--6--
Prey's POV
"Grabe Bruh. Feeling ko magiging dilaw ang buhok mo tapos ika-kame-hame wave si Shanika."tatawa-tawang sabi ni Nikee. "Nakakatakot ka. Siguro tatangkad ka bigla kapag galit na galit."
"E kung ibuhos ko sayo tong kape?!"
"Scary. Haha! Oh cake ka muna." Iniusog niya sa harapan ko ang platito. "Nang mabawasan ang init ng ulo mo."
"May Precious Love ka dito Bruh? Gusto ko kumalma."
"Opkors! Teka kunin ko sa kwarto."
Chineck ko ang messages ko. Maraming texts si mommy. Ngayon pala yung charity work na ini-sponsoran niya. nawala na rin sa isip koi to dahil excited ako sa SPEED PRIX. Nag-call back na ako para humingi ng sorry.
(Mas importante yang Race kaysa dito anak?)
>>>babawi ako next month. Promise. Sasamahan kita...
(Ilagay mo sa schedule mo yan hija... Magtatampo na talaga ako sayo.)
>>>opo. Nakahanap na ba si Daddy ng model?
(Oo. Ime-meet daw niya this week. Kung pwede lang hija kayong apat na ang maging model ng Racer's Lux.)
>>>Mom...
(Please hija? I'd be very happy kung kayong apat ang makikita ko sa bill board...)
>>>Kausapin ko sila...
Racer's Lux. Magdadalawang taon na rin nang ni-release ng Ocean Drift Spa ang apat na scents ng lotion. Tinuruan nila kaming apat kung paano magformulate ng scents.
Flirty Moon
Victorious Gen
Autumns' Hope
Precious Love
"Oh yan na." Pinatong ni Nikee ang lotion sa mesa. "Magtimpla ka kaya ulit ng Scent? In-demand yan e. Try mo ulit baka ika-bigtime pa na tin yan."
Umiling ako. Naglagay ako ng lotion sa palad ko saka pinahid sa braso. Inamoy-amoy ko ito hanggang kumalma ako. Mixture of mint and a little of prescripto 88. It was her. That someone who hugged me in one of our social experiment.
"Naalala mo bruh yung nabueset ka sa akin? Kasi hindi ko na-save yung social experiment?"tatawa-tawang kwento ni Nikee. "Siguro kung na-save ko lang yun nahanap mo na yung girl of your scent no?"
"Gago..."
Girl of my scent tawag niya dun sa babaeng hindi ko makalimutan ang amoy. Siya rin inspirasyon nitong Precious Love. Ito na lang ang makapagpapaalala sa akin ng isang yakap na sana ay tinanggal ko ang piring ng mga mata ko pra makita ko kung sino siya.
"Uy day dreaming! Haha!" pang-aasar ni Nikee. "Bruh, what if lang ha? What if makilala mo siya?"
"Ilang taon na ang what if mo na yan. Paulit-ulit lang din ang sagot ko. magpapayakap ulit ako."
Napuno ng tawa niya ang kusina. "Diba sabi mo sakto ka sa boobs niya? haha! Ayos yun bruh! Unang yakap boobs agad! Hahaha!"
Bueset to! Kung wala si Chloe napupuno ng kaberdehan ang utak! Matingkad na berde!
Desidido siyang kunin ang slot ko sa race dahil oras ni Chloe ang nakataya sa paghapon ko kay Shanika. Angkapal naman kasi ng mukha nun. Egnaged na nga at lahat eepal pa rink ay Chloe. Hindi porke matangkad siya at medyo maganda pwede na siyang lumandi nang lumandi. Unfair naman sa fiancé niya.
--
"Akala namin makakasama ka namin sa pasko." Si mommy yan. Hindi pa tapos ang pagtatampo niya. Nagpaalam kasi ako sa kanila na after ng race deretso na kami sa Boracay. Tinyempuhan kong nanonood sila ng movie para goodvibes. "taon-taon na to anak ha."
"Next year mom, dito na ako magpapasko. Pramis."
"Pagbigyan mo na ang anak mo Mahal, baka dun niya makilala ang magiging byenan natin." Cool na sabi ni Daddy. "Pogi o maganda dapat hija ha? Bigay mo sa akin ang resume kapag nagustuhan mo nang makilatis ko kaagad."
"Lagi mong kinokonsenti tong anak mo sa kakagala niya kahit special occasions." Pagsalungat ulit ni mommy.
"Kapag nakapag-asawa na ako mommy, dito na kami lagi magpapasko at new year."tinaas ko angk anang kamay ko. "Pramis yan..."
"Anong taon na ba ngayong mahal?" baling ni mommy kay daddy. "2018 na ba next year?"
Tatawa-tawa si daddy. "Kung pwede lang mahal nang makapag-asawa na tong si Precious natin."
Hay! 2018. Napailing na lang ako sa sobrang cool ng mga magulang ko. hay sana may kapatid ako para may iba silang kukulitin e. kaso selosa nga pala ako. Yun laging sinasabi ng mga tita ko, kaya hindi na nagbuntis si mommy kasi selosa daw ako.
"nga pala anak pirmahan mo to bago ko pa makalimutan." Inabot sa akin ni daddy ang short envelope. "Nakalagay diyan ang kontrata na kapag wala ka pang girlfriend o boyfriend sa 2018 ay ako ang pipili ng magiging asawa mo. Kung ilan ang magiging anak niyo at kung saan kayo ikakasal."
"Po? Kailangan talaga to?"
"Oo naman. Negosyante tayo hija kailangan ng black and white." Inabot niya ang bolpen. "Oh ito blue bolpen for legal documents para sure ka na hindi palsipekado ang kontrata natin."
"Grabe. Pumili ka ng quality daddy ha? Siguraduhin mo." Iiling-iling kong sabi habang pinipirmahan ko ang anim na kopya ng kontrata.
Si mommy nakikisama din sa trip ni daddy, pinicturan pa ako na parang artistang nagsasign ng kontrata. Sobrang expose na social media ang mga magulang ko pati pagbabalik ko ng kontrata at pag-shake hands naming ni daddy may picture din.
Itatago daw ni mommy yung picstures kapag nai-print niya para wala akong takas. Hay! I do have cool parents but too cool to handle.
"Bakit pakiramdam ko may napipisil na kayong mapangasawa ko?"
Oh God! Ayoko ng mga ganitong ngiti ni daddy!
"Pero gaya ng nasa kontrata hija hahayaan ka naming pumili ng magiging girlfriend. Applicable lang naman yung kontrata natin kapag wala ka pang girlfriend pagdating ng 2018."pagpapaliwanag ni daddy. "Nga pala kumusta kayo ni Hannah?"
Hannah Ismael. Boring kausap. As in boring! Puro pagmamasters niya ang ibinibida niya. Kaya cancel siya sa hindi ko papasa lovelife ko.
Hay!
Isang idea ang pumasok sa isip ko. Ipapahanap ko si Angel Clareth!
--
Nag-ensayong mabuti si Nikee. Minsan nahahaluan lang ng kalokohan dahil kay Jasmine. Pangalawa at huling araw ng pag-eensayo maaga kaming natapos. Nagyaya si Jasmine sa Railey's Cradle. Bar kung saan kami madalas tumambay.
Sa lasing ni Jasmine, nanghalik na siya ng babae sa stage pero siya yung natulala. Haha. Buti nga sa kanya. Bumalik na kami sa VIP area. Minsan lang tong maramihang inom kaya sige na rin ako. Sinasabayan ko na si Jasmine. Hindi ko na maintindihan ang mga sinasabi ni Nikee. Puro siya Chloe.
Sa bagay nung ako ang inlab, sumakit din suguro ang tainga niya sa kaka-mauren ko.
"Bruh tingnan mo yon..." itinuro ko kay Jasmine yung babaeng nakablue na tube. "Bruh hahalikan ko yon..."
Tumawa siya. "Gago! Hindi mo nga kayang manghipo e. hahalik pa! Haha! Lasing ka na bruh!"
Binigay ko na sa kanya yung bote ng alak. "Tara bruh... Hahalikan ko talaga..."
"Bruh,cr tayo." Hays! Bruh naman! Kung kailan poporma ako e magyayaya ka pang mag-cr. Nakarami na din to. Baka mamaya magwalwal drama na naman to e.
"Lagot ka kay Chloe bruh. Lagot ka talaga."
Akay-akay ko tong si Nikee hanggang sa CR. Leche kayong mga babaeng haharang harang! Tatapon ko kayo sa ocean e! Tsk! Takbo siya sa cubicle. Nagsuka-suka na.
"Bruh!"
"Okay lang. okay lang. tangina okay lang!"
Okay lang daw. Ako nga umiikot na rin ang paligid e. Pero mas matatag ako dito. Mas kaya ko! Pramis bruh! Kaya ko pang maglakad ng straight. Tangina! Angbago ng sinuka niya. parang pati ako naduduwal na din.
"kaya ko. ."
Pinilit niyang tumayo. Humawak siya sa braso ko. tangina ka NIkee! Angsakit ng pagpisil niya sa pisngi ko!
"Bruh! Taba mo bruh! Diet ka pota. Angtaba."
"Tapon kita sa Ocean! Tangina!" pinalo ko ang kamay niya. "Gago! Nanakit ka na ah!"
"Thank you bruh! Thank you..." lasing na nga.
Shit! Parang aso to talaga pag nagwalwal. "s**t! Bruh naman!" hinaplos-haplos ko ang braso ko. mantakin mong kinagat niya! hindi lang basta kagat! Nanggigil na kagat! Kung kagatin ko din kaya siya?!
"Bruh! Pakagat nga ulit bruh. Sige na!"
"Ayoko! Tara na sa office ni Ate Railey."
Lasing na nag-aakayan. Bueset kasi to mas nahilo ako sa amoy ng suka niya. Kaya pagbalik sa mesa pinaubaya ko na siya kay Nicole at Jasmine. Baka sakaling mawala ang kalasingan ko kapag uubusin ko yung alak. Nagbottoms up ako ng dalawa pa. s**t!
Umaandar tong mesa naming. May aircon!
"Bruh! Itatapon ko sa ocean lahat ng malalandi dito! Unahin kita bruh!" turo ko kay Jasmine. "Sa Dead sea bruh! Dun kita tatapon!"
May nagtakip ng bibig ko. Ah! Si Ano to... si Nicole! Amoy pa lang alam ko na!
"Shh...tahimik..."
Pinilit kong tanggalin ang kamay niya sa bibig ko. "Bruh! Bruh! Minahal ako ni Mauren? Sabihin mo oo..."
"ewan...tumahimik ka..."
E! Dapat sagutin niya ako. "Alak pa bruh! Penge pa!"
Tropang gising, tropang gising, tropang gising-sing
Mga praning, mga praning, mga praning-ning
Paulit-ulit kong kinanta yan. May isa pa akong favorite na kanta ni Francis M. Yung Cold summer night! Kinakanta ni Mauren yon e!
"Nic.kanta tayo Duet... Yung ano... Yung Francis m..."
Lasing siguro si Nicole. Hindi man lang ako sabayan sa pagkanta e. Tapon ko din to sa ocean oramismo! PAgod na akong kumanta. Hindi naman nila ako sinasabayan.
Pagod na ako. Pagod na akong hindi pa makamove on kay Mauren. Bakit pabalik-balik na lang siya sa isip ko? Bakit kasi duwag siya. bakit niya ako iniwan sa ere. Tangina. Piloto talaga siya. nang-iiwan sa ere.
"Nicole...yakap..." sumiksik ako sa kanya.
Pinahid niya ang luha ako.
--
"Salamat sa paghatid." Si daddy. Boses at amoy ni daddy yon! Naalimpungatan tuloy ako. Pinangko pala ako ni daddy. "Dito na rin kayo matulog."
"Hindi na tito. Sa condo na lang."boses ni Nicole yon. "Alis na kami tito."
"Dad! Kaya kong maglakad." Ibinaba naman niya ako pero alalay pa rin siya hanggang makarating ako sa tapat ng kwarto ko. "Dito na dad." Tinaas ko ang kanang kamay ko. "Pramis. Hindi na ako lasing."
"Sigurado ka?"
Nag-okay sign ako. "Strong kaya to. Sige na dad." Tinulak ko siya pataliko. "Can manage. Can manage."
Naiwan ko palang nakabukas ang lampshade kaninang umaga. Hay. Buti hindi nag-overheat. Pinaglalaruan pa ako ng kalasingan ko? parang naamoy ko yung prescripto 88 at mint! Dala lang siguro ng alak to. Tamad na akong maligo. Humiga na ako. Niyakap ko ang unan. s**t sa antok! Kinapa ko ang phone ko para magpatugtog. Yung all-time favorite kong Francis M songs.
Good night world! Good Night pain! f**k you!
--
(Earlier)
SHANIKA
Hindi na ako pinag-ensayo ni ate Myls. Masosobrahan na daw ako. Kaya nag-isip na lang ako ng ibang bagay na gagawin. Humingi ako ng appointment kay Tito Peterson para maisettle yung schedule ni Axel sa pictorial.
Isinama na rin niya kami sa mga branches ng Ocean Drift. Nang hapon naman tinulungan namin si Tita Mariane na mamili ng mga libro.
Sabi ni Axel baka hindi ko daw mamalayan hanap-hanapin ko na nag company ng mga parents ni Prey. Nakiusap kasi si Tita na dito na langa ko matulog sa kanila dahil wala daw si Prey. Baka hindi rin umuwi. Puspusan ang pag-eensayo siguro ng babaeng yon.
Maghapon kami nagluto ni tita. Palpak lang yung luto ko kaya nabusog yung mga aso! Haha. Sorry agad tita! Nagvideoke pa kami. Haha! Anghyper ni tito! Sinabayan pa talaga ako sa pagkanta ng Stupid Love!
Pati mga kasambahay nila nakiparty na sa amin e. Hinablot ko ang mic kay kuya gardener.. FAVORITE KO TO E!
Tumingin sa salamin naalala ang nakalipas
Masakit palang maging (what) panakip butas
Pero bago ang lahat ipag-tatapat sinta
Mahal kita sincerely yours SHANIKA...
(Stupid) –sabay-sabay na sigaw namin. Haha! Angsaya nito gang chorus sabay sabay na e. pati sa third verse.
Nagmix ako ng drinks. Hindi ko sinasadyang nadamihan ko ng gin kaya nalasing na sila. Haha! Ayaw nila kaming pasunurin sa microphone!
Hay! It's really a Merry Christmas! Kaso inaantok na ako. Anong oras na ba? Past 12:00 na rin pala. mga kasambahay na nga ang kaparty ko dito e at si tito Peterson na kainuman yung drayber nila. haha!
Naalimpungatan yata si tita. Kunot ang noo na pababa ng hagdan e. "Mahal, anong oras na magpahinga na kayo."
"Alam mo ba hija? Noong bata-bata pa ako balak kong magpatattoo dito e." nagflex si tito ng bicep niya. "Para kapag tinawag ako ni Misis papakita ko lang tong muscle to tapos aalis na siya."
"Sa takot tito?"
Tumawa siya. "Hindi hija! Kasi ang ipapatattoo ko "sunod na ko!" oh de aalis na siya."
Haha! Lasing na to si Tito!
"Magpahinga ka na rin hija. Dun ka na sa kwarto ni Prey. Hindi naman na yong uuwi ngayon."
Nakaready na ang pares ng pajama sa ibabaw ng kama ni Precious. Dinala ko ang mga ito sa banyo. Baka magmukha akong tokong nito! Haha!
Ang-organize naman ni Precious sa banyo. Kulang na lang lagyan ng labels e Siguro kapag nakipagrelasyon siya hindi siya papayag na walang label.
--
Sa wakas fresh na! Tokong nga! Haha! Sumara naman yung pang-itaas pwede na rin. Hindi na ako kakabagin nito. 1:30 na. oras na ng pagtulog.
Napatigil ako paglabas ko ng banyo. Nandito si Precious! Yakap-yakap niya yung unan. Okupado niya yung buong espasyo ng kama. Saan ako matutulog nito? Ayoko naman sa sahig.
Amoy alak pa siya. bibihisan ko ba? O hindi? Hay! Huwag na nga. Baka isipin pa niya pinagsamantalahan ko siya pagkagising niya. mukha pa naman siyang iyakin.
Maingat ko siyang iniayos para magkaroon ng space para sa akin. Walang unan na pwedeng ilagay sa gitna namin.
Antok na antok na ako. Bahala na diyan. Bahala siyang maghysterical paggising niya.
Humarap ako sa kanya. Sapat lang yung liwanag para mag matitigan ko siya. Ano kaya ang magiging reaction mo kapag nalaman mong fiancé mo ako? Magkakagirlfriend ka kaya bago 2018? Maganda ka naman, siguro magkakagirlfriend ka o boyfriend.
Napunta ang tingin ko sa mga labi niya. Dim light makes her lips sexier. Nahalikan ka na ba Precious? Hindi mo naman siguro to maalala. Lasing na lasing ka e. Hinawi ko ang buhok niya. Unti-unti kong inilapit ang mukha ko sa kanya. An inch closer and I could smell her breath.
Fuck! Hindi tama to! Parang lalabas pagsasamantalahan ko pa siya. Dumapo ang labi ko sa noo niya.
Good night Precious. You must be kissed by someone you love and not by your stranger fiancé.
--
Nang magising ako, nakayakap sa beywang ko si Prey. Gosh! Tinanggal ko ang pagkakayakap niya sa akin. Iwas eskandalo baka akusahan niya ako ng r**e no! Bumangon na ako. 7:00 na rin pala. Buti na lang mahimbing ang tulog niya.
Nagkakape sina tito at tita nang makababa ako. Nakapantulog pa rin ako. Isiniksik ko na lang sa bag yung damit ko.
"Good morning po. Tito uuwi na po ako. Hinahanap na ako ni ate e." pagsisinungaling ko.
"Nakatulog ka ba nang maayos hija? Umuwi pala si Precious kagabi. Lasing na lasing e."Sagot ni tito. "Hindi mo na ba hihintaying magising?"
"Hindi na po. At kung maari lang po sana huwag niyo na po mababanggit na dito ako natulog. Hindi po kasi naging maganda ang pagkakakilala namin e. Kaibigan siya ng karibal ko dati."
Confused ang tingin nila sa akin. "Si Chloe ba?"
Tumango ako. "Pero nirerespeto ko naman po ang desisyon ni Chloe. If ever gusto ko ng fresh start with Precious as friends. But I think that is impossible."
"Kung yan ang gusto mo hija. Bisitahin mo pa rin ako ha? Hayaan mo yang si Precious ko bugnutin lang yan pero mabait siya" Nakangiting sabi ni tita Mariane pagkatapos ko siyang yakapin. "At si Nikee? Mabait din yon. Magkakasundo din kayo lalo at memorize mo ang stupid love." Saka siya tumawa. "Paulit-ulit niyang tinutugtog yun kapag inaasar niya si Precious ko e."
Inihatid ako ni tito sa may kotse ko.
"Hija, sana huwag mong masamasamain ha? Kumusta na si Mauren?"
"Okay lang naman po si Ate. Bakit po?"
"Gusto kong maging tapat sayo hija. Si Mauren ang dahilan kung bakit madalas malungkot si Precious ko." paglalahad ni tito. "Yan anak ko kasi masyadong transparent na bata yan. Ilang beses man niyang ipagkailan sa amin ng tita Mariane mo pero ramdam namin na hanggang ngayon ay si MAuren pa rin ang iniiyakan niya."
"Naging sila po ba ni ate?"
"Sa pagkakaalam ko ay hindi pero minahal siya ni Precious. Pero iniwan niya ito sa ere."
"Sa bagay tito, minsan mas mahirap makamove isa isang almost a relationship." Bumuntong hininga ako. "Huwag kayong mag-aalala, kung iniwan siya ni ate susunduin ko naman siya sa ere. Sa tamang panahon. 2018?" Confident kong sinabi. "Pero tatalunin ko pa siya bukas tito para makuha ko ang closure na kailangan ko kay Chloe."
Napailing si tito.
"Sige po."binuksan ko na ang pinto. "Merry Christmas po. Salamat sa masayang party kagabi."