Chapter 4- Avoid

1947 Words
Busy ngayon para sa final defence, malapit na kasi ang graduation. Nandito ako ngayon sa apartment ni Evie, siya kasi ang partner ko sa Thesis. Kaya heto kami gumagawa ng thesis. "Bakit ba nandito ka nanaman Amelia? Baka hinahanap kana nila tito! Sige na umuwi ka na!" Iiling iling na sabi ni Evie sa pinsan nitong si Amelia. Medyo close ako kay Amelia dahil madalas namin itong nakakasama sa lunch kapag nasa University kami. Nagtataka nga ako nitong mga nakaraang araw hindin ko na ito nakikita. Speaking of University. Three days na pala ang nakalilipas simula nung nangyari ang pagsundo sa akin ni Drake. At mula noon medyo umiiwas ako sa kanya. Hindi ko alam kung dahil ba sa nahihiya ako sa ginawa kong pag-iwas o may iba pang dahilan. "Sige na ate Evie, kahit 1 week lang dito muna ako sayo titira. Ayaw ko kasing umuwi." Kita ko ang lungkot sa mukha Amelia at ang takot sa boses nito. "Ano bang problema mong bata ka? Hoy Amelia! 17 ka palang nagagawa mo ng magrebelde? Di porket malapit na ang debut mo ehh magbabago na din yang ugali mo!" Pangaral ni Evie sa pinsan na kita ko ang pagkairita sa mukha nito. I salute Evie for being matured minsan. Sa aming dalawa siya talaga ang mas matured ng mag-isip, though we're in the same age. Yun ngalang madalas din itong may saltik, wag ka ngalang makikipag talo dyan about s*x, sure di ka mananalo. May propaganda pa nga ata yan na idagdag Ang s*x education sa mga subject sa eskwelahan. "1 week lang naman ate Evie. Tapos aalis din ako. Ayaw ko lang talagang umuwi ngayon." Malungkot na sabi ni Amelia. "Ikaw ha Amelia! Magsabi ka nga ng totoo! Ano bang problema mo? May problema ka ba? Kasi parang bigla kang nagbago. Hindi ka naman dating ganto. Alam kong pasaway ka pero ngayon ka lang naging ganto. May tinatago ka ba?" Inis na sabi ni Evie sa pinsan na halos umusok na ang ilong. Nakita kong nanahimik si Amelia at hindi makatingin sa mata ni Evie. Bigla tuloy akong naawa dito. Para kasing may mabigat itong iniisip at hindi nito kayang sabihin kanino man. Nakaka touch ang magpinsang Ito. Kasi kahit na sobrang layo na ng pagiging magkamag-anak nila palagi pa ding nagtutulungan. Evie is like an older sister to Amelia. "Bayaan mo na Evie. Baka may problema lang si Amelia at hindi niya pa kayang sabihin. Right Amelia?" Tanong ko dito. Hindi ko na kasi kayang makitang malungkot si Amelia. Wala akong kapatid na pinapangarap ko. Kaya ng makilala ko ito naging palagay agad ang loob ko sa kanya. "Sige na Evie, 1 week lang naman daw siya titira sayo. Pagbigyan mo na." Sulsul ko kay Evie pero tinaasan ako nito ng kilay bago pabalang na naupo sa gilid ng kama nito. "Ok Lang naman sa akin siya matulog kung ayaw mo. Wala naman akong kasama sa apartment ko." Suggestion ko pa. "Hindi pwede! Hahanapin yan sa akin ni Tito at tita Melita. Alam mo naman ang mga yun." Agad na tutol ni Evie sa suggestion ko. "Oh edi payagan mo na. 1 week Lang naman." Pilit ko dito. "Alam mo jhass! Hindi ko alam kung sino ang kaibigan mo dito ehh! Talagang sa kanya kapa kumakampi?" Di makapaniwalang Sabi ni Evie. Napakamot lang ako sa ulo. Siguro kasi may bagay na gustong pag-isipan si Amelia at hindi nito iyon magagawa kapag nasa kanila Ito. Kahit ako siguro ang nasakalagayan nito na may gustong linawin at isipin ay hindi mapapalagay kapag nasa paligid ko ang katulad na magulang ni Amelia. Kita ko kung pano ng mga Ito kontrolin ang desisyon at ang mga ginagawa ni Amelia. Even sa course na kinuha nito ay Wala itong layang pumili. "Bala nga kayo dyan!" Pagsuko ni Evie sabay tayo at lapit sa lamesa kung nasaan ang pitsel. Nagsalin ito ng tubig at uminom. "Amelia, 1 week. 1 week lang at uuwi ka na. Kilala mo ang parents mo. Alam mo kung pano ang mga yun mag-isip." Sabi ni Evie ng mailapag na nito ang baso ibabaw ng mesa. Sobrang saya na lumapit si Amelia sa akin at mahigpit akong niyakap. " Thank you ate Jhass. The best ka talaga." Sabi nito na bakas ang kasiyahan sa boses. "Ano siya na pinsan mo ngayon? Ehh kung itakwil na kaya kita!" Nagtatampong Sabi ni Evie habang nakapamewang. Agad namang kumalas si Amelia sa akin at patakbong tinungo si Evie at naglambing. "Ito naman si ate Evie. Tampo agad. Syempre ikaw pa din ang fav cousin ko. The best ka kaya. Tyaka tignan mo, Ang ganda-ganda mo pa. Like me. We're pretty." Pang-uuto nito kay Evie. Umirap naman si Evie sabay yakap din kay Amelia. "Sige, bola pa! Tyaka matagal ko ng alam na maganda ako. Di mo na kailangang sabihin. "Thank you ate" Amelia mounted at me. Ngumiti lang ako bilang tugon. Matapos ng drama ng magpinsan, back to normal na ulit kami. Ginawa na namin ang thesis. Nagpaalam na ako kay Evie ng makita kong pasado alasais na. May pasok kasi ako sa cafe ngayon. Mabuti nalang at nagdala na ako ng pamalit na damit dito sa apartment ni Evie. Nakiligo nalang ako dito at nagpaalam ng aalis. "Evie, una na ako." Paalam ko dito at nakipag beso naman Ito sa akin. Si Amelia hindi ko na inistorbo. Mukha kasi siyang pagod, kaya habang gumagawa kami ni Evie ng thesis nakatulog na Ito. "Ingat ka." Pahabol ni Evie ng lalabas na ako ng apartment nito. Ngumiti ako at tumango. Dahil medyo mataas itong apartment ni Evie sumakay na ako ng elevator. Mabuti na ngalang at may elevator dahil kung Wala paniguradong bago ako makarating ng trabaho mukha na akong ewan. Nang makalabas ako ng gusali ingay mula sa mga tambay sa labas ang una kong narinig, madilim na ang langit, pero ang kalsada ay naliliwanagan ng lamppost. Malapit kasi sa kalsada itong apartment ni Evie. Ngunit agad akong natigilan ng makita ko ang lalaking gumugulo sa aking isip. He was wearing a faded blue jeans, polo shirt on the top and Nike rubber shoes on his foot. Tila Ito isang modelo ng sasakyan habang naka sandal sa itim nitong Black Mercedes AMG One. Ang mga napapadaan sa kinatatayuan nito ay napatingin dito. May nakikita pa akong mangilan-ngilan na mga kabataang babae na nagtutulakan at itinuturo si Drake. Base sa mga expression ng mga mukha nito mga kinikilig ang mga Ito. Kahit Sino naman siguro kikiligin kung katulad ni Drake ang makikita mo. Hindi ako nakikita ni Drake dahil busy Ito sa pagkalikot ng cellphone, tila galit na ito habang may itinitipa. Ang mga kilay nito ay magkasalungat. Ang panga nito ay umiigting natila galit Ito sa cellphone na hawak. Kita na ang mga ugat nito sa braso siguro dahil sa madiin nitong pagtipa sa cellphone. Agad na napabaling ang atensyon ko sa isang babae na palapit kay Drake. The woman was wearing a short short short. Black tube on the top and flat black shoes on the her foot. Maganda naman ito pero iba kung kumendeng habang lumalapit kay Drake. Nang nasaharapan na ito ni Drake. Tinapik nito ang balikat ni Drake at napakalaking ngumiti. Ewan ko pero bigla akong nakaramdam ng inis. Umaasa akong itataboy ni Drake ang babae katulad ng ginagawa nito dati. Ngunit bigla akong nakaramdam ng mas lalong inis! Gusto kong pilipitin ang ulo ni Drake dahil ngumiti din Ito pabalik sa babae. Bakit dati, pag may lumapait naman dito ay umiiwas Ito. Bakit ngayon hindi! Bakit siya ngumiti sa ibang babae? Alam ko namang wala lang yun. Hindi naman siya papatol doon sa babae. Di ba nga ayaw nya sa mga babae? Akmang tatalikod na ako at lalagpasan na ang mga ito ng marinig ko ang boses ni Drake na tinatawag ako. "Jhass!" Ang kaninang ngiti sa labi nito na ibinigay nito doon sa babae ay biglang nawala, napalitan ulit Ito ng inis. Ang mga mata nito na itim ay mas lalong umitim. Ang panga nito ay mas tumiim. Tila nahuli ako nito na may nagawang isang malaking kasalan. Bigla akong nakaramdam ng takot. Hindi ko namalayan na naglalakad na pala ako palayo. Ang mga hakbang ko ay unti-unti ng bumibilis. Tila may humahabol sa akin. Tila ako isang magnanakaw na nahuling may kinukupit. "Jhass!" Sigaw nya ulit. Ilang segundo lang ay nasa harapn ko na siya. Ang mga mata nitong matalim kanina ay mas lalong tumalim. Ang kaninang inis sa mukha nito ngayon ay galit na Ang nakikita ko. "Why are you avoiding me?!" Madiin nitong tanong at may pagbabanta. Na tila isang maling sagot ko lang ay handa ako nitong parusahan. Napatulala lang ako sa mukha nito at napakurap-kurap. Hindi ko mahagilap ang tamang sagot na dapat kong sabihin. Hindi ko naman pwedeng sabihing hindi ko siya pinagtataguan. Dahil sa kinilos ko palang kanina halata na ang pag-iwas na ginagawa ko. Pero Wala akong alam na sagot kung bakit ko siya nilalayuan. Basta kanina ng marinig ko ang boses nito na tinatawag ako bigla akong nakaramdam na kailangan kong lumayo. "Jhass! I'm. Asking you! I said! WHY ARE YOU AVOIDING ME?!" mas madiin nitong tanong. "I-i'm....not! O-ofcourse! I'm not avoiding you." Halos malunok ko na ang sarili kong dila dahil sa kaba. B-bakit ba ako na-uutal? B-bakit ba ako natatakot? Wala namang dapat ikatakot. Si Drake lang siya! Best friend ko siya kaya hindi dapat ako matakot. Kinastigo ko ang sarili ko at diretsong tumingin sa mata ni Drake. Hindi ako nagpahalatang kinakabahan. Kinagat ko ang pang-ibabang bahagi ng labi ko para itago ang pangangatog nito. "What did you say? Huh!" Humawak Ito sa batok na tila nakukunsume bago muling tumingin sa akin at nagsalita. "What do you think jhass? We're playing hide and seek? Anong akala mo? Hindi ko nararamdamang lumalayo ka? Don't fool me jhass! I'm not an idiot. Alam ko kung anong ginagawa mo!...." Tumigil ulit ito at huminga ng malalim bago muling nagsalita. "Alam kong iniiwasan mo ako." Lumamlam na ang boses nito at ang mata nito ay huminahon na din. I feel guilty. Nilalayuan ko siya sa hindi ko alam na dahilan. Lumalayo ako dahil saan? Drake is my best friend. Hindi naman nito kasalanan ang nararamdaman ko ngayon. Simula pa noon puro kabutihan lang ang ginawa ni Drake sa akin. He always put me on the top in terms of his decision making. Dahil ayaw daw nitong maramdaman kong wala akong halaga para dito. Sometimes I was unfair on him. Ako ang nasa top priority niya. Pero ako ni hindi ko man lang inisip yung mararamdaman niya. Na kung umiwas ako sa kanya, ano kaya ang nararamdaman niya? "T-tell me Jhass. Did I do something that will lead you to do this to me? That will lead for you to avoid me? Tell me. Dahil Hindi ko alam. Hindi ko alam kung bakit mo ko nilalayuan." Tumigil Ito at hinagilap ang kamay ko. "Tell me ayaw mo na ba akong maging kaibigan?" He said with full of sincerity. It's not his fault. That's me. Ako ang may kasalanan ng lahat ng Ito. Dahil naguguluhan ako. Pinili kong umiwas... Kahit na hindi ko alam na pwedeng masaktan ang best friend ko. Pinalis ko ang kamay ko mula sa pagkakahahawak niya pago ako huminga ng malalim at nagsimula na akong maglakad pabalik sa kung saan na roon ang sasakyan nito. "Where you go?" Nag-aalangan nitong tanong. "San pa ba? Di ba ihahatid mo ako? O baka naman nagbago na isip mo at..." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil mabilis nya akong nilapitan. "Let's go baby." Sabi ni Drake habang hila-hila niya ako papunta sa nakaparada nitong sasakyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD