Chapter 3- confused

3118 Words
Parang umakyat sa mukha ko ang init ng makita ko sa harapan ko si Drake. His topless in front of me. Halata na bagong ligo ito dahil amoy ko ang safeguard pink at dove shampoo na gamit ko mula sa katawan nitong medyo basa pa. Napakurap-kurap ako para kastiguhin ang sarili. 'Jhass! Hinay-hinay lang sa pagtitig baka maubos." Sitsit ng isang bahagi ng kanyang isip. ' wag masyadong matakam. Tsk! Tsk! Isipin mo si Drake yan, Ang Best friend mong hot pero di pumapatol sa may mani. His not fan of peanut anyway! Sulsul pa ulit ng kanyang isip. Parang may mga kuliglig na nagsisitsitan sa utak niya. Hindi niya mawari kung anong pakikinggan niya. 'ok Lang yan kahit di pumapatol sa may mani, hot naman.' Isa pang suluslus ulit ng kanyang isip. Pinag landas ko ang aking paningin sa kabuoan ng katawan ni Drake. Nakakapanglaway ang anim na pandesal na bumubukol sa sikmura nito. Kulang nalang ang kape pwede ng pang-almusal. "Ahem!" Isang tikhim ang pinakawalan ni Drake na nakapag pa-angat ng tingin ko dito. Kakamot kamot ito habang nakatingin sa akin. Dahil sa ginawa nitong pagkamot at pagtaas ng kamay nag flex ang muscle nito sa braso, ang mga ugat na tila galit ay napakasarap hawakan. 'Hoy jhaass! Wag pahalata ahh! Hinay-hinay sa kalandian.' bulong nanaman ng isip niya. "A-anong ginagawa mo dito?" Tinaasan ko siya ng kilay para itago ang panginginig na boses ko, pero parang walang epekto yun dahil kusang lumitaw ang pangangatal nito. Ngumiti siya sa akin sabay nagkamot ng nanaman ng batok. Ewan ko pero yung gesture nya na pagkamotkamot ng batok mukhang ang cute. Para siyang nahihiyang ewan. "I miss you! That's why I'm here." Walang pa kundangang sagot nito. Ewan ko pero parang gustong tumalon ng puso ko dahil sa sinabi niya. Dapat nagtataray ako sa kanya ehh! Dapat naiinis ako sa kanya! Ilang linggo siyang hindi nagparamdam tapos babalik siya dito na parang walang nangyari? Ano siya bale? "Anong na miss ka diyan?! Ehh ilang araw ka ngang di nagpakita. Ni magparamdam nga di mo nagawa! Tapos ngayon sasabihin mo na miss mo ako?" Pagtataray ko dito habang habol ko ang aking hininga. Hindi ko alam kung dahil ba sa nakakapagod yung tuloy-tuloy kong pagsasalita, o dahil sa kanina pa ako na di-distract sa tyan nya. "Aww! My baby jhass missed me that much!" Sabi nito habang nagtuloy ng lumabas. Talagang ginulo niya pa ang buhok ko. Nakakainis! Anong na miss ang pinagsasabi ng Drake na to? 'di mo siya miss! Kasi super miss mo siya!' bulong nanaman ng isip ko. "Hoy! Sinong nagsabi sayong pwede Kang umupo dyan sa kama ko?" Pigil ko sa kanya ng akma na itong mauupo sa kama ko. We're best friend and for those years of being his best friend ilang beses na kaming nagtabi sa kama. Tabi lang, walang something. Pero yun na nga. Iba ngayon ehh, nabubuang na kasi ata ako, nitong mga nakaraang linggo na hindi siya nagparamdam parang palagi ng may kulang sa akin. Parang Hindi nabubuo ng maayos ang araw ko dahil hindi ko siya nakita or nakausap manlang. Kaya sobra akong nagtampo sa kanya. Ito kasi ang pinaka matagal na hindi ko siya nakasama. Nasanay kasi ako na palagi ko siyang kasama. "What!, Parang di ka pa nasanay sa akin. Ehh kung makayapos ka nga sa akin kapag natutulog ka sa condo ko dati parang ayaw mo na akong bitawan." Pang-aasar pa nito habang nagtuloy na sa pag-upo sa kama. "Kapal ng mukha mo Drake! Di ka na nahiya sa mukha mo. Ako pa talaga ang makayapos ay wagas?! Ehh ikaw nga yung parang tuko kung makadantay pag natutulog." Balik asar ko sa kanya habang naka pamewang. Kala mo ha! Hindi ako magpapatalo no! Palagi naman kaming ganito ni Drake. Asaran, kulitan pero paniguradong mamaya niyan bati nanaman kami. Pero teka! Iba ngayon no! Di ko siya agad-agad babatiin. Magdusa muna siya. Bigla Kong naalala kung bakit nga pala ako maliligo. s**t! May pasok ako, ma-lalate ako. Pero naalala ko. Isa ngalang pala ang towel ko sa bahay, at ginamit na iyon ni Drake. "Bakit mo ginamit ang towel ko?! Wala na akong magagamit! Tyaka baka inubos mo yung shampoo ko ha! Naku ka talaga!" Nanggagalaiti kong bulyaw. "Ang sungit mo naman baby. May little baby na ba tayo dyan?" Sabay nguso nito sa tiyan ko. "Anong little baby? Magtigil ka nga! Baka gusto mong ibaon ng buhay!" Sabi ko habang lumalapit dito upang kunin ang tuwalya na ginamit nito sa panligo. Alam ko namang nang-aasar lang siya sa mga sinabi niya. Pero minsan naiisip ko parang hindi na pang-aasar ang tunog nun. Hyst! Nababaliw lang siguro ako. "Damot mo naman baby. Parang shampoo, sabon at towel lang ipinagdadamot mo pa. Ehh nung ginamit mo nga yung toothbrush at boxer ko di nga ako nagalit. Di ko naman pinagdamot sayo." Humawak pa Ito sa dibdib sa may bandang puso at umaktong parang nasasaktan. Namula ang buong mukha ko sa mga sinabi nito. Oo totoo ang mga sinabi nito. Ginamit ko yung boxer niya ng nakitulog ako sa condo niya. Pero yung toothbrush, hindi ko yun sadya noh! Nung nakitulog kasi ako sa condo niya wala akong dalang toothbrush. May toothbrush siya sa banyo na kulay blue at pink. Malay ko ba na yung blue ang toothbrush niya! Kaya yun ang ginamit ko sa pag-aakalang yung pink ang sa kanya. Naisip ko kasi nung panahong mukhang obsessed siya sa kulay pink na puro hello kitty ang design. Hyst! Pagnaaalala ko yun, nakakapang-init ng mukha. "Huwag Kang hihiga diyan sa kama ko. Malalagot ka sa kin!" Pagbabanta ko habang nanakbo na ako papasok ng cr. Hindi naman kasi ako mananalo sa kanya lalo na at ang dami niyang pang bato at pangbara sa mga sinasabi ko. Pero bago ko paman maisara ang pinto rinig na rinig ko ang hindi kalakasan niyang sinabi. "Wag, humiga. Ehh, kagabi niya pa ako katabi. Sarap nga ng yakap niya sakin." Ni lock ko na ang pinto ng banyo dahil para akong naupos at kinabahan. Nang nasa loob na ako napahawak ako sa sirandurya ng pintuan para kumapit at kumuha ng lakas, bigla kong naalala yung nangyari bago ako magising. Those touches. s**t! Nakita niya kaya yun? O.MY! Nakakahiya. Parang ayoko nang lumabas ng banyo at mag pa f-flush nalang sa toilet. Pero dahil mukhang no choice ako. Kilangan kong lumabas dahil one hour nalang bago ang first subject ko. Siguro di ko nalang siya papansinin mamaya paglabas ko. Kunwari busy ako. Tama! Tama! Kunwari busy nalang ako. Natapos agad akong naligo sumilip ako sa pinto ng banyo para tignan kung Nandoon pa si Drake sa kama. Nakahinga ako ng maluwag, but at the same time. Para akong nainis. Umalis nanaman siya ng di nagsasabi. Muntik na akong matumba ng paglabas ko biglang humarang sa harapan ko si Drake. Ang makakapal nitong kilay ay halos magpantay. Sa mga mata nito kita ang pagtataka. "Are you avoiding me?" Tanong nito habang naka krus ang mga bisig sa dibdib. Nakabihis na ito ng v neck shirt na kulay white. "H-hindi ahh! W-why would I?" Nauutal kong tanong sabay irap. "Ehh, bakit ka nagtatago sa banyo? Tyaka bakit nag b-blush ka?" Tanong ni Drake habang nakangisi. "W-wala!" Sabay takbo ko sa shoe rack para kunin ang sapatos ko. Gusto kong na talagang lumubog sa sobrang kahihiyan. Hindi naman ako dating ganto pero iba ngayon ehh! Iba na talaga yung takbo ng utak ko. Siguro nababaliw na talaga ako. Nang matapos akong mag suot ng sapatos kinuha ko na ang bag ko at akmang lalabas na ng maalala ko si Drake. Kilangan niyang lumabas para masara ko yung pinto. Pero nilibot ko na Ang paningin ko sa buong apartment, Wala akong nakitang Drake. Ano bang problema ni Drake? Bigla-bigla nalang nag lalaho sa paningin ko. Tapos bigla-bigla ding susulpot. Lumabas na ako at ni lock ang pinto. 30 minutes nalang first subject ko na. Nagmamadali akong nanakbo papunta sa sakayan ng tricycle. Sasakay na ako dahil baka ma-late pa ako. Kasalanan to ni Drake ehh! Pero nakakailang hakbang palang ako ng bumaba si Drake sa black Mercedes AMG One nito. "Hop in! Hatid na kita." Aya nito sabay bukas ng pinto ng sasakyan nito. Tinaasan ko lang siya ng kilay at nanakbo na ako sa sakayan ng Tricycle. Narinig ko pa ang pagsigaw nito sa pangalan ko bago ako makalayo. Nang nakarating ang tricycle sa school agad akong nagbayad at nanakbo na papunta sa building ng CAS dept. Mabuti nalang at wala pang prof pagdating ko. "Hey! Bat ngayon kalang?" Si Evie pala. "Wala naman. May nakita lang akong kuting sa daan nakakaawa kaya tinulingan ko muna. Kaya heto." Pagsisinungaling ko. Mukahang hindi kumbinsido si Evie base sa nakikita ko sa mukha nito. Akmang magtatanong pa Ito ng bumukas ang pinto at pumasok na ang professor namin sa first subject. "Goodbye class. Make sure to pass your activity by tommorow." Paalam ng professor. Natapos na ang 3 subject ko for this day. Bale may 2 subject pa akong inaantay. "Jhass, tara!" Aya ni Evie sa akin. "Ha?" Walang malay kong tanong. "Anong ha? Wala ng Prof oh! Ano, wala kang balak kumain? I'm hungry na Jhass." Ani ni Evie. "Tara na! Gutom na ako." Aya ulit nito at tumayo na. Wala akong magawa kundi ang sumunod dito. "Jhass! tulala ka nanaman! Bakit ba tuwing nakikita kita palagi kanalang tulaley? What's bothering you ha?" Evie ask me while her brow arched. Nan dito na kami sa cafeteria. Umorder si Evie ng pagkain namin pero Hindi ko namalayan na nakabalik na pala Ito. Lumilipad nanaman isip ko. "Ha? Hindi naman ako nakatulala ahh!" Dipensa ko. "Anong hindi? Hoy jhass! Kanina ka pa mukhang tanga dyan! May pabuka-buka ka pa ng bibig! Buti nalang walang bangaw dito kung hindi, kanina ka pa nabilaukan!" Si Evie na tila hindi makapaniwang nakatingin sa kanya habang nakataas ang isang kilay. " Hulaan ko. Si Drake no?" Tanong ni Evie habang nilalantakan ang binili nitong toron. "Hindi ahh!" Agad kong dipensa. Pero Ang totoo si Drake nga talaga ang iniisp ko. Yung mga nangyari kaninang umaga yung pag w-wet dream ko. Di ko alam kung pano ko siya haharapin. Kung nakita niya nga talaga yun, sobrang nakakahiya! "Ohh! Ehh, bakit ka namumula?" Tanong nito habang ngumunguya. "Wala! A-ano, m-maiinit lang kasi." Pagsisinungaling ko. Pero mukhang mind reader itong si Evie. Hindi kasi ako makapagsinungaling dito. Palagi niyang nahuhulaan Ang laman ng isip ko. Siguro kamag-anak to ni lola Auring. "Don't lie Jhass. Kilala na kita. It was Drake. Right?" Tanong nito na siguradong-sigurado sa sagot. Tumango ako. Useless lang din naman Kung magsisinungaling ako. Halata namang malalaman niya din. "So bumalik na pala siya. Ehh bakit mukhang na te-tense ka?" Tanong nito sabay baba ng turon at tingin sa akin. Ang laki ng mata nito habang nakatingin sa akin, parang may iniisip Ito na nakakabigla. "Oh. My. Gulay! D-don't tell me. Napasukan kana?! Oh. My. G! Jhass! Bakit ka bumigay agad. Alam ko namang hot si Drake pero... Bakit, binigay mo agad? Tell me. Masakit ba? Dapat di ka muna pumasok... Dapat magpahinga ka muna. For sure malaki yun ehh! Paniguradong train yung laki nun." Tuloy-tuloy na sabi ni Evie. Napatingin ako sa paligid ko damil nakaka skandalo si Evie. Naguguluhan ako sa mga sinasabi niya. Anong malaki? Anong masakit? Tyaka bakit naman ako a-absent Wala naman akong sakit. Napaigtad ako ng bigla akong hawakan ni Evie sa kamay kaya napabalik ang tingin ko dito. "Did he used protection?" Bulong nito sa akin na nakapag palaki ng mata ko. D-don't tell me! Y-yun ang iniisip ni Evie. T-that I surrender my V-card to Drake. What the! Bigla akong pinamulahan ng maalala ko Ang hitsura ng mga nakarinig kay Evie. Para akong nauupos na kandila sa mga oras na Ito. Ang bibig ni Evie na walang filter minsan ang sarap tapyasin ehh! Parang gusto kong magpalamon sa bangko na inuupuan ko. "Evie!" Pinanlakihan ko siya ng mata at tinaasan ng kilay. Parang gustong umusok ng ilong ko sa sobrang inis kay Evie. I was so embarrassed right now. "Bakit? Don't tell me. Hindi siya gumamit ng condom. Baka ma juntis ka." Painosenteng tanong nito. Mas lalo akong namula sa hiya. "Evie. What are you talking about? We didn't do that thing!" Huminga muna ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. "Kung ano mang iniisp mo. Mali ka! You know Drake hindi yun papatol sa akin. We're best best friend at tyaka. His not straight." Hininaan ko ang huling salita dahil ayokong may nakarinig noon. "Malay ko ba! Ehh even his not straight. Na hindi ko pinaniniwalaan. May hotdog at itlog pa din yun no. For sure tinitigasan pa din yun." Paliwanag ni Evie na parang balewal lang dito na iyon ang pinag-uusapan namin. "Evie yung bibig mo! Do you know what is filter? Nakakahiya yang pinagsasabi mo!" Sita ko dito habang namumula pa din ang pisngi. "Duh! Jhass, wag painosente ha! One day bubukaka ka din." Sabi nito sabay irap. Hindi talaga ako mananalo kay Evie pagdating sa gantong usapan. "How did you say those things even without a little filter. Don't tell me....." Hinagod ko Ito ng may mapanuring tingin. "Of course I am! I'm steel V no!" Sagot nito na tila Alam na nito ang laman ng isip ko. But how she can say those things na parang may karanasan na ito? "Duh, jhass! It's 21st century. Nagkalat na nga ang porn website sa internet. Tyaka Hindi naman ako close minded no! Hindi ako pabebe. But I know my limitations." Paliwanag ulit nito na tila nabasa nanaman nito ang nasa isip ko. "So back to reality. Anong nangyari? Bumalik na si Drake. Tapos ano? Nagtitigan kayo magdamag hanggang sa abutin kayo ng madaling araw Kaya na- late ka ng gising at late ka makapasok? Ganun ba yung nangyari?" Taas kilay na tanong nito. "Hyst! Ewan ko ba sayo Jhass. Alam mo feeling ko nabubulag ka lang ng bagay na di totoo. I'm not in the right place to tell you this. Pero sa tingin ko... It's your fault ehh! Pinipigilan mo yung nararamdaman mo kay Drake, because you want to be in your comfort zone. Yung iisipin mo na Best friend mo siya at di ka niya iiwan. Your focused on that thought. Because you always thinking na kung hindi siya isang totoong beki at Isa talaga siyang straight, there is high possibility na saktan ka niya. You hated man, kaya hindi kita huhusgahan. But did you really ask your self kung tama pa ba namaging bulag sa katotohanan para lang matakbuhan mo ang bagay na ayaw mong mangyari sayo.... And that is to be hurt. Ayaw mong masaktan." Sincere ang bawat bigkas nito sa mga salitang binitiwan. "Hay naku! Masyado na akong madaming nasabi. Alam mo jhass ang daldal ko pala?" Biglang iba nito sa pinag-uusapan. "Ohhs? Ngayon mo lang nalaman?" Sagot ko dito upang pagaanin ang paligid. Tapos na ang second to the last subject namin at inaantay nanamin ang last professor ng biglang nag vibrate ang cellphone ko. From Drake Hi, baby! I'll fetch you after your class. Love, your baby Drake. ❤️❤️❤️ Dati pag tine-text niya ako ng mga sweet text message parang wala lang. Pero nga yon, pagkabasa ko palang ng text ni Drake para ng naghuhurumintado ang puso ko. Gusto na nitong kumawala sa mula dibdib ko. Hindi na normal ang bilis nito. Gusto ko sanang mag reply kaso hindi ko alam kung anong i-re-reply ko Kaya hinayaan ko nalang. Dahil wala pa namang professor nag open muna ako ng f******k sa phone ko. Ang daming mga new friends request. Pero kahit Isa wala akong inaccept mahirap na. Wala naman akong kilala ni Isa sa mga iyon. Agad kong binuksan ang notification ng makita kong madaming notif. Pero Isa lang ang nakaagaw ng pansin ko. It was a picture of Drake and a gorgeous woman beside of him. Naka akbay yung girl kay Drake tapos naka kiss pa si girl sa cheek ni Drake. Habang si Drake ay formal lang at walang reaction ang mukha. Agad kong pinatay ang phone ko at binalik sa bag. Bigla akong nakaramdam ng inis at galit. Naiinis ako kay Drake. Di ba his not straight man. Bakit siya pumayag na halikan sa pisngi? Dapat hindi siya nagpahalik. Nakakainis siya! Tapos mag te-text siya sa akin. Ang kapal naman talaga. 'ehh! Anong pinuputok ng butchi mo dyan? Di ba Sabi mo nga his gay? Edi Hindi yun magkakagusto doon sa girl.kaya easy ka lang. Bulong ng isang bahagi ng isip niya. Habang ang Isa namang bahagi ay iba Ang sinasabi. 'his not straight nga ba? Ohh baka yung Isa lang dyan ang nag-iisip na his not straight talaga. Dahil takot masaktan. Pero obvious naman na nasasaktan pag may kasama si Drake na ibang babae.' Naguguluhan na ako. Yung mga kuliglig sa utak ko nag-aaway. Idagdag pa yung sinabi ni Evie kanina. Hindi ko na alam. Help me. Pumasok na ang last prof at nagsimula ng magturo. Buong klase lumalayag ang isip ko. Nag-iisip kung ano nga ba talaga? Kung anong magandang dapat gawin. Natapos ang klase ng wala akong naintindihan. "Bye Jhass! Una na ako ha! May pupuntahan pa kasi ako." Paalam ni Evie habang ako ay nagliligpit ng mga gamit ko. "Bye!" Paalam ko din dito sabay ngiti. Ako Ang pinaka huling nakalabas ng classroom. Palabas na ako ng gate ng maalala ko ang text ni Drake. Susunduin nya daw ako, na excite ako pero agad ding nawala ng maalala ko nanaman ang picture ni Drake at nung girl. Kumukulo nanaman ang dugo ko. Mas lalo pa itong kumulo ng makita ko si Drake na nakasandal sa kotse nito. Naka polo shirt itong blue, fitted jeans and blue rubber shoes. Nang makita ako nito ay agad itong tumayo ng matuwid at inayos ang kwelyo ng suot na damit. Para itong isang lalaking aakyat ng ligaw kung titignan. Naglakad ako palapit dito. "Hi baby!" Bati nito sabay akmang yayakap ng pigilan ko Ito. Umatras ako ng konti upang di Niya maabot. Kita ko ang pagpantay ng makakapal nitong kilay ang kaguluhan sa mukha nito ay kitang kita ko. Dati okay lang yung ganun. Yung yayakapin niya ako at ako yayakap sa kanya. Wala namang malisya yun sa amin dati. Pero iba na ngayon para sa akin, nagiging malisyoso na ang utak ko. Gusto ko munang mag-isip. May mga na gumugulo sa isip ko na kailangan ko ng kasagutan. Siguro mabuti munang dumistansya ako ng konti sa kanya... Kailangan ko munang malinawan at hanapin yung sagot sa gumugulo sa isip ko. Because now..... I'm confused,..... Very very confused.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD