Chapter 9- Thalia

2332 Words
Matapos kong kainin ang inihanda sa akin ni Drake na breakfast agad akong naghanda para sa Saturday class ko. Habang naliligo ako di ko maiwasang mapangiti. Para nga akong baliw habang naliligo, pakiramdam ko kasi naka dikit pa sa katawan ko ang init ng katawan ni Drake. Ang mahigpit na yakap niya sa akin kagabi, pakiramdam ko napaka halaga ko. Na para bang ayaw akong bitawan nito sa higpit ng pagkakayakap niya sa akin. Nang Makita kong nakahanda na ako agad na akong lumabas ng bahay para makapag simula ng maglakad. maaga pa naman at parang trip ko ngayon ang maglakad. Hindi ko alam kung bakit kahit failed yung plano kong i-seduce si Drake ang saya pa din ng pakiramdam ko. Pakanta kanta pa nga ako habang naglalakad. Kaso napahinto ako sa pagkanta ng nasa kalagitnaan ako ng paglalakad ay may isang itim na sasakyan ang dumaan sa gilid ko. Napahinto ako para bigyang daan ito. Ngunit bigla itong huminto sa tabi ko, Kinabahan ako sa isiping baka may masamang tao sa loob ng sasakyan na biglang may gawing masama sa akin. Uso pa naman ngayon ang kuhaan ng mga babae tapos ibebenta. Napahawak ako ng mahigpit sa bag ko. Handa na akong tumakbo, ng bumaba ang salamin ng sasakyan. Isang babae ang bumungad sa akin, Mukha itong model. Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa mukha nito. Bigla kong napaisip kong nakita ko na ba ito o hindi pa. Mukha kasi itong familiar sa akin. Mahaba ang buhok nito, Ang malalamtik na pilikmata ay mas nakadagdag sa ganda ng kulay abo nitong mga mata. Ang ilong nito na matangos ang mapula nitong labi at ang makinis nitong mukha ay nababagay sa hugis puso nitong mukha. Nakita ko na ba siya dati? tanong ko sa sarili, Ngumiti ito. Hindi ko alam kung ngingiti din ba ako. Di ko kasi alam kung ako ba ang nginingitian nito, Kaya para makasiguro, lumingon ako sa paligid ko kung may iba pa bang tao maliban sa aming dalawa. Nang matiyak kong walang ibang tao.Bumalik ang paningin ko sa mukha nito. Naituro ko ang sarili ko habang nakatingin ako dito. Guso kong siguraduhin kung sa akin ba talaga ito nakangiti . Tumango ito. So ako nga ang nginingitian nito. Pilit akong ngumiti bilang tugon. Kilala ko ba siya? tanong ko sa sarili. "Jhass, right?" tanong nito sa akin. Kilala niya ako? Pano niya nalaman ang pangalan ko? Bumaba ito ng sasakyan at lumapit sa akin. "Hi, I'm Thalia." she said and offer her hand to me. May pag-aalinlangan akong tumingin sa kamay nito na nakalahad sa harapan ko. Sa huli ay tinanggap ko din ang pakikipag kamay nito. "h-Hi" Bati ko dito. "Kilala mo ko?" Nag-aalinlangan kong tanon habang nakaturo sa aking sarili. Ngumiti ito at tumango. " yeah, I know you. you're Jhass right?" she said with a smile. "Pano mo ko nakilala?" nagtataka kong tanong. binawi ko na din ang kamay ko mula sa pag kakahawak niya dito. "I'm Drake's girlfriend, soon to be fiance," Halos mabingi ako sa pagpapakilala nito. Sino daw siya? girlfriend? Girlfriend ni Drake? Naguguluhan ako habang nakatingin sa kanya. Joke time ba to? Panong magkaka girlfriend si Drake? ehh di ba nga bakla yun? ni hindi nga tumalab doon ang pag-se-seduce ko doon kagabi. tapos ngayon may magpapakilalang girlfriend nito? niloloko ba ko ng babaeng to? Oh di naman kaya..... di lang talaga ako attractive sa paningin ni Drake. Bakit walang nabanggit si Drake sa akin? Di kaya ibang Drake ang tinutukoy nito? " g-girlfriend ka n-ni Drake? as in Drake Cordova?" kapag kuwan ay tanong ko. may parte sa akin na umaasang hindi si Drake ang tinutukoy nito. Ngunit ang pag-asang yun ay biglang naglaho ng unti-unti itong tumango at ngumiti. Para akong binagsakan ng langit at lupa sa naging sagot nito. Ang t***k ng puso ko parang tumigil. pati ang paghinga ko parang kinakapos. Bakit ganon? yung puso ko, parang sinasakal? Nag-iinit ang gilid ng mga mata ko? Tama ba ang sinasabi ni Evie sa akin na nag papanggap lang si Drake? kasi kung hindi pano siya nagkaroon ng girlfriend? at talanggang nilihim niya yun sa akin? "Hatid na kita." Bigla akong napakurap ng marinig ko ang boses ni Thalia. Hinila ako nito at pinagbuksan ng pinto ng sasakyan. gusto ko sanang pumalag at tumanggi kaso para akong nawalan ng lakas. Nakatingin lang ako sa kamay nito na nakahawak sa kamay ko. Bumalik lang sa katinuan ang isip ko ng pausadin na ang sasakyang kinalulunaran namin. " you're Drake's bestfriend right? jhass?" tanong nito sa akin. Parang wala ako sa sariling tumango. Bakit pakiramdam ko sa mga oras na ito, may malaking pader na nakaharang sa pagitan namin ni Drake? Bakit pakiramdam ko, ang dami niyang sekreto sa akin? Bakit di niya sinabi ang tungkol kay Thalia? Ang saya ko na kanina ehh! Bakit biglang namang may ganto? Shit! parang gusto kong umiyak. Ito ba? I-to ba yung kinatatakutan ko? Ayokong masaktan. Ayokong matulad kay mama. Pero pano ako matutulad kay mama? ehh, hindi ko naman boyfriend si Drake mas lalong hindi ko siya asawa. Pero s**t! ang sakit. Gusto ko nang bumaba dito sa sasakyan at tumakbo. "Are you okey?" tanong ni Thalia. Tumagilid ako at pasimpling pinunasan ang gilid ng aking mata. Para kasing namasa ang mga iyon. Humarap ako dito na nakangiti. Hindi ako dapat masaktan ng ganto. "Ayos lang." Nakangiti kong sagot. Habang tinitiganan ko ang mukha ni Thalia. Biglang pumasok sa ala-ala ko yung babae sa f******k. Yung picture na naka tag kay Drake. That was Drake and a girl who kiss Drake's cheek. That girl was Thalia. Tama si Thalia yun. Siya yung babaeng kasama ni Drake sa picture. Malapit na kami sa University. Kinakausap pa din ako ni Thalia. Habang ako tango at pilit na ngiti lang ang sinasagot. Na shock ako sa mga nalaman ko. Sino ba naman ang hindi? ang taong akala mo walang inililihim sayo ay may gantong klaseng sikreto. Ano pa kaya ang ang mga nililihim sa akin ni Drake? Nasa tapat na ako ng university. Hindi ko naman nasabi dito kung saan ang university ko. Paanong nalaman niya kung saan ako pumapasok? Pinagwalang bahala ko nalang yun. Parang ayokong makausap ito. Parang bigla akong tinamad na magsalita. "S-Salamat" sabi ko dito habang pilit na ngumiti. Akmang bubuksan ko na ang pinto ng sasakyan ng tawagin ako nito. " Jhass." Napalingon ako sa magandang mukha ni Thalia. "B-bakit?" "Can we friends?" tanong nito habang may malaking ngiti sa labi. she's friendly. mabait ito sa akin. Pero yung tanong niya sa akin kung pwede ba kaming maging magkaibigan. bakit parang gusto kong tumanggi? masama na ba akong tao? Ngumiti ako at inilahad ko ng kamay ko na nanginginig pa. pati ang kalamnan ko ata nanlalamig. "o-oo naman." nauutal kong sagot. First subject. Lutang ang isip ko. lumalayag sa mga nalaman ko. may girlfriend si Drake. Anong gagawin ko? Kakausapin ko ba si Drake? Magtatanong ba ako tungkol kay Thalia? Pero handa ba ako sa magiging sagot niya sa akin? pano kung sabihn niyang totoo ang sinabi ni Thalia? Ibig bang sabihin. all this time niloloko niya lang ako? Pinaniwala niya lang talaga akong bakla siya? Bakit niya yun ginawa? Anong dahilan niya? Siguro may malaking bagay siyang tinatago sa akin kung bakit siya naglihim. "jhass, hoy!" nakaramdam ako ng siko mula sa tagiliran ko. Napaigtad ako at napabaling sa Sumiko sa akin. it was Evie. Kinunutan ko ito ng noo. Ngumuso ito sa harapan ko. "miss Valencia, are you not with us? i'm asking you what is the various Principle of journalism." mataray na tanong ni Mrs. Sabong isa sa professor namin sa major subject. Ang mataray nitong mukha na sinabayan pa ng Malaki nitong boses ay talagang nakakatakot, kaya halos lahat ng students sa mass com. department ay takot dito. "Ms. Valencia. i'm asking you. what is the Principle of Journalism and Define them." Nakapamewang na ito ngayon habang nanlilisik ang mata na may suot na salamin. Tumayo na ako at sumagot, Mabuti nalang at kabisabo ko ang sagot. Nakahinga ako ng maluwag matapos kong sumagot. ayakong mapahiya sa klase. Si Mrs. Sabong kasi ay ang tipo ng professor na namamahiya, may mangilan-ngilan na din itong napaiyak dahil sa napahiya. "Hoy bruha! anong nangyari sayo?" agad na tanong ni evie ng makaupo na ako. Hindi ko nalang ito pinansin. Pero bumulong pa din ito sa akin. "Mag kwento ka mamaya." bulong nito habang nasa harap ang paningin. "Ms. Tuazon! do you want to speak?" mataray na tanong ni Mrs. Sabong kay Evie. " no ma'am." agad na sagot ni Evie. Natapos ang klase. Pinilit ko ang sarili ko na intindihin ang mga itinuturo ni Mrs. Sabong dahil ayokong mapahiya. Pero sa mga sumunod na subject balik nanaman ako sa pagkakatulala. Breaktime na after breaktime isang subject nalang tapos wala na akong class. "ano yung patulala effect mo kanina?" agad na tanong ni Evie, ni hindi manlang ako inantay na maupo bago magtanong. nandito kami ngayon sa karenderya sa labas ng university. umupo ako at inilagay ang bag ko sa gilid ng upuan ko. "So ano na? what's the news?" tanong nito. Sasabihin ko ba ang tungkol kay Thalia? "did you do my suggestion? did you seduce him?" sunod-sunod na tanong ni evie. Tumango alang ako. "so ano? tinayuan ba?" biglang tanong nito. sasawayin ko palang sana ito dahil sa lakas ng pagsasalita ng biglang may tumabi sa bakanteng upuan sa tabi ko. "What's tinayuan?" napalingon ako dito. "breaktime?" tanong ni evie sa bagong dating. "yes po." sagot ni Amelia na bagong dating. "so what is tinayuan thing did you say ate evie?" tanong nito sa pinsang si evie. Amelia was 17 turning 18. Pero ang katawan nito ay hubog na hubog na. Kung itatabi ito sa amin ni Evie mas mukha pa itong matured tignan kung ikukumpara sa akin. Maging ang height nito ay mas mataas sa akin. Pwewde nga itong maging model kung titignan. Pati pananamit nito ay yung mga usong damit ngayon. She is so attractive. Kahit sino ata ay naakit sa ganda ng batang ito. Napatingin ako sa sarili ko. Ako kaya? Hindi ba ako attractive? "Do i'm not attractive?" naisatinig ko pala ang tanong ko sa sarili. Napatingin ako sa dalawang kasama ko. Nag-aantay ako sa magiging sagot ng dalawa. si amelia ang unang sumagot. "Hindi naman sa hindi ka attractive tignan ate Jhass.. but parang ganun na din." sabay pasada nito ng tingin sa damit ko. "A little bit of transformation. maaayos naman." kapag kuwan ay dugtong nito sa naging sagot. "Why did you ask pala?" tanong nito? "may pinapagandahan ka ba?" Dugtong nitong tanong. habang si evie ay busy lang sa pakikinig sa amin ng pinsan nitong si Amelia. Hindi ako sumagod kaya nagsalita na si Evie. Mission failed ka no? hindi ba tumalab ang karisma mo?" tanong ni evie sa akin. "Did you seduce someone else ate Jhass?" magiliw na tanong ni Amelia. Nahihiya akong tumango dito. "Basta landian go na go kang bata ka ehh, no?" taas kilay na tanong ni Evie kay Amelia. Napangiwi naman ang mapulang labi ni Amelia na may lip tint. "Hoy Amelia! akala mo ba di ko naririnig ang usap-usapan dito sa campus tungkol sa ginagawa mong kaharutan? Talagang Law student at graduating pa talaga ang napili mo ngayon ahh." Ani ni Evie habang nakataas ang kilay na naka tingin kay Amelia. "where did you heard that news?" iritadong tanong ni Amelia. "Di na mahalaga kung saan ko yun narinig. basta sinasabi ko sayo pag nalaman to nila tita lagot ka nanaman." sagot Evie. May mangilan-ngilan ng dumadating na istudyante dito sa kainan. may ilan sa mga ito ay ngumingiti pag nakatingin kay Amelia. May ilan pa ngang nagsisikuhan. pero ang huli ay walang pakialam sa mga ito. Nagpapasalamat ako at dumating si Ameliq. Dahil dito nabaling ang atensyon ni evie. Nakaligtas ako sa mapanuri nitong mga tanong. Ayoko din naman kasi munang pag-usapan ang tungkol sa ginawa ko gakagabi at ang tungkol kay Thalia. Natapos ang break namin na puro sermon ang inabot ni Amelia kay Evie. Kaya yun busangot ang mukha Amelia ng maghiwahiwalay kami. " Bakit naman sinermonan mo nanaman si Amelia."kapag kuwan ay tanong ko. "Sermon ba yun? i'm just concern. kilala mo ang parents ni Amelia. ayoko lang na makarating sa mga ito ang ginagawa ni Amelia dito sa university. Alam mo naman ang pinaghuhugutan ko right?" sagot nito na halatang concern lang talaga ito sa pinsan. Ngumiti nalang ako dito bilang sagot. Natapos ang klase namin ngayong araw, half day lang kasi ang sched ko kapag Saturday. Bigla kong naalala yung notes na iniwan ni Drake sa table ko sa Bahay kaninang umaga. Ang sabi niya doon susunduin niya ako ngayon. I took out my phone in my bag. tinignan ko kung may text ba si Drake sa akin. Pero nabigo ako dahil walang Drake na nag text sa akin. " Una na ako jhass." paalam ni Evie sa akin. tumango ako at nag paalam din dito. Nang makalabas na si Evie tinignan ko ulit ang cellphone ko sa pangalawang pagkakataon. kaso wala talagang text. Siguro nasa labas lang ito ng gate at ina-antay na ako. sa siping baka nasa labas na nga ito ay may pagmamadali akong tumayo at lumabas ng class room. Malapit na ako sa gate pero ni anino ng sasakyan ni Drake di ko nakita. Bigla akong nanlumo. Bakit ganun? ang sakit? sa unang pagkakataon hindi tumupad sa pangako si Drake. Mababaw lang kung iisipin na hindi niya ako sinundo. pero yung pangako niyang susunduin niya ako na hindi niya tinupad doon parang hinahati yung puso ko. sa unang pag kakataon may nabali siyang pangako. Nasanay kasi akong kung anong sinasabi ni Drake yun ang ginagawa nito. Alam ko namang mali ang ilayo ko ang sarili ko sa totoong mundo na kinalalagyan ko. Pero kung ito lang ang tanging paraan para nasa tabi ko lang siya kahit hanggang kaibigan lang kami, malugod kong gagawin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD