Chapter 12

3182 Words
Wag kang mawawala sa graduation ko." May pagbabanta kong sabi kay Drake. Kanina nang tumawag si papa. Hindi niya ako iniwan. Sinamahan niya ako hanggang sa makatulog ako. Kakagising ko lang ngayon. Nadatnan ko si Drake na nagluluto. Hindi siya sumagot sa pagbabanta ko sa kanya kaya humaba ang nguso ko. "Drake! pag-ikaw talaga hindi pumunta ng graduation ko? Mag kalimutan na tayo." Ungot ko sa kanya. Napatigil naman siya sa ginagawa niyang pag hahalo ng niluluto niyang sinigang. Nangasim tuloy ako. Lumapit siya sa akin at tumayo sa harapan ko. "of course. Hindi---" "Hep! anong hindi?" Pagalit kong ani. "Patapusin mo nga muna ako. Of course. hindi ako mawawala. Graduation kaya yun ng baby ko." Sabay gulo niya sa buhok ko. Bigla akong nangamatis sa kilig. Dahil sa sinabi niya. Kung minsan hindi ko talaga maiwasang bigyan ng pakahulugan ang mga ginagawa niya sa akin. Biglang bumalik sa ala-ala ko yung ginawa niyang pag halik. Nag dadalawang isip ako kung uungkatin ko ba yun. Hindi ko magawang ibuka ang labi ko at kausapin siya ng tungkol sa bagay na yun. Ngunit bigla ding naglaho sa isip ko yun ng maalala ko nanaman si Thalia. ' sino ba talaga si Thalia sa buhay ni Drake? totoo kaya ang sinabi nitong fiancé ito ni Drake? Akmang tatalikod na si Drake ng biglang kusang kumawala sa labi ko ang pangalang Thalia. "Drake, may kilala ka bang Thalia?" Kapag kuwan ay tanong ko. Bigla siyang natigilan at napaharap muli sa akin. 'Bakit ganoon? Parang may kakaiba kay Drake? So totoo nga? fiancé siya yung Thalia na yun? "Yeah, I know her. she's my secretary and a childhood friend of mine? Bakit mo natanong? Do you know her to?" balik tanong ni Drake sa akin. "Oo ehh-- kasi last time I met her. papasok ako sa university noon tapos may humintong sasakyan sa tapat ko tapos yun. Yung Thalia yung sakay. Alam mo she said that she is your fiancé." Pagkasabi ko noon ay bumalik sa harapan ko si Drake. Naupo siya sa katapat kong bangko. Hinawakan niya ang kamay ko na nakapatong sa lamesita. "she's just only my friend back then when I was in states. don't believe her. she will never be my fiancé. ni hindi ko nga siya pinangarap na maging girlfriend." Pagpapaliwanag niya. Pero mas nag mukha siyang defensive. Bakit ganun? Parang bigla akong nainis? He never told me that he has another girl friend. Nakakainis! Mas nakadagdag pa sa inis ko na secretary pa siya ni Drake. That means, palagi silang nagkikita sa office. I know she had feelings towards Drake. Kasi kung hindi bakit naman niya sasabihin na finance niya si Drake ng walang dahilan? Ngumiti ako sa kanya bago nagsalita. " Naisip ko na din yun ehh. na pwedeng nagsisinungaling lang siya. Kasi pano ka naman niya magiging fiance if you are...." Hindi ko na tinuloy. Alam ko naman na alam niya ang sasabihin ko. Dumilim ang mukha niya at mas humigpit ang hawak sa kamay ko. Pero wala siyang sinabi. "But in the first place. Alam mo ba? nainis ako sayo, di pala. nagalit ako sayo. kasi inisip ko na nagsisinungaling ka sa akin. na may tinatago ka sa akin. katulad nalang nung kay Thalia. You never tell me about her. " May pagtatampo kong turan. Kasi ako, wala akong nilihim sa kanya kahit na ano. Maliban nalang sa nararamdaman ko tuwing malapit siya sa akin. Katulad nalang ngayon. "Kaya nga ako nun sumama kay Ken, kasi naiinis ako sayo that time. I thought you have a secret na hindi mo sinasabi sa akin. Di ba. We promised na walang secret?" Nakanguso kong turan. habang si Drake ay nakatingin lang sa akin at paminsan-minsang pinipisil ang aking kamay. "I'm sorry." he said. "Kanina ka pa sorry. ng sorry dyan. bakit ba? may sinisekreto ka ba sa akin?" May pagkainis kong tanong. Naiinis kasi ako sa paghingi nya ng sorry. hindi ko alam kung anong gusto niyang iparating. "Nothing. Don't mind me." sabay tayo niya at punta sa harap ng niluluto niyang sinigang. Bakit feeling ko umiiwas siya? O baka masyado lang akong paranoid. Nang matapos magluto si Drake sabay na din kaming kumain. Nag paalam siya sa akin na may pupuntahan lang siya pero babalik din daw agad. Sabi niya antayin ko daw siya dahil siya ang mag hahatid sa akin sa trabaho ko. Habang wala si Drake. inayos ko na ang sarili ko. Naligo na ako at nag suot ng damit pang trabaho. nag susuklay ako ngayon ng buhok ko habang kinakalikot ko ang cellphone ko. Maaga pa naman. Ilang minuto ang lumipas ng may kumatok sa pinto. kasunod nun ay ang pagbukas nito. Iniluwa nito si Drake. "Ready?" Tanong nito ng makapasok. Ngumiti ako at tumango. Nauna akong lubas. Si Drake ang nag lock ng pinto gamit ang duplicate key nito. Habang nasa byahe hindi ko maiwasan ang mapalingon sa gawi ni Drake. Tila galit kasi ito sa sobrang higpit ng hawak sa manibela. Hindi na ako magtataka kung bumakat ang kamay niya sa manebela. "Ayos ka lang?" Kapag kuwan ay tanong ko. Hindi siya lumingon sa akin. Nasa harap pa din ang paningin niya pero sumagot naman siya sa tanong ko. "Ayos lang." Maikli niyang sagot. Hindi ko na siya muling tinanong at itinuon ko nalng ang paningin ko sa labas ng bintana. "Pasok na ako," paalam ko kay Drake ng makarating kami sa café. Nasa labas na si Drake at nasa loob pa rin ako. nakaharang siya sa pinto ng sasakyan kaya di ako makababa. "Pasok na ako." ulit ko upang umalis na siya sa tapat ng pinto. imbis na umalis "kelan ka mag re-resign sa trabho mo dito?" He asked. Napatingin ako sa kanya. 'bakit niya natanong? "Bakit?" naguguluhan kong tanong. "Nothing. naisip ko lang malapit na ang graduation mo. di ba dapat focused ka muna doon. Then para makapag pahinga ka before graduation." Pagpapaliwanag niya. 'Naisip ko na din ang mag resign sa café. nakausap ko na din naman ang manager namin tungkol doon. pinakiusapan lang ako ng manager na kung pwedeng after nalang daw makahanap ng papalit sa akin dahil kaka-resign lang ng dalawa kong kasamahan at tini-train pa yung mga pumalit. pumayag naman ako. Hindi ko naman pwedeng iwan nalang basta ang café nato. Ito kaya ang tumulong sa akin para makatapos ako sa pag-aaral. "Mag re-resign na din naman ako. pero hindi pa ngayon. pero malapit na." sagot ko kay Drake. "Buti naman." halos pabulong niyang sabi pero rinig ko naman. "Sige na pasok kana." hinawakan niya ako sa kamay at inalalayan na makalabas ng ng sasakyan. Kinilig na naman ako. Akala ko bibitiwan na niya ang kamay ko ng makalabas ako ng sasakyan. Pero hindi niya yun binitiwan. Imbis ay sinabayan niya akong maglakad. "Alis ka na. papasok na ako." Pagtataboy ko sa kanya ng nasa tapat na kami ng café. bumitiw na siya sa pagkakahawak sa kamay ko pero hindi siya gumalaw para umalis. "Dito lang ako. I need coffee." he said. "sige. paano papasok na ko." Hinayaan ko nalang siya at nauna nang pumasok sa café. Dumiretso ako sa locker at nilagay doon ang mga gamit ko. pag labas ko ng locker si Drake agad ang hinanap ng paningin ko. Natagpuan ko siyang nakaupo sa gilid ng glass wall paharap sa counter. Ngumiti siya sa akin at kumaway. Pumwesto na ako sa pwesto ko. Sa Counter ako ngayon naka assign pero rotation pa din, mamaya kasi papalitan ako ng bagong empleyado ditto sa counter. "Miss, one Iced white Chocolate Mocha and one strew berry cake." agad kung ti-nype ang order ng customer. Nang matanggap ko ang bayad ng customer agad akong nagtungo sa barista namin ngayon para ipahanda ang order. Nadatnan ko si Ken na nag pe-prepare ng order. Bigla ko nanamang naalala yung ginawa ni Drake sa mall. Simula kasi noon, hindi pa ako nakakahingi ng tawad kay Ken. Inabot ko na kay Ken ang order. Pagkatapos ay mataman akong tumingin sa kanya. "Ken sorry pala. About last time." Paghingi ko ng tawad. Ngumiti siya sa akin. "Ayos lang yun. Atleast may utang ka sa akin. iniwan mo ako mag-isa, kaya may utang ka sa aking isang gala." pagbibiro niya sa akin. Napatawa naman ako sa biro niya. Sinakyan ko nalang ang pagbibiro niya. totoo namang may utang ako sa kanya ehh. Pumayag akong gumala kami tapos iniwan ko siya mag-isa. "Saan mo ba gusto? Basta mura lang ha. Kwek-kwek sa kanto gusto mo?" Natatawa kong sagot. Natigil kami sa pag tawa ng lumapit sa amin si Marie. "Jhass. Hinahanap ka ni Drake." nakanguso nitong itinuro ang counter. Nakatayo doon si Drake at hindi maipinta ang mukha. Nag paalam na ako sa dalawa upang lapitan ito. "Yes sir? What's your order?" Magalang kong tanong. Kumunot ang noo ni Drake. "One brewed coffee." sagot nito. nag abot ito ng card pangbayad. "Here sir." sabay abot ko ng table number kasabay ng card nito. "don't make fan on me jhass. don't call me sir." irita niyang sabi. Nangiti naman ako sa sinabi niya at sa iritasyong nakikita ko sa mukha niya. "Sorry na. Nasa trabaho kaya ako ngayon. customer ka, kaya sir ang tawag ko sayo." Nangingiti kong sagot. "Wala ba kayong babae bartender dito? bakit nakikipag tawanan ka doon sa Ken na yun?" Bakas ang inis sa boses nito. "Ehh kasi po. Nag sorry lang po ako doon sa ginawa kong pag-iwan sa kanya last time. Tanda mo? Nung hinila mo ako palabas ng mall. tapos." Hindi ko na maituloy ang sasabihin ko. Hindi ko masabi yung tungkol doon sa ginawa niyang pag halik sa akin. "Sige sir. wait for a while we will prepare your order." Agad akong tumalikod at nagtungo kay Ken para ibigay ang order ni Drake. parang tambol ang puso ko sa bilis. Lumipas ang oras hanggang sa malapit ng matapos ang duty ko. Akala ko mag kakape lang si Drake tapos aalis na. Pero nanatili siya sa café at talagang parang tunaw na tunaw ako dahil bawat galaw ko nakatingin siya sa akin. Paminsan minsan hindi ko naiwasang matingin sa gawi niya. Pag nag-uusap kami ni Ken, nakikita ko ang iritasyon sa mukha nito. NAg sasalubong ang makakapal nitong kilay at ang mga mata nito ay madilim na nakatingin kay Ken. Parang gusto nitong lumapit at lapain ng buhay si Ken. Lumabas lang si Drake sandali at talagang nag paalam pa siya sa akin. Kinilig tuloy ako. feeling ko ang importante kong tao. Siguro may kausap itong importante kaya kailangang lumabas pa. "Jhass. Ito na yung order." Napabaling ako sa nag salita. Si Ken pala. May hawak itong Isang tray na puno ng order. At Isa pang tray na may laman din. Madami-dami kasi ang tao ngayon. Nag break kasi ang Ilan sa amin at apat nalang kaming natira. Dalawang bartender at kaming dalawa ni Marie. Kaso si Marie may inasikaso pang customer. "Kaya mo ba?" Kapag kuwan ay tanong ni Ken sa akin. "Tulungan na kita." Sigunda pa nito. Hindi na ako naka protesta ng kunin niya ang Isang tray na may lamang order. Nauna nalang akong naglakad habang nasa likuran ko si Ken. Tinuro ko sa kanya kung saan ibibigay yung order. Sumunod naman Ito. Habang ako ay hinatid ko na din sa customer ko ang mga order nila. Nasa huling mesa na ako ng hahatiran ko ng order. "Sir, here's your order." I said then smile. Nilapag ko na ang laman tray sa lamesa at nag paalam. Ngunit tatalikod pa lamang ako ng mag salita yung Isang customer. "Miss ganda." Ani nito sabay hawak sa kamay ko. Napapitlag ako, kinalas ko ang kamay niya na nakahawak sa pulsuhan ko. "Ito naman si miss ganda. masyadong matatakutin. Gusto ko langf makipag kaibigan." Sabi nito sabay ngisi. Panong di matatakot? Ehh mukha siyang sanggano. Pero pinilit ko pa ding ngumiti. Kahit na sa loob ko gusto ko na siyang sapakin. "Miss, baka pwedeng hingin number mo? Sabay hawak na naman niya sa kamay ko. Akmang tatanggalin ko ulit yun nang mula sa likod ko may humaltak ng malakas sa kamay nung lalaki. Kasunod noon ay ang tili mula sa ibang customer at pagbagsak ng lalaki sa sahig. Halos mapatili ako sa takot ng makita ko si Drake sa ibabaw nung lalaki at pinag sasapak nito ang lalaking tila mawawalan na ng malay. Gusto kong pigilan si Drake pero hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Tila ako nakakita ng Isang halimaw sa katauhan ni Drake. Halos mamula ang ang mata nitong kasing itim ng malalim na dagat. Nagkagulo na at lumapit ang guard ng cafe. Tumulong din ang mga kasamahan kong lalaki para ihiwalay si Drake sa lalake na ngayong ay lupaypay na. Puno ng dugo ang mukha nung lalaki habang naka handusay sa sahig. Tyaka lang ako natauhan at nilapitan si Drake. This is the first time i saw his darkest side. Akmang susugod ulit si Drake sa lalaki na hindi pa din nakakatayo ng pigilan ko siya. Ang naka kuyom nitong kamay ay mahigpit kong hinawakan. Nangatog ang tuhod ko ng tumingin sa akin ang mata ni Drake na bakas ang pula dahil sa galit. Ngunit agad din itong lumamlam ng makita nito ang takot sa aking mukha. "T-tama na Drake." Nanginginig kong boses na pigil dito. ............ Lumabas ako ng cafe para sagutin ang tumawag sa akin. Kanina pa din ako naiinis doon sa Ken na asungot na yun kaya kailangan ko munang huminga bago ko pa masapak yung bwiset na yun. Kung makatawa siya parang tanga. Alam ko ang galawang ganun. Alam kong may gusto yun sa Baby Jhass ko. But f**k him! Akin lang si Jhass. Hindi ako nag-antay ng matagal na panahon para mapunta sa iba si Jhass. Kung kailan konting panahon nalang. Malapit ko ng sabihin kay Jhass ang totoo. Pero iniisip ko na baka magalit siya sa akin. Who don't? Sino nga namang di magagalit kung pinagsinungalingan ng matagal na panahon. But I will accept her wrath. I deserved it. Nang matapos ang tawag pumasok na ako sa cafe. Agad na hinanap ng paningin ko si Jhass. Ngunit agad na nabalot ng dilim ang paningin ko. Parang gusto kong pumatay! That motherfucker! How dare he to touch my Jhass? How dare that filthy hand touch my property?. Parang may sariling isip ang mga paa at kamay ko. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Nawala ako sa sarili ko. May mga tumitili sa paligid at may mga pumipigil sa akin. Pero gusto kong patayin ang gagong to!. Wala siyang karapatang hawakan si Jhass. Napabaling ako sa may ari ng kamay na humawak sa kamao ko na naka kuyom. Bigla akong natauhan ng makita ko ang takot sa maukha ni Jhass. Fuck! f**k! Mura ko sa sarili. Siguradong natakot sa akin si Jhass. This is the real me. Ito Ang bagay na kinatatakutan kong makita ni Jhass. Ayokong matakot siya sa akin. Kaya kahit anong galit ko noon-- kapag may lumalapit sa kanya pinipilit kong kumalma at pigilan ang galit. Pero ngayon? f**k! Hindi ko napigilan ang sarili ko. I will never f*****g regret what I did to that motherfucker b***h! Pero ang makita kong natatakot si Jhass, para akong mababaliw. "I'm sorry, f**k! I'm sorry." Sunod-sunod kong paghingi ng tawad. Bakas pa din ang takot sa mata ni jhass Habang nakatingin sa akin. Bakit ba kasi di ko napigilan ang sarili ko? Hihingi ulit sana ako ng tawad kay Jhass ng biglang nag salita yung gagong binugbog ko. Nakakatayo pa pala ang gago. Pasalamat siya at may pumigil sa akin, kung hindi baka pinaglalamayan na siya ngayon. Walang ibang pwedeng humawak sa kahit ano mang parte ng katawan ni Jhass. Ako lang! she's only mine!. "I will sue you!" sigaw nung lalaki sa akin habang dinuduro ako. Napangisi lang ako sa sinabi nito. Nang lumipat ang daliri nito kay Jhass. Mangali-ngaling pilipitin ko ang daliri nito. How dare he to pointed his dirty finger to my baby Jhass?! "And you!. Pa virgin ka pa?. gago wag ako utuin mo! alam ko naman mga kagaya mo. Kunwari pa heart to get." Nagpantig nanaman ang pandinig ko sa sinabi nito. Pasugod na sana ako para masapak ito ng hilahin ako ni Jhass palabas ng café. .......... Nang makalabas na kami ng café agad kong binitawan si Drake. Nilingon ko ito at nabungaran ko ang madilim nitong mukha. Umiigting ang panga nito at tila galit na galit. "Tama na Drake." ani ko sabay yakap sa kanya. Nanigas ang katawan ni Drake dahil sa ginawa ko. Ang pagtibok ng puso at paghinga nito ay parang tumigil. "T-tama na Drake." Naluluha kong pakiusap. Hindi ko kayang makita ulit ang Drake na nakita ko Kanina. Sobrang nakakatakot ang Drake na yun. Naramdaman ko ang isang palad ni Drake na humahaplos sa aking buhok habang ang isa niyang kamay ay nakayakap sa aking bewang. "I'm sorry" He whispered into my ear. Ilang Segundo kaming magkayakap. Nang maramdaman ko na kumalma na siya kumalas na ako sa pagkakayakap. "I'm sorry, hindi ko gustong matakot ka." paliwanag ni Drake habang nakahawak sa pisngi ko. Nakatingin ako sa mata niya habang nakahawak ako sa kamay niya na pilit kong pinapakalma dahil sa nakuyom pa rin Ito. "Hindi ako natakot, Nabigla lang ako. hindi ko alam na kalahi ka pala ni Sanggoku." Biro ko sa kanya para gumaan ang paligid. Napangiti ako ng gumana ang pagbibiro ko dahil nakita kong napangiti din si Drake. "Maybe you're right?" sumiryoso na naman ang mukha nito. "I can be a monster if needed. Ikaw lang naman ang nakakapag pakalma sa halimaw na ako." Sigunda pa nito. Naguguluhan man. Nagawa ko pa ding ngumiti. Hindi na ulit ako muling nagsalita at hinayaan ko nalang si Drake na alalayan akong makapasok nang ulit sa loob ng cafe. Naayos din naman ang gulo. Hindi nagsampa ng kaso yung binugbog ni Drake laban dito. Dumating kasi ang personal attorney ni Drake at ito ang kumausap doon sa lalake. Hindi ko alam kung anong ginawa nung abogado para mapapayag yung lalaking wag ng magsampa ng kaso. Basta pag katapos mag-usap nung abogado ni Drake at nung lalaki, namumutla Itong umalis ng cafe. Hindi ko na natapos ang duty ko. Nagpaalam na ako sa manager na uuwi na ako. Pinayagan naman ako ng manager namin. Mabuti nalang at hindi na lumaki pa ang gulo. Nag d-drive si Drake. Ihahatid niya ako sa apartment. Nakatulala pa din ako, pinilit ko lang ngumiti kanina para ipakita kay Drake na hindi ako natakot sa kanya. Pero ang totoo, Sobrang na gulat ako sa nakita ko. Ang sobrang galit na nakita ko sa mata ni Drake ay bago para sa akin. Parang ayoko ng makita pa ang ganung klaseng emosyon sa mata ni Drake-para siyang handang pumatay kanina. Hindi ko maiwasang hindi mapa-isip. Di kaya? Pero hindi pwede. Pero kapag nakikita ko si Drake at ang mga bagay na pinapakita at pinaparamdam niya sa akin, hindi ko talaga maiwasang mag-isip. May parte sa puso ko na umaasa-- Maaari kaya? p-pwede kayang magkagusto si Drake sa akin? ********* #Halata na di pa din makita. #bili ka salamin teh!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD