Chapter 8- Mission

2114 Words
Jhass Bakit ba ang tanga ko? Nakakainis! Ako ang pumigil sa kanya na umalis. Ako ang dahilan kung bakit nan dito siya sa apartment ko. Ano ba naman kasing pumasok sa isip ko at ginawa ko yun? Hindi! Kasalanan pala lahat ito ni Evie. Kung ano-ano ang pinapasok sa isip ko. Tumingin ako sa lalaking nasa tabi ko. Bumabalik sa aking isip ang mga sinabi ni Evie. Tama kaya si Evie sa mga sinabi nito na maaaring nag-papanggap lang si Drake? "Seduce him" Seduce him" Seduce him" Seduce him" Paulit-ulit na umaalingaw-ngaw sa isip ko ang mga katagang iyon. Pano? Pano ko gagawin yun? At tama ba tong ginagawa ko? Hindi bat pag ginawa ko yun isa lang ang ibig sabihin nun. Naniniwala akong may tinatago si Drake sa akin. Pero paano kung wala? Pano kung totoo ang iniisip ko sa kanya noon pa na isa Naman talaga itong bakla? What if I seduce him then I found out that I'm wrong? That his a real gay? Baka pag-isipan niya ako ng masama. Baka layuan niya ako. Ang daming 'baka' ang tumatakbo sa isip ko. "What are you thinking?" "Ay baka!" Halos tumalon ang puso ko sa pagtatanong ni Drake. Bumangon Ito at humarap sa akin. Nanginnginig ang buo kong katawan. Hindi ako makatingin ng tuwid sa mga mata ni Drake. Pakiramdam ko pag nakatingin ako sa mata niya, hihigupin ako nito ng buo. "What? Anong baka?" Kunot noong tanong nito. "a-ahh.... Hehehe. Wala yun." ani ko habang kumakamot sa ulo. "S-so....ano....... Uhmm..... Hehehehe....... Tara tulog na tayo." Pag kasabi ko nun agad akong nahiga at nagtalukbong ng kumot. Yung kaba ko s**t! Parang umakyat hanggang sa bunbunan ko. Wala akong naramdamang kakaiba sa tabi ko. Dahil nakatalukbong ako ng kumot hindi ko nakikita ang mga galaw ni Drake. Umalis kaya siya? Pero wala naman akong naramdamang tumayo o umalis kaya siguro hindi. Natatakot ako sa pinaggagagawa ko. Ilang segundo kong pinakiramdaman ang paligid ko. Pinapakiramdaman ko ang kilos ni Drake. Parang gusto ko ng bawiin yung sinabi ko kanina. Parang gusto ko nalang siyang paalisin. Dahil parang di ako makakatulog ng mahimbing ngayon. Bakit ko ba kasi pinatulan yung suggestion ni Evie? Nang wala akong naramdamang kakaiba at dahil na cu-curious ako. Dahan-dahan kong ibinaba ang nakatalukbong na kumot sa mukha ko. Pero parang wrong timing ata. Dahil ang nadatnan ko ay ang pag hubad ni Drake ng pang itaas na damit. Parang slow motion sa paningin ko ang ginagawa nito. Para akong nanonood ng Isang photoshoot ng isa sa mga sikat na men's magazine. "B-bakit ka nag huhubad?" Kinakabahan kong tanong. "Mainit!" Sagot nito habang nagpapaypay ng sarili gamit ang kamay. Wala naman kasi akong aircon dito sa apartment ko. Di ko yun afford. May electric fan naman ako kahit papano. "Mag damit ka. Di naman m-maiinit. Tapat mo nalang sayo yung electric fan para malamigan ka." Suggestion ko. "Bakit ba? Nakita mo naman na akong nakahubad dati. Kaya ok lang to. Wag mong sabihing na-iilang ka?" Pag katapos nitong mag salita ay agad itong humiga sa kama. Ang mga braso nito ay ginawa nitong unan. Para itong nag s-sunbathing. Kinakabahan ako. Halos hindi ko siya matignan ng maayos. Di ba ginusto ko to? Bakit ako maduduwag? Huminga ako ng malalim upang pakalmahin ang sarili at makapag isip ng maayos. Seduce him. Yeah! Seduce him. Ito naman talaga ang gagawin ko kaya ko siya pinigilang umuwi. Kailangan ko siyang i-seduce para malaman ko ang totoo. Pano nga ba mag seduce? Biglang pumasok sa isip ko ang mga nababasa ko noon sa pocket book. First I need to be seductive. Kailangan kong maging sexy sa paningin ni Drake. Napangiwi ako ng ilibot ko ang paningin ko sa suot kong damit. Loose na t-shirt at pajama ang suot ko. Wala namang kaakit-akit sa damit ko. Mas mukha akong manang sa suot ko. Ito Naman kasi talaga ang sinusuot ko kapag natutulog. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Kung magpapalit ba ako ng damit na mas seductive. E kung maghuhubad nalang kaya ako? Char!. Pinikit ko ang aking mata bago umusal ng Isang panalangin. Bahala na! Nang idilat ko ang aking mga mata. Unti-unti akong lumapit kay Drake. Kinakabahan at nanginginig ang buong katawan ko. Ngunit ang aking mukha ay pinanatili kong kalmado. Gumapang ako mula sa hita ni Drake. Ang mga kamay ko ay nasa magkabilang gilid ni nito. "W-what are you doing?" nahihirapang tanong nito. Ang paggalaw ng adams apple nito ay parang Isang nauuhaw sa bilis ng pag galaw. Napangiti ako sa isiping baka may epekto ako dito. Hindi ko Ito pinansin at ipinagpatuloy ko ang ginagawa ko. Ang isa kong kamay ay humaplos sa matigas na braso ni Drake. Pakiwari ko ay malalagutan ako ng hininga dahil sa bigla kong naramdaman ang pagdaloy ng bulta-bultaheng kuryente sa aking katawan. I'm sorry Drake I need to do this. I want to know if you're really telling the truth or you are just pretending all this time. Totoo lahat ng yun. I want to know everything. Gusto kong malaman kung totoo ba sa akin si Drake. Nag tatalo ang isip ko. Pano kung malaman kong nagsisinungaling siya sa akin? Anong dapat kong gawin? Kailangan ko bang magalit? "J-jhass. I said what are you doing?" Putol ni Drake sa naglalakbay kong isip. Umangat pa ako ng umangat hanggang sa pumantay na ang mukha ko sa mukha nito. Napatigil ako saglit at nag-isip ng susunod kong gagawin. Napatingin ako sa mukha ni Drake. Hindi ko mabasa kung ano ang nasa isip nito. Biglang naging blanko ang mukha nito habang matiim na nakatingin sa akin. Halos di ko na maigalaw ang aking katawan. Para akong na istatwa habang nakatingin sa mata ni Drake na kasing lalim ng karagatan. Para akong kinoryente ng maramdaman ko ang kamay ni Drake sa aking batok. Tumaas ang lahat ng balahibo ko sa katawan. May unti-unting nabubuhay sa aking kalamnan dulot ng paminsan-minsang pagpisil ni Drake sa asking batok. Ang dalawang kamay ko na nakatukod at nagbibigay suporta sa aking katawan ay unti-unting nanlalambot. Napatingin ako sa mapupulang labi ni Drake. Mas mapula pa ang mga iyon sa aking labi. Tila kay sarap damhin ng labi nito. Hindi ko namalayan ang bagbigat ng talukap ng aking mata. "You trying to seduce me?" Bigla akong napamulat ng marinig ko ang nakakalokong boses ni Drake. Para akong biglang natauhan. Napaigtad ako at nanlalaki ang mata ko ng pagdilat ko ay ilang pulgada na lamang ang layo ng mga labi namin sa isat-isa. "Afraid?" Tanong nito habang nakataas ang gilid ng labi. Balak ko sanang itulak ito ng biglang mas kinabig ni Drake ang batok ko. "A-anong g-ginagawa m-mo? Kinakabahan kong tanong. Dahil ang kamay nitong isa ay malayang humahaplos sa aking braso. It was like he's teasing me. Bakit parang nabaliktad ang lahat? I thought I was the one who's doing this seducing thing. Pero bakit parang si Drake na ang nag-se-seduce ngayon? palapit na ng palapit ang mukha niya sa akin. ang paghinga nito na tumatama sa aking mukha ay mas nakakapag padagdag ng kaba ko. "t-teka D-Drake. a-annong gingawa mo?" nauutal kong tanong halos kapusin ako ng hininga ng bumangon si Drake mula sa ilalim ko. pinagpalit nito ang ang pwesto naming dalawa habang ang kaliwa nitong kamay ay hindi natinag, nasa akin pa ding batok. Ang kanan naman nitong kamay ay nakapalibot sa aking bewang. Kung kanina ay ako ang nasaibabaw niya, ngayon ay siya na ang nasaibabaw ko. habang ako naman ngayon ang nasa ilalim na niya. "you want to seduce me.... right?" he smirk. kinastigo ko ang sarili ko at matapang na sinalubong ang mga mata ni Drake na kasing lalim ng karagatan. Pinatatag ko ang mukha ko at hindi ko pinahalata ang kaba sa aking tinig. Ngunit hindi maitatago ng labi ko ang panginginig. "why, do I attractive to your eyes?" nakangiti kong tanong. He smirk. "You don't know baby. You don't know." sagot nito habang ang kamay nito na kanina ay nakahawak sa bewang ko, ngayon ay humahaplos na sa aking mukha. Naguguluhan ako sa tinuran ni Drake. akala ko hahalikan niya ako ng unti-unti nitong ibinababa ang mukha sa akin, kaya ipinikit ko ang aking mata. Ngunit agad din akong napadilat ng maramdaman kong kumalas sa pagkakahawak sa akin si Drake. pagdilat ng aking mga mata, wala na si Drake sa ibabaw ko. Bigla akong nakaramdam ng hiya, pinamulahan ako ng mukha. Nakahiga na si Drake sa tabi ko. nakatulala ito sa kisame. Hindi ko mabasa kung anong tumatakbo sa isip nito ngayon. Bigla akong kinabahan sa isiping baka nagalit sa akin si Drake. Baka nagalit ito sa ginawa ko. Tumayo ako. Tumawa. Tawa na pilit. Gusto kong isipin nito na nagbibiro lang ako. Hindi ko kaya na magalit sa akin si Drake. Gusto kong batukan ang sarili ko para sa kagagahang ginawa ko. Tumatawa pa din ako habang nakaharap kay Drake. kita sa makinis nitong mukha ang pagtataka dahil sa malakas kong pagtawa. ang kilay nito ay halos magbuhol. "I-it's a PRANK!" sigaw ko habang hindi natitigil sa pilit na pagtawa. Nangtignan ko ang mukha ni Drake, wala pa ding pinagbago ang ekspresyon ng mukha nito. kunot pa din ang noo nito at ang mga kilay nito ay magkasalubong na magkasalubong. Mukhang hindi ito na niniwala sa palusot ko. Ang mga mata nito ay mababakasa ng dilim. siguro kung patalim lang ang titig baka kanina pa akong duguan at nakahandusay. "Uy! galit ka? p-prank lang yun. niloloko lang kita. G-gusto ko lang namang malaman kung possible bang ma attract ka sa isang babae. Sabi ko habang tumatawa. Napatigil lang ako sa pag tawa ng hilahin ako ni Drake sa pulsuhan. napasubsob ako sa matigas nitong dibdib. napayakap ang isa kong braso sa katawan nito dahil sa pagkabigla. "Don't ever try that f*****g prank on me jhass. don't you ever do that again. You don't know how's your effect on me." Drake said while his free hand was stroking my hair. Naguguluhan ako sa sinasabi ni Drake. What is my effect on him?. Parang gusto kong malaman kung ano ba talaga ang epekto ko sa kanya. "Do I'm not attractive Drake?" kapagkuwan ay tanong ko. Wala lang gusto ko lang malaman kung may epekto ba ko sa kanya pero wala akong nakuhang matinong sagot kay Drake. "Just don't ever do that again. Hindi mo alam kung anong kaya kong gawin Jhass. kaya wag mo nang uulitin yun. ayokong masaktan ka." kapagkuwan ay sagot nito. "sige na. matulog kana. i'm here. di ako aalis sa tabi mo hanggang sa makatulog ka." pagkasabi nito ni Drake ay naramdaman ko ang malambot na labi ni Drake sa aking noo. ang braso nito ay mas Lalo akong hinila palapit sa katawan nito. mas humigpit ang pag kakayakap niya sa akin. ang init ng kaawan ni Drake ay ramdam na ramdam ko na. ang hininga nito ay ramdam ko sa aking mukha, nagbibigay ito ng kakaibang kiliti sa aking katawan. Sa paghaplos ng kamay ni Drake sa aking buhok nakaramdam ako ng kapayapaan. namimigat na ang talukap ng aking mata. Naguguluhan man ako sa mga sagot ni Drake, hindi ko na napigilan ang pagpikit ng mata ko. Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako habang nakayakap kay Drake. Payapa ang naging tulog ko.Paggising ko kinabukasan wala na siya sa tabi ko at mag-isa nalang ako sa kama. "anong oras kaya siya umalis?" tanong ko sa kawalan. Hindi ko na kasi namalayan ang pag alis nito dahil sa sarap ng tulog ko. Bumangon na ako sa kama para maglinis ng mukha. Natigilan ako sa pag pasok sa banyo ng makita ko ang tatlong mangkok na may takip sa ibabaw ng maliit kong lamesa. sa gilid noon ay may isang nakatuping sulat. kinuha ko iyon at binasa. Too: Baby Jhass i have early meeting kaya di na kita ginising. i cook your breakfast. eat before you go to school, I'll fetch you after your class. From: Handsome Drake Nang matapos kong basahin ang sulat ni Drake. ewan ko kinilig ako. his so thoughtful and caring. Pakiramdam ko tuloy sinusulatan ako ng boyfriend ko. inamoy-amoy ko pa ang sulat ni Drake. naiwan doon ang amoy nito. Biglang bumalik sa isipan ko ang ginawa ko kagabi. Nakaramdam ako ng hiya, hiya para kay Drake. Siguro mali ang ginawa ko kagabi. siguro totoong Drake is a gay. baka masyado lang akong napapapraning kaya pinatulan ko ang suggestion ni Evie. Napabuntong hininga nalang ako sa isiping mali ako ng pag-aakala.Pero bakit ang bigat ng pakiramdam ko? Umaasa ba akong sana tama nalang ang hinala ni Evie? Bakit ba kasi pa fall si Drake? Kung ano-ano tuloy ang pinapasok sa isip ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD