IKA-22 NA YUGTO “Akala ko ba hapon ka pa darating?” gulat na tanong sa kanya ni Janice nang pumasok siya sa opisina nito. “What happened? Natapos mo agad ang ginagawa mo?” “Your brother happened,” sabi niya at napairap sa kawalan. “Pinakialaman niya ang gawa ko at siya na mismo ang tumapos,” sagot niya. Namilog ang mga mat ani Janice sa sinabi niya. “Really? Let me see it!” excited na sabi nito at mabilis na lumapit sa kanya. “Teka lang naman,” sabi niya at hinawakan ang dalang bag. “Hindi halatang excited ka din, e, ’no?” Tumawa naman ng mahina si Janice. “Hindi mo ’ko masisisi, ito ang kauna-unahang pagkakataon na makikita ko ang gawa niya.” Ngumiti naman siya at inilapag ang laptop niya. “It’s awesome! Mas maganda pa ang gawa niya kaysa gawa ko!” sabi pa niya.

