Kabanata 1
Alex
Tatlong taon ko nang itinatago ang tunay kong pagkatao sa likod ng isang pangalan.
Ako si Alexander Rayo, ang kanang kamay at pinakatiwalang tauhan ni Silas Montelevano.
Para sa kanya, ako ang pinakamatapat niyang tauhan, ang lalaking laging nakatayo sa likod niya, handang pumatay para sa kanya anumang oras. Wala siyang kaalam-alam na ang lalaking pinagkakatiwalaan niya ay isang babaeng matagal ng naka-undercover sa puder niya.
Pero ngayong gabi, hindi ako narito bilang si Alexander. Narito ako bilang isang misteryosong bisita... at para sa aking misyon.
Pumasok ako sa silid kung saan idinaraos ang kanyang masquerade ball. Suot ko ang isang hapit na hapit na pulang fitted dress at mahabang wig na may bangs.
Natatakpan ng marangyang maskara ang kalahati ng mukha ko, sapat para masigurong hindi ako mamumukhaan ng kahit na sino rito.
Natanaw ko si Silas sa kabilang dako ng silid, mukhang hari sa suot nitong itim na suit at maskara.
Siya ang pinakamakapangyarihang Mafia Don sa bansa. At ngayong gabi, nanakawin ko ang Blood Diamond Ring na kasalukuyang nakatago sa bulsa ng kanyang suit jacket.
Gagamitin niya ang singsing na iyon para mag-propose sa prinsesa ng Romano Syndicate upang selyuhan ang kanilang alyansa.
Kapag natuloy ang alyansang iyon, mas magiging mahirap na siyang kalabanin. Pero kapag nawala ang singsing na pinangako niya, tiyak na magkakalamat ang tiwala ng dalawang sindikato.
Hindi ko na kaylangan pang mag-antay nang matagal.
Huminto ang paghinga ko ko nang maramdaman ko ang malapad at tadtad ng tattoo na kamay na biglang humawak sa beywang ko.
Yumuko si Silas, at ang init ng katawan niya ay tila pumapaso sa manipis na telang suot ko. Hinawakan niya ang baba ko gamit ang kanyang daliri at pinihit ito upang mapilitan akong magtagpo ang aming mga mata.
"At saan nanggaling ang babaeng katulad mo? " bulong niya. Ang malalim at baritono niyang boses ay nagdulot ng kilabot sa balat ko.
Wala siyang kamalay-malay na ang paborito niyang tauhan ay nakatayo sa harap niya ngayon, naka-heels, naka-bestisa at naka-makeup. Sandali akong naaliw sa isiping iyon.
"Maybe I'm a little lost, Mr. Montelevano," malambing kong sagot.
Mas lalong humigpit ang hawak niya. Tinitigan niya ako na parang isang teritoryo na napagpasyahan niyang angkinin.
Mas lalo siyang lumapit, at ang pamilyar niyang pabango ay sumakop sa sistema ko.
"I don't remember inviting a goddess to my engagement party," aniya, sabay baba ng tingin sa aking mga labi.
Goddess?
Alam kong babaedor siya peeo hindi ko alam na marunong din pala siyang mambola sa mga babaeng gusto niyang ikama.
"Isipin mo nalang na supresang bisita ako."
Mapilyong ngisi ang gumuhit sa kanyang labi. "I don't like surprises, sweetheart. I like to take control."
May dagger na nakatali sa hita ko, nakatago sa ilalim ng gown ko. Pwede ko siyang patayin dito at ngayon din, pero alam kong hindi ito ang tamang pagkakataon.
Humarap ako nang tuluyan sa kaniya at nilapat ang kamay ko sa d*bdib niya kung saan nakataho ang singsing. Ramdam ko ang matitigas na muscle sa kanyang dibdib. May mga tattoo rin siyang nakasilip sa leeg niya.
"Gusto mo bang umalis muna dito? May alam akong bakanteng silid na pwede nating... gamitin," bulong ko habang dahan-dahang hinahaplos ang suit niya. "Unless kung nag-aalala ka na baka magalit sayo yung mapapangasawa mo... o baka natatakot kang maiwang mag-isa kasama ko?"
Biglang nagdilim ang kaniyang mga mata. Hindi siya sumagot. Sa halip ay hinawakan niya ang kamay ko at nagsimula na akong hilahin palabas sa gitna ng maraming tao.
Bukas ng umaga, kailangan ko uling isuot ang uniform ko at magpanggap bilang si Alexander. Pero ngayong gabi, narito ako para sirain ang buhay niya.
Sobrang sakit na ng mga paa ko sa lintek na heels na ito. Ang tagal ko nang hindi nakakapagsuot ng bestida at takong dahil sa pag-undercover ko. At ngayon, heto ako, inaakay ang demonyo patungo sa isang bitag.
Marahas niyang itinulak ang pinto ng isang bakanteng silid na tunuro ko at isinandal ako rito. Narinig ko ang pag-click ng lock sa likod ko.
Inabot niya ang sariling maskara at hinubad iyon, sabay hagis sa sahig.
Mas lalong naging nakakatakot ang gwapo niyang mukha. Ang kamay niya ay gumapang na patungo sa mukha ko, hinahanap ang tali ng aking maskara.
Mabilis akong kumilos at hinawakan ang kamay niya para pigilan siya.
"The mask stays on," habol ang hininga kong sabi.
Natigilan si Silas, at nagtagis ang kaniyang bagang. "I don't f**k strangers."
"Then treat me like a faceless w***e," sabi ko habang nakatitig sa kanyang mga mata sabay kagat sa ibabang labi ko sa mapang-akit na paraan. "Kunin mo ang lahat sa akin, angkinin mo ko, saktan mo ko. I want you to be rough, baby. Huwag mong pigilan ang sarili mo."
Bago pa man siya makapagsalita, hinila ko na ang mukha niya at siniil ng isang mapusok na halik. Dumaing siya sa aking bibig, sabay buhat sa akin hanggang sa nakatingkayad nalang ako sa sahig.
Focus, Alex. Ang singsing muna. Saka na ang lahat.
Habang abala ang dila niya sa pagkikipaglaban sa akin ay mabilis at swabe kong isiniksik ang mga daliri ko sa bulsa ng kanyang suit.
Nang makapa ang singsing, hi-nook ko ito gamit ang dalawang daliri at dahan-dahang inilabas. Mas lalo ko siyang hinalikan nang malalim, pilit na pinapatay ang emosyon ko para hindi ko maramdaman ang pandidiri ko.
Ipinulupot ko ang mga braso ko sa leeg niya, sabay itsa sa singsing sa loob ng isang paso ng halaman sa sulok ng silid. Ayokong isugal na itago iyon sa katawan ko habang hinahawakan niya ako.
Mission accomplished.
Itinulak ko na nang bahagya ang d*bdib niya, sapat lang para maputol ang aming paghahalikan. Nanlaki ang mga mata ko na tila ba may narinig akong multo.
"N-narinig mo ba yun?" may panginginig sa boses ko, nagpapanggap na natatakot. "B-baka mga tauhan ng mga Romano... nasa labas lang yata sila."
Hindi kumilos si Silas, nakatitig lang sa biglang pagbabago ng ikinikilos ko.
"Hindi nika tayo papasukin dito," rason niya habang mas lalong humihigpit ang hawak sa beywang ko.
"Hindi mo alam yun! If they find us... if Don Julius sees me with his daughter's future husband..." Umiling ako na parang natatakot sa isipang ito.
Nanlaki ang mga mata ko nang halikan niya ako ulit hanggang sa mawalan ako ng hininga. Napagtanto ko na ang pagkuha sa singsing ay hindi ang pinakamahirap na bahagi ng plano.
Ito ay ang pagtakas mula sa bisig niya.
At kapag aksidenteng natanggal ang wig ko?
Siguradong patay ako.