Chapter-11

1488 Words
Nakatanga ako habang naka hawak sa aking labi, hindi ko alam kung bakit , kahit ilang lingo na ang nakalilipas ay malinaw pa din sa akin ang ginawa ni Drake. Pakiramdam ko hanggang ngayong nangangapal ang labi ko. I want to confront him and ask why he do that. Pero para akong pinutulan ng dila. Hindi ako makapag salita. Kahit katabi ko lang siya. Nung araw na hinalikan niya ako. nakatulala lang ako at hindi makatingin sa kanya. Dapat sinampal ko siya dahil ni nakaw niya ang una kong halik. Ngunit hanggang sa makarating kami sa apartment ko, Hindi ko pa din maibuka ang bibig ko. "Ready your power point we start after 3mins." Napakurap ako at napabalik sa katinuan ang aking diwa ng marinig ko ang boses ng isa sa mga panel namin. It's our defense day. "You okey?" Nakalapit na pala sa akin si Evie. Tumango lang ako. Nag start na ang defense. mabuti nalang at nairaos namin ni Evie. Mabuti nalang at nagbasa basa kami. Kaya ang Ilan sa mga tinanong sa amin ng panel ay masagot naman namin ng maayos. "Grabe ilang linggo nalang graduate na tayo jhass." Nag-aayos kami ni Evie ngayong ng mga ginamit namin sa defense. Napalingon ako sa kanya. Napa-isip ako. Oo nga ilang linggo nalang graduate na kami. May balak na akong gawin after graduation. Gusto ko talagang maging journalist--- na ang fini-feature ay mga likas na yaman dito sa pilipinas. May target na din akong company. "Ikaw? Anong balak mo?" tanong ko kay Evie. "Ako?" Excited ito kung ibabase sa mukha nito ngayon. May kutob na ako kung anong gusto ni Evie. Nasabi na nito sa akin noon na gusto nito ng adventurous na trabaho. "Maging Isang sikat na journalist. Gusto ko yung madaming adventure. Like...... Journalist na mag fe-feature sa mga drug syndicate. Or mga sindikatong walang ginawa kundi ang pahirapan ang mga nakakababang tao sa lipunan." Diterminado nitong sagot. I know she can do that. Matalino Ito at may paninindigan. Alam kong gagawin nito ang lahat para makamit ang pangarap na career. Ganun din ako. Wala na kaming class after ng defense. Even sa mga susunod na araw wala na ding pasok dahil puro practice nalang sa graduation. Kumain lang kami ni Evie dahil tanghali na. After naming kumain ako na ang unang nag paalam. Para kasing bumigat ang pakiramdam ko. Gusto kong mahiga. Nang makarating ako sa apartment. Patapon kong inihiga ang katawan ko sa kama, ni hindi ko na inabalang ayusin ang sarili ko. Tumulala ako, nakatanga lang sa kisame. Hindi ako makatulog kahit ang bigat ng pakiramdam ko. Agad akong napabalikwas ng bangon ng biglang tumunog ang cellphone ko. Bigla akong napangiti ng si Drake ang pumasok sa isip ko. Agad kong kinuha ang cellphone ko at sinagot iyon ng hindi tinitignan ang nasa caller. Ilang Segundo na ang lumipas ngunit walang sumasagot sa kabilang linya. Inalis ko ito sa pgkakadikit sa tenga ko upang tignan kung sino ang nasa caller. Ngunit unknown namber ang nakalagay. "Hello? sino ho sila?" tanong ko ng muli kong idikit ang cellphone mko sa aking tenga. Ngunit walang nag sasalita sa. Akmang ibababa ko ang tawag ng magsalita ang nasa kabilayan linya. "K-kumusta ka na?" Unang salita palang ng nasa kabilang linya para ng tumigil ang pag hinga ko. Hindi ko maibuka ang labi ko. Para itong naka glue. "A-anak. K-kumusta kana." Pag-uulit tanong ng nasa kabilang linya. Biglang nag-init ang magkabila kong mata. Parang biglang namigat ang mga iyon. Parang gusto kong umiyak. Ilang taon ko na bang hindi naririnig ang boses na to? 13? 14? Tama. Labing apat na taon ko ng hindi naririnig ang boses na to. Ang pag tawag niya sa akin ng anak. Miss na miss ko na iyon. Ngunit hindi ko pinahalata ang lungkot at pagkasabik sa aking boses. "Bakit ka tumawag?" Walang emosyon kong tanong. Ilang taon ko siyang inantay na tumawag sa akin. Kamustahin man lang ako at magpaliwanag. Pero ano? Wala! Wala akong napala. nag-antay lang ako sa wala. Ang kaninang pag kimkim ko ng luha ay biglang nabali. Hindi ko alam na ganito kadaming luha pala ang kaya kong ilabas para sa kanya. "B-bakit ka tumawag?" May hinanakit kong tanong habang tumutulo ang aking luha. Hindi ko na mapigilan ang malasahan ang pait sa bawat binitawan kong salita. Nasasaktan ako, Bakit ngayon pa? "Patawarin mo si papa. Anak-- patawarin mo si papa." Mula sa boses nito ramdam ko ang pag diterminasyon niyang humingi ng tawad. Pero ano pa ang magagawa ng paghingi nya ng tawad kung hindi na naman nun maibabalik pa ang mga nangyari na! Dahil sa kanya, nasira ang pamilya namin. Sabihin na nilang masama ako dahil sa hinaba haba ng panahon ay hindi ko nagawang patawarin ang sarili kong ama. Agad kong binaba ang tawag. Gusto kong mag-isip. Hindi ko pa kayang kausapin siya. Oo, inaamin ko, miss ko na ang papa ko. Ngunit kahit ganong kamis ang maramdaman ko. Natatabunan yun ng galit ko sa kanya. Masakit ang ginawa niya sa amin ni mama. Bumabalik sa ala-ala ko ang mga sakit na naramdaman ko ng iwan kami ni papa. Nakaupo ako habang yakap ko ang aking binti at nakayukyok ang aking mukha sa tuhod. Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa may maramdaman akong pares ng mga brasong yumakap sa akin. Kahit hindi ko tignan kung sino ang nakayakap ngyon sa akin ay kilala ko ito. Amoy pa lamang nito ay kilala ko na. "what happened?" mababakas ng pag-aalala sa boses nito. Ngunit mas Lalo lang akong umiyak. Palakas ng palakas ang pag-iyak ko. "f**k! what happened baby? Tell me. pinag-aalala mo ako." He said in a very frustrated voice. He slid his finger into my chin and lift up my head. Nagpantay ang aming mga mukha. Ang mata ko na puno ng luha at nanlalabo ay malinaw na nakikita ang pag-aalala sa kanyang mata. "spill it baby. What happened? nag-aalala ako," sabi nito sabay halik sa aking noo. Wala akong nagawa, katulad pa rin noon, Tanging si Drake lang ang napagsasabihan ko ng mga bagay na gumugulo sa akin. "He called." paninimula ko. "Who" "si papa tumawag siya." naramdaman ko ang paninigas ng katawan ni Drake na ngayon ay nakayakap na sa akin. Ilang Segundo ang lumipas ay unti-unting lumambot ang katawan nito at pinagpatuloy nito ang pag haplos sa aking likuran upang ako'y pakalmahin. "Anong sinabi niya? May sinabi ba siya sayo?" Hindi ko alam kung pakiramdam ko lang ba na parang kinakabahan si Drake o guniguni ko lang iyon. Mas Lalo niya akong hinapit at mas ikinulong sa kanyang bisig. Napatahan ako sa pag-iyak, ngunit na baling naman ang aking atensyon sa sobrang higpit ng pagkakayakap sa akin ni Drake. Halos hindi ako makahinga. "Ayos ka lang ba?" hindi ko napigilang itanong. Dahil pakiramdam ko hindi siya okey. Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at malamlam ang mga matang tumingin sa aking mata. "I'm fine. how about you? maayos na ba ang pkiramdam mo?" kapag kuwan ay tanong nito. Napaigtad ako ng lumapat ang palad ni Drake sa aking pisngi. May kakaibang pakiramdam akong naramdaman mula sa paghaplos niya sa aking pisngi. Humintyo ang kanyang kamay sa gitna ng aking pisngi. "Anong sinabi niya sayo?" he asked. "Drake alam mo naman kung anong pinagdaanan ko. namin ng dahil sa kanya. alam mo kung anong naranasan namin ni mama ng dahil sa kanya." paused "Alam mo kung gano kami nasaktan. at pinag pyestahan ng mga tao sa lugar namin noon ng dahil sa ginawa niya. isipin mo mang ang sama kong anak, dahil hanggang ngayon hindi ko pa rin siya magawang mapatawad. wala akong pakialam, Drake I was hurt. Nasasaktan ako. Kahit na gusto ko siyang makita at yakapin hindi ko kayang gawin. Dahil tuwing naiisip ko ang mga pinagdaanan namin noon, unti-unti Drake! unti-unti bumabalik yung sakit." Nakatingin lang siya sa akin habang nakikinig sa mga sinasabi ko. Walang emosyon ang kanyang mga mata. "Hindi mo ba siya mapapatawad?" kapag kuwan ay tanong ni Drake sa akin. Napatingin ako sa kanya. This is the first time na tinanong sa akin ni Drake kung mapapatawad ko ba si papa. Noon kasi kapag tungkol na kay papa ang pinag-uusapan namin ay nakikinig lang siya sa akin, minsan iniiba niya ang topic. "hindi ko pa alam. Alam mo kunggaano ako kagalit sa mga taong sinungaling Drake. Liar is always a liar. maliit man o Malaki Drake ang dahilan ng pagsisinungaling. The point is nagsinungaling pa din. Dahil kahit maliit na kasinungalingan Drake, kayang pumatay ng isang tao, Nag baba ito ng tingin."I'm sorry." hindi ko alam kung bakit siya humihingi ng tawad sa akin. umangat ang mukha ni Drake at diretsong tumingin sa aking mata. May emosyon akong nakikita sa kanyang mga mata. Ngunit hindi ko alam kung ano-ano ang mga iyon, "I'm sorry baby." He said then he hug me so tight. "Sana mapatawad mo ako." he said while caressing my back.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD