Chapter 7- His Possessive

2800 Words
"Gagi! Edi i-seduce mo!" Ang galing talaga ng suggestion ni Evie. Sinabi ko kasi dito yung sinabi sa akin ni Drake kagabi. Kakalabas lang ng professor namin at nag-aantay kami ng next subject. Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi kakaisip sa sinabi nito. Plus nandoon pa si Drake kagabi. Hindi Ito umalis hanggang sa sigurado itong tulog na ako. Shit! Ang sarap kaltukan ng sarili ko. Kung ano-ano kasi ang pumasok sa isip ko. I can't denied Drake is a hot man. Noon pa man ng mga bata pa kami ang dami ng umaaligid dito. Meron pa ngang ibang inaaway ako kasi malandi daw ako dahil sa lapit ako ng lapit kay Drake. Noon kapag sinasabi nila sa akin yun. Wala lang dedma ba! Kasi ang tingin ko kay Drake noon parang super hero ko lang. Tyaka di naman siya lalaki sa paningin ko, tingin ko sa kanya noon parang si Mimi Judy. Pero ngayon? Ewan ko nalang. Kahit alam kong mahirap yung iniisip ko na mangyari, Hindi ko mapigilan ang utak at puso ko. Kahit ilang beses ko ng pinipigilan ito, kusa paring lumalabas. "Alam mo? Ang ganda ng suggestion mo no?" I said with sarcastic tone. "Bakit ko naman gagawin yun?" Kunwaring tanong ko. "Tche! Wag nga ako jhass. Kilala kita. Wag ka ng mag denny dyan. Kala mo di ko alam na may gusto ka kay Drake? Wag ako, iba nalang jhass." Sagot nito habang nag ta-type sa cellphone. Kanina pa Ito type ng type ehh. Parang di mapakali. "May problema ka ba Evie?" I ask. Para maiba na din ang usapan. Ibinaba na niyo ang cellphone na hawak at tumingin sa akin. "Don't maneuvering the story jhass. Wag mo kong tanungin sa ginagawa ko. Alam kong umiiwas ka nanaman." Taas kilay nitong banta "How many times do you denied your feelings towards him? Lagi nalang ba jhass? If you love him. If you have feeling to him. Why don't you allow your self. Why don't you freed you self for loving him. Wag kang magkulong sa bagay na di pa nangyayari." Napatigil ako sa mga sinabi ni Evie. Do I really love him? Or it was just a simple attraction to Drake. Di ba pwede naman yun? We've been best friend for so long, at pwedeng na-a-attract lang ako. Gwapo si Drake, kung Isa kang normal na babae, Hindi malabong magustuhan mo Ito. Maalaga, mayaman, at higit sa lahat ay gwapo. Kaya siguro di malabong ma attached talaga ako dito. "Kung mahal mo bakit di mo subukan? Malay mo pareho kayo ng nararamdaman." Pag papatuloy pa ni Evie. "Alam mo? Di ko maintindihan yang isip mo minsan......ang sarap! Sarap! lagyan ng flash light para luminaw." Madiin nitong bigkas sa mga salita. "Alam mo naman na hin...." "Hindi kami talo." Pagtatapos ni Evie sa sasabihin ko. "Gasgas na yang mga palusot mo! Hanap ka naman ng ibang bebenta jhass." Mataray nitong wika. Totoo naman. Di kami talo. Di nya ako magugustuhan kasi hindi siya straight. "Alam ko yang umiikot sa utak mo jhass. Ikaw nga, matanong nga kita? Satingin mo ba talaga bakla si Drake? Kasi ako kitang kita ko na hindi siya bakla. Jhass, magpasalamin ka na nga! Sarap mong kutusan! Ginigigil mo ko ehh!" Evie raised her brow. Tila kunsume na kunsume Ito sa akin. "Ang tagal-tagal mo ng kasama si Drake. Ikaw na mismong nagsabi na simula bata ka palang BEST FRIEND! na kamo kayo." diniinan pa nito ang pagbigkas sa huling pangungusap. "Pero bakit di mo nakikita ang kaibahan ni Drake sa iniisip mo? Kasi ako? Ang linaw-linaw sa paningin ko na totoong lalaki si Drake." Pagpapaliwanag ni Evie. "Matanong nga kita? Harap-harapan bang sinabi sayo ni Drake na Isa syang pusong mamon?" Tanong nito habang nakataas ang kaliwang kilay. "Anong mamon?" Balik tanong ko. "Hyst! Mamon. Berde ang dugo, shuding, kasapi sa samahan ng Gabriella. Bakla." Iiling iling nitong tanong. Napa-isip ako bigla sa naging tanong ni Evie. Simula ng maging kaibigan ko si Drake, parang wala nga itong nabanggit na bakla ito. Ako lang ang nag-akalang bakla ito dahil sa pananamit niya noong araw na yun. Pero kung totoo nga ang mga sinasabi ni Evie. Bakit? Bakit di tinatama ni Drake ang pag-aakala kong mali pala? Wala akong maisip na ibang dahilan para hindi nya ako ituwid sa pag-aakala kong isa itong bakla. Naguguluhan ako. " Kung totoo ang lahat ng sinasabi mo. Bakit di nya ako tinuwid sa pag-aakala ko kung totoong lalaki siya? Bakit hinayaan niya akong isipin na bakla siya? Anong motibo niya at sa haba ng panahon nagpapanggap siya?" Gulong-gulo na ang isip ko. Parang nag kakarambolan sa utak ko lahat. Parang ayaw tanggapin. Kung totoo man yun bakit Niya ako hinayaan?. "Malay ko sayo! Aba bakit ako tinatanong mo? Sabi mo nga Best Friend mo siya diba? Bakit di mo alamin?" Evie's suggestion. "Pano? Anong gagawin ko?" Naguguluhan kong tanong. Ayokong mag-isip ng masama. Lalo na Kung tungkol kay Drake. Si Drake nalang ang meron ako. Si Drake nalang ang tanging nalalapitan ko. Ang tanging nasasandalan ko. Ayokong mag-isip ng masama. Pero kung totoong nagpapanggap siya. Anong dahilan? Bigla akong na-curious dahil sa mga sinabi ni Evie. "Isa lang ang paraan diyan. Seduce him." Walang kagatol gatol nitong suhesyon. Na parang ang dali lang ng sinabi nito. "Bakit ko naman siya I-se-seduce? Anong connect nun sa gagawin kong pag-iimbistiga? How can I find out the truth by seducing him? " Takang tanong ko. "Tsk! Tsk! Malamang! Kung gusto mong malaman ang totoo kung lalaki ba talaga siya at nag-papanggap lang. malaki ang magiging tulong sayo ng pang se-seduce. Ang mga lalaki pag se-ne-seduce. Tinatayuan yan. Pagtinayuan si Drake sayo. Confirm! 1000k% Adonis yun. Lalaking lalaki yun." Wika ni Evie. Na tila ay siguradong sigurado Ito sa mga sinabi. Pano ko gagawin yun? Nakakapanood na ako ng mga nang se-se-seduce na babae. Ngunit kahit na minsan hindi ko naisip na gagawin ko din yun. Halos taasan ako ng lahat ng balahibo sa katawan sa isiping I-se-seduce ko si Drake. Base kasi sa mga nagbabasa kong pocket book noon at sa mga napapanood ko. Kapag nag-se-seduce Ang bidang babae sa bidang lalake sa bandang huli may nangyayari sa pagitan ng dalawa. Parang hindi ko yun kaya. "Alam ko yang iniisip mo jhass. I said, seduce him. Hindi ko naman sinabing makipag s*x ka sa kanya. Kung baga, just tease him. Patakamin mo lang ba. Pero na sayo pa din yun kung bibigay ka. Your 22 at alam mo na ang ginagawa mo." Nakangising turan ni Evie. ..... Matapos nang napag-usapan namin ni Evie hindi na ako nakapag focus sa mga sumunod na klase. Parang lumulutang sa alapaap ang utak ko. Muntikan pa akong mapahiya sa klase ng tawagin ako ng professor para mag recite. Buti nalang at alam ko yung sagot. "For final defence, ready your report and all requirements that you needed for the panel. Class malapit na ang defense niyo and after that graduation na, kaya yung mga dapat ayusin ayusin na. " It was Mrs. Bunyi, our professor in last subject. Malapit nanga pala ang graduation tapos iniisip ko pa yung sinabi ni Evie. Hindi ko alam kung gagawin ko ba yun o hindi. I admit that I was tempted to do her suggestion. Ewan ko ba! Parang may tumutulak sa akin na gawin ang sinabi ni Evie. Hindi naman sa may doubt ako kay Drake, Dahil sa mga narinig ko mula kay Evie, nagdadalawang isip ako. Pano na? Anong gagawin ko? Bahala na! Bahala na kung anong mangyayari. 5pm natapos ang buong class ko. Inaayos ko na ang mga gamit na nagkalat sa lamesa ko. "Jhass tara na." Aya sa akin ni Evie. May usapan kasi kami na gagawa kami ulit ng thesis ngayon. Nagpaalam din ako sa cafe na di ako makakapasok. Malapit na ang defense kaya doble kayod kaming dalawa ni Evie. "Wait lang." Sagot ko dito habang sinisilid ang ilang libro sa aking bag. Nang matapos na ako sa pag-aayos, lumabas na kami ng room at nag simula ng maglakad. Malapit na kami sa gate ng University ng mahagilap ng aking paningin ang isang lalaking nakatalikod. Likod palang kilala ko ang nag mamay-ari. Bigla nanamang bumilis ang t***k ng puso ko. Likod pa lang niya naghuhurumintado na ang puso ko. Maslalong nabaliw sa pagtibok ang puso ko ng dahan-dahan itong humarap. Shit! Yung puso ko! Feeling ko matatanggal na dahil sa sobrang bilis ng pagtibok. "Tsk! Attached lang daw. Ehh likod palang ang nasisilayan parang hihimatayin na." Bulong ni Evie na nasa tabi ko. Hindi ko nalang iyon pinansin at diretsong tumingin kay Drake. Kung pagmamasdan ko si Drake ngayon, lahat ng mga sinabi ni Evie sa akin. Lahat yun parang totoo. Hindi siya mukhang bakla. Mas mukha siyang modelo ng isang sikat ng brand ng mga relos at tux. His wearing a navy blue tuxido, burgundy tie and black slacks. Matching Gold wrist watch. Ang sapin naman nito sa paa ay branigan black cup toe leather shoes. Nakapamulsa ang dalawa nitong kamay habang may malaking ngiti sa labi. Napairap ako ng di oras ng bigla akong sikuhin ni Evie. "Hinay-hinay. Baka matunaw." Babala niyo na may kasamang pang-aasar. Napanguso akong bigla. "Hi!" Bati ni Drake ng makalapit na kami dito. Ngumiti ako bilang tugon. Pero ramdam ko ang panginginig ng aking labi. "Where you go guys? May lakad kayo?" Tanong ni Drake sa amin pero sa akin lang siya nakatingin. Hindi ko nga pala nasabi kay Drake na may gagawin kami ni Evie. "Are you asking US?!" May diin na tanong ni Evie. Kaya napalingon ako bigla dito, ngunit ng ibalik ko ang tingin ko kay Drake sa akin pa din siya nakatingin. s**t! Kalma self. "Yes!" Sagot ni Drake na saglitang lumingon kay Evie at muli nanamang tumingin sa akin. Ano ba to! Feeling ko matutunaw na ako. Bakit ganto siya makatingin sa akin? Pakiramdam ko kakainin niya ako ng buhay. "Ahh! Kala ko si jhass lang tinatanong mo ehh!" Evie said in sarcastic tone. "Hinay-hinay lang sa pagtitig, namumula na si Jhass. Bahala ka! Pag nahimatay yan ikaw mag bubuhat dyan." Nanunudyong turan ni Evie. " That's fine. I can carry her." Tugon naman ni Drake. Pakiramdam ko sa mga oras na Ito. Nagliliyab na ang mukha ko. "A-ano bang pinag sasabi niyo? Bakit naman ako mamumula? Hindi ako namumula no!" Tanggi ko sa bintang ni Evie. Kahit ang totoo, kahit walang samin sigurado akong kasing pula na ako ng kamatis. "Defensive." Tudyo ni Evie. Umirap lang ako. "Tsk! Denial queen!" Si Evie ulit. Tumawa naman si Drake sa sinabi ni Evie na tila alam nito at na babasa nito ang laman ng isip ni Evie. Kaya tumingin ako kay Drake at marahan ko siyang hinampas sa braso sabay irap. "So ano guys? Do you have plan for tonight?" Tanong ni Drake ng makabawi Ito. "Ikaw, baka meron kang balak gawin kay Jhass?" Balik tanong ni Evie sa huli. "Actually. Yayayain ko siyang lumabas. Kaso mukhang may lakad kayo?" Patanong nitong sabi. "Oww! I'm sorry Drake. Gagawa kami ng thesis ngayon." Si Evie na ang sumagot. Kita ko ang pagbagsak ng balikat ni Drake, pero saglit lang iyon at muli agad itong sumigla. Bakit parang nanghihinayang ako sa Date na yun? 'hoy, jhass. Yayayain kalang kumain sa labas. Hindi sinabing mag da-date kayo. Assumera! Bulong ng isang bahagi ng isip ko. "That's fine, may ibang araw pa naman. So...... Hatid ko na kayo?" Prisenta ni Drake. "Oo ba. Libre pamasahe din yan no?" Sagot ni Evie. Agad na kumaripas ng takbo si Evie papasok sa sasakyan ni Drake. Habang ako naiwang kasama si Drake. "Akin na bag ko." Ani ko. Ngunit agad na nilayo ni Drake ang bag ko para di ko makuha. "Ako na." Ani nito. "So....." si Drake "So, what?" Tanong ko. "May lalaki bang lumapit sayo?" Walang ka gatol gatol nitong tanong. "Wala." Sagot ko. "Mabuti naman." Ani nito na may pagbabanta sa tinig. "Mabuti, Ang ano?" "Mabuti walang lumapit sayo. Kasi kung nagkataon. May papasok bukas dito na basag ang mukha! Good girl." Sabay gulo nito sa buhok ko. Naiwan akong tulala dahil sa sinabi niya. Nakaawang pa ang aking labi habang sinusundan ang likod ni Drake na naglalakad sa pinto ng kotse nito. "Jhass let's go!". Sigaw ni Evie nanasa back seat. Agad akong tumugon at dumiretso kay Drake. Pinag buksan niya ako ng pinto at kinabitan ako ng seat belt. "Ang daming langgam." Parinig ni Evie. Umirap ako habang si Drake ay ngingisi-ngising umalis at umikot sa driver seat. *** Nang makarating kami sa tapat ng apartment ni Evie, naunang bumaba si Evie at nagpaalam na sa aking mauuna na itong umakyat. Naiwan nanaman akong kasama si Drake. "So.... Una na ko." Paalam ko dito. "Wag! Maaga akong ma-bu-byudo." Nasamid ako sa sarili kong laway dahil sa banat ni Drake. "A-anong pinag sasasabi mo? Tanong ko ng makabawi ako. "Wala. Nag jo-joke lang." Sagot nito. "Di magandang joke." Sabay irap ko. "Hindi nga, ayokong mabyudo ng maaga. Di pa nga ako nakaka score." Hindi ko na narinig yung sinabi niya. "Akin na nga yang bag ko! Di bagay sayo." Pano ba naman yung bag ko kulay pink na shoulder bag tapos yung damit niya pang office. "Ito naman galit agad." Pinisil niya pa yung mukha ko. Kaya tinabig ko yung kamay niya. "Sige na. Akyat ka na. Text me if your done. I'll fetch you. Understand?" May diin nitong utos. Tumango nalang ako at kinuha na ang bag ko. Gusto ko ng umalis. Di ko na kaya yung t***k ng puso ko. Nang makarating ako sa tapat ng pinto nang unit ni Evie, huminga muna ako ng malalim bago tatlong beses na kumatok. Nang bumukas ang pinto di maipinta na mukha ni Evie ang bumungad sa akin. "Kala ko di na kayo matatapos sa pag lalandian. Di na kayo nahiya sa single." Pangbungad nitong pahayag habang naglalakad na papasok ng apartment. "Anong landian? Di naman ahh!" Tanong ko ng makaupo na ako sa sofa. "Anong tawag mo doon? PDA? Ay mali PML pala.". "Anong PML?" Tanong ko. "PML! Paminsan-Minsang Landian." Sabi nito sabay irap. ***** Medyo pagod na ang katawan ko. Parang gusto ng pumikit ng mata ko. Pero hindi ko magawang pumikit. Kakatapos lang namin tapusin ni Evie ang thesis namin. Ngayon ay nasa loob na ako ng sasakyan ni Drake. Sinundo niya talaga ako. Mukhang bad trip pa nga ng makita ko ito sa labas ng apartment ni Evie. Salubong ang mga kilay nito at nagtatagis ang ngipin. Bakit daw di ko siya tini-text. Bakit daw di ako sumasagot sa mga tawag niya. Ehh malay ko bang nag text at tumawag siya. Nakapatay kaya cp ko dahil na dead bat. "Dapat di mo na ako sinundo." Basag ko sa katahimikan. "Why?" "Kasi kaya ko namang umuwi." Sagot ko. "I know." He said "Next time wag mo na akong sunduin. Uuwi nalang ako mag-isa." Ani ko. Hininto nito ang sasakyan at tumingin sa akin. "Ayoko! Di ba sinabi ko sayo walang pwedeng lumapit sayong iba lalo na lalaki!" Panimula nito. "Anong connect?" "Hindi ko masisiguradong walang lalapit sayo kung di kita mababantayan. Kaya sa ayaw at sa gusto mo. Hatid sundo kita. That's my final answer and no one can break it." Pag kasabi niya noon pinasibad na niya ang sasakyan. Habang ako ay nakatulala lang sa kanya. Bakit ganun? Parang biglang nagbago si Drake. Simula ng bumalik siya mas naging possessive na Ito sa akin. Dati sanay na ako sa pagiging very protective niya. Pero bakit parang ngayon, na sobrahan naman ata? Pero itong puso ko. Imbes na maiinis dahil feeling ko kinokontrol niya ako. Bakit parang mas natutuwa pa ako? Bakit parang ang sarap sa pakiramdam na sobrang possessive niya? Nakarating kami sa apartment ko na lutang ang isip ko. Agad akong nanakbo sa banyo para maghilamos. Kilangan kong mahimasmasan. Nang mahimas-masan na ako lumabas na ako ng banyo. Nakita kong nakahiga na sa kama ko si Drake, habang hawak ang cellphone. Shit! Ang hot niya tignan ngayon. His wearing a plane white fitted v neck shirt. Kaya kitang kita ko ang kurba ng katawan nito. Pati ang abs nitong sumisigaw. Kumuha na ako ng pamalit at muling bumalik sa banyo para makapag linis na ng katawan. Hindi ko na inistorbo si Drake. Nang matapos akong maglinis lumabas na ako ng banyo. Ganun pa din ang hitsura ni Drake. Nakahiga pa din Ito sa kama ko at hawak ang cellphone. Hindi ko alam kung uupo ba ako sa kama o ano. Bigla akong nakaramdam ng ilang. Napansin siguro ito ni Drake kaya umalis Ito sa pagkakahiga. Lumipat Ito sa nag-iisa kong lumang sofa. Naupo na ako sa kama at tahimik na nagsuauklay. Tumutulo pa ang basa kong buhok habang nagsusuklay. Wala naman kasi akong blower dahil nagtitipid ako. Nakikita ko ang pailan-ilang sulyap ni Drake sa akin. Kapag nakikita ko siyang nakatingin agad naman itong iiwas ng tingin at ibabaling ulit ang tingin sa cellphone nito. Ilang beses ko ding napapansin ang sunod sunod nitong paglunok. Napatingin ako Kay Drake ng bigla itong tumayo. "Alis na ako." Paalam nito. Nilagay na nito ang cellphone sa bulsa at akmang pipihitin na ang door knob ng agad akong napaalis sa kama at napasugod sa kanya upang pigilan itong umalis. Pumikit ako upang kumuha ng lakas ng loob bago ko ibinuka ang aking bibig. "D-dito k-ka na matulog." Pagmulat ko ng mata. Pagkabigla ang nababasa ko sa mata niya, kalaunan ay napalitan Ito ng ngisi sa labi, at ning-ning sa mga mata. Shit! patay!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD