--5--
May shoot sina Chloe sa Persona ngayon. Perfect timing to para makausap ko siya. Ilang beses na akong nag-attempt nung nagmeeting sila pero hindi niya ako inentertain.
"Gurl, desidido ka na ha? Paano kapag ayaw ka niyang kausapin? Tapos sweet sweet pa sila ni girlfriend. Tapos masasaktan ka. Tapos mag-iinuman tayo gurl..." pagdadaldal ni Axel habang ini-spray sa leeg niya yung pabango ko. "Angloyal mo sa Prescripto 88 gurl. Pagbutihin mo kakaunti na lang kayong loyal."
"Gago. Hindi ako malalasing. Hindi mo ako maiuuwi." Nang binalik na niya ang pabango ko ay binilisan ko nang naglakad. Bahala siyang manakit ang paa sa paghabol sa lakad ko. Haha! Arte-arte kasi wala namang shoot ngayon e naka-3 inches pa.
"Hoy! Hintay naman!"
Tumigil ako sa paglalakad para lingunin siya. "Bakit kasi nag-three inches ka. Arte-arte mo."
"Langya nagpapraktis ako! Teka nga masakit na talaga e."
Hay! Isinuporta ko ang kaliwang tuhod ko para maayos na makaluhod. "Hawak ka maigi sa ulo ko." Utos ko sa kanya. Tinanggal ko ang lock ng sandals niya. Hay! Angkomplikado naman ng lace nito. Putulin ko na lang kaya ang paa niya? haha!
"PDA..." nagpanting ang pangdinig ko.
That voice! Nag-angat ako ng tingin. Siya nga! Si Prey. Pero nakatalikod na siya ilang dipa na ang layo niya sa amin.
"Uy! Saka mo na pakatitigan yang lab or yur layp. Tulungan mo muna ako."
Mag-i-slippers din naman pala angdami pang arte sa 3-inches sandals na yan. Pagdating sa set ng shoot nina Chloe, inasar-asar na niya ako habang binubusog ang mga mata niya sa kakatitig kay Prey. Precious. Mas bagay niya ang precious. Ka-size niya kasi yung sa movie na Lord of the Rings. Yung nagsabi ng My Precious. Haha! BiteSize kung chocolates. Haha.
Siniko ako ni Axel. "Ngumingiti mag-isa, kinikilig ka no? No? hoy!"
Winaksi ko yung tangka niyang pagkiliti sa akin. "Huwag ka nga. Angharot mo. Pagkamalan pa tayong magjowa dito. Isipin nila may backer ka kaya na napasok sa Persona."
Natauhan na siguro siya kaya tumigil. "Jusko! Pambablack mail mo. Bakit ba kasi ngingiti-ngiti ka? Crush mo na rin si Prey? Uy! Sa akin na muna siya habang hindi mo pa crush."
"ewan ko sayo. Naimagine ko lang kung sakaling magpakasal kami. Hanggang kili-kili ko lang yata siya."
"Don't worry gurl. Magpapantay din kayo kapag lam mo na..." binigyan niya ako ng isang nakakalokong ngiti. "Honeymoon gurl. Ewan lang kung hindi kayo magpantay nun.hahahah!"
Walanghiya to. Buti na lang talaga hindi niya naiuwi si Precious nung gabing yon e. baka pinagpantay na niya ang katawan nilang dalawa. Oh my gosh!
Hinawakan ko siya magkabilang balikat. Na-awkward pa yata siya nung tiningnan ko siya sa mga mata niya.
"Uy anong tingin niya? don't me.."
TInaasan ko siya ng kanang kilay. "Don't lay your eyes on her."
"Ay possessive!"pinalo niya ang kamay ko. "Stop-stop ka Shanika ha. Angbilis mo talaga magshift ng pagkagusto sa tao. Racer ka nga. Shift gear real quick."
"Ewan sayo. Sinasabi ko lang. Sa iba ka na lang magkagusto huwag kay Precious."
"Bakit nga?"
"Ewan. Sabi nito." Turo ko sa isip ko. "Hindi ko alam. Basta huwag lang sa kanya."
"Reserve=reserve gurl ganun? Hindi kayo pwede ni Chloe kaya pagtitiyagaan mo si Precious?"
Hindi ko kasi naman maintindihan e, siguro kasi personally kilala ko ang parents ni Precious, tapos nakakahiya naman na kaibigan ko pa ang manloloko sa kanya kung sakali. f**k reasons! Hay! Ewan! Real quick lang kaya talaga? Naisuklay ko ang mga daliri ko sa buhok ko.
"s**t talaga. Bakit kayo napapasabay sa pagsuklay ng buhok."
Tingnan mo to. Isang segundo lang nawala ang pansin ko sa kanya inuubos na naman niya ng titig si Precious.
"Rich silang magbabarkada diba? Pero tamo si Fiance mong hilaw pumorma. Nakapambansang bag at slippers. Ano kaya ang nasa bag niya." pambansang bag ang term ni Axel sa Jansports. Nung isang araw light blue ang bag niya. Ngayon naman neon green.
Tapos na ang shoot! I'll try my luck! Nilapitan ko na si Chloe habang wala si Nikee.
"Chloe, pwede ba kitang ayain for dinner?" Kinakabahan kong tanong sa kanya.
"Kapal din ng mukha mo no?" Hay! Precious naman! Nakikisabat ka sa usapan ng matatangkad. "Dude, nakita mo nang masaya na sila sisingit ka pa? kung wala kang respeto sa sarili mo irespeto mo naman sila."
"Hindi ikaw ang kausap ko dito." Mataray kong sabi sa kanya. Panira ng moment e! Kakausapin ko lang naman si Chloe. Yun lang! Pakialamera pala tong anak ni Sir Peterson. Parang gusto ko nang magback out sa usapan naming.
"Makakausap mo lang si Chloe kapag natalo mo ako sa Speed Prix." Malakas ang loob nitong si Perez! Ang-angas e! Nakatingala naman sa akin. Tsk.
"Sino ka naman para makisabat?" Napaismid ako. Haha! Of course kilala ko na siya. Nagmeet na kami e. gusto ko lang siyang buwesitin kasi nakakabuwisit din yung pakikisabad niya sa usapan. s**t! Bakit angcute niya bigla nang humalukipkip. Building confidence Precious? Natatangkaran ka siguro sa akin.
"Kaibigan ako ng girlfriend ng babaeng gusto mong kausapin na malinaw namang ayaw kang kausapin."
Kayliit na tao pero angtaray. Mas matangkad sa kanya ang self-confidence niya. Interesting.
Dumating na si Nikee. Nawala na naman ang pagkakataon ko para kausapin si Chloe. Hay! Bago ako malampasan ni Precious ay pinigilan ko siya sa kaliwang braso. Pumalag siya pero hindi niya maiwaksi ang pagkakahawak ako sa kanya.
"Angtapang mong maghamon. Ikaw ba ang girlfriend?"
Hindi siya nagback down sa staring contest namin. Natural mestisa, rosy cheeks. Siguro kaunting exposure lang sa init ng araw nito mamumula kaagad. Angbilis pa ng mga mata niya. Almost perfect eyebrows. "Angtapang mong lumandi kahit engaged ka na."
Ano? PAano niya nalaman? Lumuwag ang hawak ako sa braso niya. Nabaling ang tingin niya kay Axel na papalapit na sa amin.
"Okay ka din e. Magpapasarap ka muna bago magpakasal?! Anong balak mo?! Lalandiin mo tapos iiwan mo rin lang?!"
What? Kung anu-ano na ang pinagsasabi niya. kung ibang tao lang to napatikim ko na ang mag-asawang sampal sa panghuhusga sa akin e. Pero para akong napako sa kanatatayuan ko hanggang sa tinalikuran niya ako.
"Hoy... naengkanto ka diyan..."
"huh? Ano?" Nakalayo na pala siya.
Siniko ako ni Axel na siyang nagbalik ng tamang pag-isip ko. "s**t gurl! Bukod kay Miss Silv siya pa lang nakapagpatulala sayo ah. Aware ka bang sinigaw-sigawan ka niya sa harap ng maraming tao? Hello! Hayan, expose nang engaged ka tuloy."
Shit?! "Sinabi mo ba ang lahat sa kanya?"
"Slight niya." pagmuestra niya sa kamay niya. "Infairness Gurl, mataray. Nakakashokot huh. So ano? Nakausap mo?"
Umiling ako. "Kailangan kong talunin si Precious sa Speed Prix para makausap si Chloe."
Lumapit sa amin ang isang staff. "Miss Shanika pinapatawag po kayo ni Miss Zynthia. ASAP daw po."
Lagot na naman!
--
"Tsismis lang yon. Iba na ang sikat diba? Laging laman ng balita." Pagrarason ko. May tsismosa talaga dito e. wala pa ngang 30 minutes nakarating na agad sa pinsan ko ang nangyari. Gosh! Daig ko pa ang artista! "Pramis ate chika lang talaga yon." tinaas ko ang kanang kamay ko na parang nagrerecite ng panatang makabayan.
"Siguraduhin mo lang yan Shanika. Baka isang araw mabalitaan na lang namin na nakitanan ka na ha? Iwas-iwasan mo nga ang mainvolve sa ganung eskandalo. Nakakahiya e."
"Oo na. E yung kaibigan nina Chloe naman ang eskandalosa e. Kababaeng tao..." simangot ko na. "Kakausapin ko lang naman si Chloe."
"Natural magagalit yon. Angkulit mo kasi. Kung hinayaan mo na lang sila de wala kang problema. Accept it. Consequence yan ng ginawa mo." Pangangaral ulit niya.
Hindi na ako umimik.
"Oh trending ka na naman sa twitter."sabi niya habang nakatutok sa phone niya.
Binuksan ko ang twitter sa phone ko. Angbilis naman. May nagtrend na hashtag tungkol sa akin.
#ShanToBeMarried
#ShanikaEngaged
Ano ba to? Ilang katao ba meron sa shoot kanina? At ilang dun ang nakafollow sa akin? May mga broke daw kasi ikakasal na ako? Sino daw si lucky guy. Angswerte na man daw kasi angsexy ko. Marami rin ang bastos oh. Ganito madalas ang comments sa mga post ko na nakatwo piece lang ako or sexy dress. Malilibog na mga tao to.
Angsarap sigurong buntisin ni Shanika...
Nakakailang rounds kaya siya? Swerte ni hubby! Sana ako na lang.
Tiningnan ko yung profile. s**t! Kahit lasing ako hindi ako papatol sa ganitong lalaki. Mukhang sunod na siyang totokhangin e.
Nakatanggap ako ng direct message galing sa isang masugid na manliligaw. Si Dr. Kelly Untalan, neuro surgeon. Ilang beses ko na siyang binasted pero hindi pa rin nagsasawa.
Napakahaba ng message niya! Ganito to e kapag may mga nagtatag sa akin na maganda o pogi o kaya may pinost akong may kinalaman sa love. Magmemessage siya ng napakahaba. Anglakas maka-ex boyfriend ang drama niya e. Nakailang epilogue na to ng pamamaalam sa akin e. As if pipigilan ko. Hindi ko na lang siya nirepply. Baka paraan din to para tuluyan na siyang tumigil sa panliligaw.
Oh tumatawag pa! Walangya! Hindi ko sinasadyang nasagot. Nag-iscroll pa kasi ako.
>>Hello...
(Totoo ba?)
>>>Yes. Engaged na ako...
Napaangat ng tingin si ate Zynthia. Sinenyasan ko siyang tumahimik muna. Pero nag-abot ang kilay niya. tinakpan ko ang mic ng phone.
"Si Kelly. Angkulit e."
Tumango na lang siya.
>>Hello Kelly.. Sensya na..
(May boyfriend ka na?)
>>>Fiancé ... bakit ba hindi ka naniniwala?
(Hindi ka nagpopost ng pictures niyo kung sino man yang lalaking yan. For the past few months wala kang pinost na lalaking pwede boyfriend mo. I know you too well. Alam ko kung kailan may kilig sa mga mata mo...)
>>>Excuse me? Mayron tayong tinawatawag na low-key At hello none of your damn business kung engaged ako o nabuntis ako o kahit magpakasal ako sa kung sino ang gusto ko. Bye!
"Hay! Angkulit!" in-off ko ang phone ko.
"Ano ba ang ayaw mo kay Kelly? Mabait naman siya."
"Naku ate! Bading yon. baka maging kaagaw ko pa yung sa lalaki if ever. Hindi mo naamoy? Sabi ni ate Mauren baka siya pa umubos ng BB cream ko e."
Natawa naman si ate. "BI s****l ka naman. It's a tie."
"Come on! Hindi tulad niya ang tipo ko. Change topic."Sabi ko na lang saka naupo sa tapat ng working table niya. "Ate nood kayo ng Speed Prix ha? Baka hindi kasi manood si Ate Mauren. SIge na? Support mo na ko. Magcheer kayo ni ate Rid."
"Manenermon na naman si Mauren niyan. Hindi ka ba nagsasawa sa karera? Muntik ka nang mamatay noon sa mga ganyan ha."
Umiling ako ng ilang beses. "Hindi namna porke muntik na akong mamatay sa kotse e maaksidente ulit ako. Saka matagal na yun. Bata pa ako nun, move na kayo ate. Please."
"sabihin mo yan sa ate mo."
"Wala na siya magagawa. Mahal niya ako e pagbibigyan pa din niya ako." Pagyayabang ko. "Konting lambing lang mapapa-Oo ko na siya."
"Spoiled kahit kailan."
--
Siguradong sasalubungin ako ng maraming tanong ni ate kaya bibilhan ko muna siya ng pasalubong. Precious Love. Haha! Lotion. Nakita ko lang dito sa mall. Ocean Drift Scents and Spa. Ewan ko pero natatawa ako sa pangalan e. katunog nung favorite song ni daddy. Yung Ocean Deep! Haha! Naaliw ako sa Precious e. Ito sweet ang amoy, yung kilala kong precious mapait ang mukha. Haha! Hindi naman sweet, pero malapit-lapit na sa amoy ng prescripto 88 kaya nagustuhan ko na rin.
"Ehem, good choice..."
Nilingon ko ang tumikhim. Si Mr. Peterson! "Sir!" nakipagkamay ako sa kanya.
"Sir?"
"Ah tito pala." Alanganing ngiti ko sa kanila. "anong ginagawa niyo po dito?"
"We own this. And yang hawak mo, pinangalan ko sa kanya dahil yan ang kaisa-isang scent ng lotion na tinimpla niya." nakangitng pagkwento ni tito.
Lumapit ang isang babae sa amin. Heroine. Yan ang nakalagay sa nameplate niya. "Sir, hindi daw po available yung model na gusto niyong kunin para sa billboard."
"ganun ba. Pang-ilang agency na ba ang tumanggi sa atin?"
"Pangatlo na po sir."
"Sige. Hanap pa ulit kayo ng pwedeng model."bumaling sa akin si tito. "Mahirap tong challenge ng asawa ko sa akin. 10th anniversary kasi nitong Spa. Ako ang nakatoka sa paghahanap ng model. Ayaw niya ng mga sikat na. Gusto niya fresh sa modelling industry."
"De yung mga kaibigan ni Precious po. Magaganda naman sila. O si Precious mismo."
Napakamot sa ulo si tito. "Ayaw ni Precious kahit anong pagkumbinsi namin ng mama niya."
"Tutulungan ko na lang kayo tito. May kilala ako. Maganda siya. Kung gusto niyo po ngayong din pwede nating maka-meeting."
Confused na ang tingin ni Tito. "hindi mo naman yan girlfriend no?"
"Kaibigang babae." Paglilinaw ko. Nagring naman ang phone ko. Si ate MAuren. Lagot! Muntik ko na siyang makalimutan. "Huwag na pala nating i-meet tito. This is good as yes na. Ako na ang bahala sa kanya."
"Sure ka?"
Nag-okay sign ako. "Yes po. Paano mo tito? Kailangan ko na pong umuwi e. bilhan ko pa si ate ng pasalubong."
Bumili ako ng isang Precious Love at Autumns Hope. Bahala na lang siyang pumili mamaya.
--
Naratnan ko sila ni ate Myls sa living room. Girlfriend niya yan si Ate Myls. Magdadalawang taon na sila sa February. Close sa family si Ate Myls, at botong boto sa kanya sina daddy. For some reason na hindi ko na inalam. Basta masaya si ate.
"Hi ate Myls. Ready na sa training?" bati ko sa kanya. Kasama ko siya sa team AERO. Super magaling siya sa makina. "Race na tayo sa 23. Galingan natin."
Ngumiti lang siya. "Pumayag na ba tong ate mo na sasali ka?"
Nakahalukipkip si ate na nakatingin sa akin. Nakataas pa nga ang kanang kilay e. sungit ni ate.
Naupo ako sa tabi niya saka yumakap patagilid. "Ako na lang ang natitirang magandang kapatid mo. Payagan mo na ako please?"
"Ano ba kasi ang nakukuha ninyong dalawa sa karera na yan? Ikaw? Hindi ka ba takot mamatay pag naaksidente ka diyan?"
"Mamatay agad? Grabe ate. Mahospital muna. At na-try ko na. so okay lang." MAtagal na yun. Bata pa ako noon. Naka-get over na ang katawan ko sa trauma. Hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya. "Please ate. Panoodin mo ako ako sa race. Ikaw lang hindi pa nakanood ng race ko. Sina daddy at tita supportive. Ikaw lang hindi oh."
"Idinadaan mo na ako sa pangongonsensya ha..."
Natawa ako nang bahagya. "Slight lang. Asahan kita sa 23 huh? And may pasalubong ako sayo. Kunin ko sa kotse."
Tumakbo ako patungo sa kotse. Kinuha ko yung dalawang lotion. Uhm yung Autumn's Hope na alng sa kanya.
"Patingin nung isa."sabi niya nang inabot ko yung lotion.
"E sa akin to. Yan talaga pinili ko para sayo." Hinalikan ko na siya sa pisngi. "Thanks in advance ate. Kunin ko lang yung mga books sa kwarto ko. Punta ako sa orphanage this afternoon."
--
Humabol kami ni Lynn sa charity work nina Ate Llyr. "Buti umabot kayo. Akala ko e in-indian mo na ako."
Nung isang linggo pa niya ito nasabi sa akin e nakalimutan ko. Nagrush tuloy ako sa pamimili ng books para sa mga bata.
"Pwede ba yon. malakas ka sa akin e."
"She forgot."Sabad ni Lynn. "kung hindi ko siya niremind hindi siya pupunta dito."
Naisuklay ko na naman ang kamay ko. "Better late than never. Uhm magdistribute na ako?"
Namigay na kami ni Lynn ng mga Braille story books. Nakakataba ng puso kapag nakikita ko ang ngiti ng mga batang bulag kapag pinapakiramdaman na nila ang bawat letra kwento.
"Basahan mo nga ako."request ko kay Ellen. Ten years old na siya. Nabulag siya nung naaksidente sila namatay ang mga magulang niya. Walang may gustong kumopkop sa kanya kaya dito na muna siya manatili.
"Hindi pa po ako magaling sa braille."sagot niya habang kinakapa ang mga letra. "Ate idescribe niyo nga po yung book cover?"
Habang denidescribe ko ang libro ay nakangiti siya. "Maganda po... Sabi ng doctor makakakita po ulit ako."
"Talaga? Buti kung ganun. Pagpray natin na sana malapit na."
"Pero gusto kong matuto nito. Para pag nakakita na ako magtuturo rin ako tulad niyo po."
Ginather na sila para sa isang story telling. May bago daw sponsor sila ate Llyr. Nagulat pa nga ako nang malaman kong si Tita Mariane ang tinutukoy niya.
"Magkakilala na po pala kayo."sabi ni ate Llyr pagkatapos akong salubungin ng mahigpit na yakap ni tita.
"Oo hija. Nung minsan nagbakasyon kasi kami ng asawa ko ay siya ang piloto ng helicopter."Pagkukwento ni tita. "Next time e isasama ko si Precious dito. Siguradong matutuwa sa mga bata yon."
Lumiliit yata ang mundo namin ni Ms. Mataray. Habang abala sila sa story telling tinawagan ko na si Axel. Naexcite pa siya sa idea na ako ang naghanap ng model.
(Hoy Gurl! Gusto ko yang style mo! Ligawan mo muna ang parents bago si Precious! Haha!)
>>>Gaga! Pinagsasabi mo diyan! Tumutulong lang ako. Ewan ko ba. Lumiliit ang mundo namin. Nandito mommy niya sa orphanage.
(s**t! Destiny is pulling you together Gurl! Kwento mo progress ng love stoty niyo ha? Araw-araw!)
>>>Baliw! Baba ko na to. Malapit nang matapos magstory tell si tita.
(Mommy! Dapat mommy na itawag mo! Haha. Okay! Send mo na lang details ng project: ligaw biyenan mo.)
--00--
Successful ang event kanina. Magdadagdag ng donation na books si tita Mariane. Pero may request, ako daw ang pipick up sa office niya. okay fine. Para sa mga bata.
Alas-diyes na ako nakauwi. Umiinom si kuya Moises.
"hoy! Anong pinagdadaanan natin? Pula-pula mo na oh." Pansin ko sa pisngi niya pagkatapos siyang i-beso. "Si ate?"
"She's on a date. Sasampa na kasi ako ulit next month. Nagcecelebrate lang."
"Weh? Bakit ka malungkot? Uy malungkot siya." pang-aasar ko sa kanya. "May nabuntis ka no?"
Kumunot ang noo niya."Loko-loko. Naisip ko lang magnegosyo na lang para hindi ko kayo lagging iniiwan. Lalo ka na. Mamimiss kitang pasaway ka."
"Oo na lang. inom tayo. Bihis lang ako."
"Huwag na. magpahinga ka na lang. Patapos na rin ako e. nagpa-annual check up ka na ba?"
After that accident, yearly akong pinapacheck up. Lagi ko naman sinasabing maayos ang pakiramdam ko. Na okay ako pero kailangan daw para mamonitor kung may mga side effects ang ginawang operasyon sa akin noon.
Umiling ako. "sa January na lang. I feel healthy naman."
"Bago ako umalis sasamahan kitang magpacheck up. Sa ayaw at sa gusto mo."
"Oo na. May magagawa pa ba ako kung painumin mo na naman ako ng pampatulog gaya ng ginawa mo last year?"
Natawa siya. Naalala niya na malamang kung paano nila ako naisahan ni ate Mauren last year. Sabi e kakain lang kami sa labas, tapos yung tubig ko pala sa resto nilagyan nila ng pampatulog. Paggising ko nasa hospital na ako. Nakakainis.
"Sige na. matulog ka na. Nga pala, Yung manliligaw mong si Kelly. Ako ang kinukulit. Ano ba yung issue na engaged ka na daw?"
Kinwento ko yung insidente sa shoot.
"Precious? As in Precious Perez?"
Tumango ako. "Kilala mo?"
"Oo naman! Kaibigan siya ni Mauren. Matagal na ngang hindi nakakapunta dito yun e."
"Bakit hindi ko na-meet?"
"Dahil mas gusto mong manatili sa dorm kaysa makasama kami. Sayang nga, masaya pa naman kasama yon si Prey. Sa tingin ko nga naging sila ni Kambal e. lam mo na? malakas kutob ko."
"Talaga? Kwentuhan mo nga ako."
"Ayoko. Hindi na nga naming pinag-uuspaan ni Mauren. Next time nga na magbonding kayo ni Prey, isama mo ako. Miss ko na ang batang yon e."
"Haha! Bata. Hindi pa nga siya tumatangkad kuya. Okay. Sabihan kita kapag magkaibigan kami. Kaso mainit dugo sa akin e. Maldita. Mataray. Naliliitan yata sa akin."
--
Nasa harapan ko ngayon ang lotion na Precious Love. Masubukan nga to kung nakakarelax nga. Naglagay ako ng kaunting lotion sa palad ko. Nag-apply ako sa braso ko. Gusto ko yung scent talaga. Hindi nakakarelax, parang nakakaadik. Masculine na soft ang dating. Is this scent meant for bisexual person?!
Ewan ko ba kung bakit suddenly ayokong pagpiliian ni ate ito at yung autumn's hope. Intuation? Hay.
Bothered ako sa nakwento ni kuya Moises.
Iniisip ko ang mga possibities.
Kung naging sila ni ate Mauren, bakit kaya sila nagbreak? Baka mainit dugo niya sa akin dahil kapatid ako ng ex niya? Baka may sama ng loob pa siya kay ate? Baka gamitin niya ako para makaganti?
HOOHH! Ginulo-gulo ko ang buhok ko. Bakit napaka-teleserye style ng naiisip kong scenarios?!
Makapaglotion na nga lang ulit! Ay huwag na pala. Baka mapanaginipan ko lang hinahaplos ako ni Prey. Tinakpan ko na yung lotion at nilagay sa ilalim ng tatlong unan ko. Kumuha pa ako ng extra unan sa closet para ipatong dito. Mabaon ka muna diyan para makatulog ako! Ayokong magkaroon ng thoughts about her! Tatalunin ko pa siya sa Speen Prix!