Chapter 5- Awkward

1719 Words
Kanina pa namamawis ang aking kamay. Hindi naman halatang kinakabahan ako no? Halos gustong kumawala ng puso ko sa dibdib ko. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana ng sasakyan ni Drake hindi ako makatingin ng diretso sa mata nito. Ewan ko, siguro dahil nakaramdam ako ng guilty. Guilty dahil sa pag-iwas ko sa kanya nitong mga nakaraang araw. Kanina, napag isip-isip ko na di tama ang ginawa ko. Sa ilang minuto naming byahe walang nagsalita sa aming dalawa kaya bigla akong napapitlag ng magsalita si Drake. "You okey? Are you cold?" Tanong nito habang nasa harapan pa din ang atensyon. Napahawak ako sa noo ko para kapain ito. May pawis nga akong nakapa at ang lamig nun. Pinag papawisan ako ng malamig. Huminga ako ng malalim at pilit na ngumiti. Hinarap ko si Drake para sumagot. Laking pasalamat ko at nasa kalsada ang paningin nito. He can't see my fake smile. "Ayos lang ako. Medyo malamig nga lang." Sagot ko. Bakit parang biglang bumigat yung pakiramdam ko. Hindi ako kumportable. Parang ilang segundo lang ay maiihi na ako, parang sinisilihan din ang pwet ko dahil kanina ko pang gustong umalis sa pagkakaupo dito sa loob ng kotse ni Drake. Agad namang pinahinaan ni Drake ang AC " how about this? Okey lang ba yung gantong lamig?" "Ahh! Oo. Okay na yan." Sagot ko habang tumatango na tila maamong tuta. "Baby, tell me if you need something. Okay?" Yan nanaman yung puso ko. Yung pagtawag niya akin ng 'baby. Parang iba yung intindi ng utak ko. Noon pa man baby na ang tawag sa aking Drake. Because, he said that I'm his baby, like baby little sister. Yun lang ang ibig sabihin nun. Pero ngayon nabibigyan ko na Ito ng ibang kahulugan. Ang awkward ng pakiramdam ko. Pag ang pinapakita ni Drake na hitsura sa akin ay katulad ng hitsura nito ngayon, feeling ko lalaking lalaki talaga siya. Malayo sa nakatatak sa isip ko. Minsan nga napapatanong ako sa sarili ko kung bakit inaya ko siya maging kaibigan. Maybe because I was disparate to have a friend that time. No one wants to be friends of me. Kaya ng ipagtanggol ako ni Drake noon kina Kikay, nakita ko sa kanya yung isang taong kaya akong ipagtanggol. Yung taong katulad ni Mimi Judy ko na di iniwan si mama. I feel safe. Yung bang pakiramdam na hindi niya ako iiwan hindi niya ako sasaktan. Yun bang nakakita ako ng kakampi. Kahit dalawang beses ko pa lang siyang nakikita noon at hindi pa lubusang nakikila. "Drake. Di mo ba ako tatanungin kung bakit ako umiiwas sayo?" Lakas loob kong tanong dito. Nagtataka kasi ako kung bakit ni hindi niya ako tinanong tungkol sa ginawa ko. Alam ko namang gusto niyang magtanong, Kita ko yun sa mga mata niya. Hindi Ito umimik hanggang sa makarating kami sa Perfect Cafe. Akmang bubuksan ko na ang pinto ng sasakyan ng bigla niya akong hinigit. Para akong natigilan ng maramdaman kong pinulupot ni Drake ang mga braso nito sa aking leeg. Ang ulo nito ay nakapatong sa aking balikat. Hindi ako makagalaw. Ang t***k ng puso ko parang nakikipag karera sa bilis. "If I'll ask you.." tumigil Ito at muling nagsalita. "sasagutin mo ba ko?" Ramdam ko ang eagerness ni Drake sa tanong nito. Pero bigla din akong napatanong sa isip ko. Oo nga. Kaya ko nga ba siyang sagutin? Kaya ko bang sabihin ang dahilan kung bakit ako umiiwas sa kanya? Parang Hindi ko kayang sabihin sa kanya ang totoo. Hindi ko kayang sabihin na kaya ako umiiwas dahil naguguluhan ako sa nararamdaman ko. Na kaya ako umiiwas dahil hindi ako makapag-isip ng maayos kapag malapit o nasa paligid ko Lang siya. Parang gusto ko nalang bumalik sa dating kami. Sa dating meron kami, Yung bang walang iwasang nangyayari. Tawanan at kulitan lang. Pero iba na ngayon. I feel awkward. Kung papapiliin ako. Ibabalik ko ang dating nararamdaman ko para sa kanya. Like His my Friend, my saviour, and my hero. "I-im sorry." Hindi ko napigilan ang mapaluha. Ewan ko ba, bigla-bigla nalang akong naiiyak. Gusto kong punasan ang luha ko kaso hindi ko maigalaw ang kamay ko dahil parang nawawalan ako ng lakas. "Hush! That's fine baby. If you're ready....." Tumigil Ito at kumuha ng hangin bago muling nagsalita. " I'm always here... I will not pressure you, to tell me the reason why you did that things. Basta paghanda kana.... Nandito lang ako, handa akong makinig sayo." Mas lalong tumulo ang luha ko dahil sa sinabi ni Drake. I feel guilty, lm not worthy to be his friend. Bakit ba ganito ang nararamdaman ko? Ilang minuto kaming nasa ganitong pwesto. He was hugging me, and I'm also to him. Nang gumaan na ang pakiramdam ko ako ang unang kumawala. Napatingin ako sa mga mata niya at ganun din siya sa akin. Ngumiti siya ng napakatamis kita ko ang pantay-pantay nyang mga ngipin. Pinilit ko ding ngumiti pero parang hindi ko pa din kaya. Ang bigat kasi sa pakiramdam na ngingiti ako kahit hindi yun ang gusto ng katawan ko. "you okey now?" Drake asked while his combing my hair using his hand. Nakikiliti ako sa ginagawa niya pero kinastigo ko ang aking sarili. Huminga ako ng malalim bago ako tumango. "So pwede ko na makita ang ngiti mo?" Umaasang tanong ni Drake sa akin. Sino ba naman ako para tumanggi sa kanya. Isang simpleng hiling lang naman ang ngumiti ako. Huminga ako ng malalim bago pinilit kong ngumiti. Ginulo ni Drake ang buhok ko. " Yan mas okey, di ka na mukhang uhuging bata." Sinabayan pa nito ng nakakalokong ngiti ang sinabi. Napasimangot ako sabay hamapas sa braso niya. "Anong batang uhugin ka dyan!" Sabay hampas ko ulit sa braso niya. Dahil sa pagbibiro ni Drake gumaan ang paligid. Para kaming bumalik sa dati. "Si-sige na! Baba na ako." Paalam ko dito. "ingat ka sa pag mamaneho." Paalala ko sa kanya ng makakababa na ako ng sasakyan nito. "Sila mag-ingat sa kin no!" Pabirong tugon ni Drake sabay ngisi. Pumasok na ako sa loob ng cafe. Halos hindi mapoknat ang ngiti sa labi ko. Kahit may ilang pa din akong nararamdaman ayos lang. At least Alam kong pwede pang mabalik ang dating samahan namin ni Drake. Iiwasan ko nalang ang nararamdaman ko. Hanggang kaya ko itatago ko nalang muna dahil ayokong dumating sa point na aminin ko sa sarili ko ang totoo at umasa ako sa magandang resulta na hindi sigurado ang kalalabasan. Drake's POV Minutes past when Jhass enter the cafe. Pero ako nakatingin pa rin ako sa pintuan ng cafe na pinasukan niya. Halos ilabas ko na ang lahat ng hangin sa katawan ko kakabuntong hininga. Naalala ko nanaman ang tanong ni Jhass kanina. "Drake. Di mo ba ako tatanungin kung bakit ako umiiwas sayo?" Jhass asked. Napatigil ako sa tanong niya pero pinakalma ko lang ang sarili. She doesn't know how mad I am when she avoiding me. I choose to be mad at her pero hindi ko kayang magalit sa kanya. The first day that I met her crying out loud under that big tree. I promise to my self that I will protect her... That I will not allow anyone to hurt her. Noon pa man nakamasid na ako sa kanya ng hindi niya namamalayan. Matagal ko ng gustong lapitan siya, Kaya ng makita ko siyang umiiyak sa ilalim ng puno, I said to my self that it is the right time. The right time to show my self. Pero di ko inaasahan na mintik na akong mabasagan dahil tinuhog niya ako sa ano ko ng sundan ko siya. Gusto ko Lang naman siyang lapitan pero mukhang nagkamali ako ng moves. Mabuti nalang talaga hindi ganun kalala ang tama ni jr. Medyo namaga lang. Di ako makapaniwala na ang isang bata at parang isang babasaging bagay sa paningin ko ay isang amasona. Napasandal ako sa backrest at tumingala. Natatawa nalang ako kapag naaalala ko yung mga bagay na nangyari sa amin dati. When Jhass thought I was gay. It was all misunderstanding. When I ask her how that thought of being me as a gay came out, she said because of my clothes. That because I was wearing a f*****g! pink hello kitty clothes. Kaya simula noon bwiset na bwiset na ako sa mga bagay na may design na hello kitty. It was my friend's fault. Gago kasi yung Fuentes na yun ehh. Biruin ba namang ipasuot sa akin yung hello Kitty na damit na yun sa loob ng isang oras habang naglalakad sa kalsda, dahil lang sa natalo ako sa dare namin. I was embarrassed that time. Feeling ko pinagsamantalahan ako. But my embarrassment flew away when those bitches pulled jhass's hair. Halos umangat lahat ng dugo ko sa mukha. Kung legal lang manakit baka nasapak ko na yung mga yun. No one can touch her! Lalo na kung sasaktan lang din nila si jhass. Nang magkaroon ako ng pagkakataon na sabihin ang totoo kay Jhass, I saw in her eyes that shes not ready for the truth. She was mad to all men because of what her dad do to her mom. That's why I kept until now the truth that I am not a gay. Hindi ako bakla, kaya ko siyang bigyan ng sandamakmak na anak kung gusto niya. But now, based on what I see earlier in her eyes I know I'm too close. Alam kong nakakapasok na ako sa puso niya. At kapag handa na siyang tanggapin ang lahat. I will never gave her a chance to scape from me. Ikukulong ko na siya sa akin habang buhay. I stopped at the thought of the past when my phone non stop barking. Yeah barking! Alam ko na kung sino ang tumatawag. Malamang Isa nanaman Ito sa mga kaibigan kong wala nanamang magawa. Di ba sila abala sa pambababae at kailangan istorbohin ako? I took out my phone in my pocket. And I'm right one of my friend is the caller. "What the f**k is your problem brute!" "Ohh! Easy bro! Ang sweet naman ng bungad mo." The caller said. "What it is?" Medyo may iritang tanong ko dito. "In my condo" "What?! f**k y....." Gagong yun ah! Pinatayan ako ng linya? Humanda ka Fuentes! I will kick your ass until you beg.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD