chapter 2-his back

3085 Words
ilang taon na ang nakalilipas simula ng unang araw na tinanggap ni kuya Drake ang pakikipag kaibigan ko. Halos tatlong taon na din yun. Matapos ng nangyari sa akin noon, palagi ko nang nakikita si Kuya Drake sa labas ng gate ng school. Inaantay nya ako palagi at sinasabayan sa paglalakad hanggang sa makauwi ako ng maayos sa bahay. Katulad ngayon tanaw ko na si kuya Drake na nakaabang sa labas ng gate ng school, nakasandal siya sa pader habang nasa buksa ang mga kamay. Nung gabing hinarang ako nila Kikay ay hinatid ako ni kuya Drake hanggang sa bahay. Nalaman ko din na siya yung lalaking sinipa ko sa may bukid... Hindi ko kasi siya agad namukhaan dahil sa kapal ng make up niya nung gabing iyon, at sa hitsura ng damit niya. Tinanong ko nga siya kung bakit ganun yung damit niya kaso hindi niya ako sinagot, malay ko ba! baka trip niya yung mga ganung damit . Sinabi niya din sa akin na kaya niya ako sinundan dahil gusto niya daw mag sorry sa akin... Dahil baka natakot niya daw ako nang tumabi siya ng upo sa akin sa ilalim ng puno ng walang paalam. Ibang-iba na si kuya Drake simula nung araw na pinagtanggol niya ako kina Kikay. Siguro kung Hindi ko Lang Alam na beki siya, mapagkakamalan ko siyang model. Katulad ngayon. Para siyang model na nag p-pictorial sa dingding ng school. Sa lumipas na tatllong taon palagi nang dumitiretso si kuya Drake dito sa school namin para sabayan ako sa pag-uwi. Minsan nga sinabihan ko na siyang kaya kong umuwi mag-isa, biruin ba naman ang layo kaya ng school nya sa school ko. Natatawa na ngalang ako kapag may mga tumitingin sa kanya na madaming babae, hindi naman kasi nila alam na beki si kuya Drake... Pag-inaasar ko nga siya sa mga magagandang babae sa school para siyang nandidiri at hindi maipinta ang mukha tapos kapag naiinis na siya doon para namang nakakapanglambot ng tuhod... Para siyang nagiging monster. "Jhass!" Sigaw ni kuya Drake habang kumakaway-kaway pa sa akin. Ang laki ng pagkangiti niya. Kita hanggang dito sa kinatatayuan ko Ang puti ng ngipin niya. "Kuya Drake.." bigkas ko sa pangalan nito sa sobrang hinang boses habang naglalakad ako patungo sa kanya ng nakayuko. Nag-iingat lang ako, kasi simula ng palagi na akong sinusundo ni kuya Drake ang daming mga estudyante ang palaging ako ang pinag-uusapan. Kadalasan tinatarayan ako kahit hindi ko naman sila inaano. Meron din namang mga estudyante ang lumalapit sa akin dahil gusto nilang makilala si kuya Drake lalo na ang mga high school student na mga babae, kahit nga mga lalaki gusto din siyang makilala. Nang makalapit ako sa kanya agad kong hinila sa braso si kuya Drake halos kaladkarin ko na siya makaalis lang sa mga mata ng iba't-ibang studyante na kanina pa kami pinagtitinginan, kaso ang bigat ng katawan ni kuya Drake kaya hindi ko siya mahila ng mabilis. Mukhang nasisiyahan pa ito sa inaakto ko dahil rinig na rinig ko ang paghagikgik nito sa aking likuran. "Wooh! S-stop, jhass. W-what happened?" Takang tanong ni kuya Drake habang nagpapaubaya pa din sa paghila ko. Nang mapansin kong nakalayo layo na kami sa mga estudyante tyaka ko lang siya binitiwan at humarap ako sa kanya ng nakanguso. "Hahahahahahahaha!" Tawa ni kuya Drake ng malakas. Maslalong humaba ang nguso ko dahil sa tawa niya na tila nasisiyahan pa sa pagkainis ko. "Kuya Drake!" Nagpapapadyak ako habang nakahalukipkip. Nakakainis naman kasi talaga siya! Nakita nang na-iinis ako pinagtatawanan niya pa ako. Pero kahit anong gawin kong pagnguso at pagdadabog hindi siya tumigil sa pagtawa. Kaya ng may naisip akong pwedeng ipang asar sa kanya agad ko siyang inasar. "Ate Drake!." Kala mo ha! unang bigkas ko palang sa ate natigil na siya sa pagtawa at seryosong tumingin sa akin. Naalala ko kasi noong unang beses ko siyang tinawag na ate nagtampo at nagalit talaga siya sa akin at hindi niya ako kinausap hanggang sa makarating kami sa bahay. Ako naman yung natawa sa mukha niya mukha siyang toro na umuusok ang ilong. Sige, akala niya ha! Mabuti na ngalang at may pang-asar din ako sa kanya.... Hindi ko nga alam kung bakit naasar siya pagtinatawag siyang ate Drake... Dapat nga matuwa pa siya kasi diba gusto yun ng mga beki? Pag tinatawag silang ate? Katulad ni mimi na masaya pag tinatawag ko siyang mimi... Nakakababae daw kasi. Inisip ko nalang na siguro dahil ayaw niya na may nakakaalam na beki siya. Kaya simula nun hindi ko na siya tinawag na ate. Pero dahil inaasar niya ako, bahala siya! "Ate Drake, bakit ka nakasimangot?" Painosente kong tanong habang humahagikgik. "Stop calling me ate!" May diin at inis sa boses nito. Imbes na makinig ako mas lalo ko siyang inasar, Ang cute kasi ni kuya Drake pag naaasar. "Ate Drake! Hahahaha! Ate Drake" asar ko habang tumatakbo ako palayo sa kanya. "Jhass! You! I said stop calling me in that way!" Sigaw ni kuya Drake habang hinahabol niya ako, at dahil mas malaki ang mga binti ni kiya Drake katulad pa din noon madali nya akong nahahabol. Nang maabutan ako ni kuya Drake ay agad niyang ipinalibot ang braso sa leeg ko, hindi naman ako nasasakal mas nakikiliti pa nga ako kasi malakas kiliti ko sa leeg. "kuya Drake,..... Hahahahahaha! T-tama na hahahahhaahha!" Natatawa kong pigil sa kanya dahil kinikiskis niya ang kamao niya sa ulo ko habang nakapulupot pa din ang braso sa leeg ko. Halos sumabog na ang buhok ko dahil gumulo ito sa pagkakakiskis ng kamao ni kuya Drake dito. "K-kuya hahahahaha! K-kuya Drake Tama na! Y-yung buhok ko nagugulo." Pagsuko ko dito. Gusto ko mang kumawala kaso mas malaki siya sa akin.... Siguro dahil 18 na siya tapos ako 13 palang.... Ang hirap talaga maging pandak! Bakit yung iba na classmates ko matatangkad na kahit 13 palang! Bakit ako parang di nadagdagan yung height. Pinakawalan naman niya ako. Inayos ko agad ang buhok ko at masama siyang tinignan... Paniguradong mukha akong sinabunutan. "Kuya Drake naman ehh! Tignan mo yung buhok ko, ginulo mo!" Naiinis kong sabi. Nang may nakita akong upuan sa gilid ng kalsada agad akong pumunta doon at nilapag ang bag ko para kunin ang suklay ko sa bag. Nang makuha ko na ang suklay ko agad kong kinuha ang bag ko at ipinatong sa hita ko para ako ang umunpo sa upuan. Tinatanggal ko ang sanrio sa buhok ko na nabuhol. Napangiwi ako ng mahila Ang buhok ko kasabay ng paghila ko sa sanrio. Medyo may kahabaan kasi ang buhok ko na hanggang likod. "Kuya Drake naman kasi ehh! Tignan mo yung buhok ko ang gulo! Nabuhol pa yung sanrio sa buhok ko!" Naiinis kong sabi sabay irap sa kanya. "Sorry na. E-ehh... Ikaw naman Kasi yung nanguna ehh. I-inasar mo ako." May konting takot sa boses nito. Gusto kong matawa sa mukha ni kuya Drake habang humahaba ang nguso na tila maamong tuta. Lumapit siya sa akin at kinuha ang suklay sa aking kamay. Nagtataka man ako pinabayaan ko nalang siya. Pumunta siya sa likod ko. "Let me help you baby!" Madiin niyang bigkas. Agad akong natigilan sa narinig ko. Pero hindi ako nagpahalata. "A-anong baby kuya Drake? Di na ako bata no! Tyaka di mo ako baby!" Kunwaring naiirita kong sabi. Lumingon ako sa kanya at nakita ko ang mukha nito na tila natauhan. "A-anong hindi kana baby?, Baby kaya kita..... Baby damulag. Kaso baby damulag ko na pandak." Pang-aasar nito habang tumatawa. Dahil sa inis ko tumayo ako para sana suntukin siya sa dibdib ng hawakan niya ako sa magkabilang balikat at pilit na pinaupo ulit sa bangko. "KUYA DRAKE!" sigaw ko habang siya ay nakatukod pa rin ang kamay sa magkabila kong balikat para hindi ako makatayo. "Wag ka nang magalit.... Ikaw lang ang baby ko." Kahit nakatalikod ako ramdam ko ang pagtawa niya mula sa likuran ko. Humalukipkip nalang ako at hinayaan siya kahit nakakabadtrip siya. Hindi din naman ako mananalo sa kanya ehh! Sinimulan na ni kuya Drake ang pagtanggal sa sanrio na nakabuhol sa buhok ko. Pagkatapos ay dahan-dahan niyang sinuklay ang buhok ko. ................................. "Pst! Pst! Baby Jhass gising na! Hoy! Baby ni Drake gising na! Padating na ang poging Drake! Si Drake ang pinaka gwapo sa lahaaaaaaat! " Napabalikwas ako ng bangon mula sa pagkakahiga ng marinig ko ang voice record ni Drake sa cellphone ko. Natatawa ako tuwing naririnig ko ang voice record niyang ito. Grabe pa yung inis ko nung unang beses kong narinig yung ring tone... Gumagawa kami ng group project nun ng mga groupmates ko sa isang subject ng bigla nalang tumunog ang alarm ko at yun na nga, voice record yun ni Drake.... Halos gusto kong magpalamon sa lupa dahil napatingin lahat ng groupmates ko sa akin. Simula nun, pag nakikita nila si Drake sa school inaasar na nila ako.... Baby Jhass ni Drake na nga ang tawag nila sa akin eh. Tumingin ako sa oras ng cellphone ko halos isang oras na pala akong nakahiga. 7pm ang part time job ko at 6pm na. Agad akong umalis sa higaan at kinuha ang tuwalya na nakasabit sa dinding ng banyo, bago ako nagtungo sa orocan ko na lagayan ko ng mga damit. Isang jeans at blue na t-shirt ang napili kong isuot. Kumuha na din ako ng isang pares ng panloob. Nang handa na lahat ng gagamitin ko pumasok na ako sa banyo. Nang matapos akong maligo inayos ko na ang sarili ko at naghanda para umalis. Kinuha ko na din ang black jacket ko na nakapatong sa nag-iisa kong upuan dito sa apartment ko. Lumabas na ako ng bahay at ni lock ito. Mabuti nalang at malapit lang din ang part time job ko mula dito sa bahay. 15 mins lang ang byahe. Nang nakarating ako sa Perfect Cafe, agad akong pumunta ng locker at nagpalit ng damit. "Uy, jhass! Musta." Bati sa akin ni Marie katrabaho ko dito sa Perfect Cafe. "Ayos naman. Ikaw kamusta? Masaya ba Ang bakasyon mo?" Tanong ko dito habang inihahanger ko ang damit na pinagpalitan ko. 2 weeks kasi itong nawala dahil nagbakasyon. "Ayos lang naman. Ito, maganda pa din." Sagot nito habang inaayos ang buhok. Sabay tawa. Nang matapos kami sa pag-aayos sabay na kaming lumabas ng locker area. Nagtungo na ako sa pwesto ko sa may cashier. Rotation Kasi kami ngayon dahil kokonte ang empliyado ngayon... May dalawa kasi kaming ka trabaho na nag resign kaya doble kilos kami ngayon. Minsan sa counter ako pero pag kulang ang server nag se-serve din ako. "Good evening ma'am." I greeted the customer. "One brew coffee please" sagot ng customer. Inabot ko na sa customer ang card na may number for her order. At dahil busy ang lahat ng kasama ko ako na din ang nagserve sa customer ng matapos gawin ang order nito. Halos pagod kaming lahat ngayon dahil dagsa ang mga customer ngayong gabi. Siguro dahil week end at madami Ang nag da-date. Ang dami ko kasing nakikitang mga lovers di naman Valentine's day. Five hours duty ako ngayon. 7pm to 12nn. May 30 minutes breaks kami para makapagpahinga. "Ohh jhass! Yan lang kakainin mo?" Tanong ni Kennedy Isa ito sa mga barista namin. Kasalukyan kaming naka break. Nakalimutan ko kasing bumili ng pagkain bago pumasok at wala din akong ganang kumain kaya pinag ta-tyagaan ko nalang ang fita at Commbie biscuits na nasa locker ko. "Oo ehh. Tinatamad na kasi akong lumabas. Tyaka di naman ako gutom." Sagot ko. Hindi naman kasi talaga ako gutom, kumain naman ako sa University kanina ng kanin. "Ito ohh, sayo nalang." Kakamot kamot pa Ito habang inaabot nito sa akin ng Tupperware. Nginitian ko ito pero hindi ko tinanggap ang Tupperware. Hindi naman kasi talaga ako gutom. "Wag na Ken... Di naman ako gutom, salamat nalang." Sagot ko dito habang itinutulak ko pabalik dito ang Tupperware na nakalahad sa harapan ko. "Sige na. Di talaga ako gutom. Busog pa naman ako. Kumain kasi ako kanina sa bahay bago umalis." Pagsisinungaling ko para hindi na niya ipilit na kunin ko ang pagkaing inaabot nito. Kumamot Ito sa ulo sabay bawi ng pagkain nito. Natapos ang buong duty ko na nakakapagod. Parang gusto ko nalang humilata agad sa higaan at magpahinga. Halos hindi ko nga naisip na tignan ang cellphone ko kung may text or tawag ba mula sa kanya. Hindi na ako nagpalit ng uniform, sinuot ko nalang ang jacket na hinubad ko kanina. Tinatamad kasi talaga ako gumalaw, siguro dahil sa pagod na din. Lalabhan ko din naman Ito mamaya pag-uwi ko. "Kapagod naman!" Sabi ni Marie habang nag-uunat. "Tapos ka na jhass? Tara sabay na tayo." Yaya ni Marie sa akin. Tumango ako at ngumiti dito bilang sagot. Feeling ko pati pag sagot kinakatamaran ko ngayon. "Ayos ka lang ba?" Tanong ni Marie. Magkasabay kaming naglalakad palabas ng cafe. "Ayos lang. Medyo pagod lang siguro." Sagot ko. "Oo nga, sobrang nakakapagod. Kelan Kaya mapapalitan sina Joan at Sam? Kulang na kulang kasi tayo ngayon kaya kilangan doble kilos." Sina Joan at Sam yung mga kasamahan namin na nag resign. Ngumiti nalang ulit ako sa kanya bilang pagsang-ayon. Nasalabas na kami ng Cafe ng may biglang humawak sa balikat ko. Agad akong lumingon ng may pag-asang baka siya na yung nasa likuran ko, pero para akong natalo sa laro ng paglingon ko hindi siya ang nakita ko. "Oh! Ikaw pala Ken." Sibi ni Marie kay Ken. "Uwi na ba kayo? Sabay na ako. Tutal malapit lang naman bahay namin sa apartment ni Jhass. Pwede ba akong makisabay?" Tanong nito na sa akin nakatingin. " Aba! Oo naman no!" Sagot ni Marie kay Ken. Pero si Ken sa akin pa din nakatingin na tila napakahalaga ng pagsang-ayon ko. "O-of course! Syempre pwede Kang sumabay." Pagsang-ayon ko sabay ngiti. "So Tara na?" Aya ni Ken sa amin. Nakakailang hakbang palang kami ng biglang tumunog ang cellphone ni Marie. Agad nitong sinagot ang tawag. Nang matapos ang tawag ay tumingin Ito sa amin ni Ken. "Guys! Pasensya na. Tumawag si jowa. Ehh andoon daw sa kabilang kanto." Pag-uumpisa nito. Alam ko na kung ano ang gusto nitong sabihin. At parang hindi ko gusto yun. Iiwan niya kami ni Ken. Hindi naman sa pagibing maarte. Pero Hindi kasi ako sanay na nalalapit sa iba lalo na Kung lalaki. "Pasensya natalaga. Sa susunod nalang ulit Jhass. Ken ingatan mo si jhass ha! Bye una na ako." Paalam nito sabay talikod at nagmamadaling umalis. "A-ano,... Jhass tayo na?" Aya ni Ken sa akin habang kumakamot sa batok. Tumango ako at ngumiti. Iisa lang daw ang daanan ng bahay namin ni Ken at ng apartment ko kaya sa iisang tricycle nalang kami sumakay. Akala ko nga bababa na ito sa unang kanto ng nilikuan ng tricycle dahil Sabi Niya doon daw ang bahy nito pero nakalagpas na kami ng pangalawang kanto di pa din siya bumababa kaya naglakas loob na akong tanungin siya. " Lagpas ka na ata. Di ba sa unang kanto dapat ang baba mo?" Tanong ko dito. "A-ano, hahatid na kita hanggang apartment mo. Delikado na Kasi ngayon. Gabi na, Wala ka pa namang kasama." Sagot nito. Ayoko namang sabihin niya na bastos ako. Siguro concern lang talaga siya sa akin. Kaya pinabayaan ko nalang. Nakarating kami sa tapat ng apartment ko ng wala ng umimik sa aming dalawa. Ito na din ang nagbayad ng pamasahe ko kahit Sabi kong ako na. Nakakahiya na nga na hinatid na niya ako siya pa nagbayad ng pamasahe ko. "Salamat pala Ken. Pasensya kana di na kita mapapapasok." Pag-uumpisa ko. Hindi Kasi ako sanay na may ibang tao sa apartment ko. Maliban nalang kay Drake. Ngumiti naman Ito at kumamot nanaman sa batok na tila nahihiya. "A-ayos lang." Sagot nito sa nahihiyang boses. "Sige na. Inaantay ka ni manong oh! Bala ka mahal babayaran mo." Pagpapagaan ko sa usapan. Inaantay kasi ito ng driver ng tricycle na naghatid sa amin. "S-sige.... Una na ako." Paalam nito. Pero hindi pa din ito naglalakad paalis. "Sige na." Sabi ko para umalis na ito. Tila napipilitan itong tumalikod at naglakad pabalik sa tricycle. Nang makita Kong pinaandar na ang tricycle tyaka lang ako gumalaw para buksan ang pinto ng apartment ko. Nang makapasok ako agad kong nilagay sa nag-iisa kong upuan ang bag nabitbit ko. Agad akong nagtungo ng orocan at kumuha ng pamalit na damit pantulog. Matapos kong magpalit ay agad akong humiga sa kama. Hindi ko na namalayan kung ilang minuto ang inantay ko bago ako nakatulog. Dahil siguro sa pagod ay agad akong nakatulog. Naramdaman ko ang pag-init ng katawan ko. Ang kiliti na dumadaloy sa bawat himaymay ng aking katawan. Hindi ko alam kung nananaginip ba ako o hindi. Pakiramdam ko may humahaplos sa aking tiyan patungo sa aking puson. Halos mapaliyad ako dahil sa sensasyong namumuo sa akin. "Uhm!" Hindi ko mapigilan ang pagkawala ng isang ungol mula sa aking labi. Patuloy lang sa paghaplos ang palad na iyon sa aking puson, may namumuong tensyon sa aking tiyan, parang may gustong kumawa mula sa bagay na nasa pagitan ng aking mga hita. Nag we-wet dreams ba ako?" "Uhmm!" Isa muling ungol ang kumawa sa akin kasabay ng isang malakas na tunog na nakapag pa dilat sa akin. 'Pst! Pst! Baby Jhass gising na! Hoy! Baby ni Drake! Padating na ang poging Drake!! Si Drake ang pinaka gwapo sa lahaaaaaaat!' Halos kapusin ako sa paghinga ng makabangon ako. Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Parang totoo yung nangyari. Imposible! Wala naman akong katabi. Pero pakiramdam ko basa ang ano ko... So totoo nga! Bigla akong pinamulahan sa naiisip ko. Na-nag, we-wet dreams nga ako. Bago pa ako lamunin ng kama ko dahil sa sobrang kahihiyan ko sa sarili, dahil sa pag w-wet dreams ko. Tumayo na ako at inihanda ang mga gagamitin ko sa school. Nasa tapat na ako ng banyo at handa na itong buksan ng bigla itong bumukas ng kusa. Hindi pala kusa, because there is someone standing infront of me. His messy wet hair, his pointed nose, his delectable lips and his super dark black captivatived eyes. He is the man who's missing for how many weeks. Halata na bagong ligo Ito dahil sa basa nitong buhok at amoy ko ang sabon at shampoo ko mula sa kanya. "D-Drake?" Nauutal kong bigkas sa pangalan nito. Kumurap-kurap pa ako para kastiguhin ang sarili ko. Nakailangkurap na ako bago ko napaniwala ang sarili na siya nga ang nakatayo sa harapan ko. His Drake! Drake is back! His back!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD