Horizon 7
Shanika's POV
Sa sobrang excitement ko hindi na ako nakatulog nang maayos. Kapag pumipikita ko parang naiimagine ko na yung karera! Parang gumagapang sa katawan ko yung excitement.
Pati sa byahe hindi ako nakaidlip. Nakukulitan na nga si Axel e. Nagpasak tuloy ng ear piece. Okay lang. I am a strong person kaya kong sarilinin ang excitement na nararamdaman ko. pero Ayiiiiieeee! Excited talaga ako!
Focus na focus ako pagdating sa venue. After ng mga pictorials ng team AERO, dinoble check na ni Ate Myls ang kotse ko. Hindi rin magkandamayaw si Axel sa pagkuha ng pictures. Instagramable daw kasi, pero mga pogi lang ang kinukuhan niya. Tirik ang araw naghahanap siya ng prospect. Nandito rin sina ate Ingrid at Ate Zynthia. Makakasama sila ni Ate Mau sa audience. Nakakataba ng puso yung suporta!
"Halika dali!" ano ba naman to! Basta-basta nanghihila. "Look... Look... bilis oh..."
Pictures ng team nina Precious. Kaya pala parang takam na takam tong si Axel e! Labas abs! Nakababa yung mga suits kasi nila. Precious naman! Sana naglaan ka pa ng onting oras sa gym.
"In fairness sa fiancé mo ha? Hindi siya ma-abs pero yummy pa rin."
Binalik ko ang phone niya. "I-delete mo nga yang pictures niya. Pinagpapantasyahan mo."
"Ay...ayy...."iiling-iling niyang sabi na tinataas-taas pa yung phone. "No way. Work of art to gurl."
Tanaw ko mula sa kinatatayuan ko ang grupo nina Precious.
"Hoy hindi mo ba i-gogoocluck si Fiance mo?"
"ano naman ang sasabihin ko. hindi kami close."sagot ko habang isinusuot ang suit ko.
"Simple lang girl. Ganito with feelings ha?" tumikhim siya. Hinawi ang buhok niya tulad ng ginawa ko. Pinaningkit ang mga mata niya saka pumorma na parang lalaki. Gago to. "Precious, mag-ingat ka ha? Ayokong may mangyaring masama sayo pero okay lang kung may mangyari sa atin..." tapos ngingiti.
"Gago! Manyak mo! Minamanyak mo talaga siya!"inihampas-hampas ko sa kanya yung towel ko. sige! Mamula-mula yang braso mo nito!
Tatawa-tawa siya nang maagaw yung towel. "Bango bebelabs. Haha! Amoy bebe."
"Bueset ka kahit kailan!" iniwan ko na nga siya. Puntahan ko sina Precious. I-gogoodluck ko na lang.
"Akala ko hindi na siya makikipagkarera. Siya pala ang representative ng Skipbeat e." sabi ni Neil. Binigay niya sa akin ang list ng participants. "Magaling yan si Nikee."
Hays! Kainis naman! Akala ko si Shorty ang makakalaban ko e. Tsk! Nagmadali akong lapitan sila. Nagmamanman lang si Precious, naka-team uniform na lang siya tulad nung Nicole na busy sa pagchecheck sa makina.
"O nabahag ba ang buntot mo? akala ko ikaw ang makikipagkarera." Patutyada ko dito. Nag-angat siya ng tingin. Kunot noo siyang tumingin sa akin. Cute. Parang tutubuan ng pangil.
"Hindi naman siya ang manliligaw ni Chloe. Kaya ako ang makikipagkarera." Sabad nitong si Nikee. Hindi naman siya ang kinakausap, siya ang sumasagot. Bastos din to e.
Tsk! Pa-hero effect naman to.
"Nagpapakabayani? Laos siguro yang kaibigan mo. anglakas ng loob maghamon pero sasaluhin mo lang din pala."
Bakit ba nila bini-baby si baby ko? What? Ano ba tong naiisip ko. E nakakainis tuloy, nabawasan ang excitement ko!
"Shanika! Kanina ka pa hinahanap ni Niel. Mag-uumpisa na ang race." Si Ate Myls yan. Para naman akong maliligaw.
"Sige ate. Saglit lang." Balik ang atensyon k okay Nikee "Galingan mo."
Bago ako umalis ay binalikan ko pa ng tingin si Precious pero nakapako ang atensyon niya kay Ate Myls na papalayo na.
Hay. Parang alam ko na kung ano ang nararamdaman niya. Yung mga mata niya naging malamlam. Napapaisip tuloy ako, sana hindi ko na pinilit sina ate na sumama dito. Baka alam na ni Precious ang relasyon nila e. Hay! Sumakit ulo ko bigla.
--
Tapos ang elims at Semis! Pasok ang kagandahan ko sa finals! Nakakabilib talaga ako minsan e! haha. Kidding. May ilang minuto pa ako para makapagpahinga. Water break! Grabe! I feel dehydrated! Ibinuhos ko sa mukha ko ang tubig. Angsarap!
"Oh okay ka lang?" tanong ni ate Myls. "Magaling talaga ang Skipbeat. Dapat every two years na lang sila sumali e."natatawa niyang sabi.
Tumango lang ako. Parang tagilid nga ako e. Naupo ako. Sumandal ako saka pumikit. Parang lumalabo kasi ang paningin ko. Gawa siguro ng init to.
"Okay ka lang talaga?"
Nag-okay sign ako pero nanatiling nakapikit. Mukhang kailangan ko nga talagang magpagawa ng salamin. Hay! Hindi ko bagay. Baka magmukha pa akong si Miss Minchin kung nagkataon.
"Gurl! Gurl!" boses ni Axel.
Pinilit kong magmulat. Duguan ang damit niya. Napaayos ako ng upo tuloy. "Anong nangyari sayo?!"
"Hindi ako! Si ano.. si Precious! Jusko yung babaeing yun gurl! Pinagsusuntok yung salamin e. Nakakainis. Tinulak pa ako e tutulungan ko lang naman siya."
"Teka kumusta siya?"
"wow. Masakit. Ako kaya kumustahin mo? Sakit ng likod ko." reklamo niya. "Ewan ko. Binalot ko ng tuwalya mo yung kamay niya. Sabi nito habang sinusubuang mag-stretch.
Ano ba naman kasi ang nangyari Precious. Pati salamin susuntukin. Gusto ko silang lapitan, gusto kong kumustahin. Pero kailangan ko rin magreserve ng energy ko para sa finals.
--
Bakit anghirap magfocus? Ilang beses akong muntik ma-off track! Hay! Malalagot ako kay ate nito mamaya! Nakakahabol naman ako pero magaling si Nikee. Leche! Pinakain niya ako ng alikabok! Pero mas gusto ko na ngang matapos to. Paano ko ba malalapitan si Precious para kumustahin?
Pagkababa ko sinalubong ako ng team. Hindi naman nakakahiya yung pangatlo. Napapalingon ako sa team nina Precious pero kinyog na sila ng fans. Tsk. Ako rin naman ay naging abala sa mga interviews.
"Muntik ka na dun ah." Nag-uusig na bungad ni ate bago niya ako yakapin. "Okay ka lang?" ginagap niya ang magkabilang pisngi ko.
Tumango naman ako. Ate, pinaiyak mo si Preciouc. Gusto walang lumaba sa bibig ko.
"Namumula ang mata mo."sabi niya. "Okay ka lang talaga?"
"Opo. Bini-baby mo naman ako e. nakakahiya oh."reklamo ko.
Tinawag na kami para sa awarding. Maya't-maya ang tingin ko kay Precious na inakbayan nung kaibigan nilang si Nicole.
"Uy gurl! Nalipad isip mo. Picture-picture muna."agad ni Axel sa atensyon ko.
Humarap na ako sa mga camera. Itinaas ko ang trophy saka ko binigay kay ate Myls. Sila na bahala diyan, hindi ako lubusang masaya.
--
The next day, nasa bahay ako nina ate. Early Christmas celebration dahil aalis ako. Gusto kong mag-spend ng pasko sa Boracay.
"Hindi na ba magbabago ang isip mo?"tanong ni daddy. "Fisrt time mong magcecelebrate mag-isa."
Ngumiti lang ako. "Lagi namang may first time diba? Gusto ko lang. Nang makapag-isip rin ako. Tingnan mo dad, wala pa akong boyfriend. Tanda ko na." biro ko sa kanya.
"Oh gusto mo nang lumagay sa tahimik? Marami ka namang manliligaw, wala ka bang nagugustuhan sa kanila? Si Aldrin. Mahal na mahal ka nun, bakit hindi mo siya bigyan ng pagkakataon?"
Inaanak niya si Aldrin. Sabi nun maghihintay daw siya hanggat mahalin ko siya. korni. Hindi nga ako kinilig e. nakakainis lang din kapag umaaligid. Parang boyfriend, napapaaway pa kapag may nakikipagclose na lalaki sa akin.
"Ganito na lang dad, kung nauuhaw ka. Iinumin mo ba ang tubig sa dagat? Diba hindi? So hayun, kahit mahal niya ako kung ayaw ko sa kanya wala siyang magagawa."
"Ikaw talagang bata ka. Baka gelpren din ang hanap mo e. Umamin ka may nagugustuhan ka na ring bang babae?"
Hindi ako agad nakapagsalita, pero hinihintay niya ang sagot ko e.
"Yung huling nagustuhan ko dad nasa piling na ng iba dahil tanga ako."
"Pero may bago kang nagugustuhan. Tama?"
Humalukipkip ako at tinaasan siya ng kanang kilay. "Daddy! Tigil-tigilan mo ang pagbabasa ng gestures ko. nakakainis ka!"
Tumawa lang siya saka pinisil ang pisngi ko. "Kung saan ka masaya bunso. Susuportahan ka naming pero pag-ipunan mo ang IVF ha? Gusto ko ng makukulit ng Shanika dito sa bahay."
Yun lang din naman ang hiling ni daddy e. Mga apo.
"Makipagsex na lang kaya ako dad?" hahaha! Hindi ko maipinta ang mukha niya talaga. Nag-abot ang kilay e. "Joke lang. IVF dad. IVF."
Kasi ang usapan naming tatlo, kung biological son or daughter dapat IVF kaysa makipagsex sa donor. Hello! Ayoko din naman! Baka maghabol pa yung lalaki no. Shanika na e, baka maghabol sa rights niya sa bata.
Kinatok ko si ate sa room niya. Katatapos din niyang mag-empake. May 3 days get away sila ni ate Myls sa Baler.
"ate, pwede kitang makausap?"
"Oo naman. May porblema ba?"
Inabot ko ang Christmas gift ko sa kanya. "Merry Christmas muna." It's a watch. "Pwede ba nating pag-usapan si Precious?" deretsahang usapan na para walang gaanong drama.
Nilapag niya ang regalo ko sa side table bago naupo sa kama. Tinapik niya ang espasyo sa tapat niya. "Kaibigan mo siya?"
"Acquaintance." Sagot ko. "So? Pwede kong malaman ang side mo? Naging kayo ba?"
Umiling siya. "Almost."
"Ate, yung totoo. Bakit mo iniwan?"
"Dahil natakot ako nang malaman ko kung sino yung unang taong minahal niya." sagot niya saka ngumiti. "Hindi ko inakala na sa tinagal-tagal ng panahon gagawa pa rin ang tadhana ng paraan para magtagpo sila."
"Kalokohan yang destiny ate. Kung talagang mahal mo siya noon sana pinaglaban mo. Tsk. Nasasaktan tuloy yung tao hanggang ngayon." Tumayo na ako. "Weird mo talaga. Tara na sa baba. Gutom na ako." Naglakad na ako papunta sa pinto.
"Shan..."
Nilingon ko siya. "Yes?"
"Kumusta ang puso mo?"
"Healthy ate. Don't worry. Pero parang nanlalabo ang mata ko kailangan ko na ng salamin. Pagawa ako bukas."
Nagmadali na akong bumaba dahil nagugutom na talaga ako! Napahawak ako sa dingding nang bigla akong makaramdam ng pagkahilo at naging blurry ang paligid. Kainis naman to. Mariin akong pumikit. Nang nagmulat ako ay unti-unti naman luminaw ang paningin. Hooh! Kailangan ko na talaga magpacheck up!
--00—
Boracay. Alone Time.
Sarap ng nakabakasyon! Binisita ko yung mga kaibigan kong may-ari ng resorts. Perks of having AEROBO's Service Car. Haha! Imbes na magswimming, para akong nag-inspection ng mga resorts. Binigyan pa ako ng mga flyers nila. Para-paraan din sila sa libreng endorsement e. Usually kasi pinopost naming ang mga ito sa AEROBO Pages.
Nasuyod ko na yata ang mga bars dito e. Angsaya lang kagabi sa new year's countdown. May gustong makipagflirt sa akin. Feel naman niya type ko siya. Umorder pa nang umorder ng alak. E dinadaya ko lang siya kasi kapag hindi siya nakatingin binubuhos ko sa buhangin yung alak. Haha! Ako pa talaga? Ang papaandaran niya e mata pa lang niya may balak na!
Unang araw ng Enero, nag-eedit ako ng videos para sa sss ko. napagod na rin akong maggala. Bukas kailangan kong bumalik sa Davao. Balik trabaho na rin. Pinilit ko na si ate dahil kailangan ko na ng pera. Kailangan ko nang mag-ipon.
Hay! Inihiga ko muna. Hay! May foreigner na nangungulit kanina sa isa sa mga resort. Hinihingi ang number ko. BInigay ko ang number ni Margarito. Haha! Tatawag yun panigurado para magreklamo.
Hay! Nagugutom na ako. Sa labas na ako magdidinner. Kailangan sulitin ang bakasyon! I want it somewhere near the sea. Nagpalit ako ng shorts. Yung may bulsa para mapaglagyan ng pera. Nakakatamad magdala ng bag or wallet e.
Where to eat? Dito na lang sa Summers' BTCH. Dito kami madalas kumain ni Ate Mauren kapag kasama siya e. Siya yung nacurious sa pangalan kaya napatanong siya. Interesting history. Beatrice-Toni-Cerise-Heroine ang meaning ng BTCH. Yung Summer naman, pangalan ng kaibigan nilang namatay nang iniligtas sila sa pagkalunod.
Oh wait! Anong ginagawa niya dito?! Si Precious! May kasamang babae! Hindi yung friends niya. Hoy! Precious! Kikipagflirt ka ha?! Pigaan ko ng kalamansi yang kamao mo e! Yung babae naman lick nang lick sa labi niya.
Naka-ball cap siya at nakaopen yung loose polo siya. Aba! Nagpapapogi! In fairness to you Precious bagay mo ang boyish looks. Mas lumalakas ang appeal mo. Nakita niya ako pero umirap lang siya. E de inirapan ko din! Ako? Si Shanika? Papakabog? NO Way!
Pagkatapos kong umorder ay naupo ako sa mas malapit sa kanila. Sumisimple sa hita yung babae ah! Hay! Feeling niya kinaganda niya yang two piece at abs niya. Mukha naman siyang hipon. Tapon ulo kain katawan. Hay nakaka-high blood. Makikipaglandian na lang hindi, hindi na naghanap ng medyo maganda.
Nandito rin pala ang mga kaibigan niya. Heto papalapit sa akin yung pinakapayat sa kanila. Jasmine ang pangalan niya. Masasabi kong siya ang pinaka-cute ngumiti sa apat. Yung Nicole, hindi ko mabasa ang ugali. Hindi ko na pagsasakitan ng ulo dahil parang nakakatakot siya tumingin.
"Hi...Alone?" ang-flat naman ng greetings niya. Feeling ko naman kahit may kasama ako makikijoin pa rin siya e.
"May nakikita ka bang hindi ko nakikita?" Pagsusungit ko sa kanya.
"Wala. So can I join you here? Binabantayan ko kasi yung kaibigan ko inaantok naman na si Nicole. Nakakabored mag-isa."
See? Sinungitan ko na pero makikiupo pa rin. Hindi na nga hinintay kung payag ako o hindi e. Hinila na niya yung bakanteng upuan saka umorder ng Juice.
"Nagtanong ka pa kung uupo ka rin agad."
Iniayos niya ang upuan niya nang sa ganun ay nakaharap siya sa kinaroroonan nina Precious.
"teenager ba siya para bantayan? E angyabang pa nga niyan e." naalala ko kasi yung paghahamon niya sa akin. Angtaas ng confidence e. mga 7'2!
"HIndi naman porke mayabang e experienced na. Niyabangan ka siguro pero para sa amin teenager pa yan si prey sa pakikipagflirt. Kaya ssssh... naggaguard ako ng teenager." Pagtatanggol naman niya. Siyempre kaibigan niya alangan ilalaglag niya diba?
"Want some beer? It's on me."
"Sure. Flavored please. Medyo I don't wanna get drunk."
Siya na siguro ang masasabi kong may pinakafriendly na aura sa kanilang magkakaibigan. Tinawag ko ang waiter para sa orders. Nagsalin siya sa baso. Itinungga ko naman na yung isa. E paano nahagip ng tingin ko na pinisil ni Prey yung pisngi nung babaeng kamote! Wow! Bilis mo Precious!
"So how's you stay here? Wala kang kasama talaga?" nabaling ulit kay Jasmine ang pansin ko. Pero hindi ko gusto ang aura nung girl! Instinct! I trust my instinct!
Tumango ako. "First time. Ayoko lang magspend ng Christmas and new year with family."
"ah okay. There is always a first time. After the race dumeretso ka na rin dito?"
Umiling ako. Sagot ko habang maya't-maya din ang tingin ko sa kinaroroonan nina Precious. "I spent time with ate Mauren's family."
"Family mo din. Kapatid ka niya diba?"
Tumango ako. "Half sister ko."
"So nakamove on ka na?"
Nakamove on sana naman? Nag-abot ang kilay kong napatingin sa kanya.
"Kay Chloe. Moved on ka na sa girlfriend ng kaibigan ko?"
Ay pang-asar din to! Mapanakit din magsalita e.
"Masyado mo namang ineemphasize yan girlfriend ng kabigan mo." Nakangiti kong sagot sa kanya. In fact, I feel better. Kung saan masaya si Chloe, susuportahan ko na lang. "I'm trying. Kaya nga ako nandito." Pagsisinungaling ko. Hindi naman yung ang purspose ko kaya ako nandito e. Uminom ulit ako. Sarap ng lamig nito! "Kidding. I know I f**k up. I wasn't there when she needed me. So heto consequences ng katangahan ko."
"Cheers to that. Cheers to your katangahan!"
Baliw to. "Cheers to my katangahan!"
Nakatatlo na rin ako. Sina Prey umorder na rin ang beer. Naku Prey! Yang kamay mo! Kung saan-saan na humahaplos!
"Yung kasama mo kanina, may chemistry kayo." Pag-oopen ko ng topic.
"huh? Si Nicole? Haha! Yuck dude. Yuck. Hindi kami talo no." natatawa niyang sagot sabay inom.
"Why? Bro code? Bes lang?"
"No. Hindi lang talaga kami talo. It's beyond bro code."
Beyond brocade? Okay. Either blood related or a promise that should not be broken. Kumbaga, close pero walang malisya at hindi kailanman malalagyan.
"Okay. Inom na lang tayo. Cheers to new friendship?"
"Nagtatanong ka ba? Of course cheers to new friendship! Pero secret muna baka patayin ako ni Nikee kapag nalaman niyang friends ako sa karibal niya. haha!"
Naging mas madaldal na rin siya. Napunta na sa trabaho ko. Kung saan ako nag-aral. Kailan yung first flight ako. Etc.
"Uy alam mo ba may nabasa ako. masarap daw magmahal ng piloto kasi dadalhin ka sa langit. Hahaha! Totoo ba yon?"
Haha! Walanghiya to! Parang madalas i-joke yun sa mga piloto. Kaberdehan din ng nakaisip e. "Siguro pero mas masarap magmahal ng photographer."
"Oh shut up! Move on dude! haha! Hindi ka mahal ni Chloe!"
Hindi pa nga siya lasing Kakampi pa rin siya ni NIkee e! haha! Inom na lang ulit. Pang-ilan na ba to parang walang tama.
"So lahat kayong magkakaibigan lesbian?"
She shoke her head no. "SI Nicole straight."
"Nakailang girlfriends ka na?"
Ay chic gurl siguro to! Napaisip e!
"What? Let me guess, you're that person in your barkada na maraming girlfriends? Or boyfriends?"
Ngumiti lang siya. Okay. That's a yes.
"Oh I see. So nakailan ka na?"
"Forgot the count of them? Like tatlong dates na lang sa kalendaryo ang wala akong ka-monthsary."
"s**t. Seriously? Anong dates naman yun ha?"
"15th, 17th, and 29th."
"wow. So you had 27 relationships. s**t. Angpogi masyado."
"I know right. Hindi ba halata?"
"Halatang-halata. Let me guess 27 relationships and hundreds of flings? Tama?"
"Nababasa mo ba ang nasa isip ko? or stalker kita?"
"Wow! Feeler! Haha! Never akong nagstalk no. Pero nevermind. You have your reasons. Ganda ng sunset no?"
Magdadapit-hapon na. hindi ako fan ng sunset pero naapreciate ko ang works of nature.
"Yeap. But mas maganda ang buwan."
"Ah so moon person ka pala?"
"Yes! Sobra! Feeling ko tumutubo ang pangil ko kapag nakatitig ako sa buwan! Haha! Roar!"
NO dull moments siguro sina Prey kapag kasama tong si Jasmine. Parang lahat na lang may naikakabit siyang kalokohan e.
"Narinig mo na ba yung tale of the sun and moon?"tanong ko dito. One of my favorites kasi yun.
"Not familiar."
"Ah ganito, hindi naman talaga sun and moon yun e. Ipinangalan lang yung couple sa sun and moon. Pero gaya ng araw at buwan minsan lang sila nagkikita dahil parang romeo and Juliet ang family nila. Gets mo? angsad." Pagkukwento ko. hindi ako magaling sa story telling kaya plot na lang. I just read it somewhere sa internet. Na-amaaze lang din ako kung paano naisulat yung kwento nakakadurog ng puso.
Hay. Parang hindi ko kakayanin kapag napunta ako sa ganung sitwasyon. Mahina ang puso ko ah! Baka ikamatay ko na. pero nagpromise ako na kapag natagpuan ko yung taong gugutuhin kong makasama sa buhay, gagawin ko ang lahat para mapasaya siya at piliin din niyang makasama ako.
"Hindi ka marunong magstory tell! Hahaha! Pero yeah sad."
"Sorry piloto kasi ako hindi storyteller. So tell me miss Racer. May Mr. or Ms. Sunny ka ba sa buhay mo?"
"Hindi pa tayo close para pag-usapan yan huh." Binottoms up niya yung alak. Saka ulit nagsalin.. "Feeling mo close na tayo." Ngayon naman parang bata na ang mood niya.
Haha! Pikon pala to e!. "Guilty as f**k!"
Seryoso siyang tumingin sa akin.. "And if I am?"
"nothing. Sad lang if moon and sun situation nga kayo."
"Yeah. Siguro nga. Pero hayaan mo na. Ganun talaga. Short live love story and a goodbye." Malungkot niyang sabi.
"Sometimes goodbyes are not forever. Malay mo tulad ng eclipse magtagpo ulit kayo." Ngiti ko sa kanya. "Angdaming possibilities sa mundo e." Tulad namin siguro ni Precious. Minsan gusto ko nang maniwala sa destiny dahil tulad ngayon wala sa hinagap ko na makikita ko sila dito pero heto kami sa iisang lugar. At s**t!!! Yung babaeng kamote, inilapit ang bibig niya sa tainga ni Precious. At double s**t dahil may pasimple siyang inilagay sa inumin ni Shorty.
"Let's join your friend. Masama ang kutob ko dun sa kasama niya. Parang may nilagay siya sa drinks ng friend mo."
"huh?"
I stood and got the two bottles of beer. "Tara na. Seryoso ako."
Pareho silang nagulat nang makita kami. Lalo si Prey na nakatingala sa akin. Sakit sa batok? Sorry matangkad ako e.
"She's my date. Small world no?" Palusot nitong si Jasmine.
"We got bored. Would you mind if we join you?" hindi ko na hinintay ang sagot nila dahil napansin ko ang pagkadismaya ni Gurl sa pagdating namin. Masama na ang tingin ko sa kanya. Kung nakakamatay nga lang ang tingin baka dugu-duguan na to e.
"hi..." bati ko kay girl. "Shanika. And you're?" inilahad ko ang kamay ko.
"Claire." Nagkamay kami. Wala akong pakialam sayo Precious! Hindi ako tinatablan ng mga nakakamatay mong tingin.
Uminomg siya ng alak gamit ang kaliwang kamay niya. "Alam mo ba marunong akong manghula. Tingnan ko yang palad mo."
Hesitant siya pero mapilit ako e. Hinaplos ko ang kanang palad niya. "Right handed ka siguro. Medyo magaspang e. Masipag ka rin siguro no?" biro ko dito.
Nahahagip ng tingin ko ang inis sa mukha ni Prey. Haha! Sorry Shorty! Angcute mo din mainis e.
Tumango si Claire. So right handed. Here comes trouble Claire!
"Turista ka rin dito?" tanong ko ulit sa kanya."Parang familiar ka kasi. Baka naging kliyente ka na naming sa AEROBo." I am trying to do fast talk to test her.
Tumango siya. Pero napatingin siya sa kanan at binawi ang kamay niya. Nilagok niya ang natitirang alak sa baso niya. "Anglambot ng kamay mo. Kinakabahan ako." She said in trembling voice.
"Pwede mo ba akong samahan sa CR?" sabi ko dito.
Pinaunlakan naman niya ako. Nauna siyang naglakad. She is no tourist s**t! Pagdating sa CR, hinigit ko siya sa braso.
"Subukan mong sumigaw malilintikan ka sa akin." Pagbabanta ko sa kanya. I pinned her towards the door while I got her bag. Nagpupumiglas siya pero hindi siya makalabas. HEIGHT IS MIGHT ang labanan dito miss. Sorry! Sigurado akong nandito ang basyo nung gamot na nilagay niya!
Got it! Sleeping Pills.
Nang makuha ko ang ebidensya ay tinulak ko siya sa may lababo. Basag ang labi niya at tumutulo ang dugo pagkaangat niya ng mukha niya.
Susugurin ko pa sana kaso baka ako pa ang makasuhan ng physical injury dito. Siguradong may mga back up na pangdurugas pa tong babaeng to.
Pero hindi e! Si Precious na yung binalak niyang biktimahin! Mabilis akong lumapit. Hinablot ko ang buhok niya.
"Ano pa bang kailangan mo?!" naiiyak na niyang sabi.
"Ito." Sagot ko saka pinadapo sa magkabilang pisngi niya ang palad ko. Tinatlo ko pa sa kaliwang pisngi niya na siyang ikinadapa nito.
Sampal lang nakatulog ka na?! Anghina mo! Nireport ko siya sa manager ng resto. Sila na ang bahala sa kanya. Iti-nurn over ko din ang nakuha kong sleeping pills sa kanya.
Binalikan ko na sina Precious. s**t! Sabi ko na e!
"O anong nangyari?"
"Saan si Claire?" hirap niyang sabi. Tinutulungan niyang tumayo nang maayos si Precious.
"Iniwan ko sa CR. b***h e. Kaya mo ba siya?"
"Kita mo nang nahihirapan ako tatanungin pa. Tulungan mo na nga ako dito."
Kung pwede ko lang kargahin si Prey ginawa ko na. Kaso baka mahulog siya dahil anglikot e. Si Jasmine hindi na rin straight maglakad. Grabe lang!
Nang makarating kami sa tapat ng room nila hindi pa agad nahanap ni Jasmine ang susi. Nagulat na lang ako nang bigla akong hinawakan ni Precious sa magkabilang pisngi.
"Saan ka ba galing? Angtagal kitang hinintay Angel."
I look like an angel but I know hindi ako yung tinutukoy niya. Pero pagbibigyan kita.
"Sa Manila. Nakipagkarera ako sa mayabang na bansot."
Umismid siya saka tinapik-tapik ang pisngi ko. "Namiss kita." Pagkasabi niya nun ay bumagsak siya sa akin. "I miss you Angel."
Sino ba yung Angel na yon? Subject to research.