--4—
SHANIKA'S POV
"Ate kailan magsisimula yung shoot nina Chloe?"
Napatingin sa akin si ate Ingrid, fiancé siya ni ate Zynthia. "Bakit?"
"Gusto kong makausap."prangkang sagot ko.
"Bakit?"
"Ate naman e! Kakausapin ko. Gusto kong magsorry."
Nilapag niya ang nirerebyu niyang sketches. Isinuporta ang mga siko sa mesa at tumitig sa akin. "Kakausapin lang. Hindi mo na guguluhin. Nadisappoint ako sayo Shanika. Honestly, maling-mali na sisihin mo ang mga kaibigan niya sa nangyari sa kanya."
Napayuko ako. Alam ko. Mali! Kaya gusto ko rin silang makausap. Gusto kong humingi ng tawad.
"Sige na ate... Para makausap ko na si Chloe."
"Okay. Pero kapag masaktan ka sa makikita mo huwag mo akong sisisihin."
"Oo na. Sisihin ko sarili ko kasi tinalikuran ko yung taong gusto ko."
Nakuha ko ang schedule nila. Be positive Shanika. Makakausap mo rin Chloe! Ito lang talaga ang sinadya ko dito. Nakaleave pa kasi ako. Inextend ng magaling kong ate kaya January pa ako magreresume.
Sa tanda kong ito bini-baby pa rin niya ako. Sakaka-leave ko baka magtagal na ako sa Airlines. Haha! Hindi naman nila akokawalan, pero sige kunwari kawalan nila ang kagandahan ko.
"Shan! Hoy! Hintay!"
Nilingon ko ang tumawag sa akin. Si Axel Sarmiento. Stewardess siya pero gusto daw niyang subukan ang pagmomodelo kaya nung may pa-audition sina ate nirecommend ko siya. at dahil...ayoko siyang makita sa airlines. Haha!
"Uy..." sinalubong ko ng high five yung tangka niyang pagyakap sa akin.
"Grabe ka. Long time no see tapos walang hug?"
"Hindi bagay Axel. Saka may HD ka sa akin kaya no to hugs."
Ayaw papigil ng loka. Umabre-siete pa. Hay. "Namiss lang kita uy pero wala na akong gusto sayo. May new crush na ako. Poging maganda gurl. As in!"
"Kei kei kei. Sabi mo e. so libre mo ako. Since namiss mo ako."
"Sige. Diyan na lang sa Charmed Café. Balik pa ako dito e."
--
Paano kaya ako magrereact kapag nakita ko na si Chloe. Paano ako magsisimula sa paghingi ko ng tawad? PAano ko iaaproach si Rica? Baka bubuka pa lang ang bibig ko ratratan na niya ako. Si Sophie naman feeling ko silent killer yon. God! Help me! Hihingi lang po talaga ako ng tawad.
Nakatingin lang ako sa labas ng café habang hinihintay si Axel. Nagfefeeling mtv ako sa patugtog dito. Time After Time.
If you're lost you can look--and you will find me
Time after time
If you fall I will catch you--I'll be waiting
Time after time
Hindi ko naman favorite yan pero kapag napapakinggan ko parang may pamilyar na pakiramdam sa puso ko. Hirap ipaliwanag. Masaya na may lungkot? Ewan ko.
"Hoy! Lumilipad ang isip mo gurl." Nilapag na ni Axel ang tray. Kape at blueberry cheesecake ang inorder niya. "Lalim ng iniisip natin ha? Anong meron?"
"Wala naman. So sino na yung crush mo?"tanong ko habang nilalagyan ng asukal ang kape.
"Grabe nag-aapura? Magkape ka muna kaya." Pinunasan niya ang tinodor bago iabot sa akin. "Kain ka muna. Musta yung sugat mo pala? Strong huh? Alak pa?"
Inirapan ko siya. "Crazy. Okay na. Maayos na lakad ko diba? Sino na kasi yung crush mo para makilatis ko."
Kinuha niya ang phone niya. nagbrowse sandali tapos iniharap sa akin yung phone. "Seafarer siya gurl. Na-meet ko sa bar."
Nangunot ang noo ko. Si Precious! Kinuha ko ang phone niya. marami siyang pictures nito. Ganitong-ganito si Axel sa akin noon e. may album sa gallery niya na SHANIKACHIX ang pangalan.
"Muntik ko nan gang iuwi kung hindi pa dumarating si Sophie e. Friend rin pala niya." yung pagkukwento niya kinikilig talaga. "Tingin mo gurl? Straight siya? Feeling ko hindi e. kakaibiganin ko si Sophie para mapalapit ako sa kanya."
Binalik ko ang phone niya. "Kung ako sayo huwag mong gagawin yan."
"Ahy grabe siya. May pagbabawal agad. Wala namang masama diba? Try ko lang baka hindi siya straight. Angtagal kong nakaget-over sayo no. chance ko na to."
"Dahil fiancé ko siya." walang kagatol-gatol na sagot ko. Ewan ko ba bakit lumabas sa bibig ko yan. "I mean, in four years pa naman. Her father talked to me. So technically fiancé ko siya."
Muntik na niyang maibuga ang kape. "Talaga? s**t! Ano kayo? Perfect match?."Sunod-sunod niyang sabi habang nagpupunas ng labi. "s**t naman Shanika. Teka alam niya?"
Umiling ako. "2018 pa yun. Pero try mo baka sakaling maging kayo."
"Huwag na no. Shanika na yan e. Impossibleng hindi siya mainlove sayo kapag nalaman niyang magiging Mrs. Silverio na siya."
"Crazy." Sumimsim na lang ako ng kape. "Alam mo kung ano pa ang crazy thing? Kaibigan niya ang karibal ko."
"Teka. Fiance mo siya pero may karibal-karibal pa? Kwento mo nga. Nang maliwanagan ako."
So kinwento ko ang isa sa mga katangahang nagawa ko sa tanang buhay ko. Atleast sa naalala ko. Napa-wow na nga siya e. pati kung paanong naging fiancé ko si Precious.
"s**t talaga? Hayan na yung happiness gurl, dinadala na sayo ng tadhana."
"Tadhana. Joke lang yan."
"Ahy bitter!" sumubo ulit siya ng cake. "Heto gurl ha? Diba sabi mo 2018 pa kayo dapat magkikita? E anong taon pa lang? mag-2016 pa lang gurl. Hinihila na kayo ng destiny sa isa't-isa."
"Anghilig mong maniwala sa destiny. Korni mo."
"Siguro hindi ka pa naiinlove kaya hindi na naniniwala sa destiny. Dali ano ang mga zodiac signs niyo?"
Eversince ito lagi ang pinupunto niya. Destiny adik kasi si Axel. Lahat ng nakikilala ng tao ay itinadhana na. baka sa past life niya e manghuhula siya kaya adik na adik sa destiny at mga zodiac signs.
"Let me ask you something."
"Ahy ayoko kapag napapa-english ka na. seryoso na yan."natatawa niyang sabi bago inubos ang kape. "Game. Tanong na."
"Destiny din ba ang dapat sisihin kung yung dalawang taong nagmamahal ay maghihiwalay dahil wala na silang laban sa cruel world ng lipunan?"
Napataas ang kanang kilay niya. "Ahy ganun? Hugot destiny pala to. Hindi mo ako nainform."
"Sagot na..." paghamon ko sa kanya.
"May tinatawag tayong factors of failure." Pagsisimula niya. Nagpapauso na naman to e. "Itinadhana silang magkakilala. Magmahalan pero magulo ang mundo Shan. Maraming hadalang sa tunay na kaligayan. So malamang napagod na yung sinasabi mong nagmamahalan na lumaban kaya mas pinili nilang maghiwalay para mas matiwasay ang buhay nila."
"So that makes destiny a small factor lang sa buhay ng tao. Right? Happiness is still a choice. Choice mong maging masaya, choice mong maging mesirable ang buhay mo. Choice mong i-give ang taong mahal mo dahil dinala ka ng destiny mo sa mundong hindi tanggap ang pagkatao mo."
"Kaya kita na-crush e. Lalim gurl! Abot deep ng ocean. Bagay talaga kayo ni Ocean gurl. I-deep mo ha?" and she flashes her green minded smile. Gago to!
Binato ko siya ng tissue. Sapol sa noo. "Bastos mo. Gusto mo lang siyang ikama. Uunahan mo pa pala ako kung sakaling naiuwi mo siya. Umayos ka Axel."
"Wow! Territorial bigla si ate gurl. Haha! Kikilalanin ko lang." tinaas niya ang kanang kamay niya. "Promise gurl! No touch." Natutop niya ang bibig niya. "OH my God!"
Napalingon ako sa direksyon na nilingon niya.
"Destiny is pulling you together talaga!"
Si Precious. Kasama niya si Sophie. Nakabag-pack siya. Mukha siyang estudyante tuloy. Kulay pula ang buhok niya.
"Tawagin ko kaya si Sophie?"
"Don't you dare. Iiwan kita talaga dito."
"Okay lang. Up close ang personal naman kami ni Precious kung sakaling iwan mo ako. Gurl, angcute pa rin niya kahit nakatsinelas lang oh. Parang ikaw lang din. Cute pair talaga."
Naisuklay ko ang mga daliri ko sa buhok ko. Nababaliw na yata tong si Axel e.
"s**t! Sabay pa talaga kayong nagbrush ng buhok gurl. Destiny na talaga to."
Hay! Ewan ko sa kanya. Inenjoy ko na lang tong kape at cake!
"Favorite ng crew yang time after time no? Naka-repeat once pa e."komento ko. "iba't-ibang version pa."
"Rereklamo ka e maganda naman ah. Maganda namanah. Teka dada-moves ako sa fiancé mo saglit."
--
PREY's POV
"Ganito pala ma-bored ang mga mayayaman no? Nagsusundo ng friend. Nagyayaya ng kape." Sophie smiled after putting her bag at the back seat. "Sayang busy si Rica. Nagpepentensya sa buwan ng Disyembre."
"May problema ba siya? Sana isinama na natin."
"Mas maigi na hayaan na muna natin siya. Isinusumpa niya ang buwan ng Demember e."
"Bakit?"
"Angdaming tanong. Parang bata. Siya na lang pagkwentuhin mo. Magmumukha naman akong tsismosa kung sa akin manggagaling diba?"
Wala na kasi akong magawa sa bahay. Mamayang hapon pa ako pupunta sa gasoline station for inventory. By lunch ko na icheck yung spa sakto dun na ako maglunch kasama ng mga employees.
"May café dun malapit sa Persona. Dun na lang tayo. May call time ako ng 10:00 e."
"Sige. Same way din yung spa dun e."
--
"Pansin ko lang no? Mapagkakamalan kang estudyante sa mga get up mo." Komento ni Sophie nang papasok na kami sa Charmed Cage. "Baka pag nagcommute ka may discount ka pa e."
"Bihira akong magcommute e. Takot kasi ako."
"Weh? Saan ka naman takot?"
"Sa masasamang loob. Nung mga bata pa kasi kami ni Jasmine muntik na kaming makidnap."
"Rich Kids problems."
Pinaghanap ko siya ng mauupuan namin. Ako ang pipila. Napangiti ako sa isip ko nang marinig ko ang kanta. Time after Time. Naalala ko ulit siya. Si Angel Clareth. First girl crush ko siya. Ang-angelic kasi ng mukha niya. Mabait pa. Magaling din sa academics. Mahilig siya sa dagat. Gusto niyang maging seafarer para makapaglakbay daw sa dagat ng libre. Favorite niyang kantahin yan.
Kinuha ko na ang tray at sukli ko. f**k! Nabitawan ko yung tray nang paglingon ko ay nabangga ko yung kasunod kong costumer.
"Sorry...sorry.." Hingi namin pareho ng tawad. Gosh! Yung phone ko! Pinatong ko lang kasi sa tray.
"Stop. Mabubog ka."Saway ko sa kanya. Dadamputin kasi sana niya yung phone ko.
Tumigil naman siya. Gosh! Nakakahiya! Nagkalat ang bubog! Parang ayoko ring gumalaw sa kinatatayuan ko. Manipis ang slippers na suot ko baka makaapak ako.
"Axel! Ano sa tingin mo ang ginawa mo?!"
That familiar nagger voice!
"Ano hindi ko sinasadya." Sagot nitong Axel. "Sorry sorry."
Mabilis naman na kumilos yung crew para walisin yung mga bubog. Yung phone ko! Nabaklas! God! Nagkalat yung parte.
"Hey don't move. May bubog pa." ma-otoridad na sabi nitong higante sa harapan ko. Para siyang boss na itinuturo sa crew yung mga wawalisan niyang bahagi ng sahig. "Dun pa sa silong nung table."
"Okay na? pwede nang kumilos?" naiinis kong tanong. "pagsabihan mo nga yang chix mo. Paharang-harang sa daan e."
"Hindi ko siya chix! Ikaw din huwag kang clumpsy."
Itong babaeng to hindi yata alam ang size ng damit na kasya sa kanya. Tumataas-taas yung blouse niya. mababa pati ang neckline. Yung lalaki tuloy halos lumuwa ang mga mata. Mga lalaki talaga.
Bilang paghingi daw ng tawad nitong Axel ililibre na lang daw niya kami ni Sophie. No choice! Kaharap ko tong higanteng to. . Inuusig ko siya ng tingin ngayon. Angkapal ng mukha, may chix din pala bukod kay Chloe.
"Mahirap ba maging seafarer?"
"huh? Hindi pa ako sumasampa. Busy ako sa business ng pamilya."
"Talaga? E saan kuha yung mga pictures mong nagtrending?"
"OJT something"Sagot ko lang.
"Wala kang balak sumampa? Like Shanika. Yung pinag-aralan niya ginagamit niya. How about you?"
"Ewan. 2018 siguro. Why are you so interested?" nakakairita yung angdami niyang tanong kasi. Kulang na lang pagsagutin ako ng slambook ngayon.
"Just asking. Prangka ka pala. May kilala akong bagay sayo. As in! Compatible na compatible!"
"Excuse me."tumayo si Shanika. "Axel, kailangan ko nang umalis. Kinukulit na ako ni ate Mauren."
Narinig ko lang ang pangalan ni Mauren, parang kinabahan na naman ako. Oo nga pala. Kapatid niya si Mauren. Ang babaeng nagpaasa sa akin nang bigtime!
"Agad? Daya mo naman. Text ko na lang si ate Mauren. Sige na. Sabihin ko kasama kita. Hindi yon magagalit."
Pero hindi naman siya nagpapigil. Mabuti din naman!
--
"Matagal na kayong friends ni Shanika?" usisa ni Sophie.
Axel nodded. "Same airlines kami dati. Stewardess ako. Kaso gusto ko magmodel kaya nag-audition ako sa Persona."
"Maganda na sa airlines ha? Bakit mas gusto mo magmodel?"dagdag pa ni Sophie.
"Gusto ko lang. Nakakastress din sa airlines. Saka lagi ko makikita si Shanika dun. Mahihirapan akong magmove on."tatawa-tawa niyang paliwanag. "Masyado kasi siyang maganda marami ang nabebend na stewardess dun. Marami na nga ang nagpalipat e."
"Weh? Ganun?" natawa din sagot ni Sophie. "Parang hindi naman."
"Uy kapag lagi mo siyang makikita hindi mo mamamalayan na bended ka na. Marami sila sa Airlines na ganyan ang epekto. Isa pa si Pilot Silv. Super ganda niya talaga."
"Segun Silv Salazar?" paninigurado ko.
"Yes! The ever gorgeous Segun Silv Salazar! Kahit may anak na sp gorgeous pa rin." Ngingiti-ngiting pagdedescribe niya. She really has something for ladies. "Ay grabe naguguluhan ako sa sarili ko kapag silang dalawa ni Shanika ang piloto e."
"Crush mo sila no?" pang-aasar ni Sophie. "Dapat hindi ka na umalis dun. Nawalan ka tuloy ng pag-asa sa crushes mo."
"Ahy kay Shanika? E ano yun prangka masyado. Binasted kaya ako nun."tapos tumawa siya. "Uy halos maghubad ako sa harapan ng babaitang yon ah. Alam mong ginawa? Binalutan ako ng kumot gurl! Huwag ko daw ibaba ang sarili ko. Kaya mas nagustuhan ko e."
"tama naman siya." sagot ko. "Kaso mukhang hindi naman halata. Sa pananamit niya halos lumuwa na mata nung lalaki dun oh."
Nilingon naman iyon ni Axel.
"Sexyback si Shan no? Ang curves pangmodel kaso ayaw niya magrampa-rampa. Hay sayang engaged na siya."
Pareho kaming napamaang ni Sophie.
"Engaged na siya?!" so Sophie yan. "E bakit pa niya nilagawan yung kaibigan ko. Grabe machix pala talaga siya."
"Uy hindi din niya alam na ganun. Alam niyo yung ano... yung may kontrata..."
"Arranged marriage." Sagot ko.
"Yun. Ganun! Basta don't judge Shanika guys. Mabuti siyang tao madalas lang wala sa sarili. She'll make a perfect partner."tapos tumingin siya sa akin. "As in. Prinsesa ang magiging asawa niya."
Problema nito. Bakit makahulugan ang tingin sa akin.
--
Kinagabihan, naratnan ko si Daddy sa sala. Nagkakape sila ni Mommy. Hinihintay lang ako ng mga ito e.
"Hindi pa kayo nagdidinner no?"
"HInihintay ka nga naming. Labas tayo nak. Huwag ka nang magbihis."sabi ni daddy.
"Itsura ko naman daw. Saka baho ko na oh."
"Okay na yan."lumapit na sa akin si Mommy. "Tara na ang ipagdrive mo kami ng daddy mo."
Ano pa ba ang magagawa ko? Nagrequest ang hari at reyna. Sa pinakamalapit na MCDO kami pumunta. Habang kumakain kami napapatingin si Daddy sa isang pamilya na maraming anak.
"Uy daddy, kumain ka na."
"Nak, kung may kapatid ka sa labas magagalit ka ba?"
Napataas ang kilay ko. "Oo." Sagot ko kaagad. "Daddy ha. Huwag mo akong bibiruin nang ganyan. Sa harap pa talaga ni mommy?"
Natawa si mommy. "See? Sabi sayo magagalit ang baby natin. Huwag na tayong mag-ampon."
"Mag-ampon?! Dad naman. Sana noon ka pa nag-ampon. De mamumukhang anak ko yung baby."reklamo ko na.
"E kung mag-asawa ka na anak?" si daddy ulit yan.
"Daddy naman e."
Tapos tatawa siya. Nakakainis din siya e. Maya-maya may lumapit sa aming lalaki. Nakipagkamay kay daddy. Oh s**t! Alam ko na tong ganito e. Nagkatinginan kami ni mommy. Nag-mouth siya ng sorry. Fine. Nandito na to e. Wala nang magagawa dito.
--
Nang pauwi ay si daddy na ang nagdrive. He knows bad trip ako kaya wala nang kibuan nang pumasok ako sa back seat.
"How do you find Doc Bernie?"
"Mayabang. Dad last na yon ha? Please. Hayaan mo naman akong pumili ng mamahalin ko."
"Pasensya ka na ha? Yung kumpare ko kasi mapilit na ipakilala kita sa anak niya. Pero nak wala ka namang dine-date. Paano ka makakahanap ng mapapangasawa?"
"Ewan. Basta huwag niyo lang akong pangunahan. Darating din yon. Bigyan mo ako ng two years. Kapag wala, ikaw na maghanap ng mapapangasawa ko." Tumingin na lang ako sa labas. "Siguraduhin mo lang dad na mabait yan. Yung mamahalin niya kayo ni mommy. Okay na ako dun."
"Babae o lalaki?"
"Ikaw bahala."
Hindi na ako umimik buong byahe. Pagdating din sa bahay deretso na ako sa kwarto. Kinwento ko kay Nikee ang pakana ni daddy kanina. Tumawa lang siya. Bueset yon.
(Bruh bago ka magpakasal, syotain mo muna si Shanika para makalapit ka kay Mauren.)
>>>ang sabihin mo gusto mong mapalayo si Shanika kay Chloe kaya gusto mong syotain ko.
(haha! Isa na rin yon! Hoy seryoso tayo bruh, wala kang nagustuhan sa mga pina-date sayo?)
>>>Wala. Wala sila sa standards na gusto ko.
(Piloto ba yan bruh? Sexy? Morena. pero paasa?)
>>>Tangina! Gago kausap! Bye!
Binabaan ko na nga siya. Humiga ako. Tapos dumapa. Hay! Hindi pa ba ako naka-get over kay Mauren? Bakit may isang Silverio ulit na nainvolve sa aming magkakaibigan? Destiny? Fvck with destiny.
Kumusta kaya si Angel. Hinanap ko yung picture niya sa treasure box ko. Ito lang ang tanging picture na naiwan sa akin e. Kahit anong subok kong hanapin ang pangalan niya sa f*******: walang lumalabas. Kung meron man, galing ibang lahi.
Angel Clareth Mendoza. Saan ka na ba ngayon?