simulan ang photoshoots. “Huh? Did I do something wrong?” painosenteng tanong nito sa kanya. Ngumisi naman si Janice at hindi natinag sa kinauupuan niya. “Huwag na tyong maglokohan dito, Micah. Alam kong sinadya niyong lahat ang nangyari kahapon,” aniya. Natigilan ito sa sinabi niya ngunit saglit lang iyon at nagkibit ng balikat. “Tigilan mo na ang Kuya ko, maawa ka sa sarili mo at tigilan mong magpaka-cheap. May asawa ng tao ang

